Posts

Showing posts from January, 2015

SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO

Image
The last time na nagluto ako n dish na ito ay nung February 2012 pa.   Nagaya ko lang ito nang minsang mag-breakfast kami sa UCC Coffee sa may Tomas Morato.   Nagustuhan ko ito at naisipan kong i-replicate nga sa bahay.   And that was 3 years ago at naisipan kong gawin ulit para maiba naman ang aming almusal.   Ang sarap talaga.   Naghahalo kasi yung flavor ng lahat ng mga sangkap.   At madali lang lutuin ha.   try nyo din po. SMOKED FISH & SALTED EGG GUISADO Mga Sangkap: 8 pcs. Tinapang Gigi (himayin at alisin ang maliliit na tinik) 5 pcs. Salted Egg o Itlog na Pula (cut into small cubes) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 5 pcs. Tomatoes (chopped) 2 tbsp. Olive oil 1 tbsp. Liquid Seasoning Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil. 2. Sunod na ilagay ang hinimay na tinapa. Timplahan ng konting a...

INIHAW NA BANGUS with BASIL and CHEESE

Image
May na-received akong message sa isa nating tagasubaybay na sobrang nagustuhan niya at ng kanyang pamilya ang boneless inihaw na bangus na nai-post ko sa blog kong ito na nilagyan ko pa ng grated cheese ang palaman.   Sobrang papasalamat niya dahil naging standard na sa kanila na lagyan ng cheese ang palaman ng kanilang inihaw na bangus.   Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang aking recipe. Dahil dito, naisipan kong magluto ulit ng inihaw na bangus na may cheese at bukod dito nilahukan ko din ang palaman ng chopped fresh basil leaves.   Bukod pa dun, pinigaan ko din ng lemon ang bangus bago ko ito pinalaman.   At isa na namang version ng masarap na inihaw na bangus ang aking nagawa.   At eto na po yun para sa inyong lahat. INIHAW NA BANGUS with BASIL and CHEESE Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 5 pcs. Tomatoes (sliced) 2 pcs. large size White Onion (chopped) 1 cup Chopped Fresh Basil Leaves 1 cup G...

STEAMED BASIL CHICKEN

Image
Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, nakagawian ko nang mag-research ng mga putahe o recipes na pwede kong subukan.   At sa pagre-resarch kong ito, natutunan ko din ang pag-gamit ng mga herbs at spices na available naman dito sa atin sa Pilipinas.   Isa na dito itong Basil Leaves. Masarap ang dahong ito lalo na sa pasta dishes at mga meat dish na may sauce.   Nito ko lang nalaman na pwede din pala itong gamitin at ilagay sa steamed dishes kagaya nitong dish natin for today.   Sa tradisyunal na recipe ng steamed chicken, luya at leeks lang ang inilalagay.   Pero sa recipe ko ngang ito, nilagyan ko din ng dried basil.   Wow!   ang sarap ng kinalabasan na kahit ang mga anak ko ay nagustuhan nila.   Try nyo din po.   Napakadali lang gawin. STEAMED BASIL CHICKEN Mga Sangkap: 1 whole Fresh Chicken 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Grated Ginger 1 pc. Red Onion...

ANTON'S CONFIRMATION DAY

Image
Last Saturday January 25 kinumpilan (confirmation) ang bunso kong anak na si Anton.   In-organized ito ng paaralang kanyang pinapasukan ang St. Therese Private School of Mandaluyong.    Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City malapit sa Shangri-la Mall. Hindi nakarating ang  sponsor na kinuha namin kaya kaming dalawa na lang ng asawa kong si Jolly ang nag-proxy para sa kanila.   After ng kumpil dapat sana ay sa isang Chinese Resto kami kakain pero komo nga hindi nakarating, kumain na klang kami sa isang burger restaurant sa Shangri-la Mall.   Sa Johnny Rockets.   Hindi na sumama ang aking asawa at mag-iikot na lang daw siya sa mall.   Kaming mag-ama na lang daw ang kumain. First time ko lang kumain sa resto na ito kaya sinubukan namin.   Burger, fries with cheese and bacon ang in-order namin. Masarap yung burger nila.  Eto nga at sa sarap ay nakalimutan ko nang...

GROUND PORK in TWO WAY

Image
Sa mga busy mom or dad na nagpe-prepare ng pagkain para sa kanilang pamilya,   itong 2 dish na ito ay para sa inyo.   Isang recipe lang kasi ito pero dalawang dish ang magagawa.   Madali lang naman itong gawin bukod pa sa mura lang ang inyong magagastos.   Budget friendly kung baga. Actually, pwede ding 3 way.   Pwede din itong balutin sa siomai wrapper at i-steam o i-prito.   Panigurado ko magugustuhan din ito ng inyong pamilya. Try nyo din po. GROUND PORK in TWO WAY Mga Sangkap: 1 kilo Lean Ground Pork 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 1 cup Grated Cheese 1 pc Large White Onion (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste Lumpia Wrapper Japanese Breadcrumbs 1/2 cup Flour or Cornstarch Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl paghaluin ang ground pork, chopped basil leaves, grated cheese, chopped onion, fresh eggs, harina o cornstarc...

TOCINO SPAGHETTI

Image
Na-try nyo na bang lahukan ng tocino ang inyong spaghetti?   Ako na-try ko na nitong nakaraang araw nung walang pasok dahil sa pagbisita ng Santo Papa. Wala naman akong pinagkopyahan ng idea na ito.   Nung magluluto kasi ako ng spaghetti para sa aming almusal, nakalimutan kong bumili pala ng giniling.   At para matuloy ang spaghetti breakfast namin na yun naisipan kong itong pork tocino na lang ang aking ilahok.   At hindi ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng aking spaghetti.   Pinoy na pinoy ang dating at mapapaulit ka talaga sa sarap.   Try nyo din po. TOCINO SPAGHETTI Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 1/2 cup Melted Butter 1/2 kilo Pork Tocino (cut into small pieces) 300 grams Hotdogs (sliced) 1 big pouch Hunts Spaghetti Sauce (Parmesan Cheese) 1 cup Grated Cheese 2 pcs. Red Onion (chopped) 1 head minced Garlic 1 tsp. Ground Black Pepper 3 tbsp. Olive Oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1...

CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Mahaba-haba din itong nakaraang bakasyon natin kung saan walang pasok ang mga opisina at mga eskwelahan dahil sa pagdalaw ng Santo Papa sa ating bansa. Komo wala ngang pasok, naisipan kong magluto ng espesyal na tanghalian para sa aking pamilya.   Maaga akong pumunta sa Farmers market sa Cubao para mamalengke.   Hindi ko alam nung una kung ano ang lulutuin ko utnil makita ko itong alimango na punong-puno ng aligue.   Bumili ako ng mahigit isang kilo nito mga 4 na malalaking piraso at yun nga ang naisip kong lutuin.   Naisip ko ding masarap kako na gataan ito at lagyan ng chili garlic sauce.   At ito na nga ang kinalabasan.   isang masarap na pananghalian para sa mga mahal ko sa buhay. CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 4 pcs. large size Female Crabs 2 cups Pure Coconut Milk 1 tbsp. Chili Garlic Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper ...

LECHON KAWALI - My Best

Image
Maraming beses na akong nakapagluto nitong lechon kawali.   Pero sa halip na i-prito ito sa kumukulong mantika, mas pinili kong sa turbo broiler na lang ito lutuin para iwas sa tilamsik ng kumukulong mantika.   Okay din naman.   Nakukuha pa rin yung lutong na gusto ko sa balat ng na-turbong pork belly. Not until this version na nagawa ko.   Yun nga lang mas matagal ang pagluluto.   Tatlong beses pa kasi itong lulutuin.  Pero sulit naman dahil masarap talaga ang kinalabasan.   Naging inspirasyon ko din dito yung style ng pagluluto ng lechon kawali ng aking kapatid na si Shirley.   Yung dalawang beses piniprito.   Pero sabi ko nga sulit na sulit ang tagal ng pagluluto sa version kong ito.   Try nyo din po. LECHON KAWALI - My Best Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 head Garlic 1 pc. large Onion 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. W...

BRAISED PORK CHOPS in HONEY LEMON SAUCE

Image
Nung nag-audition ako sa Pinoy Master Chef ang dish na pinang-audition ko ay yung Braised Chicken in Honey Lemon Sauce.   Nakakatuwa dahil nakapasok ako sa 1st round. Dito ko nakuha ang inspirasyon para sa dish nating ito for today.   Itong Braised Pork Chops In Honey Lemon Sauce.   Madali lang lutuin ang dish na ito.   Simple pero punong-puno ng flavor.   Ano ba ang mamamali sa katas ng lemon at lasa ng pure honey? Braising ay isang tecnique sa pagluluto kung saan ang pangunahing sangkap ay niluluto sa kaunting liquid.   At ganitong luto nga ang ginawa ko.   Sa huling parte na ng pagluluto ko nilagay yung honey para mas malasa ito sa karne at hindi masunog.   Try nyo din po. BRAISED PORK CHOPS in HONEY LEMON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Skinless Pork Chops 1/2 cup Pure Honey 1 pc. Lemon 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 2 pcs. Red or White Onions (cut into rings) Salt and pepper to tast...

PINOY ISPAGETI

Image
Paborito nating mga Pilipino itong sariling version natin ng masarap na spaghetti.   Ano ba ang pagkakaiba ng version nating mga Pilipino?   Well, yung sa atin medyo manamis-namis yung sauce kumpara sa iba na medyo maasim dahil sa tomato sauce.   Also, yung sa atin may sahog din na hotdogs bukod pa sa giniling na baboy. Niluto ko itong Pinoy Ispageti na ito nung mismong araw ng nakaraang pasko.   Ni-request kasi ng hipag kong si Lita na magluto nito para pandagdag sa Lechon baboy na panaghalian namin nung araw na yun. Ubos ang spaghetti na ito.   Hehehehe. Tamang-tama daw yung lasa at tamis ng sauce.   Natuwa naman ako at nasiyahan sila. PINOY ISPAGETI Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 1/2 kilo Giniling na Baboy 1/2 kilo Hotdogs (sliced) 1 big pouch Del Monte Pinoy Style Spaghetti Sauce 1 bar Grated Cheese 2 pcs. Red Onions (chopped) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 2 tbsp. Brown Su...

CALDERETANG BAKA ng BATANGAS

Image
Sa mga espesyal na okasyon lang sa Batangas ako nakakakit at nakakatikim ng Calderetang Batangas.   Siguro komo may kamahalan ang karne ng baka kaya sa mga espesyal na okasyon lang sila nagluluto nito. Iba talaga ang calderetang Batangas as compare sa calderetang alam ng marami.   Ito kasing sa Batangas walang tomato sauce na inilalagay.   Mas nagiging espesyal din ito dahil nilalagyan pa nila ito ng keso o gerated cheese. Truly, masarap at kakaiba talaga ang version nila nitong Calderetang Baka. CALDERETANG BAKA ng BATANGAS Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 1 small can Reno Liver Spread 2 tbsp. Lean Perins Worcestershire Sauce 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 cup grated Cheese 1 large onion chopped 1 cloves minced garlic 1 large tomato chopped 3 pcs. Potatoes (balatan at hiwain sa apat) 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste ½ tsp. Chili powder (Depende kung gaano kaanghang ang gusto ninyo) ½ cup Butter or Star margarine 1 tsp. Maggie magic sar...

ROASTED TURKEY SANDWICH

Image
Nai-post ko na yung Roasted Turkey na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa San Jose Batangas.   Sabi nga ng bunso kong anak, ang laking chicken naman daw nun.   Hehehehe. Masarap ang kinalabasan ng aking first attempt na magluto ng roasted turkey.   Malinamnam talaga at malasa ang laman.   At hindi ko akalain na sa laki ng turkey na yun ay malmbot na malambot ang laman nito. Hindi namin naubos ang buong roasted turkey dahil sa laki.   Kaya naman nang pauwi pabalik na kami ng Manila ay dinala ko na lang ito.   Naisip ko kasi na masarap gawing palaman ito sa tinapay katulad ng mga nababasa ko sa net. At ito na nga ang nangyari.  Isang masarap na sandwich mula sa left over turkey. ROASTED TURKEY SANDWICH Mga Sangkap: Leftover Roasted Turkey (himayin o hiwain ng maliliit) Small White Onion (chopped) 2 cups Ladies Choice Mayonaise Sugar, Salt and pepper to taste Lettuce Sliced Tomatoes Cheese Lo...

PENNE PASTA OVERLOAD

Image
Sa anumang espesyal na okasyon sa aming pamilya, hindi nawawala ang pasta dish sa aming hapag kainan.   At kagaya nitong naraang Noche Buena, syempre star at inaabangan ang pasta dish na lulutuin ko. This time penne pasta ang niluto ko at nilahukan ko ng maraming sahog bukod pa sa 3 klase ng cheese an aking inilagay.   Sino ba naman ang hindi mapapa-ibig sa pasta dish na ito.   Hehehehe. PENNE PASTA OVERLOAD Mga Sangkap: 800 grams Penne Pasta (cooked according to package directions) 2 tetra brick Alaska Crema 1 big can Alaska Evap (yung red label) 500 grams Smokey Bacon (cut into small pieces) 250 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 2 cups Cheese Wiz 1 cup Grated Cheese 1/2 cup Butter 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 2 pcs. Onions (chopped) 1 tsp. Fresh Ground Black pepper Sat to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang penne pasta according to package directions.   I-drain. 2.   Sa isang medyo malaking...

WALDORF SALAD

Image
Ito  ang salad dish na ginawa nitong nakaraang Noche Buena.   Waldorf Salad.   Noche Buena ng 2013 ako unang nakagawa ng ganito at komo nagustuhan ng marami naisipan kong ihanda ulit ito nitong Noche Buena 2014 naman. Medyo magastos o medyo mahal ang mga sangkap nito.   Pero okay lang.   Espesyal naman ang okasyon at bihira lang naman kami nakakakain ng ganito. WALDORF SALAD Mga Sangkap: 8 pcs.  Red and Green Apples (cut into cubes) 300 grams Chicken Breast (boiled then cut into cubes) 1 cup Celery (cut into small pieces) 250 grams Seedless Grapes (cut into half) 4 cups Mayonaise 1 cup Toasted Walnut Romaine Lettuce 1/2 Lemon Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin at paminta.   Palamigin at hiwain ng pa-cubes. 2.   Hiwain ang mansanas ng pa-cubes at ilagay sa tubig na may kaunting suka.   Gawin ito para hin...

CREAMY MACAPUNO-LYCHEES

Image
Ito ang nag-iisang dessert na ginawa ko nitong nakaraang Noche Buena ng aking pamilya sa San Jose Batangas.   Macapuno Lychees. Naisipan kong ito ang gawin dessert nang minsang may makasabay ako sa supermaket na bumibili nitong canned lychees.   Tumama agad sa isip ko na ito ang gawin ngang dessert pero sa halip na fresh na buko ang ihalo, macapuno preserves ang aking inilagay.   Yun kasing fresh na buco kapag inihalo mo sa salad madali din na mapanis.   Sa dami ba naman ng mga pagkaing pagpipilian hindi malayong hindi ito mapansin.   Also, ang mainam sa macapuno preserves hindi mo na kailangan maglagay ng condensed milk at asukal para patamisin ang inyong dessert.   Try nyo po ito...masarap talaga. CREAMY MACAPUNO-LYCHEES Mga Sangkap: 2 cans Lychees 2 sachet Mr. Gulaman (clear) 1 big jar Macapuno Preserves 2 tetra brick All Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Tunawin ang Mr. gul...

BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa San Jose Batangas.   Itong Baby Back Ribs in Barbeque Sauce. Paborito ito ng aking asawa at ng aking mga anak kaya ito ang isa sa mga espesyal na putahe na aking inihanda.   Madali lang lutuin at tiyak kong magugustuhan din ito ng inyong mga mahal sa buhay. BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: About 2 kilos Baby back Ribs 1 & 1/2 cup Smokey Barbeque Sauce 1 can Sprite or 7Up Soda 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped ) 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Cornstarch Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang baby back ribs sa pinaghalong Sprite, barbeque sauce, soy sauce, bawang, sibuyas, asin, paminta at brown sugar.   Overnight mas mainam. 2.   Pakuluan ang baby back ribs sa isang heavy bottom na kaserola kasama ang marinade mix.   Hayaang maluto hangga...

ROASTED TURKEY

Image
Ang Roasted Turkey na ito ang naging center piece ng aming nakaraang Noche Buena.   Dapat sana Roasted Peking Duck ang una kong plano kaso hindi ito available sa Chinese Restaurant na dati kong binibilhan. First time ko lang magluto nitong Roasted Turkey.   Naghanap pa nga ako ng pinka-simpleng recipe sa Internet para dito.   Iniisip ko nung una kung papakuluan ko muna ito bago i-roast o diretso na sa turbo broiler.   Problema ko din nung una kung magkakasya ba ito sa turbo broiler at kung ano ang pwede kong alternative kung hindi nga kasya.   Pero sinunod ko pa rin ang instict ko at naging maganda naman ang resulta ng aking first attempt.   Isang masarap at malasang roasted turkey para sa aking mga mahal sa buhay. ROASTED TURKEY Mga Sangkap: 1 whole Turkey 2 pcs. Lemon 2 heads Minced Garlic 1 whole Onion Butter Salt and pepper to taste For Mushroom Gravy: 1 can Sliced Mushroom 1/4 bar Butter 2 tbsp. Minced...

2015 NEW YEAR CELEBRATION in BOCAUE BULACAN

Image
Naging tradisyon na ng aming pamilya sa Bocaue Bulacan na hintayin ang pag-pasok ng Bagong Taon na magkakasama at mayroong kaunting kainan, palaro at maliit na programa.   Hindi ko na matandaan kung kailan ito nagsimula.   Sa pagka-alam ko ay maliliit pa kami ay ginagawa na namin ito. Dati, tinatapos namin ang palaro at programa hanggang 10:30 ng gabi para makapag-handa naman ang bawat pamilya para sa Media Noche.   Pero nagsimula noong 2012, ginawa na namin ito kainan na mag-kakasama.   Bale, nagko-contribute na lang ang bawat pamilya para sa mga pagkaing ihahanda.   Mayroong committee na nag-aasikaso sa mga ito. Pagkatapos ng simba o misa ng alas-8 ng gabi, diretso na ang bawat pamilya sa bahay ng aming Tiya Lagring para sa salo-salo.   Mula noon pa man ay dito sa lugar na ito namin ginaganap ang salo-salong ito. Maraming pagkain kaming pinagsaluhan.    May lechon..... ....ang Crab and Cucumber Sp...

2014 TAAL ELEM. SCHOOL ALUMNI HOME COMING - BATCH 79-80

Image
Matapos ang aming matagal na Christmas break sa San Jose Batangas, bumalik kami ng Manila ng December 27.   December 28 kasi ay kailangan naman naming umuwi ng Bocaue Bulacan para maka-attend ng Alumni Home Coming sa paaralan kung saan ako ay nag-aral ng elementary. Ofcourse excited ako sa okasyong ito dahil makikita kong muli ang aking mga ka-klase noong elementary days namin.   Marami nga sa kanila hindi ko na matandaan ang pangalan at naiba talaga ang kanilang mukha. Nakakatuwa nga dahil may mga ka-klase kami na umuwi pa talaga mula sa ibang bansa para maka-attend ng reunion na ito. Hindi maubos ang kwentuhan at kamustahan ng gabing iyun.    Toka-toka ang mga pagkain na aming pinagsaluhan.   Ang aming valedictorian na si Rowena ay nagdala ng 1 buong lechon.   Ako naman ay nagdaka nitong Crab and cucumber spring roll at itong Fish Fillet with Mayo Dip. May nagdala din ng masarap na kare-kare. At mga prutas ...

2014 PASKO sa SAN JOSE BATANGAS

Image
Ang Christmas Holidays nitong 2014 siguro ang pinaka-mahabang bakasyon na na-enjoy ko sa tanang buhay ko.   Bakit ba naman?   Nag-start kasi ang bakasyon ko ng December 23 at natapos ng January 4, 2015.   Bale kasi ni-leave ko bna yung Dec. 27 which is a Saturday at yung Dec. 29 na Lunes naman. Kagaya ng nakagawain naming pamilya, sa San Jose Batangas kami nag-diwang ng Kapaskuhan. Nag-start ang celebration ng Dec 23.    After ng simbang gabi ay nagkaroon ng Christmas party ang magkakamag-anak.   Bale may kani-kaniyang dala ng pagkain at may mga palaro at exchange gift din na naganap. Maraming pagkain ng gabing yun na talaga namang nagpa-busog sa lahat. Dec 24 naman ay naging busy ako sa pagluluto ng mga pagkaing aming ihahain sa Noche Buena.   Nagluto ako ng Roasted Turkey, Baby Back Ribs in Barbeque Sauce, Waldorf Salad, Bacon Cheese and Penne pasta Overload at Macapuno Lychees para naman sa dessert. ...