Posts

Showing posts from October, 2011

SHRIMP FRIED RICE

Image
Natatandaan nyo ba yung posting ko about my name being included in a cook book na may title na "Easy Chinese Recipes" ni Bin Yinn Low ng www.rasamalaysia.com? Yes. Ito yung recipe na pina-test niya sa akin at bilang consolation inilagay sa acknowledgment ang pangalan ko. Isa sa mga napagkasunduan namin ay ang hindi pagpo-post ng recipe nito hanggat hindi nailalabas ang cook book. At yun nga ang ginawa ko. Halos magkamukha di ba? Hehehehe Yung first picture sa itaas ang niluto ko. Yung second pict naman ang picture na nasa cook book na kapareho nung pinadala niya sa akin before the testing. Masasabing kong ito na marahil para sa akin ang best fried rice dish na natikman. Hindi dahil ako ang nagluto kundi masarap talaga. Para ka na ring kumain sa isang mamahaling Chinese Restaurant. Try nyo din ito. Tiyak kong magugustuhan nyo din at ng inyong mga mahal sa buhay. SHRIMP FRIED RICE Mga Sangkap: 5 cups Cooked Rice (mas mainam yung long grain ang gamitin ninyo) ...

FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING

Image
Paborito ko ang mga Chinese dumplings kagaya ng Siu Mai. Madalas nga napapadaan ako sa mga food kiosk na nakikita natin sa mga mall or MRT stations. Gustong-gusto ko ito lalo na kung maraming chili-garlic sauce. Hehehehe. Gamit ang recipe sa ibaba, maari kayong gumawa ng tatlong o higit pang klase ng dish mula rito. Pwede kayong gumawa ng siu mai, shanghai roll o lumpiang shanghai, fried pork dumplings or shrimp & pork balls. Ang galling di ba? Hehehe. Pero ako dalawa lang ang ginawa ko ditto. Siu mai nga at itong entry ko for today ang Fried Pork & Shrimp dumplings. Madali lang itong gawin. Basta ang importate dito ay yung dami ng hipon at yung konting taba na kasama. FRIED PORK & SHRIMP DUMPLING Mga Sangkap: ½ kilo Giniling na Baboy (mas mainam yung may taba ng konti) 250 grams Hipon o Sugpo (alisin yung ulo at balat at hiwain ng maliliit) 1 cup Shitake Mushroom (hiwain ng maliliit) 1 cup Singkamas (hiwain ng malilii...

MY CHILDHOOD FRIED CHICKEN

Image
Last Saturday, sumama sa kanilang school fieldtrip ang panganay kong anak na si Jake. Komo wala naman daw na stop over kung saan pwede siyang bumili ng kanyang lunch, ipinagluto ko na lang siya nitong entry ko for today. My childhood fried chicken. Natatandaan ko nung araw, basta may picnic or kailangang magdala ng pagkain sa aking school, kung hindi adobo ay itong fried chicken na ito ang pinababaon sa akin ng aking Inang Lina. Paborito ko kasi ito. Gusto ko ang version na ito ng fried chicken. Hindi kasi natatabunan ng kung ano-anong herbs, spices at breadings ang manok. Kung baga, ang natural na lasa ng manok ang nangingibabaw dito. MY CHILDHOOD FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into desired size 1/2 cup Patis 8 pcs. Calamansi 1/2 tsp. ground Black Pepper Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa patis, katas ng calamansi at paminta ng mga 1 oras. Overnight mas mainam. 2. I-drain muna ang manok bago prituhin. 3. I-pri...

CREAMY COCO PUMPKIN SOUP

Image
Mula nang ma-discover ko ang sarap ng pumpkin soup, ginagawan ko ito ng mga variation ang nilalahukan pa ng ibang sangkap para mas lalo ko pang mapasarap. Kagaya nitong bago kong version, nilagyan ko pa ito ng gata ng niyog o coco milk. Ang ikinagusto ko sa bagong version na ito ay yung lasa at pagka-pino ng soup. Lasang-lasa pa rin yung tamis ng kalabasa at talagang mapapagana ang iyong kain kung uunahin mo ito higupin. hehehe. CREAMY COCO PUMPKIN SOUP Mga Sangkap: 300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes 5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes 2 cups Coco milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Butter 3 cloves minced Garlic 1 pc. medium size Onion Sliced Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2. Ilagay ang kalabasa at sabaw ng manok. Pakuluin at hayaang lumambot ang kalabasa. 3. Isalin ang pinalambot na kalabasa sa blender. 4. Ilagay na din sa blender...

KOREAN PORK STEW ala DENNIS

Image
Malapit na ang Pasko. Alam ko marami sa atin katulad ko ay nag-iisip na kung ano ang masarap na ihanda sa Noche Buena at Media Noche. Until now wala pa din akong menu para dito. hehehe Mahirap naman talagang isipin ito. Syempre iko-consider natin yung mga gusto ng miyembro ng ating mga pamilya at ang budget din na ating gagamitin. Sa palagay ko, itong dish natin for today ay pwede nating i-consider sa halip na ham. Kahit naman kasi anong araw pwede tayong kumain ng hamon. Ito kasing dish na ito ay parang ham din, manamis-namis na maalat-alat ang lasa nito. Isa pa, madali lang itong lutuin. KOREAN PORK STEW ala DENNIS Mga Sangkap: about 1.5 kilo Pork leg (yung upper part na medyo malaman) 2 thumb size grated Ginger 1 cup Sweet/Sour Red Wine 3 pcs. Star Anise 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 head minced Garlic 1 tsp. Ground Black pepper 1 cup Sweet Soy Sauce 1 cup or more Brown Sugar 1/2 cup Pure Honey Bee 1 tbsp. Sesame oil 1 tbsp. Toasted Sesame Seeds Salt to tas...

PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE

Image
My family loves pasta dishes. Yun lang hindi kami magkakapareho ng gusto pagdating sa mga sauces. Hehehehe. Yung panganay kong si Jake gusto yung may basil pesto, yung pangalawa naman na si James ay yung red ang sauce na gusto, ang bunso ko namang si Anton ay yung may white sauce. Ako mas gusto ko yung ma-cheese. Samantalang ang asawa ko namang si Jolly ay yung hindi masyadong ma-sauce. Kaya naman kahit once a week ay itong pasta ang ginagawa naming breakfast. Kagaya nitong nakaraang Linggo, itong penne pasta with pumpkin sauce ang aking niluto. Actually, nakuha ko yung idea habang nanonood ako ng Junior Master Chef sa channel 2. But ofcourse hindi naman eksaktong gaya ang ginawa ko. Kung ano ang available sa aking kitchen ay yun lang ang ginamit ko. Madali lang itong lutuin at matitiyak kong magugustuhan nyo din ang pasta dish na ito. PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne pasta cooked according to package direction 200 grams Ground Por...

STIR FRIED SPINACH in OYSTER SAUCE

Image
Sa paglalakad ko pauwi sa aming bahay sa Cubao, may nakita akong nagtitinda ng gulay sa may sidewalk. Maraming klase ng gulay ang tinda niya. Sa pagka-alam ko galing pa yun directly from the province at masasabi mong fresh talaga. Isa sa mga tinda na napansin ko ay itong spinach. Tinanong ko kung magkano ang kilo at bumili ako ng 1/2 kilo. Nung nilalagay na ng tindera sa plastic ang spinach marami pala kako. Pero sabi niya.."Naku kuya pag naluto na yan ay kokonti na lang.." . At tama naman siya. Yung picture sa taas ang 1/2 kilo na nabili ko. hehehehe STIR FRIED SPINACH in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Fresh Spinanch 1/2 cup Oyster Sauce 1 head minced Garlic 1 tbsp. Sweet Soy sauce 1 tsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame oil 2 tbsp. Canola oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. hanguin sa isang lalagyan. 2. Ilagay na ang fresh spinach at timplahan ng asin a...

TINOLANG NATIVE NA MANOK

Image
"Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya....Nag-luto ang ate ng manok na tinola....Sa bahay ng kuya ay mayrong litsunan pa...Ang bawat tahanan may handang iba't-iba....Tayo.." Yan ang inspirasyon ko sa entry kong ito for today and Tinolang Native na Manok. Noong araw maituturing na napaka-espesyal na putahe ang tinolang manok. Di ba nga kapag may bisita tayo noon sa probinsya, pinagpapatay pa natin sila ng manok at pinagluluto ng tinola. Ibig sabihin nun ay espesyal ang tao na kakain. Noong araw native na manok talaga ang nilulutong tinola ng aking Inang Lina. Inuutusan niya kamin ng Kuya Nelson ko para hulihin ang aming manok na nasa bakuran lang namin. May palatandaan ang manok para makilala namin na sa amin nga iyun. Putol yung gitnang kuko ng paa nito. Hehehehe. Na-miss ko yung tinolang yun. Kaya naman nang may makita akong native na manok na binebenta sa SM Supermarket sa Makati binili ko ito agad at itong tinolang ito nga ang nasa isip ko. Nakakatuwa ...

MARIKINA'S PORK EVERLASTING

Image
Nabasa ko lang sa Internet ang Pork Everlasting na ito ng Marikina. Isa ito sa mga espesyal na pagkain na niluluto nila at inihahanda sa mga espesyal ng okasyon. Madali lang gawin o lutuin ito. Ang mga sangkap nito ay halos kapareho lang ng sa Embotido. Pero ang paraan ng pagluluto naman nito ay maihahanlintulad naman sa Hardinera ng Quezon. Masarap itong pang-ulam o kaya naman ay palaman din sa tinapay. May konti lang akong pagkakamali sa pagluluto kaya hindi naging kagandahan ang itsura nito sa picture. Sundan nyo lang ang mga sangkap at ang tamang paraan sa ibaba para mas maging maganda ang kalabasan ng inyong finish product. MARIKINA'S PORK EVERLASTING Mga Sangkap: 1 kilo Giniling na Baboy 1 can Vienna Sausage cut into small cubes 4 slices White Bread cut into small cubes 1/2 cup All Purpose Flour 5 pcs. Eggs beaten 2 pcs. Hard Boiled Egg 1/2 cup Raisins 1 medium size Carrot cut also into small cubes (gumawa ng pabulaklak para pang garnish) 1 large Red Bell Pepper (yun...

ANTON'S FIELDTRIP 2011

Image
Last Saturday October 15, 2011, sinamahan ko (as usual) ang aking anak na si Anton sa kanyan school field trip. Sa taon-taon nang pag-sama ko sa field trip na ito, masasabi kong ito talaga ang educational tour. Bakit ba naman? Talagang matututo ang mga bata at pati ako na din sa aming mga napuntahan. Di kagaya nung mga nakaraan na may mga swimming pa or mga rides sa carnival. Mga 6:60 ng umaga kami umalis at una naming pinuntahan ay ang Touch of Aura sa may CCP Complex sa Pasay City. Isa itong parang isang malaking bodega namy may mga room kung saan makakakita ang mga bata ng shadow show, Laser light show ay yung show na gumagamit ng mga UV lights. Okay naman enjoy ang mga bata lalo na dun sa laser dhow. Meron ding about the Solar Sytem at yung constalation ba yun? Next na pinuntahan ay ang bahay ni Dr. Jose P. Rizal sa Calamba, Laguna. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Hindi lang ako natuwa, kasi ba naman pininturahan ng green ang bahay ni Rizal. ...

STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES

Image
Parang napaka-espesyal ng tofu dish na ito pero sa totoo lang nabuo ang dish na ito dahil sa tira-tirang giniling na ginamit ko sa chicken relyeno. Yes, yung entry ko nitong mga nakaraang araw. Nung may natira pang pampalaman sa chicken relyeno, ito agad stuffed tofu ang naisip ko na gagawin. But thake note na ang pinaka-magdadala sa dish na ito ay yung sauce na kasama. Kaya sa mga mahilig sa tofu o tokwa, ito ang dish na para sa inyo. Actually limitless ang pwede nyong ipalaman sa tofu. Kung gusto ninyo ay puro gulay naman na parang lumpia. O kaya naman ay minced chicken. Again, nasa sauce ang magdadala sa dish na ito. STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES Mga Sangkap: 2 blocks Tofu (cut into 1/2 inch thick) 250 grams Ground Pork 1 cup Mix Vegetables (carrots, corn, green peas) 1/2 cup Raisins 1/2 cup Bacon or Ham (cut into small pieces) 1/2 cup Grated Cheese 1 pc. Red Bell pepper (cut into small cubes) 1 pc. Onion chopped 5 cloves minced Garlic 2 tbsp. Oyster S...

TENDER JUICY ALA SALPICAO

Image
Noong kabataan ko maituturing na pagkaing mayaman ang hotdog. Tanda ko noon, kung Pasko lang o Bagong taon ako nakakakain nito. Minsan naman kapag may mga birthday. Pero ngayon, parang pangkaraniwan na lang ang hotdog sa ating mga hapag kainan. Kahit ako hanggang ngayon ay paborito ko pa rin ito pang-almusal man o pang-merienda. Kahit ang mga anak ko paboritong almusal ito. Kaya naman hindi kami nawawalan nito sa fridge sa buong linggo. Yun lang parang nakakasawa na din ang kung laging prito na lang ang gagawing luto dito. Kaya naisipan kong gawan ng twist ito para maiba naman at hindi maging boring ang hotdog na masarap. TENDER JUICY ala SALPICAO Mga Sangkap: 1/2 kilo Purefoods Tender Juicy Hotdogs (regular size cut into 1/2 inch long) 4 pcs. Egg beaten 1 head Minced Garlic 2 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Oyster Sauce 1 tbsp. Knorr Liquid Seasoning Salt and pepper to taste 2 tbsp. Canola Oil 2 tbsp. Olive Oil Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali i-prito...

GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI

Image
Ordinaryong maituturing ang ginisang munggo sa ating hapag kainan. Pangkaraniwan ay inihahanda natin ito tuwing araw ng Biyernes. Ewan ko kung bakit. Hehehehe. Pero, sa tingin nyo ordinaryo pa ba ito kung lalahukan natin ng Lechong kawali? Sa palagay ko ay hindi. Nagiging espesyal ang hamak na ginisang munggo. Ito ang ginawa ko sa luto kong ginisang munggo nitong nakaraang Friday. Nagluto kasi ako ng 1.7 kilo na Lechon kawali at alanganin ito kung dalawang kain ang gagawin namin. Dalawa ang iniisip kong luto nung mga oras na yun. Ito ngang ginisang munggo at ang isa pa ay chop suey con lechon. Remember yung Amplaya con Lechon na entry ko? Parang ganun ang luto. But anyway, masarap ang kinalabasan ng munggo dish ko na ito. Kung baga, hindi tipid sa sarap at lasa. GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1 cup Monggo beans (ibabad ng overnight sa tubig) 2 cups Lechon Kawali (cut into cubes) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 2 pcs. Tomatoes slic...

JELLY PLAN for CHRISTMAS

Image
Remember yung recipe ko ng Jelly Plan? Yup yung dessert na ginawa ko na pinaghalong gelatin at leche plan. Marami ang nagkagusto sa dessert na yun dahil bukod sa masarap talaga ay madali lang din itong gawin. Yung second version ko nito ay sinamahan ko naman ng manggang hinog at marami din ang pumuri. This time, komo papalapit na ang pasko, bakit hindi natin gawing parang pang-pasko ang ating masarap ng jelly plan. Gamit ang inspirasyon ng stain glass gelatin, ito naman ay using the original recipe ng jelly plan plus colored gelatin cut into cubes. STAIN GLASS JELLY PLAN Mga Sangkap: a. For colored gelatin: 1 bar Red color Gulaman 1 bar Green color Gulaman 1 bar Yellow color Gulaman 3 cups White Sugar 3 tsp. Vanilla b. For Jelly Plan base: 2 pcs. eggs 1 big can Alaska Condensed milk 1 big can Alaska Evap (Yung white ang label) 4 cups water 1 bar Yellow color Gulaman 2 cups white sugar 2 tbsp. Vanilla essence or katas ng dahon ng dayap Paraan ng pagluluto: a. For sta...

AMPALAYA con LECHON

Image
May nabili akong magandang pork liempo sa SM supermarket sa Makati last Sunday na nag-grocery ako. Maganda kasi manipis lang yung taba niya at may konting murang buto. Dalawang piraso na nagtitimbang ng 1.7 kilos ang binili ko. Lechon kawali agad ang naisip kong gawing luto dito. Masyadong marami ang 1.7 kilo na karne para sa amin, kaya nag-isip ako ng pwede ko pang lutuin sa matitira o sa kalhating lechon kawali na ito. At yun nga, naisipan kong isahog ito sa ginisang amplaya. Mas mas sumarap pa nilagyan ko ito ng black beans sauce at oyster sauce. Ang kinalabasan? Isa na namang masarap na pork & vegetable dish. AMPALAYA con LECHON Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali cut into cubes 1 pc. large Amplaya sliced 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced ½ cup Oyster Sauce 2 tbsp. unsalted Black Bean Sauce 1 tsp. Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch 1 pc. Egg beaten Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: Sa kau...

CHICKEN RELYENO

Image
Isa na namang special dish ang inihahandog ko sa lahat nang tagasubaybay ng food blog kong ito. Chicken Relyeno. Breast fillet ang ginamit ko sa halip na buong manok. Ayos na ayos ito lalo nat papalapit na ang pasko at Bagong Taon. Medyo may karamihan ang mga sangkap para sa palaman, pero tinitiyak ko sa inyo na sulit naman ang lahat pag natikman nyo na ang dish na ito. Para sa palaman, pwede kayong maglagay pa ng iba pang sangkap para mas lalo pa ninyong mapasarap ang inyong relyeno. Pwede ding lagyan nyo ng pineapple tidbits o kaya naman ay sweet ham or chorizo de bilbao. Try nyo ito. Special para sa lahat CHICKEN RELYENO Mga Sangkap: 4 whole Chicken Breast (skin-on) cut into half then 5 pcs. Calamansi 3 cloves minced Garlic ½ cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Para sa palaman: 300 grams Ground Pork 3 pcs. Loaf bread cut into small pieces ½ cup Bacon chopped ½ cup Mix Frozen Vegetables (carrots, peas, corn) ½ cup Red bell pep...

CHICKEN SOPAS

Image
Natatandaan nyo ba yung Royco Chicken Noodle Soup noong araw? Ito ang naging inspirasyon ko nung niluto ko ang sopas na ito. Ito yung magpapakulo ka lang tubig sa kaserola at doon mo lulutuin ang instant soup na ito. Hindi ko lang alam kung mayroon pa nito dito sa Pinas. Nahilingan kasi ako ng bunso kong si Anton na magluto ng sopas para sa aming breakfast. Kaso naubusan naman ako ng macaroni pasta at itong spaghetti pasta na natira pa nung birthday ng anak kong si Jake ang nakita ko. So, ayun! Itong Royco style sopas ang naisipan kong lutuin. Masarap ang kinalabasan ng sopas ko. Bakit naman hindi? Ilang chicken breast din ang inilagay ko na sahog dito. Hehehe. Nilagyan ko din ito ng red bell pepper na hiniwa ko ng maliliit na cubes na mas lalo pang nagpasarap sa lasa ng sabaw. CHICKEN SOPAS ala ROYCO Mga Sangkap: 300 grams Spaghetti pasta (cut into 1 inch long) 2 whole Chicken Breast Fillet (pakuluan at himayin. Itabi ang pinagpakuluan) 1 whole Red B...

NILASING NA HIPON - version 2

Image
Dun sa una kong version nitong Nilasing na hipon pa-prito or crispy ang ginawa kong luto sa hipon. Sa pangalawa kong version naman na ito ay simpleng gisa naman ang ginawa ko. Also, sa unang version beer ang ginamit ko na alak. Dito naman ay Tanduay Ice. Masarap kasi ang lasa ng Tanduay Ice. Grape fruit ang flavor at manamis-namis ito. Hindi naman ako nagkamali dahil masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. Huwag kayong mag-alala. Walang trace o lasa ng alak ang dish na ito. Yung flavor ng grapefruit at lasa ng hipon lang ang malalasahan ninyo. Kung i-improve ko siguro ang dish na ito ay gagawin kong spicy ng kaunti. Siling pang-sigang siguro will do the trick. Next time. NILASING NA HIPON - version 2 Mga Sangkap: 1 kilo medium Size Hipon o Sugpo 1/2 bottle Tanduay Ice 1/2 cup Butter 1 head minced Garlic 1 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang sa butter hanggang sa mag-gloden brown ...

ROASTED EGGPLANT with BAGOONG, ONION & TOMATO

Image
Isang simpleng side dish ang gusto kong ihandog sa inyo para sa araw na ito. Ito ang side dish na niluto ko nung niluto ko yjng chicken barbeque. Sa halip na soup ang aking iterno sa chicken naisipan kong itong talong na ito ang aking ipares. Sabay kong niluto ang talong at chicken barbeque. At habang naluluto ang talong hinihiwa ko naman ang kamatis at sibuyas na ilalagay ko sa ibabaw. Sa totoo lang, ang sarap ng side dish na ito. Ayos na ayos ito na iterno sa mga inihaw na ulam kagaya ng manok, isda o baboy man. ROASTED EGGPLANT with BAGOONG, ONION & TOMATO Mga Sangkap: 4 pcs. Medium size Eggplant 1/2 cup Bagoong Alamang 2 pcs. large Tomato chopped 1 medium size Onion chopped few drops of Sesame oil Paraan ng pagluluto: 1. I-ihaw o lutuin sa oven o turbo broiler ang talong hanggang sa maluto. 2. Hiwain sa gitna ang talong para maibuka ng konti. 3. Patakan ng konting sesame oil ang loob ng talong 4. Lagyan ng bagoong ang loob at ikalat ito. 5. Huling ilagay sa ib...

FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE

Image
Madalas kong nababaggit sa iba kong mga recipe yung pag-gamit ng extender o pamparami sa pagkain. Katulad ng patatas o ano pang gulay na pwede mong ilahok sa iyong mga niluluto. Sa entry kong ito for today, dinagdagan ko ang aking fish fillet with sweet and sour sauce ng pritong tofu at squid balls. May kamahalan kasi ang white fish fillet at kung itong lang ang lulutuin ko at walang extender baka hindi ito magkasya sa amin. Ang resulta, mas nagustuhan ng anak kong si Anton ang tofu at squid balls. Hehehehe FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Fish Fillet (any white meat fish) cut into serving pieces 1 block Tofu cut into cubes 300 grams Squid Balls cut into half 1 small Carrot cut into strips 1 medium size Red/Green Bell pepper cut also into strips 1 large White Onion Sliced 5 cloves minced Garlic 2 thmub size Finger cut also into strips 1 cup Tomato Catsup 1 tbsp. Vinegar 2 tbsp. Sugar 4 pcs. Calamansi 1 cup Flour 1 Egg beaten 1 ...