Posts

Showing posts from May, 2014

CALIFORNIA MAKI ala EJ

Image
So Doc EJ ay ka-officemate ng asawa kong si Jolly.   Kumare din namin siya dahil pareho namin siyang nag-anak sa binyag sa anak ng isa pa nilang ka-officemate na si Doc Kaye. One time, nakita ko na nag-post siya ng pict sa FB na gumagawa ng California Maki.   At dahil paborito ko ito, nagbiro ako sa kanya na gusto ko rin kako niyan (maki).   At sumagot din naman siya na kapag gumawa daw siya ulit nito ay padadalhan niya ako. At ganun nga ang nangyari, ang pict sa itaas ang ipinadala niya.   Masarap ha.   At mas lalo pang tumingkad ang lasa dahil sa Japanese mayo na inilagay niya sa ibabaw.   Ang bloopers pala na nangyari...hehehehe.  May nakalagay na lettuce sa gitna nitong mga maki na ito.   Ang ginawa ko una ko itong kinain not knowing na dun pala naka-lagay yung wasabi.   Hahahaha....sabay luwa ko ito at sabay mumog ng tubig.  hehehehe. The last time na gumawa ako nitong California Maki ay Noche Buena pa ng 2012.   Ang taga na no?   Hehehehe.   Ang picture sa taas ang aki

SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL

Image
Sa fish section ng SM Supermarket sa Makati, may ibinebenta doon na mga ulo ng isda sa mura lang na halaga.  May tuna, salmon, tanigue, lapu-lapu at iba pa.   Yun lang pipili ka talaga nung maganda at medyo malaman pa.   Masarap na gawin itong fish stocks para sa iba pa nating lutuin o soup.   Kung malaman naman ang makuha mo masarap ito isigang. At yun nga ang  ginawa ko.   Kaso iniisip ko kung kakasya ba sa amin ang nabili ko.   Kaya ang ginawa ko hinaluan ko pa ito ng squid roll na available din sa supermarket na yun.   At ayos naman ang kinalabasan.   Masarap na sabaw at may makakain ka pang squid rolls.   Yummy!!!! SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL Mga Sangkap: 1 kilo Ulo ng Lapulapu (...piliin yung may laman....cut into serving pieces) 10 pcs. Squid Roll 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion (Sliced) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 2 pcs. Tomatoes (sliced) Kangkong Sitaw Okra Labanos 1 sachet Sinigang Mix Salt or patis to taste 2 tbsp. Cooking

FRUITY GELATIN

Image
After nung attempt kong gumawa ng panna cotta (instant) na hindi naging ganun ka-succesful, naisipan kong gumawa ulit nito para dessert ng aking mga anak.   Naghahanap kasi lagi sila ng dessert after kumain.   At komo bakasyon pa rin sila ngayon matatakaw talaga silang kumain.   Hehehehe. Madali lang gawin ang dessert na ito. FRUITY GELATIN Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (White) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 (370ml can) Alaska Evap (Red label) 1 can Fruit Cocktail Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-drain ang fruit cocktail at itabi ang sabaw o syrup nito. 2.   Lagyan ng fruit cocktail ang mga hulmahan na gagamitin. 3.   Sa isang kaserola, painitin ang sabaw ng fruit cocktail, asukal at evaporated milk.   Huwag hayaang kumulo. 4.   Ilagay na ang tinunaw na gelatin powder at all purpose cream.   Haluing mabuti. 5.   Tikman at i-adjust ang tamis. 6.    Isalin sa mga hulmahan o llanera na nilagyan ng fruit cocktail. 7.   Palamigin Ihain na medyo mal

GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY

Image
Isa sa mga paborito kong gulay na ulam ay itong Ginataang Sitaw at Kalabasa.   Kaya naman basta may pagkakataon at pritong isda ang aming ulam, ito ang itineterno ko.   Gustong-gusto ko kasi yung creaminess ng gata na humahalo sa madurog na laman ng kalabasa.   Yummy!   Papaano naman kung sasahugan mo pa ng chicharong baboy na may laman ang gulay na ito?  Wow!  Extra rice please.   hehehehe Nitong kasing huling uwi ko ng Bulacan, bumuli ako ng 2 pack nitong chicharong baboy na may laman.   Kaya naman tamang-tama kako ito sa ginataang gulay na lulutuin ko.   At yun na nga, naging mas extra espesyal ang aking nilutong ginataang sitaw at kalabasa. GINATAANG SITAW at KALABASA na may CHICHARONG BABOY Mga Sangkap: 500 grams Kalabasa (cut into cubes) 1 tali Sitaw (cut into 1 inch long) 100 grams Chicharong Baboy (yung may laman...cut into cubes) 2 cups Kakang Gata 1 tbsp. Bagoong Alamang 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion  (sliced) 1 thumb size Ginger (cut into strips) Sal

FRIED CHICKEN ala MAX

Image
Nang makita ko itong spring chicken nitong nakaraan naming pag-go-grocery sa SM Supermarket sa Makati, isa lang ang pumasok sa isip ko na gawing luto dito.   Fried chicken Max style.  Yes.   Yung fried chicken na hindi balot ng mga breadings at kung ano-anong flavoring.   Lilinawin ko lang na hindi ito ang authentic na recipe ng fried chicken ng Max.   Ang pagka-alam ko wala pa ding nakaka-alam ng exact na recipe nito.  Ang recipe na ito ay base ko lang sa lasa na aking nalalasahan kapag kinakain ko ito.  Ofcourse medyo malapit-lapit lang ang nagagawa ko sa lasa.   Pero the best pa rin ito lalo na kung isasawsaw mo sa Jufran na catsup.  Para ka na din kumain sa Max resto.   Hehehehe FRIED CHICKEN ala MAX Mga Sangkap: 2 Whole Spring Chicken (cut into half) 1 sachet Sinigang Mix Powder 1 thumb size Ginger (sliced) 1 large Onion (sliced) Freshly Ground Black Pepper Rock Salt Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Kisikisan ng asin ang lahat ng side ng manok.  

SCOTCH EGG ala DENNIS

Image
Ang Scotch Egg ay isang dish na nag-origin sa London, England taong 1738.   Ito ay gawa sa nilagang itlog na binalutan ng sausage meat o sa atin giniling na baboy at iba pang sangkap.    Niluluto ito sa oven at yung iba naman ay piniprito ng lubog sa mantika.   Masarap itong snacks o baon sa mga picnic at maging pang-ulam man. Sa version kong ito ng Scotch Egg, beef burger patties ang aking ginamit na pambalot sa nilagang itlog.   May nabasa kasi akong recipe na yun nga ang ginamit.   Ang mainam sa burger patties timplado na ito na hindi na kailangan pang timplahan ng kung ano-ano para magawa.   Ipambabalot lang ito sa itlog at saka igugulong sa harina, binating itlog at breadcrumbs ay okay na.   Kayo na an bahala kung anong sauce ang isasama nyo dito.  Para sa akin sweet chili sauce ay ok na.   Try nyo din po. SCOTCH EGG ala DENNIS Mga Sangkap: 10 pcs. Hard boiled Eggs 20 pcs. Beef Burger Patties 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 2 cups Flour 2 cups Japanese Breadcrumbs Cookin

LECHON MACAU ver. 2

Image
Ito ang version 2 ng masarap na Lechon Macau na niluto ko.   In my first version, hiniwa ko na ang liempo ng mga 1/2 inch....pinakuluan sa mga spices at saka ko ni-roast sa turbo broiler.   Nakopya ko din lang ito sa isa pang food blog.   Nakatikim na din ako nito sa isang food stall sa may Glorietta 4 food court sa Makati. In this second version hindi ko na ito pinakuluan sa spices kundi minarinae ko na lang ng overnight at diretsong ni-roast sa turbo broiler.   Masarap din ang kinalabasan.   Crispy ang skin at malasa talaga ang laman nito.   Try nyo din po. LECHON MACAU ver. 2 Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly o Liempo (yung manipis lang ang taba) 1 tbsp. Garlic Powder 1 tbsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Ground Black pepper 1 tbsp. Rock Salt 2 tbsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwaan ang pork belly sa parte ng laman papunta sa balat.  Huwag isasagad sa balat ha.   Mga 1/2 inch ang kapal. 2.  Sa isang bowl paghaluin ang asin, paminta, garlic powder at 5 spice pow

PORK NUGGETS ala DENNIS

Image
Marami sa mga dish na pino-post ko sa blog kong ito ay mga dish na nakopya ko din sa mga food blog na lagi kong binibisita.   Ofcourse nilalagyan ko din ng twist para naman mas ma-improve pa ito. Kagaya nitong dish natin for today.   Nagaya ko ito sa paborito kong food blog ang www.casaveneracion.com.   May special sauce din siya na ginawa dun pero ako sweet chili sauce lang ang inilagay ko. May natikman na din akong ganito sa isang Chinese restaurant.  Yun lang mas maliliit ang cut noon at hindi ko lang ma-recall yung sauce na ginamit. Nuggets din ang itinawag ko dito komo para naman siya talagang nuggets pag naluto na.   Masarap ito at panigurado kong magugustuhan din ito ng inyong mga anak at mahal sa buhay.   Try nyo din po. PORK NUGGETS ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang taba at walang buto.) 1 pc. Onion (sliced) 1 tsp. 5 Spice Powder 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste For the breadings: 1 cup All Purpose flour

SHRIMP in CHILI-GARLIC-LEMON SAUCE

Image
Walang fix na day off sa work ang aking asawang si Jolly.   Kaya naman basta off siya at nasa bahay lang, pinipilit kong makapagluto ng ulam na gusto niya.   Ofcourse you kasya lang sa budget.   hehehehe Nitong nakaraang off niya tinanong ko siya kung anong ulam for dinner ang gusto niya.   Ang sabi niya isda daw na sinigang.   Kaya naman pagkagaling sa work ay dumaan muna ako ng Farmers market sa Cubao para bumili ng lulutuin nga for dinner. Kaso, wala akong nagustuhang isda na pang-sigang at sa halip nakita ko itong medyo may kalakihang hipon.   Naisip ko agad na masarap itong iluto na may chili garlic sauce at lemon.   Yung para bang nakakain natin sa paluto sa Dampa. At ito nga ang kinalabasan ng aking nilutong hipon na sauce pa lang ay ulam na ulam na.   Try nyo din po. SHRIMP in CHILI-GARLIC-LEMON SAUCE   Mga Sangkap: 1 kilo large size Shrimp 1 pc. Lemon 1 tsp. Chili Garlic Sauce (depende kung gaano ka spicy ang gusto nyo) 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sli

LONGA PENNE PASTA

Image
Nitong nakaraang Mother's Day, ipinaghanda ko ng espesyal at simpleng breakfast ang ina ng aking mga anak at asawa na si Jolly.   French Toast, Longa Penne Pasta, Chicken Potato Salad at mainit na kapeng barako ang inihanda ko sa kanya.   Nakakatuwa naman at nagustuhan niya. :) Sa pasta dish na ito na niluto, importante yung quality ng longanisa na gagamitin.   Siguro safe na na sabihin na yung natikman nyo na at nagustuhan nyo ang lasa ang gamitin nyo.   Otherwise, disaster ang kakalabasan ng inyo pasta dish. Sa recipe kong ito, yung smokey type ang aking ginamit na medyo matamis ng bahagya.   LONGA PENNE PASTA Mga Sangkap: 1/2 kilo Penne Pasta (cooked according to package directions) 1/2 kilo Smokey Longanisa (remove the meat from the casing) 1 tetra brick All Purpose Cream 2 cups Cheese (grated) 1 large Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1/2 cup Melted Butter 1 tsp. Dried Basil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang pasta accordin

TURBO BROILED PORK BELLY

Image
Kapag weekend pinipilit ko talaga na makapagluto ng masarap na ulam para sa aking pamilya.  Kahit simple lang o pangkaraniwang ulam tinitiyak kong masarap ito at magugustuhan ng aking pamilya. Kaya naman nitong nakaraang weekend nagluto ako ng inihaw na liempo...turbo broiled pala kasi nga di pwedeng mag-ihaw sa bahay namin sa condo...hehehehe.   Komo espesyal nga ang ibihaw na ito, sa halip na calamansi katas ng lemon ang aking ginamit dito.   Alam ko paborito naming lahat itong inihaw na liempo samahan mo pa ng pahutan na mangga sa kamatis, sibuyas at bagoong.   Panalo panigurado ang magiging kain nyo.   hehehehe TURBO BROILED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Liempo (about 1/2 inch thick) 1 pc. Lemon 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Garlic powder or 1 head minced Garlic 1 tsp. Freshly ground Black Pepper 1 tbsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang pork belly o liempo sa lahat ng sangkap na aking bin

PORK & SHRIMP SIOMAI

Image
Paborito ko ang pork and Shrimp siomai o siu mai.   Kapag nagugutom nga ako at may nadadaanan akong food stall na nagtitinda ng siomai bumibili talaga ako para mapawi ang cravings ko.   Ang sarap kasi lalo na pag maraming chili-garlic sauce na kasama.   hehehehe. Nitong nakaraang weekends, naisipan kong gumawa nito para pang-ulam namin.   Yes.  Pwede din naman itong pang-ulam.   Ang ginawa ko nga dito yung iba niluto ko na may sabaw at yung iba ay steam lang.   Masarap.   Iba talaga yung lutong bahay. PORK & SHRIMP SIOMAI Mga Sangkap: 1 kilo Pork Giniling (1/4 taba...3/4 laman) 1/2 kilo Hipon (alisin ang ulo at balat at saka hiwain ng maliliit) 2 cups Singkamas (hiwain ng maliliit) 2 pcs. White Onion (finely chopped) 1 tbsp. Sesame Oil 1 cup Cornstarch or flour 1/2 cup Soy Sauce 3 pcs. Fresh Eggs Wonton Wrapper Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban lamang sa wonton  wrapper.   Hayaan muna ng

BEEF in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas kumain ng karne ng baka sa bahay.   Bukod kasi sa may kamahalan ito, medyo may katagalan din ang pagluluto o pagpapalambot nito.  Sa taas ba naman ng kuryente at presyo ng cooking gas ay iiwasan mo talaga na magluto ng ganitong putahe.   Pero syempre kung paminsan-minsan naman ay okay lang.   Hehehehe. Dapat sana beef na may broccolli ang lutong gagawin ko sa beef na ito.  Kaso nang dumaan ako ng palengke ay wala akong nabiling broccolli.   Isip ako ng mabilis at nang makita ko itong chicharo na ito ay naisip kong iluto ito in oyster sauce.   Pareho din lang ang luto naiba lang ang gulay na naka-lahok.   Masarap siya at nagustuhan talaga ng aking mga anak.  Naubusan nga ako eh....hehehehe. BEEF in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (whole slabs) 1/2 cup Oyster Sauce 150 grams Chicharo 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 tsp. Brown sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch 3 tbsp. Cooking Oil 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sli

CHEESY MAJA MAIS

Image
First time kong gumawa nitong Maja Mais.   Sa aking Tiya Ineng ko ito nakitang ginagawa kaya sabi ko gagawa din ako nito para sa blog kong ito.  Also, lagi kasing naghahanap ng dessert ang aking mga anak kaya naisipan kong gumawa nito. Yung ibang maja mais toasted coconut ang nilalagay sa ibabaw.   Yung iba naman ay latik.  Pero itong version na ito nga na nagaya ko sa aking Tiya ay grated cheese ang aking inilagay.   Masarap ito kasi naghahalo yung tamis at yung alat at pagka-creamy ng cheese. Try nyo din po.   Madali lang gawin. CHEESY MAJA MAIS Mga Sangkap: 2 cups Cornstarch 1 can (370ml) Alaska Evap Full Cream 1 can (370ml) Coconut Cream 1 can (370ml) Whole Kernel Corn 2 cups Grated Cheese Sugar to taste Star Margarine Paraan ng pagluluto: 1.   I-ready muna ang mga hulmahan o llanera na may star margarine. (5 microwaveable dish) 2.   Sa isang kaserola pakuluan ang Alaska evap, coconut cream at whole kernel corn kasama yung sabaw. 3.   Lagyan na din ng nais

MOTHER'S DAY OUT 2014

Image
Yesterday, ipinagdiwang nating lahat ang Araw ng mga Ina o Mother's Day.   Kami kahit sa isang simpleng selebrasyon ay ipinagdiwang din namin ito ng aming pamilya.   Ala singko pa lang ng umaga ay maaga na akong gumising para bumili ng bulaklak para sa ina ng aking mga anak.   Ang asawa kong si Jolly. Every year hindi ko nakakalimutan na ibili siya ng bulaklak para sa ganitong okasyon.   Wala man akong gift na maibigay, yung bulaklak at kaunting pagkain na aking niluto ay okay na din para sa kanya. Longa Penne pasta, chicken potato salad at french toast ang inihanda kong almusal.   Salamat naman at nagustuhan niya ang aking niluto. After ng almusal ay naghanda naman kami para mag-simba at magpasalamat sa dakilang araw na yun.   Sa Greenbelt sa Makati kami nagsimba.  Yun lang medyo na-late na kami ng bahagya kaya nakatayo na kami sa kabuuan ng misa. After naming mag-simba, hanap naman kami ng resto na pwede naming kainan.   At dahil mother's day nga, nahirapan kami

HAPPY MOTHER'S DAY sa LAHAT ng mga INA

Image

TUNA STEAK ALA POBRE

Image
Tuwing Biyernes, parang nakagawian na rin namin na hindi kumain ng karne at isda ang iulam kahit na hindi Mahal na Araw.   Tayo din naman siguro ano?   Madalas nga pritong isda na may kasamang ginisang munggo ang ulam natin.   Tamang-tama naman at nitong isang araw ay nakakita ako ng sariwang isdang tuna sa palengke.   Unang kita ko pa lang ay alam ko na kung anong luto ang gagawin ko dito.   Lalagyan ko siya ng sauce na parang bistek ang luto at lalagyan ko din ng maraming toasted na bawang para mag-ala pobre naman. Ang laki talaga ng naidudulot nitong toasted garlic at pritong onion rings sa mga lutuin at sa presentation na din ng pagkain.   Hindi lang siya masarap sa lasa kundi masarap din sa mata.   Mga bagay na kailangang-kailangan talaga kahit na lutong bahay ang ating ginagawa.   Tama po ba?   :) TUNA STEAK ALA POBRE Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Tuna (sliced about 1/2 inch thick) 10 pcs. Calamansi 3/4 cups Soy Sauce 2 pcs. White Onion (cut into rings) 2 heads Mince

CARAMEL PANNA COTTA

Image
Ang Panna Cotta ay isang Italian dessert na gawa sa pinaghalong gatas, cream, asukal at gelatin powder.   Niluluto ito ng bahagya at saka pinapalamig sa isang molde.   Nasa sa atin na kung anong flavor ang gusto natin idagdag.   Pwedeng fresh fruits o kung ano man ang gusto natin ilagay. First time ko lang gumawa nito gamit ang panna cotta mix na bigay sa akin ng ka-officemate kong si Angelo.   Sa Italy ata nag-wo-work ang mommy niya at pinadalhan siya ng marami nito. Komo first time, may sablay din na nangyari sa dessert na ito.   Una, sa isang baking pan ko ito inilagay kaya nahirapan akong alisin ito dito.  Kaya ang nangyari kinain na lang namin ito sa baking pan.  Hehehehe.   Pangalawa, komo wala namang nakalagay na instruction sa packaging nung powdered mix sinunod ko lang yung instruction ng nag-bigay sa gagamitin sa gatas at cream.   Ang kinalabasan parang nasobrahan ang gatas at cream.   hehehehe Pero wag ka, ang sarap ng panna cotta na ito.   Babalik-balikan mo

PORKCHOPS HAMONADO

Image
 Marami-rami na ding recipes ang nai-post ko sa food blog kong ito.   Kaya naman nape-pressure din ako kung ano pa ang pwede kong i-share o i-post.   Mapapansin nyo siguro, maraming recipes dito ay yung tradisyunal at hinahaluan ko ng twist o dagdag pang sangkap para lalo pa itong mapasarap. Kagaya nitong porkchops na ito na hinamonado ko.   Ang ginawa ko, nilagyan ko pa ito ng toasted garlic at onion rings sa ibabaw.   Bukod sa napasarap nito ang kabuuan ng dish naging katakamtakam din ito sa ating paningin.   Di ba ang sarap tingnan?   Picture pa lang ay ulam na ulam na.   Hehehehe PORKCHOPS HAMONADO Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops 2 cups Pineapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 2 pcs. large White Onion (cut into rings) 1 head Minced Garlic 1 cup Brown Sugar 1/3 cup Cooking Oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang onion rings ng ilang sandali.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.   I-prito naman a

CHICKEN LOMI GUISADO

Image
Bukod sa glutinous rice flour na nabili ko sa San Jose Batangas nitong huling uwi namin, bumili din ako ng noodles na ginagamit nila sa kanilang masarap na Lomi.   Masarap kasi ito at wala nung parang mapait na after taste kagaya nung mga nabibiling miki dito sa Manila.   Tuwing umuuwi nga kami ng Batangas ay hindi pwedeng hindi kami dadaan ng palengke para kumain ng lomi.   Hehehehehe. CHICKEN LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Lomi Noodles 1/2 kilo Chicken (cut into small pieces) 250 grams Kikiam (sliced) 100 grams Baguio Beans (sliced) 1 pc. Sayote (cut into strips) 100 grams Repolyo (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, i-prito ang hiniwang kikiam hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan. 2.  Sa parehong kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 3.   Isunod na agad ang hiniwang manok at timplahan ng asin at paminta.   Ha

UBE BUCHI

Image
Nitong huling uwi namin ng Batangas, napabili ako ng 1/2 kilo nitong glutinous rice flour sa palengke ng San Jose.  Remember yung pinindot na niluto ko din?   Ang nasa isip ko nung bumili ako nito ay ang gumawa ng buchi.   Yes.   Yung masarap na dessert na sine-serve sa mga Chinese restaurant. This time matamis na ube ang aking ipinalaman sa aking buchi.  Hindi ko kasi alam kung ano yung sangkap na talagang inilalagay.   May natikman ako peanut butter naman.   Pero sa tingin ko itong matamis na ube ang the best alternatives. Sa totoo lang hindi ganun ka-succesful ang aking first attempt.    Lumalabas kasi yung palaman at nagpa-pop-up dun sa malagkit.   Also, di ko makuha yung tamang temperature para hindi masunog agad yung sesame seeds.   Pero kahit ano pa man ang hindi magandang kinalabasan, masasabi kong successful pa din ang aking first attempt.   Masarap kasi ito at talagang nagustuhan ng aking mga anak.   Try nyo din po. UBE BUCHI Mga Sangkap: 1/2 kilo Glutinous Ric

CRISPY CHUNKY PORK SISIG

Image
Nitong huling grocery namin sa Robinsons Supermarket sa Galeria, may nakita akong tenga ng baboy na yung sa may pinaka-puno ng tenga ang cut.    Hindi kasama masyado yung pinaka-malapad na part ng tenga.   Naisip ko agad na gumawa ng tengaling o yung chinicharon na tenga.   But the last minute nung nilalaga ko na ito ay nagbago ako ng isip at ginawa ko na lang na sisig. Yes.   Ang paborito ng mga anak ko at nang marami sa pork sisig.   Tamang-tama naman at naka-bili din ako ng atay ng manok.   Kaya ayun, ito ang naging dinner namin last Sunday. Also, tinawag ko itong Crispy Chuncky Pork Sisig, kasi, tinurbo ko muna yung pinalambot na tenga ng baboy at saka ko ito hiniwa ng maliliit.   Hindi patadtad ang ginawa dahil gusto ko nga ay yung medyo chunky ito.   The same na hiwa ang ginawa ko sa atay ng manok.   Kaya naman bundat na naman kaming lahat sa aming kain that night.   Yummy!!!! CRISPY CHUNKY PORK SISIG Mga Sangkap: 6 pcs. Tenga ng Baboy (hindi kasama yung malapad na p

TORTANG DULONG

Image
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakakita ako ng sariwang Dulong sa mag-iisda.   Naalala ko tuloy yung nakain naming sinaing na dulong sa pinsan ng aking asawa nitong nakaraang Mahal na Araw.   Nag=uwi pa nga nito ang aking asawa dahil nagustuhan niya talaga. Kaya naman naispan kong bumili nito pero hindi ko ito nai-saing dahil wala akong makitang dahon ng saging at tuyong kamyas na kalingan na pang-asim.   Sa halip, tinorta ko na lang ito.   At ito na nga ang kinalabasan. Paalala lang...huwag na nating lalagyan pa ng asin ang maliliit na isdang ito dahil likas na itong maalat.  Sa halip lagyan na lang ng dagdag na seasoning para pampalasa. TORTANG DULONG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Dulong 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup All Purpose Flour 1/2 cup Chopped Spring Onions 1 pc. White Onion (finely chopped) 1 tsp. Garlic Powder 1 tsp. Maggic Magic Sarap 1 tsp. Sesame Oil Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang bowl batihi