Posts

Showing posts from August, 2013

TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON

Image
Na-try nyo na bang mag-lahok ng patola at sotanghon noodles sa tinolang manok?   Pangkaraniwan kasi hilaw na papaya o sayote ang gulay na ating inilalagay.   Para maiba naman, naisipan kong patola nga at sotanghon naman ang aking inilagay.  First time ko lang ginawa ito at hindi naman ako nagsisisi sa kinalabasan dahil mas masarap at malinamnam ang naging sabaw nito. Para sa akin, okay lang naman na baguhin ang mga sangkap ng mga nakasanayan na nating luto ng pagkain.   Kahit nga yung pamamaraan ng pagluluto ay okay lang din.  Sa pamamagitan nito, natututo tayo ng iba pang technique para hindi maging boring sa ating nakasanayan na.   Try nyo din po. TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 250 grams Chicken Liver 2 pcs. medium size Patola (slice into 1/2 inch thick) 10 grams Sotanghon Noodles Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic 2 tbsp. Cooking oil 1/

PORK BINAGOONGAN na may GATA

Image
The last time na nakauwi ako sa amin sa Bocaue, Bulacan, nabigyan ako ng bagoong alamang (hindi pa guisado) ng aking Ate Mary Ann.  Nailuto ko na din ito na  may kasamang taba ng baboy mula dun sa baby back ribs na niluto ko nung birthday ng aking anak na si James.   Ang sarap nangpagkaluto ko nito at tamang-tama kamo sa binagoongang baboy na matagal-tagal na din gustong-gusto kong iluto. At natuloy na din nitong isang araw ang aking plano.   Nagluto nga ako nitong binagoongang baboy at nilahukan ko pa ng gata ng niyog para mas maging masarap pa.   Winner talaga.   Tamang-tama lang yung alat at linamnam nung gata.   Subukan nyo din po. PORK BINAGOONGAN na may GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim or Pigue (cut into cubes) 1/2 cup or more Bagoong Alamang 250 grams or more Taba ng Baboy 3 pcs. Talong (sliced) 5 pcs. Siling pang-sigang 2 cups Kakang Gata 1 head minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o h

MINATAMIS na SABA at SAGO na may GATA

Image
Mahilig ako sa mga pagkaing may gata kahit hindi ako Bicolano.   Hehehehe.   Kahit kalahok sa pang-ulam o kaya naman ay sa mga kakanin o dessert, winner sa akin ang mga ito.   Yung ngang ginataang kalabasa at sitaw ay gustong-gusto ko kahit siguro araw-araw kong ulam ay okay lang.   hehehehehe Kaya naman naisipan kong gumawa nitong minatamis na saging na saba at sago na nilahukan ko din ng gata ng niyog.   Talagang wonders ang nagagawa ng gata ng niyog sa ating mga lutuin.   Masarap at nagustuhan ko talaga ng aking mga anak ang dessert na ito.   Subukan nyo din po. MINATAMIS na SABA at SAGO na may GATA Mga Sangkap: 15 pcs. Saging na Saba (cut into half) 1/2 kilo Cooked Sago 3 cup Kakang Gata White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tama lang na dami ng tubig.   Hayaang kumulo ng mga 15 minuto. 2.   Sunod na ilagay ang asukal.   Hayaang kumulo ng 15 minuto pa. 3.   Sunod na ilagay ang sago.   Hayaan muling kumul

CHICKEN FILLET and MIXED VEGETABLES in CREAMY CURRY SAUCE

Image
Itong yung dish na niluto ko nung magtapos ang Ramadan few weeks back.   Yes.   Muslim inspired ang dish na ito.  Di ba madidilaw ang mga pagkain nila at madalas ay may mga spices kagaya ng curry powder? Actually, by accident din ang kinalabasan ng dish na ito.   Dapat sana creamy chicken wit miced vegetables siya na may quail eggs.   Kaso hindi ako nakabili ng itlog.   Ngayon, nung niluluto ko na ito nakita ko yung bote ng curry powder.  Naisip ko lang....mas masarap siguro kung lalagayan ko nito.   Kaya ayun, isang masarap na curry dish ang nagawa ko. CHICKEN FILLET and MIXED VEGETABLES in CREAMY CURRY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 300 grams Mixed Vegetables (Corn, Carrots, Green Peas) 2 pcs. large Potatoes (cut into cubes) 2 tbsp. Curry Powder 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 1 large Onion (chopped) 5 cloves minced Garlic 2 thumb size Ginger (cut into strips) Salt and pepper to taste 1/2 cup Butter

PINATISANG PRITONG MANOK

Image
Dalawang dish lang ang hiniling sa akin ng anak kong si James para sa kanyang kaarawan.  Yung No bake Lasagna nga at itong crispy fried chicken. Hindi ako gumamit nung mga available na fried chicken breadings na available sa market.   Gumamit lang ako ng mga ordinaryong sangkap na makikita natin sa ating mga kusina.   So masasabi kong ang fried chicken na ito ang pinaka-simple pero masarap kong nagawa.   Crispy at juicy pa rin ang laman ng manok.   Try nyo din po. PINATISANG PRITONG MANOK Mga Sangkap: 1 Whole Chicken (cut into serving pieces) 1/2 cup Purong Patis 10 pcs. Calamansi 1/2 tsp. Ground Black Pepper 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 1 cup Cornstarch 1 cup Flour Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang plastic bag o zip block, i-marinate ang manok sa patis, katas ng kalamansi at paminta.   isama na din ang balat ng calamansi.  Isarado ang plastic bag at paikot-ikutin ito para ma-marinate ang lahat na piraso ng manok.   Gawin ito from time to time

NO BAKE MEATY LASAGNA

Image
Ito ang dish na hiniling ng anak kong si James nitong nakaraan niyang kaarawan.   No Bake Meaty Lasagna.   Yes.   All meat ang sangkap ng lasagna na ito.   Hindi kasi kumakain ng gulay ang isa kong anak na ito.  Pag kumain nga ng pancit guisado ito, makikita mo sa gilid ng plato ang mga gulay.   Haayyy. No bake ang lasagna kong ito komo wala kaming oven na pwedeng paglutuan.  Ok din lang naman, dahil halos pareho lang ang finished product.   Dapat lang ay well done ang pagkaluto nung pasta sheets na gagamitin.   Also, NO BAKE MEATY LASAGNA Mga Sangkap: 500 grams Lasagna pasta sheets 500 grams Ground Lean Beef 250 grams Bacon (chopped) 250 grams Ham (chopped) 2 pcs. large Red Onion (chopped) 1 head minced Garlic 3 cups Clara Ole 3 Cheese Pasta Sauce 3 tbsp. Olive Oil 1 tsp. ground Black Pepper Salt to taste For the White Sauce: 1 big can Alaska Evap (red label) 1/2 cup Butter 1/2 cup Flour 2 cups grated cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. 

BRAISED then BROILED BABY BACK RIBS

Image
Ito ang isa pa sa inihanda ko sa birthday ng anak kong si James nitong nakaraang August 19.   Braised then Broiled Baby back ribs.   Ang asawa kong si Jolly ang nag-request nito.   Kahit medyo may kamahalan ang parte na ito ng baboy, ay ok lang para sa may birthday at sa nag-request.   hehehe Dalawang pamamaraan ng pagluluto ang ginawa ko dito.   Braise muna at sa ka ko isinalang sa turbo broiler.  Ang sarap ng kinalabasan dahil malambot na malambot ang karne at malasang malasa yung flavor.   Try nyo din po. BRAISED then BROILED BABY BACK RBIS Mga Sangkap: about 1.5 kilo Baby Back Ribs 1 cup Barbeque Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp ground black pepper 2 tbsp. Brown Sugar 1 cup Water 1 head minced Garlic 1 pc. Star Anise 1 tbsp. Salt 1 tbsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang heavy bottom na kaserola pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cornstarch. 2.  Pakuluan ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagya

PANCIT PUTI

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing inihanda ko para sa birthday ng aking anak na si James.   Ang Pancit Puti.  Syempre hindi mawawala ang noodles basta may birthday.   HIndi ko alam kung bakit pancit puti ag tawag dito, pero sa tingin ko dalawang bagay lang ang ginawa dito para maiba sa karaniwang alam natin na pancit guisado.  Una, wala itong sangkap na toyo at pangalawa, nilagyan ito ng maraming toasted na bawang.   Sa office kapag may birthday ito ang ino-order nila kaya ko natutunan itong pancit puti na ito.   Try nyo din po. PANCIT PUTI Mga Sangkap: 1/2 kilo Rice Noodles o Bihon 300 grams Chicken Liver (cut into small pieces) 300 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips) 1 pc. large Carrot (cut itno strips) 1/2 Repolyo (chopped) 1/2 cup Kinchay (choppep) 1 pc. Chicken Cubes 2 heads minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-

JAMES 13th BIRTHDAY

Image
Birthday ngayon ng pangalawang anak na si James Manuel.   Yes.  Isinunod ko kay Manuel Quezon ang kanyang pangalan.   Hehehehe. Naging kaugalian ko na na ipaghanda ang aking asawa at mag anak sa kanilang mga kaarawan.  Kahit na may kagipitan ako sa pananalapi, ay iniraraos ko pa rin ito kahit papaano.   Ito marahil ang namana ko sa akin namayapang Inang Lina.   Na kahit mahiraplang kami ay ipinagdiriwang namin kahit papaano ang aming kaarawan. Para sa pagkaing ihahanda, inatanong ko ang may birthday kung ano ang gusto niya.   At para James nga, itong lasagna at fied chicken ang hiniling niya na lutuin ko.   Dinagdagan ko na lang ng babyback ribs na hiling naman ng aking aawa at pancit puti naman ay siya naming naging breakfast. Wala naman kaming bisita.   Ang kapitbahay lang namin na si Ate Joy at Nelson ang nayaya kong sa amin na lang mag-lunch. Naubos ang handa.  Nagustuhan ng bunso kong si Anton ang lasagna.  hehehehe. Dalangin ko sa Diyos na sana ay magkaroon pa

PARMESAN BREADED PORK CHOPS

Image
May nabili akong 1 kilo ng Pork Butterfly nitong huli naming pag-go-grocery.   Ang Pork Butterfly ay yung cut ng baboy na parang porkchops (walang buto) na hiniwaan sa gitna na parang hugis paru-paru.  Gusto ko ang cut na ito komo walang kasamang buto at balat ng baboy.  Konti din lang ang taba nito. Nung binili ko ito hindi ko pa alam kung anong luto ang aking gagawin.  Until makita ko itong recipe ng parmesan Breaded Pork chops sa Yummy.ph na site.   Tamang-tama kako at mayroon pa din naman akong natitirang parmesan cheese sa bahay.   Hindi ko sinunod yung recipe na nasa site.   Ginamit ko lang siyang guide at gumawa ako ng sarili kong recipe.   At hindi ako nabigo, masarap ang kinalabasan ng fried porkchops ko na ito.  Try nyo din po. PARMESAN BREADED PORK CHOPS Mga Sangkap: 10 pcs. Pork chops 5 pcs. Calamansi or 1/2 Lemon 1/2 cup Parmesan Cheese 1 pc. Egg (beaten) 1 tbsp. Flour 2 tbsp. Water Salt and pepper to taste 3 cups Japanese Bread crumbs Cooking oil for Fr

MAQUESONG LUMPIANG SHANGHAI

Image
Nag-attend kami ng aking pamilya ng isang birthday sa isang restaurant sa SM Megamall.   At habang naglalakad kami, patingin-tingin ako sa mga resto na nandun at dun sa mga menu na naka-display sa may pintuan nila.   Napukaw ng aking pansin itong Maquesong Lumpiang Shanghai na nakalagay sa menu nila.   Sabi ko sa sarili ko, gagawa din ako ng ganyan.  Hehehehe. Hindi ako mahilig sa Lumpiang Shanghai pero sa isang ito talaga namang nagustuhan ko ang lasa at timpla.   Ma-pangulam man o papapakin lang ay winner talaga itong lumpiang ito.   And for sure, gagawa uli ako nito sa mga daraing pang mga araw.   Masarap talaga.  MAQUESONG LUMPIANG SHANGHAI Mag Sangkap: 1/2 kilo Lean Ground Pork 1 large Red Bell Pepper  (cut into small cubes) 3/4 bar Cheddar Cheese (grated) 1 large White Onion (chopped) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste 35 pcs. Lumpia Wrapper (square) Cooking Oil for frying 1 pc. Egg (beaten) Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl, pagh

CRISPY TAWILIS

Image
Itong isdang Tawilis ang masasabi nating talagang small but terrible.   Ang liit lang kasi niya pero malasang-malasa ang kanyang laman. Hindi ako mahilig sa isda lalo na kung ito ay maliliit.   Pero exemption siguro dito ang tawilis.   Masarap kasi siya kahit maliit lang.   Dalawang luto lang ang alam kong gawin sa isdang ito.  I-prito at isaing na parang ginagawa ng mga Batangueno. Sa post kong ito, ang ibabahagi ko ay kung papaano natin maluluto o mapi-prito ang isdang ito na crispy na crispy talaga.   Mula nung mag-blog ako, natutunan ko din na mag-experiment sa mga sangkap na ginagamit ko para mas lalo pa itong ma-improve at mapasarap pa.   Kagaya nga nitong kung papaano pa mapapa-crispy ang isda na kagay nito.   Ito ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng rice flour sa halip na ordinary flour.   Ang harina kasi kapag tumagal na ang pag-prito, lumalata na ito o lumalambot lalo na pag nahanginan.   Pero ang rice flour, mas matagal ang pagka-crispy kahit mahanginan na.   Try nyo din

DE LATANG SALMON at SOTANGHON

Image
 Kapag ganitong maulan at malamig ang panahon masarap talagang humigop ng mainit na sabaw.   Para sa akin the best yung simpleng sabaw lang pero punong-puno ng flavor o lasa.   At itong recipe natin for today ang tutumbok sa mga sinasabi ko.   Actually, isa ito sa mga childhood dish na naaalala ko na pinapaulam sa amin ng mahal kong Inang Lina. De latang Salmon (pink salmon) lang ang pangunahing sangkap nito.   May kamahalan kasi kung yung fresh na salmon ang gagamitin.   Hehehehe.   DE LATANG SALMON at SOTANGHON Mga Sangkap: 2 big cans Salmon in Oil 50 grams Sotanghon Noodles 1/2 Repolyo (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 1/2 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang sabaw ng Salmon in can at lagyan din ng nais na dami ng tubig pangsabaw.   Hayaang kumulo. 3.   Kapag kumulo na, ilagay na ang sotanghon noo

PININYAHANG MANOK

Image
Hindi na iba sa atin ang paglalagay ng prutas sa ating mga lutuing ulam.   The most common ay itong pinya.  Pero na-try ko na din na mag-lagay ng oranges, strawberry, mansanas at iba pa.   Ang maganda dito, nagkakaroon ng fruity flavor ang ating mga lutuin at nakakadagdag ng sarap sa kabuuan.   Pwede tayong gumamit ng fresh na prutas o kahit yung nasa lata. For this dish, yung nasa lata ang ginamit ko.  Mahirap din kasing maka-hanap ng pinya na matamis.   Okay din naman itong nasa lata at magagamit yung syrup nito para magpalasa pa sa sauce ng dish. Madali lang po itong lutuin, kahit siguro beginners sa pagluluto ay magagawa ito.   Try nyo din po. PININYAHANG MANOK. Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick 1 can Pineapple Chunk 1 small can Alaska Evap (yung red label) 1 large Potato (cut into cubes) 1 thumb size Ginger (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Timplaha

SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti)

Image
Ito yung pasta dish na niluto ko para sa 11th birthday ng aking anak na si Anton.   HIndi ko alam kung may hungarian spaghetti talaga...hehehehe, tinawag ko lang ito na ganito komo nilahukan ko ito ng hungarian sausages.   Bukod sa hungarian sausages, nilagyan ko din ito ng giniling na baboy at chunky tomato sauce with three cheese.   Pasensya na pala sa pict at medyo madilim.   4am ko naluto yan komo kailangan na maka-prepare ako bago mag-4:30am.   Maaga kasi ang pasok sa school ng tatlo kong anak.   Napagpasyahan namin na sa breakfast na lang ipagluto ng noodles ang may birthday kaya ayun napaaga talaga gami ng gising.   hehehehe.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng may birthday ang aming inihanda kaht simple lang.  hehehe SPAGHETTI with HUNGARIAN SAUSAGES (Hungarian Spaghetti) Mga Sangkap: 800 grams Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 5 pcs. HUngarian Sausages (sliced) 400 grams  Ground Pork 4 cups Del Monte Chuncky Tomato with 3 Cheese pasta Sauce

ANTON'S 11th BIRTHDAY

Image
Birthday ng bunso kong anak na si Anton today August 8.   Simula nung ipinanganak siya, ipinaghahanda ko siya kahit papaano ng pagkaing gusto niya.   Lahat kami sa pamilya ang ganun ang ginagawa ko.   Di ba nakaugalian na natin na dapat ay may noodles pag mayroong may birthday? Komo simpleng araw natapat itong birthday niya, at pare-pareho kaming mga pasok sa work, naisipan naming mag-asawa na sa breakfast na lang daw ako mag-luto para sa may birthday.   Kaya eto mukha kaming lahat na bagong gising.   Ay...sila lang pala, kasi as early as 3:00am ay gising na ako para magluto.   Dapat kasi 4:30 ay nakaluto na ako at gigisingin ko na sila para hindi sila maiwan ng school bus.    Dalawang dishes lang ang niluto ko.   Spaghetti na may giniling na baboy at hungarian sausages at chicken fingers.   Bumili din ng cake ang asawa kong si Jolly na lagi din niyang ginagawa basta mayroong may birthday sa pamilya. Nakakatawa kasi mukhang bagong gising kaming lahat sa mga picture namin.  

CHOCO GELATIN with PEANUT BUTTER TOPPINGS

Image
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ag itatawag ko sa dessert na ito.   Dalawa lamang ang pangunahing sangkap na ginamit ko dito except syempre sa peanut butter na ginawa kong toppings.   Nakabili kasi ako ng instant choco drink powder na akala ko ay magugustuhan ng aking mga anak.   Ilang weeks na din pero hindi pa rin ito nauubos.   Naiisip ko lang baka pa-expire ito at masayang lang.   Naisipan kong ihalo ito sa gelatin powder para maging isang pudding o dessert.   Hindi ko na ito nilagyan ng asukal dahil matamis na yung choco powder.   Simpleng-simple lang kung papaano ko ginawa ito.  Nilagyan ko na rin lang ng peanut butter sa ibabaw to add flavors at para maging katakam-takam sa mata.   Try nyo din po. CHOCO GELATIN with PEANUT BUTTER TOPPINGS Mga Sangkap: 3 cup Anchor Choco Powder 1 box Gelatin Powder 3 cups Water Peanut Butter for toppings Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang choco powder, gelatin powder and tubig gamit ang blender.    I-blender ito hanggan

KAPAMPANGAN CHICKEN ASADO

Image
Kapit-probinsya lang ng Bulacan ang Pampanga kaya naman marami sa mga specialty dishes dito ay halos magkakapareho.   Alam naman natin na basta lutong kapampangan ay masarap talaga kaya naman ito rin marahil ang nakuha ng mga Bulakenyo sa kanila. Isa sa mga dish na kilalang-kilala sa mga kapampangan at bulakenyo ay itong chicken asado.   Para din lang itong adobo pero hindi suka ang ginagamit ditong pang-asim kundi calamansi at tomato sauce.  Simple lang ito pero masarap. KAPAMPANGAN CHICKEN ASADO Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1/4 cup Katas ng Calamansi 1-1/2 cup Tomato Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 2 pcs. medium size Potatoes (quartered) 2 pcs. Dried Laurel Leaves 1/4 cup Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang manok ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 3.  Ilagay na agad ang manok at laurel at hayaang masangkutsa ng mga lim

CRISPY CHICKEN FILLET with LEMON BUTTER SAUCE

Image
Ang dami nang nagsulputan na fastfood chain na nag-se-serve ng chicken na may glaze na o kaya naman ay may mga kasamang dip na may iba-iba ding flavor.   Actually, ilan pa din lang ang natitikman ko at isa sa mga observation ko ay walang lasa ang pinak-chicken niya.  Sasarap lang yung chicken kapag sinamahan mo na ng mga sauces na ito o flavoring.   Kagaya nitong isang sikat na pizza parlor, walang lasa talaga yung chicken nila pero pag nabalutan na nung sauce ayun nagkakalasa na. Ibahin nyo itong crispy chicken fillet ko na ito.   Kahit walang sauce may lasa pa rin at masarap, lalo na kung bagong luto at medyo mainit pa.   Pero syempre, kung gusto nyo naman ng may sauce, ok din itong lemon butter sauce na ginawa ko.   Try nyo din po. CRISPY CHICKEN FILLET with LEMON BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) 1 pc. Lemon 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 5 cloves minced Garlic 1 thumb size Ginger (grated) 1 medium size Onion (chopped)

ADOBO FRIED RICE with GIGI FLAKES

Image
Lagi kong sinasabi na NO NO sa aming bahay ang pag-aaksaya ng pagkain.  Kaya naman hanggat maari ay nire-recycle natin ito para mapakinabangan pa.  Siguro kailangan lang nating mag-isip ng kaunti para mas mapasarap pa natin ito. Kagaya nitong simpleng fried rice na ito.   Nung nagluto ako ng chicken adobo nung isang araw, napadami ata ang sabay na nailagay ko.  Kaya ang ginawa ko, inilagay ko sa isang lalagayna ang ibang sabaw at inilagay ko muna sa fridge.  Sayang kasi kako, lalo pa at nasa sauce na na yun yung lasa at sarap ng adobo.   Ganun din sa kanin na natira at sa 2 pirasong gigi na ulam pa namin nung isang araw.   Doon nabuo sa isip ko na sa halip na i-init ko na lang yung kanin bakit hindi ko na lang ito gawing fried rice. Para magkaroon ng ibang texture, inihiwalay ko yung toasted garlic at ginawa kong crispy yung adobo flakes at saka ko ginawang toppings sa fried rice.   Wow!  Panalo ang lasa at ang sarap kainin talaga. ADOBO FRIED RICE with GIGI FLAKES Mga Sang

MINCED PORK and BAGUIO BEANS in BLACK BEAN SAUCE

Image
Noong mag-celebrate ng kanyang birthday ang asawa kong si Jolly, ginawa niya ito sa isang restaurant sa The Fort sa Taguig City.   Ang pangalan ng restaurant ay Modern Sichuan.   Okay naman ang mga food nila.   Lahat masasarap at isa sa mga nagustuhan ko ay yung minced pork ba yun na may Baguio beans at medyo spicy ang lasa.   (Please see picture below..yan po yung sa Modern Sichuan) Naisipan kong gayahin ang dish na yun at pinipilit ko talagang ire-construct yung lasa sa aking isipan.   Isa kasi sa medyo nalalasahan ko na itinimpla sa dish na yun ay parang lasang bagoong o anchovies ba yun? Alam ko stir fry lang ang luto, at magaman hindi ko natumbok ang lahat ng mg sangkap, pero hindi naman nahuhuli ang lasa at sarap ang aking ginawa.   Just look at the two picts and kayo na ang mag-judge kung alin ang sa tingin nyo ay mas masarap.   hehehehe MINCED PORK and BAGUIO BEANS in BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Minced Lean Pork 300 grams Baguio Beans (cut into 1 inc