ISANG ARAW na PUNO ng PAGPAPASALAMAT at MASASARAP na PAGKAIN
Last Sunday March 30 nagkaroon ng isang malaking salu-salo ang pamilya ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Kuya Alex. Tatlong okasyon ang kanilang ipinagpapasalamat sa araw na yun. Una, ang blessings ng kanilang bagong bahay, pangalawa ay ang graduation ng kanilang bunsong anak na si Jenny, at pangatlo ay ang kaarawan ng panganay na anak na si Joanna. Tanghalian ang kanilang handa kaya naman Sabado o bisperas pa lang ay niluluto na ang ibang pagkain na ihahanda. Maraming putahe ang nakalapag sa buffet table. Ako nga parang natakaw sa dami ng klase ng pagkain. May Ginataang Alimango. Hipon na hinalabos sa butter at nilagyan ng cheese. Meron ding Lapu-lapu na may sweet and sour sauce. Fried Tanigue na may Oyster Sauce. Ako ang gumawa ng sauce nito. :) At mga mga tradisyunal na pagkain sa kanila pag may handaa. Kagaya nito Pork Afritada. Asadong Baka Adobong Baboy Lumpiang Shanghai Pork Embotido na ibinalot sa dahon ng saging at sak