Posts

Showing posts from July, 2013

PAKSIW na PATA by REQUEST

Image
May nag-message sa akin sa isa sa mga post ko dito sa food blog kong ito about paksiw na pata.   Tanong niya, bakit daw kapag naghahanap siya ng recipe para sa paksiw na pata, iba-iba yung nakukuha niya.  Mayroon daw na nilalagyan pa ng bulaklak ng saging, yung iba naman daw ay may kung ano-ano pang inilalagay.   Ang sagot ko naman, ang paksiw ay pagkaing may sangkap na suka at marami talagang version ito kahit saang lugar ka sa Pilipinas mag-punta.  Kung baga, nasa nagluluto kung gusto mo yung may iba pang mga sangkap or yung just plain suka, bawang at paminta lang. Sa paksiw na pata mas gusto ko yung plain lang.   Straight forward kung baga.   Sa biyenan kong si Inay Elo ko din ito nakuha.  Pero ang pinaka-key dito ay yung pagkasariwa ng pata na gagamitin.   Sa simpleng luto na ito, malalasahan mo talaga yung sarap ng karne, sabi ko nga straight forward, walang paliguy-liguy ang lasa.   Ang kainaman din dito, napakaali lang itong lutuin.  Isa pa, mas masarap kainin ito kung k

CHICKEN STEW with PALM DATE

Image
Isa pang simpleng chicken dish ang handog ko sa inyong lahat.   Chicken Stew with Date.   Actually, parang chicken afritada lang din siya pero mayroong kakaibang lasa pagdating sa sauce.   Lasa mo yung matamis na lasa ng Date. Yung date pala ay pasalubong ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita.   Kagagaling lang niya ng Abu Dhabi at isa ito sa pasalubong niya sa akin.   Hindi naman mahilig dito ang aking mga anak kaya ako lang ang kumakain nito sa bahay.   Kaya nung minsang nagiisip ako ng luto sa manok, naisipan kong i-stew ito at lagyan ng date.   Masarap siya lalo na nung nadurog na at sumama sa sauce yung dates.   Try nyo din po. CHICKEN STEW with PALM DATE  Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 15 pcs. Palm Dates 1 tetra pack Tomato Sauce 2 pcs. Potatoes (quatered) 1 pc. Red Bell Pepper (sliced) 1 pc. Carrot (cut into cubes) 1 large Onion (chopped) 5 cloves minced Garlic 2 pcs. Tomatoes (sliced) Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Mag

CORNED BEEF SPAGHETTI

Image
May natira pa akong half kilo ng spaghetti pasta nung nagluto ako ng pasta dish para sa birthday ng asawa kong si Jolly.   Tamang-tama kako at gagayahin ko yung pasta negra na nilutong kapatid kong si Shirley.   Kaya lang parang alanganin yung tira-tirang pusit na ilalahok ko dito.  At isa pa, baka hindi kumain ang mga bata ng pasta na maitim.  So nag-isip ako kung ano ang pwede kong gawin.   Tamang-tama naman at may 3 cheese spaghetti sauce pa ako at ng i-check ko ang aking cabinet ay mayroon pa din akong 1 latang Argentina na corned beef.   At doon na nga nabuo ang corned beef spaghetti na ito.   Masarap at nagustuhan ng aking mga anak.   Try nyo din po. CORNED BEEF SPAGHETTI Mga Sangkap: 400 grams Spaghetti pasta 1 (260 grams) can Argentina Corned Beef 1 tetra pack Clara Ole 3 cheese Spaghetti sacue 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 1 tsp. Dried Basil Leaves 2 tbsp. Olive Oil 1 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 1 cup Parmesan Cheese Paraan n

BRAISED then PAN-GRILLED PORKBELLYusing MAMA SITA'S INIHAW DIP

Image
Tuwing nag-go-grocery ako, tumitingin-tingin din ako ng mga bagong product na pwedeng subukan sa pagluluto.  Lalo na ngayon na nagkalat ang mga marinade mixes at kung ano-anong pampalasa sa pagkain, hindi naman masama na subukan ito para ma-improve pa ang lasa ng ating niluluto. Kagaya nitong product ng Mama Sita (free advertisement  ito ha...hehehe) na may nakalagay na Pang-Inihaw.  Ang unang intindi ko dito ay isa itong pang-marinade na mixes.   Pero ngayon ko lang napansin na pwede din pala itong sawsawan ng inihaw na ano pa man. Pero wag ka, napawi ang paglalaway ko sa inihaw na liempo nang subukan ko ito nitons isang araw lang.   Hehehehe.   Masarap, malambot at malasa ang pan-grilled na liempo na niluto ko.   Yummy! BRAISED then PAN-GRILLED PORKBELLY using MAMA SITA'S INIHAW DIP Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang layer ng taba) 1 tetra pack Mama Sitas Pang-Inihaw Marinade and Dip Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowlm ibabad ang

PASTA NEGRA

Image
Naging kaugalian na nating mga Pilipino na maghanda ng noodles kapag mayroong may kaarawan sa ating pamilya.  Kahit ako ay sumusunod din sa kaugaliang ito na minana natin sa ating mga kapatid na Tsino. Nitong nakaraang kaarawan ng aking asawang si Jolly, nagluto din ako ng espesyal na pasta dish.   Yung Bacon Ham and Mushroom Spaghetti ko.  Hindi ko alam na ipinagluto din pala ng kapatid kong si Shirley ang may birthday ng pasta dish.   At ito ay ito ngang recipe ko for today.   Ang Pasta Negra.   tinanong ko ang aking kapatid kung saan niya nakuha ang idea, at nakuha nga daw niya ito sa aking kapatid naman na nasa Japan, ang aking Kuya Nelson. Nakabuo tuloy ako ng idea sa natirang pusit na niluto ko nitong isang araw.  Remember my Squid in Oyster Sauce?   May natira pa kasi komo hindi masyadong mahilig ang akibng mga anak sa Pusit.  At ito nga ang ginamit kong sauce sa version ko naman ng Pasta Negra.   At masarap ha.  Iba talaga ang lasa ng pusit sa pasta.   Try nyo din po.

TINOLANG BANGUS

Image
Hiniling ng asawa kong si Jolly na magluto naman daw ako ng sinabawang isda.   Sabagay, masarap ngang mag-ulam ngayon ng masasabaw na pagkain dahil nauuulan na naman.   Napa-isip tuloy ako kung ano ang masarap na isda na sabawan. Kapag nag-uulam kami ng isda sa bahay, kung kailan namin ito uulamin ay nun lang ako namimili ng isda na lulutuin.  Yung galing pa talaga sa palengke at hindi yung frozen na.   Tama naman na nakita ko itong sariwang bangus na tingin ko ay mataba ang tiyan. Bagamat nasanay na kami sa boneless na bangus, naisipan kong tamang-tama itong itola kahit na medyo may katinikan ang laman nito.   At tama naman ang aking naisip.   Masarap at malinamnam ang sabaw ng aking tinolang bangus.   Tamang-tama sa maulan na panahon. TINOLANG BANGUS Mga Sangkap: 1 large size Bangus (sliced) 1 pc. large size Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki) Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. large size Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 tsp. Wh

MINATAMIS na SAGING na may SAGO

Image
Nakasanayan na ng aking mga anak ang pagkain ng desserts o panghimagas pagkatapos kumain.   Kaya naman nalulungkot ako kapag wala akong maihain sa kanila kahit man lang prutas kapag nagtatanong sila. Kaya naisipan kong magluto nitong minatamis na saging na saba.   Gusto ko din ito lalo na kung lalagyan mo pa ng crush ice at gatas.   Para mapasarap pa at magkaroon ng ibang texture habang kinakain, nilagyan ko pa ito ng sago.   Angs arap.  Tamang-tamang panghimagas at pang-meryenda na din. MINATAMIS na SAGING na may SAGO Mga Sangkap: 12 pcs. Saging na Saba (cut into 2) 1/2 kilo Cooked Sago Brown Sugar to taste 1 tbsp. Vanilla Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tamang dami ng tubig sa loong ng mga 15 minuto. 2.  Sabay nang ilagay ang brown sugar at ang sago.   Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot na ang sabaw. 3.  Huling ilagay ang vanilla. 4.   Palamigin muna saka ilagay sa fridge. Ihain na medyo malamig o galing sa fri

BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE

Image
Basta mayroong may birthday sa pamilya, nagluluto ako ng pasta dishes o pancit.  Ito siguro ang isa sa mga namana natin sa ating mga kababayang Tsino.   Pampahaba ng daw ng buhay.   O di ba? Nitong nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly, hindi ako naghanda ng maraming food komo sa isang restaurant nga niya ito ipinagdiwang.   Ang ginawa ko, nagluto na lang ako nitong pasta dish in the morning of her birthday.   Sinamahan ko naman ito ng roasted chicken na paborito din aking pamilya para mas maging espesyal ang aming breakfast. BACON, HAM & MUSHROOM SPAGHETTI in POMODORO SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta (Cooked according to package directions) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 250 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1 small can Sliced Mushroom 1 big can Dice Tomatoes 1 tetra pack or 2 cups Three Cheese pasta Sauce 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) a bunch of Fresh Basil leaves 1 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 3

JOLLY'S 2013 BIRTHDAY CELEBRATION

Image
 My wife Jolly celebrated her 46th Birthday last July 17, 2013.   Pinili niya na sa isang restaurant na lang ito sa the Fort gawin para hindi na daw kami mapagod.   Modern Sichuan ang pangalan ng restaurant.   Dito niya napili na gawin komo ang asawa ng kanyang ka-officemate na si Chinna ay dito nagwo-work at maari din daw maka-kuha ng discount.  Hehehehe 9pm ang start salu-salo komo ang karamihan sa mga guest niya na ka-officemate niya ay manggagaling pa sa kanilang work.   Maaga kaming nakapunta sa venue ng dalawa kong anak na sina James at Anton.   Wala ang aking panganay dahil busy sa pagre-review para sa kanyang exam. Ang picture sa itaas ang birthday cake na bigay ko sa may birthday.   Ang sarap ng cake na ito.   Hindi siya masyadong matamis.   Sa Estrels nila ito in-order.  Kasama pala sa mga bisita niya ng gabing yun ay ang kanya mismong boss na si Doc Baby.   Nakakahiya nga at nauna pa siyang dumating kesa sa amin at sa may birthday.   Nandun din ang anak ng boss n

GINATAANG PORK ADOBO

Image
Everybody's favorite natin itong pork adobo.  Kahit saang lugar dito sa Pilipinas ay may kani-kaniyang version ng pambansang ulam natin na ito.   May mga iba-iba ding sangkap na idinadagdag at maging ang paraan ng pagluluto ay nagkakaiba-iba din. Kagaya nitong adobo recipe na nabasa ko sa Inquirer.   Iba ang pamamaraan ng pagluluto ng adobo niya.   Ako kasi basta pagsasama-samahin ko lang ang lahat ng mga sangkap at hahayaan ko nang maluto sa kalan.  Adjust na lang ako sa timpla kung malapit na itong maluto.   Yun lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha-kuha ang adobo ng aking namayapang Inang Lina.   The adobo in the whole wide world. GINATAANG PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo or Kasim (cut into cubes) 1/2 cup Vinegar 2 cups Soy Sauce 1 cup Water 2 heads Minced Garlic 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 cup Kakang Gata 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Pepper Corn 1/2 tsp. ground Black pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola o n

STIR FRIED SQUID in OYSTER SAUCE

Image
Matagal-tagal na din kaming hindi nakaka-kain ng pusit o squid.   Ang last ata ay nung nag-outing kami ng aming pamilya sa Anilao, Batangas.   Kaya naman nang makita ko itong pusit na ito sa Farmers market sa Cubao ay hindi na ako nag-atubili pa na bumili kahit medyo may kamahalan ito. Dalawa lang naman ang iniisip kong pwedeng luto sa pusit na ito.   Adobo at yung may oyster sauce.   Mas pinili ko yung huli komo nadadalas naman ang pagkain namin ng adobo sa bahay.   Isa pa, sa ganitong klase ng seafoods, stir-fry lang ang mainam na gawing luto.   Lalo na sa pusit, kapag nasobrahan ito ng luto tumitigas yung laman niya.  So tamang-tama lang ang oyster sauce para pampalasa sa stir-fry dish na ito.  Try nyo din po. STIR FRIED SQUID in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo medium size Squid o Pusit (linising mabuti at alisin yung parang plastic na backbone niya) 2 tangkay na Celery (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves minced Garlic 1 large

BRIONES FAMILY THANKS GIVING LUNCH

Image
Last Sunday July 14, 2013, nagkaroon ng munting salo-salo ang lahat ng pamilya sa side ng aking asawang si Jolly.   Dumating kasi ang pamilya ng kanyang kapatid na si Beth mula Ireland at ang isa pa niyang kapatid na si Lita na mula naman sa Abu Dhabi.   Na-aga ang pag-uwi ni Lita dahil na-stroke ang kanyang asawang si Kuya Robert.   Okay na naman siya ngayon.   At bilang pasasalamat ng bawat isang miyembro ng kanilang pamilya, naisipan nilang magdaos nga ng isang salo-salo para magpasalamat. Bago nagsimula ang masaganang tanghalian ay syempre mawawala ba ang picture-ran.    Hehehehe.   Napagod tuloy ang aking biyenan sa kaka-pose.   Hehehehe Kanya-kanyang toka ang nagyari sa mga pagkaing aming pinagsaluhan.   Ang dalawang balikbayan ang sumagot sa lechon na talaga namang napakasarap.   Malutong ang balat at malasa ang laman.   Ang dinig ko taga Cebu daw yung may ari ng lechonan na in-order-ran nila nito.   Komo alam kong paborito ng mga balikbayan at ng biyenan ko iton

CHICKEN THIGH FILLET in CURRY SAUCE

Image
Nitong nakaraang linggo magsimula ang Remadan ng mga kapatid nating Muslim at nagkataon naman na itong dish na ito ang niluto ko for dinner that day.   Malapit sa mga muslim ang dish na ito, bukod kasi sa hindi sila kumakain ng baboy ang flavor nito dahil sa curry ay malapit na malapit din sa kanila.   Pangkaraniwan kasi sa mga pagkain nila ay madidilaw. Favorite din ito ng anak ko si Jake.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.   Sa unang kong post ng dish na ito, whole chicken na hiniwa ng pira-piraso ang aking ginamit.   This time chicken fillet naman.   Yung thigh part ang ginamit ko kasama yung skin.   Yun kasi ang magbibigay ng fats o oil sa pag-gisa nito.   Sa kabuuan ay masarap talaga ang dish na ito.  Tamang-tama lang ang pagka-anghang at nagustuhan talaga ng mga anak ko. CHICKEN THIGH FILLET in CURRY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) 2 tbsp. Curry Powder (or kung gaano karami ang gusto nyo) 2 pcs. medium s

TURBO BROILED BANGUS with BUTTER, BASIL, ONION and TOMATOES

Image
Mula noong mauso itong boneless bangus sa mga supermarket o sa palengke man hindi ko na ninais pa na magluto at kumain ng bangus na hindi boneless.   hehehehe.   Kasi naman, masyadong matinik itong bangus at pahirapan talaga kapag kinakain mo na ito.   Hehehehe.   Yun lang, ang problema ngayon, limitado ang pwedeng lutong gawin sa boneless daing na bangus na ito, i-prito o kaya naman ay lagyan ng palaman at i-ihaw. Marami-rami na din akong recipes sa lutong ito ng bangus sa archive.   Nagkakaiba sila sa klase ng palaman na aking inilalagay.   At itong recipe natin for today ay isa pang dagdag sa aking listahan.   Bukod sa pangkaraniwan na sibuyas at kamatis, this time nilagyan ko naman ng butter at chopped na fresh basil leaves.   Nakuha ko yung idea sa chicken ala kiev na ginawa ko nakaraan kong post.   At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at kakaiba ang lasa ng bangus dish na ito. TURBO BROILED BANGUS with BUTTER, BASIL, ONION and TOMATOES Mga Sangkap: 2 pcs. medium to

CHICKEN ALA KIEV - My Own version

Image
Popular sa bansang Ukraine ang dish na ito na sinasabing dito ito nagmula.   Pero may mga historian na nagsasabi na sa Moscow sa Russia ito nag-originate.   Pero kahit saan pa ito nagmula, masarap talaga ang chicken dish na ito.   hehehe Noon ko pa gustong magluto nito.  Para lang kasing kapareho ng chicken cordon bleu.  Yun lang ang chicken cordon bleu ay may palaman na ham at cheese samantalang itong chicken ala kiev ay butter, garlic at kung anong herbs kagaya ng basil o chives.   Also, napansin ko na parang walang sauce ang mga recipes na nabasa ko.   For my version ginawan ko ito ng white sauce para mas lalo pa itong sumarap.   At wag ka, ang sauce ang mas nagustuhan ng anak kong si Anton.   Hehehehe.   Subukan nyo din po. CHICKEN ALA KIEV - My Own version Mga Sangkap: 5 pcs. Whole Chicken Breast (cut into half) 2 cups Chopped Fresh Basil Leaves 1 bar Butter (cut into logs 2 inches long) 1 pc. Egg (beaten) 3 cups Japanese Breadcrumbs Cooking Oil for frying Salt an

CURRY and BASIL FRIED RICE

Image
Ang pagaaksaya ng pakain sa aming tahanan ay isang malaking NO.   I know na marami sa atin ay ganun din.   Kaya nga pag nakakakita ako ng mga pagkain hindi nauubos sa mga handaan man o fastfood nalulungkot ako.  Ang dami kasi sa mga kababayan natin ang hindi nakakakain ng wasto pero ang dami pa din sa atin ang nagaaksaya.  Kaya naman sa amin hanggat maaari ay magamit pa o ma-recycle pa ang mga tira-tirang pagkain na ito. Kagaya nitong espesyal na fried rice na ito.   Bukod sa itlog, puro tira-tira lang ang mga sahog nito.  Pero wag ka...masarap at kakaiba sa pangkaraniwang fried na nakakain natin.   Subukan nyo din po. CURRY and BASIL FRIED RICE Mga Sangkap: 6 cups Kanin (mas mainam kung nalagay muna sa fridge ng mga ilang oras) 1 tsp. Curry Powder 1 cup Lechon Kawali or boiled pork (cut into small cubes) 1/2 cup Fresh Basil leaves (chopped) 1 pc. Egg (beaten) 1 head minced Garlic 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 3 tbsp. Cooking Oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1

PORK NILAGA na may UPO

Image
Ang nilaga marahil ang pinaka-madali at pinaka-simpleng dish o pang-ulam na pwede nating lutuin.  Kahit walang experience sa pagluluto ay tiyak kong nagagawa ito.  Kahit baka, manok, baboy o isda man ay pwedeng ilaga.   Pero ang malaking tanong ay kung papaano ito mapapasarap lalo na ang sabaw. Pangkaraniwang gulay na inilalagay natin sa ating nilaga ay pechay, repolyo, patatas at Baguio beans.   Yung iba naglalagay din ng sayote o kaya naman ay mais.   Okay naman ang mga gulay na ito.   Pero kung gusto ninyo na maiba naman ang gulay na ilalagay, bakit hindi nyo subukan ang upo at sigarilyas.   Lalo na ang upo, kapag isinama mo ito sa nilaga, mas sumasarap ang sabaw nito dahil may natural na katas ito o tubig na manamis-namis lalo na kung sariwa o bagong ani lang. Winner ang nilaga dish na ito.  Tamang-tama sa maulan na panahon dito sa 'Pinas. PORK NILAGA na may UPO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (with bones, cut into serving pieces) 1 small size Upo (cut into cube

GINISANG UPO OVERLOAD

Image
Isa pa sa mga childhood dish ko ay itong Ginisang Upo.   Yes ang pinakamagalang sa lahat ng mga gulay.   Hehehehehe.   Madalas magluluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung pritong isda ang aming ulam.   Gigisa lang niya ito at lalahukan ng hibi o hipon na maliliit ay ayos na ayos na. Nagbalik tanaw ako sa mga panahong yun nang makita ko itong gulay na upo sa palengkeng aking pinamimilihan.   Bagong dating kasi ang mga gulay at sariwang sariwa talaga ang mga ito.   Kaya bumili ako ng isang piraso sa halagang P30 at itong ginisang upo nga ang nasa aking isip.   Tamang-tama naman at may natira pa akong swahe na hipon at lechong kawali naging napaka-sarap ag aking naging pagbalik ala-ala sa dish na ito.   Yummy!!!! GINISANG UPO OVERLOAD Mga Sangkap: Nais na dami ng Upo (hiwain ng pahaba) 250 grams Lechon Kawali (hiwain ng pa-cubes) 250 grams Hipon (alisin ang ulo at balat) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1/2 tsp. ground Black P

ASIAN FLAVORED ROAST PORK (Lechon Kawali)

Image
Isa sa mga all time favorite ng mga Pinoy itong Lechon Kawali.   Ito yung kung hindi ka makabili kahit kilo-kilo lang ng lechon baboy talaga, pwede na itong lechon kawali.   Hehehehe. Madali lang naman talaga lutuin ito.   Ang mahirap na parte lang ay yung pagpi-prito.   May ilang recipes ako sa archive para dito.   Nandoon din yung mga tips para hindi mahirap itong lutuin.   Pero ako, basta gusto kong kumain ng lechon kawali, to the rescue ang aking turbo broiler.   Hehehe.   Ito ang no hazzle na katulong pagdating sa lechon kawali. Simple lang naman talaga ang pagluluto ng dish na ito.   Pero para maiba naman at magkaroon ng kakaibang lasa, pwede nating lagyan ng kung ano-anong flavor ang tubig na ating paglalagaan ng liempo bago ito i-roast o i-prito.   This time nilagyan ko naman ng herbs and spices na pangkaraniwan sa ating mga asyano.   Kay tinawag ko itong asian flavored roast pork.   Try nyo din po. ASIAN FLAVORED ROAST PORK (Lechon Kawali) Mga Sangkap: 1.5 kilo P