Posts

Showing posts from April, 2011

WHITE TUNA SPAGHETTI

Image
Nitong nakaraang Mahal na Araw, kahit papaano ay nangilin kami sa pagkain ng karne. Lalo na sa araw ng Biyernes, wala talagang meat kami na kinain. Ginagawa namin ito para kahit papaano ay makapag-alay kahit kaunting sakripisyo. Dapat sana sa araw ng Biyernes ko iluluto ang tuna pasta na ito, pero komo sumama kami sa prusisyon ay sabado ko na ito naluto. Okay din naman kasi dumalaw din sa aking biyenan ang isa pa niyang manugang na si Ate Bella at kanyang mga anak. Kaya naman, pandalas akong nagluto ng meryenda para ipakain sa kanila. Naging White Tuna Spaghetti ang tawag ko dito kasi nilahukan ko din ito ng sliced na hotdog. Para kasing bitin kung yung corned tuna lang ang aking ilalagay. Nakakatuwa naman dahil naubos at nagustuhan ng lahat ang aking niluto. WHITE TUNA SPAGHETTI Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti pasta (cooked accrding to package direction) 1 big can Corned Tuna 250 grams Purefoods Hotdog sliced 1 big can Alaska Evap (red label) 1 big can All Purpose Cream 1 large Red Bell

GINATAANG HIPON at BOK CHOY

Image
Nitong nakaraang araw nahilingan ako ng aking asawang si Jolly na magluto ng hipon para sa aming hapunan. Kahit may kamahalan ang hipon ay sinunod ko na din ang aking asawa at dumaan ako ng Farmers Market sa Cubao para bumili. Habang nasa sasakyan nagiisip ako kung anong luto naman ang gagawin ko sa hipon. Para kasing pangkaraniwan na ang sinigang. Kung lalagyan ko naman ng itlog at harina kagaya ng ginawa ko nitong nakaraang linggo masyado naman matrabaho. Kaya ang ginawa ko na lang ay nilahukan ko ito ng chinese pechay o bok choy at nilagyan ko ng kakang gata. Papaanong hindi sasarap ang hipon na ito? Bukod sa purong kakang gata ang aking inilagay ay nilahukan ko din ng sili para may konting anghang ang sauce. Ang resulta? Nakalimutan ko na naman ang diet ko sa dami ng aking nakain....Hahahaha. GINATAANG HIPON at BOK CHOY Mga Sangkap: 500 grams Medium size Shrimp (Suahe ay ok lang) 250 grams Bok Choy 3 cups Kakang Gata 1 thumb size Ginger 5 pcs. Siling pang sigang 1 large Onion slice

LYCHEES, MELON and MANGO JELLY SALAD

Image
Last week before the Holy week, nagkaroon ng overnight swimming ang mga ka-opisina sa Perez Optical ang asawa kong si Jolly. Every year ay ginagawa nila ito at pwedeng isama ang mga pamilya nila. Maliliit pa ang 3 kong anak ay napapasama na kami sa lakad nilang ito every year. Sa Pansol sa Los Banos ang overnight swimming nila. Isang private pool na may 4 or 5 ata na kwarto. Mga 65 kaming lahat kasama na ang mga kids. Ni-request na isa sa ga kasamahan ng asawa ko na magdala daw ako ng kahit anong luto ko. Oo...hehehehe...madami din akong fans sa kanila. Hehehehe Komo alam kong marami ng ulam na dala sila, minabuti kong dessert na lang ang dalhin ko bilang share ko sa pagkain. At ito nga ay ang entry natin for today. Simple lang ang dessert na ito. Ang medyo matagal lang ay ang paggawa ng mango gelatin na isinama ko. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila. Ubos at walang natira sa dinala ko. hehehehe LYCHEES, MELON and MANGO JELLY SALAD Mga Sangkap: 2 pcs. whole Melon (cut into cubes / bi

PAN-GRILLED BONELESS CHICKEN ala INASAL

Image
Sa mga kababayan kong nandito sa Pilipinas, napapansin nyo siguro ang pag-usbong ng fastfood restaurant na Mang Inasal. Katulad ng Mc Donald at Jollibee, para itong kabute na nagkalat sa halos lahat ng kanto ng Kamaynilaan. Bakit ba naman? Bukod kasi sa unli-rice nila ay talaga namang masarap ang kanilang Inasal na manok. Samahan mo pa ng sawsawan na suka, toyo, calamansi at sili, panalong-panalo tiyak ang inyong kain. Kaya naman kahit wala akong ihawan at sinubukan ko pa din na kuhanin ang recipe ng inasal na manok at aking itong iniluto nitong nakaraang araw. Masarap ang laman ng manok. Lasang-lasa ang pagka-marinade ko nito sa tanglad at calamansi. Try nyo ito ito....Yummy talaga. PAN-GRILLED BONELESS CHICKEN ala INASAL Mga Sangkap: 8 pcs. Boneles Chicken Breast Fillet 8 pcs. Calamansi 1 head Minced Garlic 1/2 cup Finely chopped Lemon Grass (White portion only) 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Anato or Achuete oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa bawan

BACON CUT PORK with CREAMY BASIL SAUCE

Image
May nabili akong bacon cut pork the last time na nag-grocery ako. Nung una ang nasa isip na luto na gusto kong gawin dito ay stir fry lang na may kasamang mix vegetables. Hindi ako nag-i-stock ng gulay sa fridge. Nasasayang kasi kung hindi naman nagagamit. Kaya ang ginagawa ko, kung kailan na lang kailangan saka ako bumibili. Nang makita ko ang bacon cut pork na ito, nawala sa loob ko na bumili ng gulay at isasahog ko pa dito. Kaya naisipan ko na lutuin ko na lang ito kung ano ang available sa cabinet at sa fridge. At yun nga, nabuo ang dish na ito. Simple lang ang dish na ito. Kahit siguro mga beginners na nagluluto ay magagawa ito. Try nyo...masarap at malinamnam ang sauce. BACON CUT PORK with CREAMY BASIL SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Bacon cut Pork 1 cup Chopped Fresh Basil Leaves 1 tetra brick All Purpose Cream 1 head Minced Garlic 1 large Onion sliced 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 2 tbsp. Canola oil Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali,

BIYERNES SANTO

Image
Hindi ko matandaan kung anong year nangyari but I think mga 1985 or 1986 yun. Nag-outing kaming magkaka-opisina papuntang La Union sa norte. Isang van kami nun. Miyerkules Santon ng kami ay umalis ng Manila. Diretso kami ng La Union nun at ng Biyernes Santon naman ay umakyat kami ng Baguio. Mag-hapon lang laking namasyal sa Baguio at nang bandang pahapon na ay bumalik na kami ng La Union. Sa Marcos Highway kami dumaan. Nadaanan pa nga namin yung malaking ulo na rebulto ni Marcos. Sa likod ng van ako naka-upo. At dahil sa sobrang pagod sa pamamasyal sa Baguio ay nakatulog ako. Nagulat na lang ako nang mag-sigawan ang aking mga kasamahan at kasabay ng matinding paguga ng aming sasakyan. Yun pala, nawalan ng break ang aming sinasakyan at kamuntik na kaming mahulog sa bangin. Di ba ang tatarik ng bangin sa Marcos highway? Buti na lang at naisalpok ng driver namin ang sasakyan sa tumpok ng mga buhangin na nasa tabi ng bangin at hindi kami nag-tuloy tuloy pabulusok sa bangin kung hindi ay ma

MANGO SMOOTHIE

Image
Summer na talaga. Dama na natin ang init ng panahon. At talaga namang nag-i-invite ang beach para paliguan natin. Hehehehe. Kapag ganitong mainit ang panahon, maraming tayong pwedeng gawin para magpalamig. Ofcourse merong mahal o yung gagastos ka talaga. At meron din naman na hindi nakailangan pang gumastos. Kumuha ka lang ng karton at gamitin mong pamaypay ay okay na. Hehehehe Kapag panahon din ng summer, murang-mura ang mga prutas na napapanahon kagaya ng mangga. At ito nga ang masarap na gawing pampalamig. Although temporary lang ang naibibigay na lamig nito sa katawan pero okay na din. Para gawin ito, kailangan mo lang ng ginadgad na yelo, mangga ofcourse, gatas at kaunting asukal. Paghaluin lang ito sa blender hanggang sa maging smooth na at presto may masarap ka nang pampalamig. Lagyan lang ng kapirasong hiwa ng mangga sa gilid ng baso to garnish. Enjoy!!!!

CAMARON REBOSADO

Image
Noon ko pa gustong magluto nitong Camaron Rebosado na ito. Pero komo may kamahalan ang sugpo o medyo malaking hipon, hindi ko talaga magawa. Pero nitong nakaraang Biyernes, may nakita akong sale na sugpo na wala nang ulo sa SM supermarket sa Makati. Itong dish agad na ito ang pumasok sa isip ko. Kaya naman binili ko na agad ang mahigit 1/2 kilo na naka-display sa lalagyan. Hindi ko alam kung spanish ang dish na ito base na rin sa pangalan. Pero ang dish na ito ay ang ebi tempura naman sa mga Japanese. And ofcourse magkaiba din sila sa sawsawan na ginagamit. CAMARON REBOSADO Mga Sangkap: 1/2 kilo large Shrimp (Alisin ang ulo at shell. Itira ang dulong part o ang buntot) 4 pcs. Calamansi 1 cup All Purpose Flour 2 Eggs beaten Ice cold water salt and pepper to taste 2 cups Cooking oil for frying 1/2 cup Mayonaise 1/2 cup Tomato Catsup Paraan ng pagluluto: 1. Linisin mabuti ang hipon. Hiwain sa likod at alisin ang parang sinulid na bituka. 2. Timplahan ang hipon ng asin, paminta at katas n

SPICY PORK STRIPS

Image
May nabili akong butterfly cut na pork sa SM supermarket nitong nakaraang pag-go-grocery namin. Ang balak kong gawing luto dito ay crispy fried lang. Binabad ko muna ang karne sa tubig na may asin, paminta at dried basil para kako magka-flavor ang karne. Kaso, nung i-prito ko na ito na may breadings, nagtaka ako bakit naging matigas ang laman ng karne. Di ba dapat malambot nga siya dahil nababad na sa brine at madali ko lang ito ipinirito? Buti na lang at hindi ko ito ipiniroto lahat. Kaya ang ginawa ko, niluto ko siya na parang caldereta na may sauce. Okay naman ang kinalabasan. Masarap ang sauce at ang karne mismo. SPICY PORK STRIPS Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork chops cut into strips 1 small can Reno Liver spread 1 tbsp. Sweet Pickle relish 1 tsp. Chili powder 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Dried Basil salt and pepper to taste 3 cloves minced garlic 1 large Onion sliced 2 tbsp. Butter Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad ang karne ng baboy sa tubig na may asin, paminta

ANG MGA MAHAL NA ARAW - 2011

Image
Linggo na ng Palaspas bukas. Sa maraming Katoliko na katulad ko, ito ang simula ng mga Mahal na Araw o ang paggunita sa mga araw ng pagpapakasakit ng ating Panginoong si Hesus. Ito ang mga panahon na kailangan siguro nating magnilay at balikan ang ating mga pagkakamali sa buhay. Ito ang mga panahon na inaanyayahan tayo ng Diyos na magbalik loob sa kanya. Dalangin ko lang, sana ay maging makabuluhan para sa ating lahat ang mga araw na ito. Amen...

FRANNY'S BIRTHDAY

Image
Last April 9, inimbitahan kami ng aming matagal nang kaibigan na si Franny para sa kanyang birthday. Actually, ang wife niyang si Shiella ang tumawag sa akin at may konti nga daw na salo-salo. Matagal na naming kaibigan ang mag-asawang ito. May 20 taon na siguro kaming magkakaibigan na masasabi kong hindi lang pagkakaibigan kundi para na din kaming magkakapatid. Nagkasama-sama kasi kami sa isang apartment sa Baclaran way back 1990 pa ata yun. Akala ko simpleng kainan at inuman lang ang meron. Pero nang makita ko ang handa niya na pagkain ay talagang nalula ako sa dami. Medyo nagpigil nga ako kasi nga di ba marami nang bawal sa akin? Masasarap ang mga pagkaing inihanda nila. May hipon na palagay ko ay niluto sa butter at garlic, alimango na steamed at yung iba naman ay may gata, inihaw na liempo, calderetang Batangas, calamares, fried chicken na nagustuhan ko talaga ang timpla, syempre spaghetti para sa may birthday. May cake, gelatin at buko salad din for the desserts. Hindi ang pag

CORNED TUNA PASTA

Image
Isang linggo na lang at Holy Week na. Alam ko marami pa rin sa atin ang kahit papaano ay nangingilin din sa mga araw na ito lalo na ang pagkain ng karne. Sabagay, minsan lang naman ito sa isang taon at okay na okay din ito sa ating mga kalusugan. Narito ang isa pang pasta dish na meatless at ayos na ayos na ihanda natin nitong darating na mahal na araw. Simple lang itong pasta dish na ito at hindi nangangailangan ng mga komplikadong mga sangkap. Simple lang ito pero hindi tipid sa lasa. Just like my kids, nagustuhan ko din ang pasta dish na ito. Try nyo din. CORNED TUNA PASTA Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti pasta (cooked according to package direction) 2 cans Century Corned Tuna 1 small Can Century Tuna Loaf cut into cubes 1 pouch Hunts Tomato Sauce 1 tsp. Dried Basil 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion chopped 1 cup Grated Cheese 2 tbsp. Olive oil 1 tbsp. Sugar salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. 2. Sunod n

BARBEQUE ISAW, MUGS, CHICKEN at IBA PA....

Image
BARBEQUE ISAW, MUGS, CHICKEN at IBA PA Last Sunday April 10, umuwi kami ng aking mga anak sa aming probinsya sa Bocaue, Bulacan. Medyo matagal na din kasi kaming hindi nakakapasyal. Ang last ay noong January 1 pa. Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil kahit papaano ay makakapag-bakasyon sila doon kahit 1 week lang. Sabik na sabik kasi sila sa probinsya kasi nga malawak ang pwede nilang paglaruan, masarap ang hangin at syempre ang pagkain. Nadatnan namin ang kapatid kong si Shirley (picture sa itaas) na naghahanda ng kanyang mga paninda na barbeque. Ito ang kanyang pinagkakakitaan bukod pa sa mga lutong ulam na itinitinda din niya. Mga street food na maituturing ang mga ganitong klaseng pagkain. Kahit nga dito sa Manila ay patok na patok ang mga ganitong pagkain. Meron nga akong nakita na food kiosk sa may MRT sa Cubao, talaga namang ang haba ng pila dun sa nagtitinda ng isaw at kung anon-ano pa. Ang mga picture na nakikita nyo ang ilan lang sa mga bina-barbeque ng aking kapatid. Yung

FRESH STRAWBERRIES and ALMOND JELLY in CREAM

Image
Vote for me at Foodtripfriday.net Remember yung naikwento ko na pasalubong na fresh strawberries ng kapitbahay kong si Ate Joy? Ito ang ginawa ko dun. Isang dessert na talaga namang masarap at very refreshing lalo na pagkatapos mong kumain. Dapat sana almond lychee with cream ang gagawin ko, pero nung matanggap ko nga ang pasalubong na ito ay nabago ang lahat. Well, mas masarap ang kinalabasan ng dessert na ito na nagustuhan naman talaga ng aking pamilya at maging ang aking mga ka-officemate. Hehehehe. Pinatikim ko din sila kahit konti nung nagbaon ako nito sa office. FRESH STRAWBERRIES and ALMOND JELLY in CREAM Mga Sangkap: 500 grams Fresh Straberries (alisin yung dahon) 1 pack Almond flavor Gulaman (lutuin ayon sa package direction then cut into cubes) 1 tetra pack All Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagpe-prepare: 1. Sa isang bowl ilagay ang fresh strawberries and almond flavor na gulaman. 2. Bago ihalo ang cream sa gulaman at strawberries, paghaluin munang mabuti ang cream

KALABASA and CELERY SOUP

Image
Di ba kapag prito ang ulam mas mainam na mayroon din tayong soup na mahihigop. Kung baga, pampadulas. Hehehehe. Maraming available sa instant soup sa market. Pakuluan lang sa tubig ay may sabaw ka na na mahihigop. Ito ang madalas na gawin ko sa amin sa bahay. Pero syempre, iba pa rin yung soup na lutong bahay. Bihira akong gumawa ng soup sa bahay. Pero nitong nakaraang Lunes talagang itinuloy ko na ang soup na naiisip ko na gawin noon pa. Actually, napanood ko ito sa isang cooking show sa TV. Madali lang siyang gawin kaya naman sinubukan ko din. You know what? Nagustuhan ito ng panganay kong si Jake at ng aking asawang si Jolly. Kahit ako, kinain ko nga ito na may kasamang pandesal at butter. Yummy talaga. KALABASA and CELERY SOUP Mga Sangkap: 300 grams Fresh Kalabasa (alisin ang balat at hiwain ng pa-cube) 3 tangkay na Celery 1 large Onion sliced 5 cloves Minced Garlic 8 cups Chicken broth or 2 Knorr chicken cubes 1/2 cup Butter Salt and pepper to taste 1 cup Fresh Milk or Cream Paraa

FRESH MUSHROOM in GARLIC and OYSTER SAUCE

Image
Last Sunday, pinasalubungan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy ng fresh strawberries and fresh na button mushroom. Galing kasi sila ng Baguio after nilang magpa-bless ng sasakyan sa Manaoag. Sa unang kita ko pa lang sa fresh na mushroom, isang luto lang ang tumama sa isip ko at yun nga ay itong recipe natin for today. Wala talagang hihigit pa sa mga fresh na gulay na nilagyan ng oyster sauce. Masarap at manamis-namis ang lasa. Try nyo ito. Ito pala ang ginawa kong side dish sa roasted chicken na dinner namin last Sunday. One word..... Yummy!!! FRESH MUSHROOM in GARLIC and OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Fresh Button Mushroom (pag-apatin kung medyo malaki ang piraso) 1/2 cup Oyster Sauce 1 medium size Onion sliced 1 head Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch 1 tbsp. Brown Sugar 2 tbsp. Butter 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa parehong kawali, ilagay na ang s

PASTA & BACON in POMODORO SAUCE

Image
Parang ang sosyal ng pasta dish na entry natin for today ano? But actually, madali lang lutuin ang dish na ito at walang komplikadong sangkap na kailangan. Pomodoro sauce is just a home made tomato sauce. Sa tulong ng blender, madali lang gumawa nito. At talagang madali lang itong lutuin. Ito pala ang breakfast namin nitong nakaraang Linggo. As usual, nagustuhan ng aking asawa at mga anak ang bago kong pasta dish na ito. Try nyo din. Masarap talaga. PASTA & BACON in POMODORO SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti pasta cooked al dente 300 grams Bacon cut into half inch long 1 large White Onion sliced 1 head Garlic 5 pcs. large ripe Tomatoes quartered 1 tsp. Dried Basil 3 tbsp. Olive oil 1 cup Grated Cheese 1/2 cup parmesan Cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. 2. Sa isang blender, ilagay ang bawang, sibuyas, kamatis at olive oil. Paandarin ang blender hanggang sa madurog na mabuti ang lahat ng mga sangkap

SPRITEY STRAWBERRY SHAKE

Image
Summer na talaga. Ramdam mo na ang init ng panahon kahit na medyo kumukulimlim sa tanghali at hapon. Kaya naman usong-uso na naman ang mga pampalamig kagaya ng halo-halo, sago't gulaman at mga shakes. Ice candy, mais con yelo o kaya naman ay saba con yelo ay solve na solve para sa akin. Kaya naman kahit kami sa bahay ay nahihilig ngayon sa mga pampalamig kagaya ng mga fruit shakes. Minsan manga, nung minsan naman ay melon. Nung isang araw di ba nag-post na ako ng strawberry smoothies? Komo may kamurahan ang strawberry ito ulit ang ginawa ko sa kahilingan na din ng aking mga anak. Pero para maiba naman, sprite ang inihalo ko dito sa halip na gatas. Madali lang itong gawin. Maglagay lang ng ginadgad na yelo, sprite, straberries at konting asukal sa blender at yun na. I-blender lang ito hanggang sa maghalo na ang lahat ng sangkap. To serve, lagyan lang ng isang pirasong strawberry sa gilid ng baso para mas magandang tingnan. Pwede nyo ding gawin ito sa iba pang klaseng prutas. Subuka

PORK SIOMAI

Image
Usong-uso dito sa Manila yung mga food kiosk na nagtitinda ng siomai. Walang oras na hindi mo makita na may bumibili o may kumakain dito. Isa na ako sa mga suki nito lalo na pag hindi ko na talaga matiis ang gutom ko. Hehehehehe Kaya naman nito nakaraang araw ay gumawa ako nito. Remember yung post ka na misua bola-bola at patola soup? Yun yung sobra dito sa siomai na ginawa ko. So yung recipe nun ay pareho lang nito. PORK SIOMAI Mga Sangkap: 250 grams Giniling na baboy 250 grams Hipon (alisin ang ulo, buntot at shell at hiwain ng maliliit) 1 pc. small Singkamas (hiwain ng maliliit na cubes) 1 medium size Onion finely chopped 1 Egg beaten 2 tbsp. Cornstarch 2 tbsp. Sesame oil 35 pcs. Wanton wrapper Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa wanton wrapper. Maaring kumuha ng kaunti at iluto (steam/prito) para malaman kung tama na ang lasa. 2. Sa bawat wanton wrapper, maglagay ng tamangdami ng pal

JAKES GRADUATION DAY

Image
Nag-graduate ng elementary kahapon March 31 ang panganay kong anak na si Jake. Sa St. Therese Private School siya nag-tapos. Dit6o din nag-aaral ang dalawa kong pang anak na sina James at Anton. Nag-start ang program sa pamamagitan ng isang misa. Maaga kaming dumating sa venue ng graduation kaya naman sinamantala namin ang pagpapa-picture hanggang di pa nagsisimula. Syempre kasama ang aking 2 pang anak para makita nila ang kuya nila na guma-graduate. Nakakatuwa lang isipin na nakapag-patapos na ako ng elementary. Hehehehe. Medyo malayo pa ang aking bubunuin sa aking 3 anak. Hehehehe Nakakatuwang pagmasdan silang magkaka-klase na masayang-masaya matapos nilang maka-graduate. Sabagay, 6 na taon ba naman ang kanilang binuno. Dati kalong-kalong ko lang ang batang ito, pero ngayon ang laki-laki na niya. Hehehehe My son Jake with his classmates after the ceremony. Class picture with the school adminitrator. At syempre after ng graduation ay kainan. Sa Mongkok restaurant kami