Posts

Showing posts from June, 2014

CRAB and CORN SOUP - Chinese Style

Image
The easiest way to cook this is to use Knorr instant Crab and Corn Soup Mixes na available sa mga supermarket.   Just add water, boil and add 1 egg at meron ka nang crtab and corn soup Chinese style. Pero syempre, iba pa rin ang lasa nung pinagpaguran talaga lalo na kung ang kakain nito ay ang inyong mga mahal sa buhay.   Also, dun sa instant hindi masyadong visible yung crab meat o sticks not like etong version na ginawa ko.   Sagana talaga ito sa crab sticks.   hehehehe Ang pinaka-key sa paglulutong nitong soup na ito ay ang magandang quality ng sabaw na gagamitin.   Sa version kong ito ay sabaw ng pinakuluang manok ang aking ginamit.   Bale pinakuluang manok na nilagyan ko lang ng ginayat na sibuyas at kaunting asin. CRAB and CORN SOUP - Chinese Style Mga Sangkap: 2 liters Chicken Stock o sabaw ng pinakuluang manok 10 pcs. Crab Sticks (himayin o cut into strips) 1 can Sweet Corn kernel 1 pcs. Onion (chopped) 2 pcs. fresh Eggs (beaten) 2 tbsp. Cornstarch (disolved

BONBON CHICKEN ala DENNIS

Image
May isang Japanese-Pinoy restaurant kaming kinakainan malapit sa opisina na aking pinapasukan.   Isa sa mga paboritong pagkainna ino-order namin dito ay itong Bonbon Chicken. Sinubukan kong hanapin ang recipe nito sa net per iba ang dish na lumalabas.   Kaya ng ginawa ko,sinubukan kong ire-create yng dish base samga nalasahan ko.    At ito na nga kinalabasan ng aking version.   Masarap...crispy....at nagustuhan talaga ng aking mga anak. BONBON CHICKEN ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (Skin on....cut into bite size pieces) 1/3 cup Oyster Sauce 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Garlic Powder 1 cup Cornstarch 1 thumb size Ginger (grated) 1 tsp. Liquid Seasoning Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Mayonaise Spring Onion Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang chicken fillet sa oyster sauce, grated ginger, garlic powder, liquid seasonig, asin at paminta.    Overnight mas mainam. 2.   Magpa-init na ng mantika sa kawali.   Dapat mga 1 inch an

PASENSYA NA PO.....

Pasensya na po kung hindi ako makakapag-post sa darating na mga araw.   Medyo nagkasakit po ako at hindi  makapagluto ng espesyal. Please continue to view recipes in this blog and please click also the ADS.    Message me kung mayroon po kayng katanungan. Asahan nyo po ang muli kong pagbabalik. Dennis

SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK

Image
Nasubukan nyo na ba itong Mama Sitas Sinigang sa Sampalok mixes?    Kumpara sa mga powder mixes na madalas nating gamitin,ito naman ay hindi powder kundi tunay na laman ng sampalok at mayroon ding gabi.   Ang mainam din dito, hindi ito masyadong maalat. Ito ang pang-asim na ginamit ko sa espesyal na sinigang na baka na ito sa sampalok na may gabi pa.   Ang sarap talaga lalo na yung sabaw.   Tamang-tamalang yung asim at nag-blend talaga sa lasa ng karne ng baka.  Try nyo din po. SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 tetra pack Mama Sita's Sinigang sa Samplalok mixes 3 pcs.Gabi (cut into cubes) Sitaw (cut int 1 inch long) Kangkong Labanos Siling Pang-sigang 2pcs. Kamatis (sliced) 1 large Onion  (sliced) Salt to taste Paraan ng Pagluluto: 1.   Sa isang kaserolang may tubig at asin palambutin ang karne ng baka. 2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang kamatis, sibuyas at gabi.   Hayaang maluto ang gabi

PINALABUANG BUTOBUTO

Image
Ang pinalabuan ng Batangas ay ang diniguan naman ng mga taga Maynila.  Sa amin naman sa Bulacan tinumis ang tawag dito.   Pangkaraniwan, laman ng baboy o kung minsan naman ay lamang loob ng baboy ang ginagamit dito.  May ilan na din akong recipes dito sa blog pero ang isang ito ay iba naman. Nitong huling uwi namin sa San Jose Batangas, nagluto ako nito pero buto-buto o ribs ng baboy ang ginamit ko.   Masarap ang sabaw nito komo mabuto nga ang ginamit.   Try nyo din po. PINALABUANG BUTOBUTO Mga Sangkap: 2 kilos Buto-buto o ribs ng Baboy 10 cups Dugo ng Baboy 2 cups CaneVinegar 1 tsp. Pamintang Durog 5 pcs. Siling Pang-sigang 2 pcs. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola,igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Ilagay na agad ang buto-buto ng baboy at timplahan ng asin atpaminta.   Hayaan munang masangkutsa. 3.   Ilagay ang suka at muling t

CRABS in OYSTER SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa dish na ipinaluto ng pamangkin naming balikbayan na si Marissa para sa kanilang welcome dinner.   Katulad ng hipon na nai-post ko kahapon, sa Farmers market din sa Cubao ko ito binili.   Nakakatuwa dahil ang tataba ng aking nabili at siksik na siksik talaga ng aligue ang takip nito. Hindi kami madalas mag-ulam nito sa bahay.   May kamahalan kasi ang per kilo nito.  Imagine nare-range sa P400 to 550 ang per kilo nito.   Pero okay din lang.   Kung ganito naman kataba ang inyong alimango ay babalik-balikan mo talaga ang iyong binilhan.   hehehehe. Simpleng luto din lang ang ginawa ko dito.   Ginisa ko lang sa luya, bawang at sibuyas at nilagyan ko ng oyster sauce...panalo ang sarap at lasa ng alimangong ito.   Yun lang hinay-hinay din at napaka-lakas ng cholesterol nito.   hehehehehe CRABS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Alimango o Crabs (piliin yung babae) 1/2 cup Oyster Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 1 head minced

SHRIMP in BUTTER-GARLIC-LEMON SAUCE

Image
Sobrang mahal ng bawang ngayon di ba?   Kahit ang luya ang mahal din.   Imagine, P300 per kilo nito sa palengke?   Naging national issue na din nga ito at nagkakaraoon na ng imbestigasyon kung bakit nagkakaraoon ng shortage. Gayun pa man, hindi napigilan ng mataas na presyo ng bawang itong Shrimp in Butter-Garlic-Lemon Sauce na pinaluto ng balikbayan na pamangkin ng aking asawa na si Marissa.   Kahit 1/4 kilo lang ay bumili ako nito para sa hipon na ito para mas lalo pang sumarap. SHRIMP in BUTTER-GARLIC-LEMON SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos medium to large size Shrimp 3 heads Minced Garlic 1/2 cup Butter Juice from 1 pc. Lemon / Lemon zest (ginadgad na balat) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (chopped) 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang hipon.   Alisin ang matulis na sungot at ang balbas nito. 2.   Sa isang medyo malaki kawali o talyasi, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown an

SALU-SALO para sa mga BALIKBAYAN

Image
Last June 12, dumating ang pamangkin ng aking asawa na amin ding kumare na si Marissa kasama ang kanyang anak mula sa bansang France.   Before pa sila dumating, napagusapan na namin na magkakaroon ng munting salu-salo para pasasalamat.   Boodle fight ang original plan.   Nakita kasi niya yung kainan namin nung Holy Week at gusto daw niya na ganun din pag-uwi nila ng Pinas.   Hindi natuloy ang boodle fight sa halip ay sa bahay na lang ito ginawa. Naroon ang buong miyembro ng kaniyang pamilya. Kami man ay maagang umuwi ng Batangas dahil ako ang magluluto ng hipon at alimango na hinabilin niya na lulutuin.   Bale a day before ay ako ang bumili ng mga ito sa Farmers market sa Cubao dahil mahirap makahanap nito sa Batangas. Dalawang dish lang ang niluto ko.   Itong Butter-Garlic & Lemon Shrimp at itong Crabs in Oyster Sauce. Komo maaga kaming nakadating ng Batangas, inihalabos na ang alimango at hipon para hindi masira. Nagluto din ng inihaw na baboy at barbeque ang ka

BROILED DAING BANGUS ala POBRE

Image
In my post yesterday, nai-kwento ko ang Father's Day lunch namin sa Watami na treat sa akin ng asawa kong si Jolly.   After nun, nag-grocery naman kami para sa aming pagkain for the week.   Habang nag-go-grocery nag-iisip ako ng masarap na lutuin para dinner naman.   Nung una naisip ko na mag-turbo ng pork leg o mag-crispy pata.  Kaso, may pupuntahan palang despidida party ang aking asawa kaya binago ko na lang ang plano.   Sa halip, itong broiled daing na bangus ang aking niluto. Dapat ipi-prito ko lang ang daing na boneless bangus na ito kaso ayaw ng asawa ko ng ma-mantika na ilam.   Kaya naman naisipan kong lutuin na lang ito sa turbo broiler o i-broiled.   At ito na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at malasang broiled daing na bangus ala pobre. BROILED DAING BANGUS ala POBRE Mga Sangkap: 2 pcs. Large size Boneless Bangus 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 2 heads Minced Garlic 1 tsp. Freshly Ground Pepper 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt to taste Paraan ng

FATHER'S DAY LUNCH @ WATAMI GLORIETTA

Image
Yesterday, we celebrate Father's Day by attending the 10:30am mass at Greenbelt chapel and a simple lunch at Watami Casual Japanese Restaurant at Glorietta. First time ko pa lang maka-kain sa resto na ito at maging ang aking mga anak.   Ang wife kong si Jolly ay ilang beses na ding naka-kain dito kaya inisip ko na alam na niya ang mga food dito. Marami kang pwedeng pagpilian sa menu.   Pero ganun pa man, yung mga pangkaraniwan at natikman na namin Japanese food ang aming in-order.   Hehehehe. Nag-start kami with this California maki.   Masarap naman.   Kaya lang parang hindi masyadong siksik yung rice kaya medyo mahirap damputin ng chopstiks. Next ay itong ebi tempura.   I don't know....parang walang lasa. Sunod naman ay itong crispy chicken wings na ito na request ng mga bata na parang kulang din sa lasa at kulang din sa sauce. Itong beef roll na ito ang bumawi sa lahat ng pagkaing na mentioned ko sa itaas.   Slice beef siya na may palaman na spring onio

HAPPY FATHER'S DAY - Isang Pagpupugay

Image
HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga ama na katulad ko.  Lalo na sa aking pinakamamahal na Tatang Villamor. Dalangin ko na humaba pa ang iyong buhay at makasama ka pa namin ng matagal.   Mahal ka namin Tatang Vill With Love:    Jolly, Jake, James, Anton and Me

SWEET CHILI GARLIC WINGS

Image
Here is another dish na pwedeng pang-ulam at pang-pulutan din.   Sweet Chili Garlic Wings.   Sa iba buffalo chicken wings ang tawag dito.   Masarap ito.   Hindi na kailangang isawsaw pa sa sauce o gravy dahil naka-coat na ito dito. With regards sa sauce o glaze na iko-coat, nasa sa inyo na yun kung ano ang gusto nyong gamitin.   Please note na asin at paminta lang ang itinimpla sa wings kaya dapat masarap talaga ang sauce na gagamitin.   In this version pwede din na honey bee ang gamitin sa halip na asukal.   Mas masarap ang kakalabasan.   Hindi yun ang nagamit ko kasi naubusan na ako.   hehehehe.   Try nyo din po. SWEET CHILI GARLIC WINGS Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Wings 1 cup Cornstarch 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying For the glaze: 1 tbsp. Chili Garlic Sauce (depende sa anghang na nais) 1/2 cup Tomato Catsup 1 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang mga pakpak ng manok ng

2014 ARAW NG KALAYAAN

Image
MALIGAYANG ARAWNG KALAYAAN SA LAHAT!!!!

MA-KREMANG SABA at NATA de COCO

Image
Basta may pagkakataon gumagawa din ako ng dessert para sa aking pamilya.   Madalas kasi naghahanap  ang mga anak ko nito pagkatapos nila kumain.   Madalas Sabado o Linggo ko ito ginagawa komo wala akong pasok nun sa work. Isa sa madaling pang-himagas na pwedeng gawin ay itong minatamis na saging na saba.   May ilang recipe na din ako sa archive at mapapansin nyo siguro na nilalagyan ko ito ng twist para naman maiba sa panlasa ng mga kumakain.   Dun sa pinaka-huli kong ginawa ay nilagyan ko ng sago at gata ng niyog na naging pataok na patok talaga sa aking mga anak.   This time nata de coco na may langka flavor at cream naman ang aking inilagay.   Masarap siya at nagustuhan din ng aking mga anak. MA-KREMANG SABA at NATA de COCO Mga Sangkap: 12 pcs. Saging na Saba (cut into half) 1 tetra brick All Purpose Cream 5 cups Nata De Coco (Langka flavor) White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserol magpakulo ng 2 tasang tubig. 2.  Kapag kumulo na ilagay ang hi

PORK HAMONADO

Image
Isa sa mga nauna kong recipe na nai-post sa food blog kong ito ay itong Pork Hamonado.   Marami nga ang naka-gusto dito at marami din ang nagsabi na sa mga fiesta at importanteng okasyon lang nila ito natitikman. Ito rin dapat ang lulutuin kong handa nitong nakaraang tapusan o fiesta sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas.  Pero komo nga nag-attend na lang kami ng binyag at naki-fiesta, hindi na ito ipinaluto at naiuwi na lang namin pabalik ng Manila.   At ito na nga ang kinalabasan. PORK HAMONADO Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim o Pigue (ipahiwa na pahaba) 4 cups Pineapple Juice 3 pcs. Red Onion (sliced) 2 head Minced Garlic 2 cups Brown Sugar 1 tsp. Ground Black Pepper 1/2 cup Soy Sauce Salt to taste 1 tbsp.  Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl i-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, asin, paminta, bawang at sibuyas.   Mas matagal mas mainam. 2.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang minarinade na k

PORK & BEEF EMBOTIDO

Image
Ang embotido ay ang counter part natin mga Filipino sa meatloaf ng ibang bansa.   Dito sa atin pangkaraniwang ginagawang embotido ay giniling na karne ng baboy at ini-steam ito.   Sa ibang lugar naman kagaya sa lugar ng aawa ko sa Batangas, piniprito nila ito na naka-balot sa dahon ng saging. Nitong nakaraang mga araw naisip ko na magluto din nitong embotido pero gamit ng recipe na parang meatloaf.   At sa halip na i-steam niluto ko ito sa turbo broiler. Hindi naging 100% succesful ang aking unang try.   Parang nakulangan sa itlog o binder.  O maaaring hindi ko masyadong nasiksik ang palaman nung niro-roll ko na.   But I think baka kulang nga sa itlog ito kaya nagka-ganun.   Pero wag ka, masarap pa rin ito.   Hindi lang pang-ulam kahit palaman pa sa tinapay.   Try nyo din po. PORK & BEEF EMBOTIDO Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Pork 1/2 kilo Ground Lean Beef 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 6 pcs. Hotdog with cheese 1 pc. Carrot (cut into small cubes) 8 slices Loaf

ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA

Image
Minsan ang mga pagkaing patapon na o yung my leftover ay nagagawan pa natin ng paraan para ma-recycle.   Dapat naman.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO. Kagaya nitong enselada na ito na aking inihanda para almusal.   Yung tinapa na inilagay ko ay tira-tira ng nakaraan naming almusal.   At nang hinimay ko ito at tinusta sa kawali ang laki ang isinarap sa enseladang itlog na maalat na ito na may kamatis.   Highly recommended ko ito sa lahat. ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA Mga Sangkap: 8 pcs. Tinapang Galunggong o 2pcs. Tinapang Bangus 6 pcs. Itlog na Maalat (Balatan at hiwain sa apat) 8 pcs. Kamatis (sliced) 2 tbsp. Olive Oil 2 tbsp. Patis 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta.   Mainam yung crispy pero hindi naman sunog. 2.   Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap at haluin mabuti. 3.

CREAMY BEEF CALDERETA

Image
Masasabi kong ang dish na Beef Caldereta ay dish na pang espesyal lang na okasyon.   Bakit naman?   Bukod kasi sa may kamahalan ang karne ng baka ay marami din itong sangkap na kailangan para lutuin.   Ang sinasabi ko po ay yung tradisyunal na pagluluto ng beef caldereta. Pero ngayon pwede naman natin itong lutuin para sa ating pamilya na hindi naman kailangan talaga na kumpletong-kumpleto ang mga sangkap.   But ofcourse hindi tipid sa lasa at sarap. Kagaya nitong niluto kong version na ito ng beef caldereta.   Instant caldereta mix lang ang ginamit ko at dinagdagan ko pa ng all purpose cream para mas luminamnam pa ang sauce.   Sabi nga, sauce pa lang ay ulam na.  hehehehe.   Try nyo din po.   Masarap talaga. CREAMY BEEF CALDERETA Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 sachet Mama Sita's Caldereta Mix 1 tetra brick All Purpose Cream 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 large Potato (cut into cubes) 1 large Carrot (cut into cubes) 1 large Red Bell Pepper (cut

SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE

Image
Sa bahay, kapag pritong isda ang ulam, sinasamahan ko pa ito nang kung hindi gulay ay soup.   Nakasanayan na namin ito.  Para kasing bitin kung yung pritong isda lang ang ulam.  Hehehehe.   Dry na dry di ba?   At isa pa pinipilit ko na may gulay palagi ang ulam namin para makasanayan ng aking mga anak ang pagkain ng gulay lalo na ang pangalawa kong anak na si James.   Try nyo din po ito. SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 15 pcs. Squid Balls (cut into half) 2 tali Kangkong o Water Spinach (hiwain nang mga 1 inch ang haba) 4 tbsp. Oyster Sauce 1 tsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali i-prito ang squid ball sa mantika hanggang sa medyo pumula ito. 2.   Itabi lang sa gilid ng kawali ang squid balls at i-gisa ang bawang at sibuyas. 3.   Sunod na ilagay ang kangkong at oyster sauce.   Maaring lagyan ng kaunting tubig.   Halu-haluin. 4.   T

MARBLED POTATOES with CHEESY BACON SAUCE

Image
Maghahanda kami dapat kahit papaano nitong nakaraang tapusan sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas.   Chinese Style Pork Asado, Roasted Chicken at itong Marbled Potatoes ang dapat na handa namin.   Kaso, marami palang inbitasyon sa amin for lunch and dinner mula sa kanilang mga kamag-anak.   Dalawa din kasi sa kanila ay nagpabinyag. So ang nangyari, ito lang marbled potatoes at yung roasted chicken ang natuloy kong iluto.   Yung pork asado inuwi na lang namin pabalik ng Manila at dito na lang namin naiulam.  hehehehe MARBLED POTATOES with CHEESY BACON SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Marble Potatoes 500 grams Bacon (cut into small pieces) 2 cups Cheese Wiz Pimiento 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Melted Butter 2 heads Minced Garlic Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang bawat piraso ng marbled potatoes at hatiin sa gitna. 2.   Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig na may asin. 3.   Kapag kumukulo na ilagay ang hin

TAPUSAN sa BATANGAS 2014

Image
 Ang buwan ng Mayo ay buwan para sa mga Katolikong Kristyano na magpugay sa ating Mahal na Ina na si Maria.   Sa ibang lugar sinisimulan ito sa 9 na araw na nobena at nagtatapos sa prusisyon o Santa Krusan kung saan inaalala ang pagkatagpo sa krus na pinagpakuan kay Hesus ni Reyna Elena. Sa ibang lugar naman ay may Flores de Mayo o ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.   Nagtatapos din ito sa isang marangyang sagala ng mga nag-gagandahang kadalagahan sa lugar at pagkatapos ay pag-aalay ng bulaklak. Sa lugar ng aking asawa sa San Jose Batangas, hindi kagaya ng nasa itaas ang ginagawa nilang pagpupuri kay Maria.   Dito, buong buwan ng Mayo ay nagkakaroon ng pagdarasal at pag-aalay ng bulaklak.   Bawat gabi ay may mga sponsor na namumuno sa pag-aalay ng bulaklak at naghahanda ng pagkain pagkatapos ng alay. This year, May 30 pa lang ay umuwi na kami ng Batangas at kami naman ang sponsor sa tapusan o ang pinaka-huling araw ng alay.   Hindi na kami nagluto ng handa dahil ma