Posts

Showing posts from February, 2013

MANGO PINEAPPLE and GELO SALAD

Image
Nitong nakaraang panahon ng Pasko, may natanggap akong basket ng grocery na may lamang mga canned goods at mga gamit na pang-noche buena.   Mayroong pang-spaghetti at mayroon ding pang-fruit salad.  Unti-unti ay nagamit ko naman ang mga ito at ang huli at natira nga ay itong 2 small bottle ng nata de coco at kaong. Isa lang ang nasa isip ko na pwedeng gawin sa mga ito, ang gawin ngang panghimagas o salad.   Wala namang espesyal na okasyon pero komo laging naghahanap ng dessert ang mga anak ko after nila kumain, kaya ginawa ko ito.   Hehehe Actually, hindi ang nata de coco at kaong ang bida sa dessert na ito na ginawa ko.   Ang bida dito ay ang hinog na mangga at pinya.   Yes fresh na mangga at pinya sa halip na fruit cocktail ang ginamit ko sa salad na ito.   At para makadagdag pa ng texture at flavor sa kabuuan, nilagyan ko pa ito ng pandan flavored na gulaman.   Ang resulta, layer and layer of goodness mula sa magkakaibang mga sangkap.   Try nyo din. MANGO PINEAPPLE and GELO

BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE

Image
May ilang burger recipes na din ako sa archive but I think itong version ko na ito ang the best.   Ewan ko.   Marahil ang nagpasarap pa dito ay yung fugi apple na inihalo ko dito na ilang araw na din na nasa fridge namin.   Hehehehe. Nakuha ko lang din yung idea sa isa sa mga paborito kong food blog ang www.casaveneracion.com.  Actually sa blog na ito ako na-inspired kung bakit gumawa din ako ng sarili kong blog.   Kaya marami sa mga niluto ko dito sa archive ay nakopya ko din sa blog niya.   Thanks Ms. Connie. BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Lean Ground Beef 2 pcs. Medium size Fugi Apple (grated o hiwain ng maliliit) 1 large size White Onion (finely chopped) 1 head minced Garlic 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 4 tbsp. Soy Sauce 2 pcs. Fresh Eggs 1 cup Cornstarch or Flour Salt and pepper to taste For the Sauce: 1 big can Sliced Mushroom 2 tbsp. Butter 5 cloves minced Garlic 1 small Onion (finely chopped) 1 tbsp

VALENTINE DINNER @ MR. KUROSAWA (Resort World Manila)

Image
Nitong nakaraang Valentines Day wala talaga akong balak na ilabas ang aking asawang si Jolly.   Ang balak ko lang ay magluto ng espesyal na dinner para sa kanya at mga kids at ibili siya ng bulaklak at lagi ko namang ginagawa tuwing dumarating ang araw ng mga puso. Kaso, nakantyawan ng aking asawa ang kanyang Kuya Alex na nasa Resort World sa Pasay nung time na yun na i-treat naman daw siya.   Nung una di naman talaga ako kasama pero sinabi ng kanyang kuya na isama nga daw ako.   Kaya ayun nalibre ang aming dinner date ng aking asawa.   Hehehehe Nag-ikot muna kami sa Resort World kasama ang asawa ng kanyang kapatid na nandun din nung mga oras na yun.   Pumili kami kung saan kami pwedeng mag-dinner at komo medyo maluwag itong Mr. Kurosawa restaurant ay doon kami pumasok. Mr. Korosawa is a Euro-Japanese restaurant.   Maraming choices yun lang medyo may presyo ang karamihan.   Hehehehe Ang appetizer na in-order namin ay yung fried maki na nasa itaas ang picture.   Ok naman siya.  

RED BULALO

Image
Napanood nyo na ba yung commercial ng Del MOnte Tomato sauce kung saan yung pork sinigang na niluto ay nilagyan ng tomato sauce.   Tinawag nila ito red sinigang.   Na-try ko na din yun at naka-post na din sa blog kong ito. In that same commercial, sa may last part, sinabi nung main character na "next time red bulalo naman" at yun nga ang ginawa ko din naman sa 1 kilo ng beef shank na nabili ko nitong isang araw. It's the same bulalo o nilagang baka na nakagawian na natin.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ito ng tomato sauce.   Halos pareho lang din siya ng pochero wala nga lang saging na saba o kamote na nagpapatamis sa sauce nito.   Dito nga lang sa red bulalo na ito, parang medyo bitin yung tamis ng sabaw as compare sa pochero.   But in general, masarap at kakaiba ang red bulalo na ito.   Try nyo din. RED BULALO Mga Sangkap: 1+ kilo Beef Shank 1 tetra pack Tomato Sauce 1 large Onion (quatered ) Pechay Tagalog Repolyo or Pechay Baguio Mais (cu

SINIGANG na LECHONG KAWALI

Image
Noon ko pa gustong magluto nitong Sinigang na Lechon Kawali, ang problema lechon kawali pa lang ang nauubos na kaya wala na akong naipang-sisigang....hehehehe.   Sino ba naman ang may ayaw sa lechon kawali?...hehehehe Na-inspire akong magluto nito dahil sa dalawang kadahilanan.   Una, nagluto nito yung isa sa mga fnalist ng Master Chef Pinoy Edition na si Carla na naging hit talaga sa mga judges.   Pangalawa, nung na-interview ako ng staff ng Jesica Soho Report sa channel 7, tinatanong nila kung nakapagluto na ako ng sinigang na lechon.   Sabi hindi pa, pero pare-pareho lang kako ang sinigang. Kaya ayun, nitong nakaraang Linggo, tamang-tama naman at may bisita kami sa aming bahay (ate ng asawa kong si JOlly), nagluto ako nitong sinigang nga na lechong kawali.  Kahit ako ay natuwa sa kinalabasan ng aking sinigang.   Mas masarap ang sabaw nito at nag-level up talaga ang ordinaryong sinigang na baboy.   Kaya masasabi kong winner ang sinigang dish na ito.   Try nyo din. SINIGANG NA

GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA

Image
Gusto ko rin yung mga pagkaing may lahok na gata ng niyog kagaya nitong recipe natin for today, itong ginataang alimasag na may sitaw at kalabasa.   Masarap din yung laing or bicol express.   Kaya nga basta may pagkakataon nagluluto ako ng mga nito. Noong araw, medyo matagal ang proseso sa pagkuha ng gata ng niyog.   Magkukudkod ka pa at saka mo ipipiga para makuha yung kakang gata.   Ngayon, bukod sa mga canned na gata, meron din yung mga powder naman na ihahalo mo lang sa maligamgam na tubig.   Ofcourse iba pa rin yung fresh na gata o yung bagong piga na gata ng niyog. Sa Farmers Market sa Cubao may nagtitinda dito ng kakang gata ng niyog na nabibili ng per kilo.   Yes, kinikilo nila ito at ang per kilo ay nagkakahalaga ng P80.   Okay na ito kaysa naman magkudkod ka pa at mag-piga.   hehehehe.   Ang resulta, mas malinamnam ang sauce at mas creamy talaga.   For this dish, ok din lang naman kung yung nasa lata o yung powder, ang punto ko lang, iba talaga yung fresh na piga.   hehe

MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE

Image
Last holiday season, may ilang kilo ng elbow macaroni pasta din ang natanggap ko mula sa mga kaibigan.   At dalawa lang luto ang pwede kong gawin dito, gawing sopas at lagyan ng sauce. Mapa sopas man o may sauce, marami tayong pwedeng ihalo o isahog sa mga pasta.   Nasa sa atin na siguro kung ano ang trip nating isama.   Basta ang tatandaan lang natin, dapat malasa yung sahog na ilalahok natin sa pasta komo matabang naman ito at halos walang lasa. At ganun nga ang ginawa ko sa pasta dish na ito na inalmusal namin nitong nakaraang Sabado.   Parang ala carbonara ang ginawa kong sauce na may lahok na canned tuna at crab sticks.  Nilagyan ko din ng dried basil para mas lalo pang sumarap. MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Elbow Macaroni Pasta 1 big can Century Tuna Flakes in Oil 10 pcs. Crab Sticks (cut into 1/2 inch long) 1 tetra brick All Purpose Cream 2 cups grated Cheese 3 tbsp. Butter 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion (chopped) 1/2

ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES

Image
Nagluto ako ng pork adobo nitong nakaraang araw.   Sinamahan ko pa ito ng nilagang itlog para pamparami na din.   Masarap talaga ang adobo lalo na kung kinabukaan mo kakainin.   Yun lang napulaan ako ng aking asawang si Jolly komo masyado daw malalaki ang hiwa ng piraso ng karne.  Hehehehe Komo nga sinamahan ko pa ng hard boiled eggs ang adobo, may natira pang ilang piraso na malalaki ang hiwa ng karne.  May natira din na kanin ng nakaraan naming dinner kaya naisipan kong isangag na lang ito at ihahalo ang natira pang adobo. I did not expect na ganun kasarap ang kakalabasan ng adobo fried rice na yun dahil habang kinakain mo parang layer layer ang flavor na iyong nalalasahan.   Nandun yung sarap na lasa ng adobo at yung crispiness nung karne.  Try nyo ito.   This not your ordinary adobo fried rice although halos pareho lang ang paraan ng pagluluto. ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES Mga Sangkap: 6 cups Cooked left over Rice (mas mainam kung ilalagay muna ng overnight sa fri

PAN FRIED TUNA with MILKY WASABI SAUCE

Image
Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy ng fresh tuna na galing pa ng Davao.   Dalawang pack na siguro mga 250 grams ang bawat isa so mga 1/2 kilo ang mga yun.   Ito yung ginagawang sashimi sa mga Japanese Resto.   Kita mo talaga na fresh ito dahil ang pula-pula pa ng kulay. Gusto ko mang kainin ito ng raw o sashimi, naisip ko na papaano naman ang mga bata.   Baka hindi nila ito kainin.   So ang ginawa ko, tinimplahan ko lang ito ng asin at paminta at inihaw ko sa kawali sa kaunting olive oil.   Gumawa din ako ng sauce na may kasamang wasabi.   Yes wasabi yung green na inihahalo sa toyo na sawsawan ng sashimi.  Nung una medyo natakot ako na gawin ito, pero laking gulat ko sa kinalabasan nito.   masarap siya at wala yung kagat na nararamdaman o nalalasahan natin kapag ginagawa natin itong sawsawan.   Try nyo din para malaman ninyo.   Dun sa lasa ng tuna?   YUMMY!!!! PAN FRIED TUNA with MILKY WASABI SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Fresh Tuna 1 small can Alaska Evap 1 tsp. or

BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE

Image
Na-try nyo na ba yung bangus back fillet na natatagpuan sa frozen section ng mga supermarket?   Yes.  Marami na ding mga brand na lumalabas ngayon.   Meron din nung mga parts ng bangus like ito ngang back fillet, yung tiyan at yung daing na mismo.  Whats good sa ganitong cut ng bangus ay naipa-plano kung anong luto ang maganda ditong gawin. Kagaya nga nitong back fillet na bangus na ito.   Naisip ko agad na lutuin ito na may kasamang tokwa at may black bean sauce o tausi.  Sarap nito, para ka na ring kumain sa isang Chinese Restaurant.  Yummy!!! BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Bangus Back Fillet (cut into serving pieces) 1 block Tofu o Tokwa (cut into cubes) 1/2 cup Unsalted Black Beans o Tausi 3 tbsp. Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Sesame Oil 1 tbsp. Cornstarch 2 tbsp. Brown Sugar 2 cups Cornstarch 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (Sliced) 5 cloves minced Garlic Salt and pepper to taste Cooking oil fo

HAPPY VALENTINES DAY to ALL!!!!

Image
It's Valentines Day today.   Single ka man o may asawa na, alam ko may kilig ang araw na ito para sa ating lahat.   Although, hindi dapat na sa araw lang na ito dapat tayong maging sweet sa ating mga minamahal, dapat lang na gawin din natin ito kahit hindi Valentines Day. Para sa akin, ang Valentines Day ay hindi lamang para sa mga magsing-irog.  Ito ay para sa lahat ng nagmamahal at minamahal.   Ito man ay ating mga asawa, boyfriend o girlfriend, kahit sa ating mga magulang, mga lolo at lola..sa ating mga kapatid at mga kaibigan.  At para sa aking asawang si Jolly, I love you and I will always here for you and the kids.   Sabi ko nga sa aking card na ginawa sa itaas, "I'm with you and the kids, until the last beat of my heart" At sa inyong lahat....HAPPY VALENTINES DAY po.

CHICKEN THIGH FILLET STEW with KASTANYAS

Image
May nagbigay sa asawang kong si Jolly ng Chesnut o kastanyas na nakalagay sa sachet o pouch.   Imported ata ito at hindi ko lang inalam kung sino ang nagbigay.   Nakalagay ito sa fridge namin ng ilang linggo na din at hindi namin alam kung ano ang gagawin dito. Ganun din, hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin sa 1 kilo ng chicken thigh fillet na nabili ko nitong isang araw.   Noon ko naisipan na bakit hindi ko na lang isama ang kastanyas na nasa sachet sa luto ng chicken fillet na ito.   Niluto ko siya na parang afritada lang na sinamahan ko din ng sweet pickles at kaunting atay ng manok, nagulat ako sa flavor na nagawa ng kastanyas sa kabuuan ng dish.   Masarap ito at hindi pangkaraniwan na afritada na ating nakakain.   Nandun yun tamis at asim ng pickles at yung linamnam ng kastanyas.   Yummy talaga....Kaya basta may pagkakataon ay magluluto ulit ako ng ganito.   Yun lang may kamahalan nga pala ang kastanyas....hehehehe. CHICKEN THIGH  FILLET STEW with KASTANYAS Mga San

CHICKEN PASTA and CANTON GUISADO

Image
Noong nagluto ako ng pasta nitong nakaraan naming wedding anniversary, hindi ko isinama ang lahat ng spaghetti pasta na niluto ko sa aligue sauce na aking ginawa.   Naisip ko kasi na parang kulang yung aligue sauce at baka maging matabang na ito kung isasama ko lahat ng pasta. Kaya naisipan kong baging hindi ko igisa ito na parang pancit bihon?   Kung lalagyan ko lasi ng spaghetti sauce para namang nakakasawa na.   At yun nga ang ginawa ko.  Iginisa ko na parang pancit bihon at sinamahan ko pa ng kaunting canton noodles to add more flavors.   At para mas maging malasa pa, pinakuluan ko yung manok na pangsahog para makakuha ako ng malasang ipangsasabaw sa pancit.   At yun na nga, masarap at malasa ang pasta guisado na ito na aking niluto...hehehe CHICKEN PASTA and CANTON GUISADO Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 100+ grams Canton Noodles 1 whole chicken Breast 250 grams Chicken Liver (cut into pieces) 1 pc. Carrot (cut into str

TURBO BROILED BANGUS in BANANA LEAVES

Image
Narito ang isa ko pang version ng Inihaw na Bangus pero niluto ko ito sa Turbo Broiler.   Bawal kasi sa condo namin ang mag-ihaw sa baga....hehehehe.   This time binalot ko pa ang bangus ng dahon ng saging at saka ko siya binalot pa ng aluminum foil at saka ko nga isinalang sa turbo broiler. Sa amin sa Bulacan o kahit saang probinsya siguro ay ginagawa din itong pagbabalot ng isda sa dahon ng saging at saka iniihaw.   Mainam kasi ito dahil nagdadagdag ng smokey taste at flavor ng dahon ng saging ang isda na iniihaw.   Yun lang kapag iniihaw mo ng direct sa baga ang isdang nakabalot ng dahon ng saging, madlaing nasusunog yung dahon bago pa maluto ang kabuan ng isda.   Kaya minarapat kong balutin pa ng aluminum foil ang binalot na sa dahon na isda at saka ko iniihaw.   Masarap talaga, dahil lumalabas yung natural na flavor ng isda at yung lasa ng dahon ng saging. TURBO BROILED BANGUS in BANANA LEAVES Mga Sangkap: 2 pcs. medium to large size Boneless Bangus 8 pcs. Kamatis (sli

SHRIMP, CRAB and ALIGUE PASTA

Image
May aligue pasta dish na ako sa archive.   Ito naman ang aking updated version.   Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraan naming wedding anniversary.   Syempre, it's a special day, kaya naman espasyal din ang mga pagkaing aking inihanda. Pero paalala ko lang ha, medyo huwag lang pagka-sobra sa pagkain nito lalo na yung mga mataas ang cholesterol at martaas ang blood pressure.   Taba ng talangka kasi ang pinaka-base sauce nito kaya hinay-hinay lang.   hehehehe.   Ofcourse dapat yung good quality ng crab fat ang gamitin para makuha natin yung masaap na lasa ng sauce.   Panalong-panalo ito panigurado ko kaya i-try nyo na. SHRIMP, CRAB MEAT and ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 1/2 kilo medium size Shrimp (alisin ang ulo at balat.  Itira lamang yung dulo ng buntot) 15 pcs. Crab Sticks (cut into strips) 2 cups Crab Fats or Aligue 1/2 cup Fresh Basil Leaves (chopped) 1 cup grated Cheese 3 tbsp. Olive Oil 1

CHICKEN BINAGOONGAN

Image
Nanonood ba kayo ng Master Chef Pinoy Edition sa Channel 2?   Ako nakakapanood pero sa Internet na lang.   Sa www.iwantv.com.ph.   Magtatapos na ito this Saturday sa siang live cook-off ng apat na finalist. Sa buong season ng programang ito, wala namang specific na recipe akong natutunan.   Pero in general, ang natutunan ko dito ay yung pag-e-eksperimento sa mga dish na pwedeng lutuin o yung invention test nila.  Hindi naman talaga dapat na maging limited ang mga dish na niluluto natin sa mga pangkaraniwang dish na nakakain natin. Halimbawa ay itong pork binagoongan.   Masarap talaga ito at isa ito sa mga paborito ko.   Bakit hindi naman sa manok natin ito gawing luto?   At ito nga ang nilutio nitong isang araw.   Pareho lang naman ang pamamaraan ng pagluluto nito.   Mas madali lang sa manok komo mas madali itong maluto.   Try it!   Masarap talaga. CHICKEN BONAGOONGAN Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1/2 cup Bagoong Alamang (yung nasa bottle na nabib

MY TATANG VILL'S BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last February 2, 2013, ipinagdiwang ng aking Tatang Villamor ang kanyang ika-71 kaarawan.   Sa awa ng Diyos at sa tulong ng aking Kuya Nelson, naipaghanda namin siya ng isang simpleng hapunan.   Mga kapamilya at mga kaibigan lamang ang kanyang bisita. Every year, talagang ginagawan namin ng paraan para kahit papaano ay may handa ang kanyang kaarawan.   Kung baga, dapat lang na ipagpasalamat ang mga ganitong okasyon dahil hindi biro ang abutin ka ng idad na 71.  Hehehehe Maaga kaming nakarating sa aming bahay sa Bulacan.   Ayaw kasi naming maubusan ulit ng handa kagaya nung nagyari las year....hehehehe.   Syempre, kumpleto ang pamilya ko sa okasyong ito. Apat kaming magkakapatid.   Ang aking Ate Mary Ann na wala sa picture dahil busy sa mga pagkain pang ihahain.   Si Shirley (pict sa itaas) na aming bunso at ang Kuya Nelson ko nga na nasa Japan.   Lahat kami ay marunong magluto kaya hindi problema ang maghanda sa limited na budget.   hehehehe Konti lang naman ang han

CHINESE STYLE PATA ASADO

Image
Bukod sa Crispy Pata, itong Chinese style Asado ang masarap na gawing luto sa pata ng baboy.   Actually, para din lang siyang adobo o humba ng mga bisaya.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung paglalagay ng mga spices na pangkaraniwang nakikita natin sa mga traditional na Chinese dishes.   Kagaya din lang ng adobo, masarap kainin ito kung sa kinabukasan na.   Mas kumakapit kasi yung flavor sa kaloob-looban ng karne ng baboy.   Kaya ihanda na ang mainit na kanin kung ito ang iyong ulam.  Hehehehehe. Kung gusto nyo naman, pwede din itong himay-himayin at ipalaman sa cua pao o yung Chinese bun o kahit ordinaryong monay.   Para ka na ring kumain ng siopao sa asado dish na ito.   Winner! CHINESE STYLE PATA ASADO Mga Sangkap: 1.5 kilo Pata ng Baboy (sliced, yung malaman na parte) 3 pcs. Star Anise 2 tbsp. Dried Oregano a thumb size Cinamon sticks 1/2 cup Soy Sauce 1/4 cup Vinegar 1/2 cup Brown Sugar 1 head minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 tsp. ground Black Pepper Salt

ROAST PORK with BARBEQUE SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming wedding anniversary.   Roast Pork with Barbeque Sauce.   Sabi ko nga, yung mga paborito ng asawa kong si Jolly ang naisip kong lutuin komo special day namin ito. Nung una hindi ko pa alam kung papaano ko ito lulutuin at kung anong flavor ang aking ilalagay.   Until maisipan kong gawing fruit salad ang 2 latang fruit cocktail na natanggap pa namin last Christmas.   Ayun, yung syrup ng fruit cocktail ang ginamit kong pang-marinade at kasamang pinakuluan hanggang sa lumambot at i-roast. Ang sarap ng kinalabasan.   Malambot at malasa ang karne.   Mas lalong sumarap pa dahil sa A1 barbeque sauce na ginamit ko. Try nyo po. ROAST PORK with BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilo or 1 slabs Country Style Pork Ribs 4 cup Pineapple Juice or Fruit Cocktail Syrup. 1 head minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 cups Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Salt 1 tsp. ground Pepper 1/2 cup A1 Barbeque Sauce (or any brand) Par

HAPPY BIRTHDAY TATANG VILLAMOR

Image
Sa aming paglaki gabay mo at ng Inang Lina ang aming sandigan.   Pinalaki nyo kaming mabubuting tao at may pag-galang sa kapwa.   Ipinakita nyo sa aming ang kahalagahan ng pakikipag-kapwa tao...lumaki kaming matuwid at walang mga bisyo.  Dalangin ko na sana ay matularan ko ang iyong halimbawang pagpapalaki sa amin.   Ang respeto at pagmamahal sa magulang...ang pagpapahalaga sa kahit maliliit na bagay. Sana Lord mabigyan pa siya ng maraming kaaarawan at makasama pa namin siya ng marami pang taon. HAPPY BIRTHDAY TATANG VILLAMOR!!!!   We Love you....

STUFFED BELL PEPPER with CHICKEN, CRAB STICKS, CHEESE and BASIL

Image
Basta para sa aking pamilya, gusto ko lahat the best.   Pagdating sa mga pang-ulam namin sa araw-araw tinatanong ko sila kung ano ang gusto nila at yun ang aking niluluto.   Lalo na pag mga espesyal na okasyon kagaya ng birthday o anniversary, kung ano ang gusto nila na iluto ko ay yun ang ginagawa ko. Kagaya nitong nakaraan naming wedding anniversary kahapon.  Sa lahat ng mga naluto kong espesyal na putahe ay gustong-gusto ng asawa ko itong stuffed bell pepper na ito ang isa sa mga paborito niya.   Kaya naman ito ang isa sa mga inihanda ko para sa kanya. Yun lang may ibang twist akong ginawa dito.   Sa halip na bacon ang aking inihalo sa giniling na manok, crab stick ang aking inilagay.   Also, nilagyan ko din ito ng Japanese Mayo sa ibabaw para mas lalong luminamnam ang lasa.  Try it!  Para sa ating mga mahal sa buhay. STUFFED BELL PEPPER with CHICKEN,CRAB STICKS, BASIL and CHEESE Mga Sangkap: 3 pcs. large Bell Pepper (hatiin sa gitna at alisin ang buto) 1/2 kilo ground