Posts

Showing posts from December, 2009

TURBO BROILED LIEMPO in LEMON SODA

Image
Noong araw hindi pa uso yung mga instant sauces like barbeque sauce, oyster sauce, hoisin sauce at kung ano-ano pang sauce. Kung baga, kapag mag-iihaw ka ng baboy o manok, o kaya naman isda, asin at kung ano-ano lang na pampalasa ang ating inilalagay. Katulad ng pork barbeque o inihaw na liempo. Natatandaan ko, nilalagyan lang ito ng 7-up, toyo, calamansi, bawang, asin, paminta at kaunting asukal ng Inang ko at ayos na ang lasa. Ito ang naging inspirasyon ko nung niluto ko ito para sa aming noche buena. Simple lang ang mga sangkap pero masarap ang kinalabasan. Try nyo ito this new year. Yun lang nakatamaran kong magpa-baga para dun i-ihaw. Mas masarap ito kung sa baga talaga lulutuin. Pero okay na din sa turbo broiler. Iba lang talaga yung sa ihaw sa baga. mayroon nung smokey taste ang lasa. TURBO BROILED LIEMPO in LEMON SODA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal) juice from 6 pcs. calamansi 1/2 cup Soy Sauce 12 oz. 7-up or Sprite Soda 1 head Minced garlic 1

SHRIMP and BACON PASTA

Image
Ang entry natin for today ay isa sa mga niluto ko at inihanda nitong nakaraang Pasko para sa aming Noche Buena. Actually hindi ko alam kung may ganito talagang lutuin na pasta. Basta pinaghalo-halo ko lang ang mga sangkap na lam kong masarap and yun na. Para siyang carbonara pero may lahok na fresh basil at hipon. Pero alam nyo it's a hit sa aking mga anak. Sabagay, wala namang hindi masarap sa mga anak ko....hehehehe. Try it! madali lang itong lutuin. SHRIMP and BACON PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti pasta cooked al dente 1/2 kilo Shrimp shelled 250 grams. Bacon chopped 1 big can Alaska Evap milk (red label) 1 tetra pack All purpose cream 1/2 bar Butter 1 cloves minced garlic 1 large onion chopped 1/2 cup Fresh basil leaves chopped 1 cup grated cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. I-drain at ilagay sa isang lalagyan. Ilagay ang kalhati ng butter at halu-haluin. 2. Sa isang kawali o sauce pan, i-prito ang bacon sa kaunti

PASKO SA SAN JOSE BATANGAS 2009

Image
Kagaya ng nasabi ko sa last post ko, kung hindi sa amin sa Bulacan ay sa mga biyenan ko sa Batangas kami nagpa-pasko. Ganun lagi ang set-up. Para sa akin, mahalaga na ipagdiwang ang okasyong ito sa piling ng mga mahal sa buhay. Di ba ang unang pasko ay isang pamilya? Kaya marapat lang na una ang pamilya kaysa sa anu pa man. Baka nalilito kayo about my previous post yung noche buena ang title? That was our 2008 noche buena dito din sa San Jose, Batangas. Syempre, mawawala ba ang masasarap na handa sa noche buena. Shrimp and bacon pasta, roasted chicken, chicken and baby potato salad, manggo royal, ham at turbo broiled liempo in lemon soda ang handa. Abangan nyo na lang yung recipe sa mga susunod kong posting. Yung Chicken and baby potato salad di ba nauna na? Ang aking mahal na biyenan, si Inay Elo. Syempre tuwang-tuwa siya at nakita na naman niya ang kanyang mga apo. Nasiyahan naman di siya sa mga inihanda kong pagkain. Kasama din naming kumain ng noche buean ang kapatid ng aking asa

CHICKEN & BABY POTATO SALAD

Image
Belated Merry Christmas sa lahat. Ngayon na lang ulit ako nakapag-post dahil talaga namang super busy ako that week before the holidays. Kabi-kabila ang mga parties at syempre last minute shopping.....hehehehe...sila lang pala...hehehehe. Every year mula ng mag-asawa ako, kung hindi sa Bulacan ay sa mga biyenan ko Batangas kaming pamilya nagpa-pasko. Kung sa Batangas kami nagpapasko, sa Bulacan naman kami nagba-bagong taon. Laging ganun ang set-up. Ginagawa namin ito komo may mga idad na ang nabubuhay naming magulang. At isa pa, iba pa rin talaga ang pasko at bagong taon sa probinsya. This year, sa biyenan ko sa Batangas kami nag-pasko. Komo nga nag-iisa na lang siya at medyo mahina na, kami na ang bahala kung ano ang ihahanda sa noche buena. Malayo pa ang pasko, pinaplano ko na ang ihahanda sa noche buena ng pasko. At isa na nga rito ang entry natin for today. Alam ko simpleng dish lang ito. Pero may ginawa ako iba para mas lalong sumarap ito. Try nyo ito. Oka

NOCHE BUENA - Ano ba ang masarap ihanda?

Image
NOCHE BUENA - Ano ba ang masarap ihanda? Ayon sa wikipilipinas.org, ang Noche Buena ay isang tanyag na kaugaliang Filipino na tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng Kapaskuhan. Hango ito sa salitang Espanyol na nangangahulugang “magandang gabi” o “banal na gabi” at isa ring kustumbre sa mga bansang Espanyol. Tuwing bisperas ng Kapaskuhan, kadalasan ay matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ay nagtitipon-tipon ang pamilya, kasama ang iba pang mga kamag-anak, para sa isang masaganang hapunan. Kaakibat ng masayang kainan ay magigiliw na awitin, masiglang sayawan, at walang-humpay na kuwentuhan. Mula nang ako ay magkaroon ng sariling pamilya, nakagawian na namin na ipagdiwang ang pasko at bagong taon sa tahanan ng aking asawa sa Batangas o kaya naman ay sa bahay namin sa Bulacan. Kung sa Batangas kami magpapasko, sa Bulacan namin kami magba-bagong taon. Kagaya last year, sa Batangas kami nagdiwang ng pasko (larawan sa ibaba). Syempre komo ako ang may alam sa paglulut

BEEF YAKINIKU in TERIYAKI Sauce

Image
Last Saturday ng mag-groceries ako sa SM Hypermarket sa may Kalentong, may nakita akong parang bacon ang cut na meat. Ang naka-label dito ay Beef Yakiniku. Sa totoo lang, wala akong idea what is this kind of beef. Basta ang nakita ko, para siyang bacon na manipis ang pagkakahiwa. P199 ang halaga ng 1 kilo nito. Sa pag-check ko sa google sa beef recipe na ito, napagalaman ko na isa pala itong simpleng beef recipe sa Japan. Yakiniku means grilled meat. Simple, kasi simple lang ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Pero ang ginawa ko dito hindi ko inihaw, niluto ko ito ala teriyaki without the teriyaki sauce. Papano yun? eto sa baba basahin nyo. hehehehe. BEEF YAKINIKU in TERIYAKI Sauce Mga Sangkap: 1 kilo Thinly sliced Beef (Sukiyaki or sirloin) 1 thumb size grated ginger 1 onion chopped 4 cloves minced garlic 2 tbsp. Oyster Sauce 1/2 cup Soy sauce 2 tbsp. Muscova, palm or Brown sugar 2 tbsp. cooking oil 1 tsp. sesame oil 1 tsp. toasted sesame seeds 1 tsp. cornstarch chopped spring oni

PASKO sa AMING BAYAN - Ang Simbang Gabi

Image
Ang Pilipinas lamang ang kaisa-isang bansa na nagdiriwang ng pinaka-mahabang Pasko. Nag-sisimula ito sa Simbang Gabi at natatapos naman sa unang lingo ng Enero at tinatawag nating pista ng tatlong hari. Nakakatuwa naman kasi dahil iba talaga ang feelings sa mga ganitong panahon. Kaya nga sabi ng marami diba…sana araw-araw ay pasko…hehehehe. Ang ate Mary Ann ko nga noong nagtrabaho sa Brunei, kapag nalulungkot daw siya, nagpapatugtog siya ng pamaskong awitin at napapawi nga daw ang kanyang lungkot. Iba talaga ang hiwaga na dinadala sa atin ng panahon ng kapaskuhan. Kay sarap alalahanin ang aking kabataan tuwing dumarating ang ganitong panahon. Naikukumpara ko kasi lalo na ngayon na dito na ako sa Maynila namamalagi kasama ang aking pamilya. Oo naman, sa probinsya pa rin kami nagdaraos ng pasko at bagong taon. Pero iba kasi yung buong panahon ng kapaskuhan. At talaga namang ibang-iba sa compare dito sa syudad. Naaalala ko pa, noon, nakukumpleto ko ang simbang gabi. Sabay-sabay kami ng

PASENSYA NA PO....

Pasensya na po kung ilang araw din akong hindi nakapag-post sa ating munting tambayan. Nag-kasakit kasi ako ..lagnat lang naman....pero hindi talaga ako makapagluto. Pero okay na ako. Abangan nyo na lang ang mga bago kong ipo-post. Thank you sa pangunawa. Dennis

LECHON SA HURNO (Roasted Pork Belly)

Image
Malapit na talaga ang Pasko. Ramdam mo na ang malamig na simoy ng hangin sa umaga. Sa mga mall dagsa talaga ang mga tao. Hindi magkandaugaga sa pamimili ng mga damit at panregalo nila sa pasko. Yung iba nga akala mo nagpa-panic buying na.....sorry ako hanggang panic lang...hehehehe...walang buying....hehehe. Sa panahong ito, panay ang isip din natin sa kung ano ang ihahanda natin sa ating noche buena at sa media noche. Syempre dapat espesyal. Parte na sa ating mga Pilipino na naghahanda ng lechon sa ating hapag kapag ganitong mga okasyon. Pero sa hirap ng buhay ngayon papano kaya ang gagawin natin gayong pagkamahal-mahal ng lechon. Kahit nga kilo-kilo lang ay mahal pa rin. E di tayo na lang ang magluto ng lechon natin. Here's another pam-paskong pagkain natin na siyang entry natin for today. Lechon sa Hurno. Actually, lechong kawali din lang ito less ang mahirap na pagpi-prito. Yes. Same procedure sa pagluluto ng lechong kawali ang pagkakaiba lang ay ang pag-gamit ng oven or turbo

CHINESE SAUSAGES and FRESH BASIL PASTA

Image
Sa pagluluto, importante na matutunan natin ang paghahalo o ang pag-combine ng mga sangkap. Sa pamamagitan nito, nakakagawa tayo ng mga masasarap ng lutuin na kakaiba ang lasa. Nagiging boring kasi kung paulit-ulit na lang ang ating kinakain sa araw-araw. Ito rin ang pangkaraniwang sinsabi sa mga email na natatanggap ko. Kagaya ng pagkaing pang-almusal. Di ba sabi nga ito ang pinaka-importanteng meal sa isang araw? Umiikot lang tayo sa hotdog, luncheon meat, tuyo, itlog, etc. Kaya nga ang ginagawa ko ngayon, sinasalitan ko ng pasta dish ang aming breakfast. Kagaya ng entry natin for today. It's a pasta dish na nilahukan ko ng chinese sausages. Ang original plan ay plain pasta dish na basil and garlic. Although masarap din ang pasta dish na ito, sinubukan kong lagyan ng chinese sausage nga at hindi nga ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng ang niluto. CHINESE SAUSAGES and FRESH BASIL PASTA Mga Sangkap: 300 grams Flat pasta noodles cooked according to directions 2 pcs. Chine

STIR FRY FISH and STRING BEANS in HOISIN SAUCE

Image
Dahil sa food blogging kong ito natuto akong gumamit ng mga herbs, not so common spices at mga sauces. Isa na dito ang Hoisin sauce. Sa China ang origin ng sauce na ito. Madalas gamitin nila ito as a dipping sauce o kaya naman ay sa mga stir fry na pagkain katulad ng gulay. Mapapansin nyo siguro, marami na rin akong dish na nai-post dito na may sangkap na hoisin sauce. Masarap naman kasi talaga kaya naman nawiwili akong gumamit nito palagi. kahit nga mga anak ko nagugustuhan nila ang luto ko na may ganitong sauce. Katulad ng recipe natin for today. Isang simpleng bangus fillet at ordinaryong sitaw mas napasarap sa pamamagitan ng hoisin sauce na ito. Try it! STIR FRY FISH and STRING BEANS in HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Bangus back fillet cut into 2 inches long 1 taling Sitaw/String beans cut also into 2 inches long 2 tbsp. Hoisin Sauce 1 tbsp. Soy Sauce 3 cloves Minced garlic 1 medium onion chopped 2 tbsp. flour 1 tsp. Garlic Powder 1/2 tsp. Pepper salt to taste 1 tsp. sesame oi

AFRITADANG MANOK

Image
Before ko gawin ang entry ko na ito for today, nag-browse muna ako sa internet for this afritada recipe. Madami namang lumabas at isa-isa kong binasa. Nakakatawa lang kasi halos pare-pareho ang recipe at procedure nung mga nabasa ko. I mean as in carbon copy. Sino kaya ang original sa kanila? hehehehe. Yung isa pinalit-palit lang ang mga sangkap. hehehehehe. Itong recipe ko namang ito ay kung papaano ito niluluto ng aking Inang Lina. Kung baga, lumaki ako na ganito ang alam kong luto ng afritada. Nilagyan ko na lang ng iba pang pampasarap para maging mas malinamnam ang finished product. AFRITADANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 1 sachet(200g) Del Monte tomato sauce 2 pcs. Medium size potatoes quatered 1 large carrots cubes 1 large Red bell pepper cubes 1/2 cup grated cheese 2 small cans Green peas or guisantes 4 cloves minced garlic 1 onion chopped Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin ng mga ilang sigundo.

MOJOS POTATOES - My own version

Image
Natatandaan nyo yung entry ko na fish filletwith mayo-bagoong dip? Di ba nabanggit ko dun na may side dish akong ginawa na katerno nun? Eto na yun. Mojos Potatoes. Flavored potatoes ito kagaya nung nabibili o nakakain natin sa Shakeys. Pero itong entry ko na ito ay sarili kong version. Hindi man kasing sarap ng sa Shakeys pero may kakaiba itong sarap na ofcourse yung kumakain lang ang makakapagsabi. Ganun naman talaga eh. May iba-iba tayong panlasa. Kagay na lang nitong foog blog kong ito. May nagkakagusto, mayroon din naman na hindi. Bagsak pa nga ang grade na ibinigay sa akin....hehehehe. Pero okay lang. Sabi ko nga may iba-iba tayong taste. Aminado naman ako na marami pa akong kakaining bigas para makatapat sa mga magagaling na food blogger. MOJOS POTATOES - My own version Mga Sangkap: 3 pcs. Large Potatoes thinly sliced (kasama ang balat) 2 tbsp. Flour 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Curry powder 1 tsp. ground pepper salt to taste cooking oil Paraan ng Pagluluto

PAN-GRILLED PORKCHOPS in THREE HERBS

Image
Mula nang matutunan kong gumamit ng mga herbs and spices, nakagawian ko nang mag-experimento ng mga lutuin na may lahok na ganito. Ang inam kasi nito, nagiging kakaiba ang lasa ng mga lutuin. Parang nagiging lutong restaurant ito. Katulad na lang ng ordinaryo nating spaghetti. Pag nilagyan mo ito ng dried basil o kaya naman ay dried oregano, nagiging espesyal ang lasa nito. Maraming klaseng herbs and spices na availabe sa mga supermarket ngayon. Marami kayong pagpipilian at yung iba ay may kasama na ding mga recipes sa label. Try nyo...nagiging kakaiba ang lasa ng ating ordinaryong pagkain. PAN-GRILLED PORKCHOPS in THREE HERBS Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops 6 pcs. calamasi 1 tbsp. Dried Rosemary 1 tbsp. Dried Basil 1 tbsp. Dried Thyme 1 tsp. Ground pepper Salt to taste 1 tsp. Maggie magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. Pigaan ng calamansi ang porkchops. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng katas ng calamansi ang karne. 2. In a bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa porkchops. Halu

FISH FILLET with MAYO-BAGOONG DIP

Image
Marami na din akong lutuin na nai-post na cream of dory na fish fillet ang gamit. Actually marami ka talagang pwedeng gawin sa isdang ito. May sauce man o kaya naman ay yung may mga dip na kasama. . Ito ang entry natin for today. Mayo-bagoong ang ginawa dip para sa fish fillet. At ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito. FISH FILLET with MAYO-BAGOONG DIP Mga Sangkap: 500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito) 2 tbsp. Flour 1 egg 1/2 cup cold water 5 pcs. calamansi cooking oil for frying salt and pepper to taste 1 cup Mayonaise 1 tsp. Bagoong Alamang 1 tbsp. Olive oil 1 tsp. Maggie magic sarap Paraang ng Pagluluto: 1. Hiwain ang fish fillet sa nais na laki. 2. I-marinade ito sa asin, paminta, katas ng calamansi at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras. 3. Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ang harina at cold water. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Dapat medyo malapot ang kakalabasan ng pinaghalong sangkap. 4. Ihalo ito sa minarinade na fish fillet.

BEEF, TOFU and CHICHARO STIR FRY

Image
Hindi ba lagi kong sinasabi, sa hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin, kailangan nating mag-isip kung papaano tayo makakatipid sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa pagkain, pwede naman tayong mag-tipid na hindi nasasakrispisyo ang sarap at kalusugan ng ating pamilya. Isa sa mga lagi kong sinasabi ay ang pag-gamit ng extender para dumami ang ating ulam. Katulad ng entry natin for today. May kamahalan ang karne ng baka ngayon lalo pat papalapit na ang pasko. Hinaluan ko ng tokwa o tofu at gulay ang kaunting karne ng baka at nakagawa ako ng isang masarap at masustansyang pagkain. Try nyo ito! BEEF, TOFU and CHICHARO STIR FRY Mga Sangkap: 400 grams. Beef brisket 100 grams chicharo 4 pcs. Tokwa cut into cubes o pahaba 1 tbsp. soy sauce 1 tbsp. Oyster sauce 1 tbsp. Hoisin sauce 1 tbsp. brown sugar 3 cloves minced garlic 1 medium onion chopped salt and pepper to taste cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Palambutin ang baka sa isang kaserola na may kaunting asin. Han

SARCIADONG GALUNGGONG with a TWIST

Image
Ang sarciado ay isang klase ng lutuin na ang ibig sabihin ay lutuin sa malapot na sarsa o thick sauce. Ito ay nagmula sa salitang kastila na sarza. Sa ating mga Pilipino, pagsinabing sarciado, ang unang pumapasok sa isip natin ay isa itong lutuing isda na may na ginisa sa kamatis. Sa net ko na lang nalaman na maaari din palang gamitin ang klase ng lutuin ito sa baboy man, manok o baka. So far, sa isda ko pa lang ito natitikman. Sa entry natin for today, nilagyan ko ng twist ang aking sarciado. At hindi naman ako nagkamali. Nagong mas masarap at malinamnam ang kinalabasan ng aking niluto. Dagdag na rin ang paglalagay ko ng nilagang itlog sa ibabaw para ma lalong maging katakam-takam. It's a hit sa aking mga anak. SARCIADONG GALUNGGONG with a TWIST Mga Sangkap: 1/2 kilo Galunggong 1/2 kilo Kamatis chopped 1 tsp. Dried Basil 4 cloves minced garlic 1 large chopped onion 1 egg beaten salt and pepper to taste 1 tsp. maggie magic sarap cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Linising mabuti a

ADOBONG SPARERIBS with LIVER SAUCE and BABY POTATOES

Image
Walang Pilipino marahil na hindi kumakain ng adobo. Kung baga trademark na natin itong lahat pagdating sa pagkain. Kung magkakaraoon ng pambansang ulam, adobo marahil ito. Kasi ba naman, kahit saang parte ng Pilipinas ay alam ang lutuing ito. Nagkakaiba na lamang ng pamamaraan ang iba at sa sangkap na ginagamit. Para hindi naman maging boring ang pangkaraniwan nating adobo, mainam na makaisip tayo ng mga twist na pepwede nating gawin para mas maging espesyal ito. Katulad na lang ng entry natin for today. Nilgayan ko ito ng liver spread at kaunting oyster sauce and viola naging extra special ang ordinaryong adobo. Try nyo ito....hindi ako mapapahiya....hehehehe ADOBONG SPARERIBS with LIVER SAUCE and BABY POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Pork Spareribs cut into serving pieces 1 cup vinegar 1 cup soy sauce 1 tbsp. Oyster Sauce 1 head minced garlic 200 grams Baby Potatoes 2 pcs. laurel leaves 1 tsp. ground pepper 1 small can Reno liver spread 2 tbsp. cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Sa isan

TURBO BROILED PINEAPPLE CHICKEN

Image
11 years ko nang ginagamit ang turbo broiler namin. Gift ito ng dating kong boss na si Sir Vic nung kami ay ikinasal ng asawa kong si Jolly. Since then, paborito namin itong gamitin sa pagluluto ng manok, baboy at marami pang iba. O di ba? sulit na sulit talaga ang gamit na ito sa amin. Imagine 11 years? hehehehe. Gustong-gusto ng mga kids ko ang mga pagkaing luto sa turbo broiler. Lalo na pag manok at pata ng baboy. Kaya naman ang dami ko nang version ng aking roast or turbo broiled chicken. At isa na nga dito ang entry natin for today. Try nyo ito...ayos na ayos ito para sa noche buena. Ito nga pala ang ating Pang-Pasko Recipe#2. TURBO BROILED PINEAPPLE CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs (kung gusto nyo ng buo okay lang) 1 can Del Monte Pineapple Juice (sweetened) 1 tbsp. Dried Rosemary 1 tsp. Dried Thyme Salt and Pepper Paraan ng pagluluto: 1. Kiskisang mabuti ng asin at paminta ang manok. Kung buong manok, kiskisan pati ang loob nito. Hayaan ng mga ilang minuto. 2. Ilagay sa

PORK with BABY POTATOES and MILK

Image
Nag-marinade ako ng 1 kilo ng pork butterfly sa toyo, calamansi at paminta. Ang balak ko sana magluto ng pork steak para sa dinner naming at pambaon na din ng mga bata. Kaya lang nung lulutuin ko na nag-dalawang isip ako kung ganitong luto pa rin ang gagawin ko. Medyo makapal kasi ang pagka-butterfly ng karne at pangalawa parang kakatapos lang naming mag-ulam ng bistek. Papaano yun na-marinade ko na yung karne? At eto na nga ang kinalabasan ng dapat sana ay pork steak. Hehehehe PORK with BABY POTATOES and MILK Mga Sangkap: 1 kilo Pork cut into cubes 8 pcs. Calamansi ¾ cup Soy sauce 1 tsp. ground pepper 200 grams Baby potatoes (hugasang mabuti para maalis ang mga lupang naka-kapit sa balat) 1 cup full cream milk 5 cloves minced garlic 1 large onion chopped 2 tbsp. butter or cooking oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, at calamansi juice. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam. 2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa

SINIGANG NA SUGPO SA KAMIAS

Image
Bukod sa Adobo, ang sinigang marahil ang isang pagkain na pinoy na pinoy talkaga ang dating. Katulad ng adobo, maraming variety ang sinigang depende na rin kung saan ka nakatira o ang iyong lokasyon. Lahat marahil ng pwedeng kainin ay pwedeng isigang. Mapa baboy man o baka, manok man o isda, lahat na ito ay pwedeng-pwedeng isigang. Maraming pang-asim na pwedeng gamitin sa pagsisigang. Pangkaraniwan na dito ang sampalok. Pero sabi ko nga ang pang-asim na ginagamit ay depende sa lokasyon o lugar. Katulad sa amin sa Bulacan, marami sa aming puno ng sampalok so pangkaraniwan sa amin na ito ang ginagamit sa sinigang. Pwede din ang bunga ng santol o kaya naman ay calamansi. Pwede din ang bayabas o kaya naman ay balimbing. Sunod siguro sa sampalok ay ang kamyas. Ito ang ginamit kong pang-asim sa entry natin for today. Tamang-tama ito sa sugpo na nabili ko at ito nga ang aking isinigang na ulam naming nitong nakaraang gabi. SINIGANG na SUGPO sa KAMYAS Mga Sangkap: 1 kilo medium size Prawn or S

PRITONG MANOK - ala MAX

Image
Maraming klase ng fried chicken. Marahil ang pagkaing ito ang isa sa pinaka-popular sa ating mga Pilipino lalo sa mga bata. Wala atang okasyon mapa-fiesta, birthday, kasalan o ano pa man na handaan na mawawala ang fried chicken o pritong manok sa hapag kainan. Maging sa pang-araw-araw na pagkain natin, hindi pa rin natin pinagsasawaan ang masarap na pritong manok. Dito sa atin sa Pilipinas, ang Max fried chicken marahil ang pinaka-sikat na luto ng pritong manok maliban pa sa Chicken Joy ng Jollibee…..hehehehe. Ang mainam sa Max, hindi itinatago ang manok sa harina o breadings para mapasarap ito at mapalutong ang balat. Until now, sikreto pa rin ang recipe ng Max Fried Chicken. Ang dami ko nang napuntahang food blog pero wala pa ring makapagsabi ng original recipe nito. Kaya ito recipe natin for today ay hindi recipe ng Max kundi gaya lamang kung papano ito niluto at kung papaano mapapalutong ang balat ng manok. Try nyo ito. Sabi ng asawa ko parang Max din daw ang lasa nung matikman ni