BULALO: All Time Paborito ng mga Pinoy
Bukod sa Sinigang, ang Bulalo marahil ang isa sa nangunguna pagdating sa pagkaing may sabaw sa ating mga Pilipino. Dahil sa sarap ng sabaw at sa lambot ng karneng baka talaga namang patok na patok ito sa atin. Lalo pa kung may kasamang inihaw na liempo o isda...hehehehe. Tiyak na bundat tayo sa ating pagkain. BULALO: All Time Paborito ng mga Pinoy Mga Sangkap: 2 kilos Beef Shank with bone marrow 2 large onions quartered 250 grams repolyo 2 tale pechay tagalog 2 tangkay na leeks 2 pcs. yellow corn cut into 4 2 pcs. potato quartered 1 tsp. whole pepper corn salt Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang malaking kaserola, ilagay ng baka at subuyas. Lagyan ng tubig, asin at pamintang buo. 2. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang laman at litid ng baka. Alisin ang mga namuong dugo na lumulutang sa sabaw ng pinapakuluan. 3. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang mais. 4. Kung luto na ang mais saka ilagay ang patatas. 5. Kung malapit namang maluto na ang patatas ay saka ilagay ang repolyo,