Posts

Showing posts from October, 2013

SINIGANG na LAPU-LAPU sa MISO

Image
Bihira lang kaming mag-ulam ng isdang Lapu-lapu.   Medyo may kamahalan kasi ang isdang ito.   Kagaya nitong niluto ko, 3 piraso na katamtaman lang ang laki at P180.   Mahal di ba?  Pero okay na din paminsan-minsan lang naman. Nung nabili ko ang isdang ito, isa lang luto ang nasa isip ko.   Ito ay isigang ito sa miso at lagyan ng gulay na mustasa.   At tama naman ang kinalabasan.   Masarap at malasa ang sabaw ng sinigang kong ito.   Try nyo din po. SINIGANG na LAPU-LAPU sa MISO Mga Sangkap: 3 pcs. medium size Lapu-lapu 1 sachet Sinigang sa Miso Mix Sitaw Mustasa Labanos (sliced) 2 thumb size Ginger (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking oil Salt or Patis to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Halu-haluin ng ilang sandali. 2.   Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw.  Takpan at hayaang kumulo. 3.   Kung kumukulo na ilagay ang lab

BEEF STEW in 3 CHEESE SPAGHETTI SAUCE

Image
Kung titingnan natin ang picture ng dish na ito, masasabi nating ordinaryong beef mechado lang ito.   Pero kapag nalasahan mo na, masasabi mong hindi ito basta-basta mechado na dish.   Bakit naman?   Ang ginamit ko kasi ay hindi ordinaryong tomato sauce kundi spaghetti sauce na may 3 cheese na flavor.  Yes.  Spaghetti Sauce.   Hindi naman kasi dapat limitado ang mga sangkap na gagamitin sa kung ano lang ang nakagisnan o nakasanayan.   Minsan mainam din na lagyan natin ng twist ang ating mga lutuin. Actually, napakadali lang lutuin ang dish na ito.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay magagawa ito.   Ang importante kasi dito ay yung spaghetti sauce na gagamitin.   Pwede din gamitin yung iba pang flavor ng spaghetti sauce.   Nakakatuwa nga kasi yung lasa ng spaghetti ang nalasahan ng bunso kong anak na si Anton nung inuulam na niya ito.   I think pwede din na gawing sauce ito sa pasta.   Try din natin. BEEF STEW in 3 CHEESE SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef C

TINOLANG PORKCHOPS sa UPO

Image
Kapag sinabing tinola ang unang naiisip natin ay yung manok na may sabaw na niluto sa luya at may gulay na hilaw na papaya.    Tama naman dahil yun talaga ang alam nating tinola.   Pero pe-pwede din naman na mag-tola tayo ng isda o kaya naman ay baboy.   At sa gulay na isasahog, hindi lamang papaya ang pwedeng ilagay.  Pwede din ang sayote, patola o kaya naman ay upo. Kagaya nitong recipe ko for today.   Sa halip na manok porkchops ang ginamit ko at sa halip na papaya naman ay upo ang isinahog ko. Masarap din ang porkchops sa tinola.   May buto kasi ito na magbibigay ng malasang sabay sa dish.   At yung upo naman ay may manamis-namis na lasa (lalo na yung bagong pitas ha) sa lasa ng sabaw. Try nyo din po.   Masarap ito lalo na ngayong lumalamig na ang panahon. TINOLANG PORKCHOPS sa UPO Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops (yung may buto na kasama) 1 small size Upo (cut into cubes) Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) 5 p

CHICKEN and HAM STRIPS in CREAMY PUMPKIN SAUCE

Image
Dapat sana chicken laing ang gagawin kong luto sa chicken fillet na nabili ko nitong nakaraang beses na nag-grocery kami.   Kaya lang naisip ko baka hindi masyadong magustuhan ito ng aking mga anak dahil sa kulay at yung medyo spicy na lasa.   Kaya naisipan kong lagyan na lang ito ng cream at mushroom na parang stroganoff ang dating. Pero habang nagpe-prepare ako sa pagluluto, nakita ko yung natirang kalabasa at konti pang sweet ham sa aming fridge.   Naisipan kong bakit hindi ko na lang ihalo ito sa aking creamy chicken dish para naman ma-free-up na din ang space ng aming fridge.   And to my surprise, masrap ang kinalabasan ng dish.   Nandoon yung lasa ng mushroom, yung lasa ng ham at yung konting tamis ng kalabasa.   Try nyo din po. CHICKEN and HAM STRIPS in CREAMY PUMPKIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo skinless Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) 1 small can Sliced Button Mushroom 1 tetra brick All Purpose Cream 100 grams Sweet Ham (cut into strips) 100 grams K

HOME MADE CHICHARON BABOY na may LAMAN

Image
Mahilig din ba kayo kumain ng chicharong baboy?   Masarap itong pang-snacks o kaya naman ay pika-pika sa mga inuman.   Ako ginagawa ko din itong ulam lalo na kapag may kasamang kamatis na pinirat at patis.   Ginagamit ko din ito sa mga ginisang gulay at maging sa ginisang munggo.  Sa aming bayan sa Bulacan isa sa mga sikat na pagkaing pasalubong ay itong chicharon.   Kaya naman basta may pagkakataon na maka-uwi ako ay nagdadala ako nito pabalik sa Manila.   Maraming klaseng chicharon na mabibili dito, pero ang pinaka-gusto ko ay yung may laman na konti.  Yun lang may kamahalan ang ganitong klase.  Kaya naman naisip ko na bakit hindi na lang ako gumawa nito sa bahay.   At yun nga ang ishe-share ko sa inyo.   Actually, hindi lang yung pamamaraan ng pagluluto kundi kasama din kung papaano hindi titilamsik yung mantika habang piniprito ito.  Pwede nyo ding gamitin ang tip na ito kung magluluto kayo ng lechong kawali o crispy pata.  Try nyo din po. HOME MADE CHICHARONG BABOY na may

PINEAPPLE GELATIN

Image
Nabanggit ko na espesyal para sa akin ang weekends komo family day ito at sa araw na ito lang kami nakaka-kain ng sabay-sabay.   Kaya naman hanggat maari ay espesyal ang mga inihahain ko. At kagaya nitong nakaraang linggo naisipan kong gumawa nitong simpleng dessert na ito pero masarap. Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan, ang gelatin ay isa sa mga dessert na inihahanda sa mga espesyal na okasyon.   Maraming flavor ang nagagawa nila na may ibat-iba ding kulay.   Pangkaraniwan yung kulay pink na may pasas o kaya naman ay mint green na may sahog din buko.   Dito sa ginawa ko naman ay nilagyan ko ng canned pineapple.   Akala nga ng anak ko ay leche plan ito.   Hehehehe.   At kagaya ng dati nagustuhan nila ang dessert na ito.   Try nyo din. PINEAPPLE GELATIN Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (Yellow color) 1 can Pineapple Tidbits 2 cups Pineapple Juice (sweetened) 2 cups Evaporated Milk 3 cups Water Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lagyan ng pineapple t

GINATAANG KALABASA na may LONGANISA

Image
Mahilig din ako sa mga pagkaing may gata lalo na sa mga gulay.   Iba kasi yung lasa at linamnam kapag may lahok na ganito ang ating ulam.   Kung baga, sabaw pa lang ay ulam na.   Malasa kasi eh. Pangkaraniwan kapag nagluluto ako ng kalabasa, sinasamahan ko ito ng sitaw at gata syempre at kaunting bagoong.   But in this recipe, hindi ko na nilagyan ng sitaw at longanisa naman ang aking isinahog sa halip na bagoong.    Yung smokey flavor na longanisa ang aking ginamit.  Inalis ko lang siya sa casing at sinabay sa pag-gisa.   Nakakatuwa kasi ang sarap ng kinalabasan.   Naghahalo yung linamnam ng gata at yung smokey flavor ng longanisa.   Isama mo pa yung medyo manamis-namis na lasa ng kalabasa.   Winner talaga.  Tiyak kong mapaparami kayo ng kanin nito.    Hehehehehe GINATAANG KALABASA na may LONGANISA Mga Sangkap: 500 grams Kalabasa (cut into cubes) 2 cups Kakang Gata 3 pcs. Smokey flavored Longanisa (alisin yung laman sa casing) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 5 clo

CRISPY PORK in SWEET-SOUR-CHILI SAUCE

Image
Para sa akin ang weekend ang pinaka-espesyal na araw sa buong linggo para sa aking pamilya.   Kaya naman hanggat kaya ko ay ginagawa ko itong espesyal hindi lamang sa quality time kundi maging sa pagakaing aking inihahain para sa kanila.  Kagaya nitong nakaraang Linggo, nagluto ako ng arroz caldo para sa aming almusal at ito namang pork in sweet-sour-chili sauce naman para sa aming hapunan.   Masasabi kong espesyal ang dish na ito dahil sa bukod sa may katagalan lutuin ay talaga ito at pang espesyal na okasyon talaga.   CRISPY PORK in SWEET-SOUR-CHILI SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into 1 inch long and 1/2 inch thick) 1 medium size Red Bell pepper (cut into cubes) 1 medium size Green Bell Pepper  (cut into cubes) 1 medium size Carrots (sliced) 1 large White Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic 1 thumb size Ginger (sliced) 1 cup Sweet Chili Sauce 1 cup Tomato Catsup 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste 1 pc. Egg (beaten) 1 cup

TURBO BROILED FISH in BANANA LEAVES

Image
Kapag isda ang aming ulam, dalawang luto lang naman ang madalas na ginagawa ko.   Kung hindi prito ay yung may sabaw kagaya ng sinigang o pinesa. Para maiba naman, naisipan kong lutuin naman sa turbo broiler itong tilapia na aking nabili.   Ang problema ko lang sa ganitong luto ay yung pag-dikit ng balat ng isda sa aluminum foil na aking pinambabalot dito. Dito naisipan na bakit hindi ko balutin muna ng dahon ng saging at saka ko balutin ng aluminum foil?   Di ba ganito din yung ginawa ko sa torta para di manikit naman sa kawali sa pagpi-prito?   At tama...hindi nga nanikit ang isda at nagkaroon pa ito ng extra flavor dahil sa dahon ng saging.   Try nyo din po. TURBO BROILED FISH in BANANA LEAVES Mga Sangkap: 4 pcs. Medium to large size Tilapia 5 pcs. Tomatoes (cut into small cubes) 1 large size White Onion (chopped) 1 thumb size Ginger (grated) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Materials: Aluminum foil Dahon ng Saging Paraan ng pagluluto: 1.  

CHICKEN ADOBO with MARBLED EGGS

Image
Para sa akin importante ang itsura ng pagkaing aking inihahain sa aking pamilya.   Ofcourse without sacrificing yung lasa.   Baka naman maganda nga tingnan pero wala naman lasa.  Kaya naman talagang ginagawan ko ng paraan para maging katakam-takam ang bawat putaheng aking niluluto. Bukod sa itsura, ginagawan ko din ng twist ang aking mga niluluto lalo na yung mga classic na nating pagkain kagaya ng adobo.   Parang kasing nakakasawa na kung yun at yun an ating nakakain at nalalasahan. Dito sa adobo dish na ito, hindi lamang basta chicken adobo ito na may nilagang itlog na nakikita natin sa mga carinderia.   Yung egg ginawan ko ng marble effect at yung adobo naman ay iiba ko ang pamamaraan ng pagluluto.   Ang resulta?   Isang re-invented na chicken adobo with marbled egg.   Try nyo din po. CHICKEN ADOBO with MARBLED EGGS Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 head minced Garlic 1 large size Onion  (sliced) 1/2 cup Vinegar 1 tbsp. Worcestershire Sauce

FRENCH TOAST ala Dennis

Image
Pangkaraniwang almusal namin sa bahay katulad ng nakakaraming pinoy ang kanin at ulam.   Mas mainam na ito para mas mabigat sa tiyan at may panlaban tayo sa lahat ng gawain sa buong mag-hapon.   Pero may pagkakataon na nakakasawa na din yung pare-parehong ulam sa umaga kaya naman minsan nagluluto din ako ng sopas o kaya naman ay mga noodle dish. Nitong nakaraang araw naisipan kong gumawa o magluto naman ng French toast.   Basically, ito ay yung tinapay na nilubog sa itlog na may gatas at saka tinoast.   Yung iba, medyo matamis yung timpla na ginagawa nila pero ako, konting asin lang at magic sarap ang aking inilagay dahil ite-terno ko ito sa ginisang corned beef.  Bukod pa dun sinamahan ko din ng hinog na papaya para mas makumpleto ang aming almusal.   Nakakatuwa dahil ubos at humihirit pa ang aking mga anak sa french toast na ito. FRENCH TOAST ala Dennis Mga Sangkap: 1 pack Gardenia Loaf Bread 1 small can Alaska Evap (red label) 3 pcs. Fresh Egg (beaten) 1/2 tsp. Mag

TURBO BROILED PORK BELLY

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ang Inihaw na Liempo.   Kaso, hindi ko maluto ito ng madalas komo sa condo nga kami nakatira.   Kaya naman kung natatakaw talaga ako sa ulam na ganito, pina-pan-grill ko na lang ito o kaya naman ay niluluto sa turbo broiler Sa version kong ito ng inihaw na liempo, hinaluan ko ng peanut butter ang marinade mix na ginawa ko.   Nasa isip ko kasi yung barbeque sa Thailand na may sangkap na ganito.   Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng aking pamilya.  Try nyo din po. TURBO BROILED PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly 10 pcs. Calamansi 2 cups Sprite Soda 1 tbsp. Peanut Butter 1/2 cup Soy Sauce 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black Pepper 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Salt Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang lahat na mga sangkap sa isang bowl at hayaang ma-marinade ito ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam. 2.   Lutuin ito sa tubo broiler sa pinalamataas na init hanggang sa maluto.    Maari d

CHICKEN FILLET STEAK (ala bistek)

Image
May nabili akong chicken thigh fillet nitong nakaraang araw sa SM Supermarket at maganda ang cut at pagka-fillet sa kanya.   Malalaki kasi ang piraso at maganda ang pagkakahiwa.   Dapat sana ala bistek ang luto na gagawin ko dito kaso, naubusan pala kami ng toyo.   Ang ginawa ko na lang, niluto ko ito sa oyster sauce at sa katas ng calamansi.   Nung una hindi ko ma-gets ang lasa, pero nung tumagal masarap pala ang kinalabasan.   Kahit ang mga anak ko ay nagustuhan ang luto kong ito.   Try nyo di po. CHICKEN FILLET STEAK (ala bistek) Mga Sangkap: 15 pcs. Chicken Thigh Fillet 8 pcs. Calamansi 4 tbsp. Oyster  Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. large White Onion (cut into rings) 5 cloves minced Garlic SAlt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggie magic Sarap 2 tbsp. Butter Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng chicken fillet.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang bawat piraso ng manok sa butter.

PINATOLANG MANOK na may MISUA

Image
Isa sa mga paborito kong gulay ang patola.   Masarap at malasa ito lalo nayung sariwa o bagong pitas pa lang mula sa baging nito.  Masarap na ilahok ito sa mga lutuin may sabaw dahil manamis-namis ito at nagpapasarap talaga sa lasa ng sabaw. Ewan ko ba ang mga kabataan ngayon kung bakit hindi mahilig sa mga gulay.   Sa mga anak ko talagang pinipili pa nila ang gulay na kanilang kinakain.  Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako ng mga gulay katulad ng patola na hindi nila madalas nakikita at nakakain. Nga pala, ang dish na ito ay imbento lamang.   Kinuha ko yung idea sa dish na Pinatolang Baka na nabasa ko lang din dito sa net.   At para maging mas masarap at katakam-takam pa, nilahukan ko ito ng misua at nilagyan ko ng achuete para magka-kulay.   Try nyo din po. PINATOLANG MANOK na may MISUA Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Drumsticks 2 pcs. Micua Noodles 1 large Patola (sliced) 1 tbsp. Achuete Seeds 5 cloves minced Garlic (pakatasin sa 1/2 tasang tubig) 1 large

MY SON ANTON'S 2013 FIELD TRIP

Image
Last October 8, nag-field trip ang bunso kong anak na si Anton kasama ang kanyang Mommy Jolly.   Dapat sana ako ang sasama pero ang asawa ko na nga ang aking pinasama komo napuntahan ko na ang mga lugar na pupuntahan at siya ay hindi pa. Ike-kwento ko na lang ang kanilang pinuntahan base na rin sa kwento ng aking asawang si Jolly at ang aking anak na si Anton. Maaga silang umalis sa meeting place sa Mandaluyong.   5:30am ang call time and eksaktong 5:50am ay umalis na sila. First stop nila ay sa Divine Mercy Shrine sa Marilao, Bulacan.   Maraming silang picture sa lugar na ito komo marami talagang makikita dito.   Nakapag-uwi din sila ng Holy water mula sa bukal mula sa imahe ng Mahal na Birhen. Hindi maikakaila na masaya ang lahat ng mga kasama ng aking anak sa field trip na ito.   Dapat kasi sana ay nung September 24 ito pero na-postpone dahil sa masama ang panahon. Second stop nila ay sa isang Ice cream factory.   Walang masyadong picture dito dahil bawal kumuha n

MINATAMIS na SABA with PANDAN FLAVOR GELATIN

Image
Masarap talagang panghimagas itong minatamis na saging na saba.  Lalo na kung lalagyan mo pa ng ginadgad na yelo at gatas, tamang-tama sa malamig man o mainit na panahon.   Pero kung gusto nyong maiba naman, bakit hindi nyo lahukan ng iba pang mga sangkap?   Sa mga previous recipe ko ng minatamis na saging na ito, pansinin nyo na minsan nilagyan ko ng sago.   Minsan naman nilagyan ko din ng gata.   This time nilahukan ko naman ito ng flavored gelatin.   And you know what?  mas sumarap at nagle-layer talaga sa bibig mo yung flavor ng saging at yung lasa ng pandan sa gelatin.   Ang pagkakamali ko lang sa dessert na ito, nailagay ko agad yung gelatin sa minatamis na saging kahit medyo mainit pa ito.  Kaya pansinin nyo yung pict, medyo nalusaw yung gelatin na inihalo.   Hehehehe.   Pero kahit ganun ang nangyari, masarap pa din ito at nagpasarap pa lalo yung pandan flavor sa sauce o arnibal ng dessert na ito.   Try nyo din po. MINATAMIS na SABA with PANDAN FLAVOR GELATIN Mga Sangkap

PRITONG MANOK - My Childhood Version

Image
Lahat halos siguro ng mga bata ay paborito itong fried chicken.   Dahil na din siguro sa kabi-kabilang advertisement ng mga fastfood chain sa mga telebisyon at billboards.   Pero ang mga fried chicken na ito ay yung coated ng mga breadings na may halong mga herbs at mga spices.   Ang Max na lang siguro ang hindi gumagamit ng mga breadings na ito. Kahit noong aking kabataan, paborito ko din ang fried chicken.   Para sa akin espesyal ang okasyon kapag nagluto nito ang aking Inang Lina.  Madalas, ito ang pinapabaon niya sa akin kapag may mga picnic sa school.   Noong araw wala pa nitong mga fastfood chain na ito at ang paraan ng pagluluto ng fried chicken ay napaka-simple lamang.   Sa totoo lang parang nagbalik ang aking kabataan ng matikman ko ang childhood version ko na ito.  Nakakatuwa kasi nagustuhan din ng aking mga anak ang fried chicken ng aking kabataan.   Try nyo din po. PRITONG MANOK - My Childhood Version Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 10 pcs

BICOL EXPRESS - My Own Version

Image
Ang Bicol Express ay isang pork dish na kilalang-kilala sa Bicol Region.   Kagaya ng mga pagkaing luto dito, mayroon itong gata ng niyog at ang paborito ng mga Bicolano na sili.   Hindi ko alam kung saan nag-origin ang dish na ito.   Pero isa lang ang masasabi ko, masarapa talaga ang dish na ito. Hindi ako madalas magluto nito sa bahay komo medyo maanghang.   Baka kako hindi makain ng mga bata.   Until mabasa ko itong isang article kung papaano mabawasan ang anghang ng sili.   Ang ginagawa lang pala ay alisin yung buto nito sa loob.   Dahil dito, hindi masyadong maanghang at tama-tama lang ito sa bibig.   Kahit nga ang mga anak ko ay nakain ito.   Try nyo din po. BICOL EXPRESS - My Own Version Mga Sangkap: 1 kilo Skinless Pork Liempo (yung may buto ng konti, cut into cubes) 2 cups Kakang Gata 6 pcs. Siling Pang-sigang (alisin yung buto at hiwain yung 3 piraso) 1 tbps. Bagoong Alamang 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pep

EASY PATA CALDERETA

Image
May officemate ako na nagtatanong kung papaano daw magluto ng caldereta.   Unang sagot ko, punta lang siya dito sa blog at marami siyang recipes ng caldereta na makikita.   First time lang niya nagaaral na magluto.   Sagot ko pa, madali lang namang magluto nun.   Gamit na lang siya ng caldereta mix.    hehehehe.   Nakakatawa per yun talaga ang ipinayo ko sa kanya.. Maraming choices kung mga sauce mixes ang paguusapan.   Isa na dito itong Mama Sitas (Free advertisement ito ha....hehehe).   Ito ang ginamit ko sa easy caldereta na ito.   Although, gumamit na ako ng ready sauce mixes, ginawa ko pa din yung normal na gisa para mas masarap ang kalabasan. Also, in this caldereta recipe, pata ng baboy ang aking ginamit.   Masarap din kasi yung may konting taba at buto ang ating caldereta.   Try nyo din po. EASY PATA CALDERETA Mga Sangkap: 1 whole Pork Leg o Pata (sliced) 1 tetra pack Caldereta Mix (Mama Sita;s Cadereta Sauce) 1 large Carrot (cut into cubes) 2 pcs. Potato (cut

CHICKEN TOCINO SANDWICH

Image
Ako ang nagpre-prepare ng baon ng aking mga anak nila sa school.   Dati lahat sila lunch at snacks ang binabaon.  Pero nitong nag-highschool na yung dalawa (Jake and James), snacks na lang ang ibinabaon nila at ang bunso ko na lang na si Anton ang nagbabaon ng lunch. Madalas, biscuits at mamon ang pinababaon ko sa kanila.  Pero minsan iginagawa ko din sila ng sandwiches or hamburgers.  Nitong isang araw, naubusan ako ng pwedeng ipalaman para sa kanilang sandwiches.   Ang ginawa ko, nakita ko itong natirang chicken tocino na ulam namin nung isang araw at ginawa ko itong parang chicken salad.   Nakakatuwa dahil nagustuhan naman ito ng aking mga anak.   CHICKEN TOCINO SANDWICH Mga Sangkap: 2 cups Chicken Tocino (cut into small pieces) 1 cup grated Cheese 1 cup Mayonaise 1 tbsp. Sweet Pickle Relish Salt and pepper to taste Loaf or White Bread To assemble: 1.   Sa isang bowl, paghaluin lang ang lahat na mga sangkap maliban sa loaf bread. 2.   Tikman at i-adjust ang lasa.

CHEESE & CORNED PORK STUFFED BANGUS

Image
Marami na rin akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito.   At lahat naman ay masasabing kong masarap ang kinalabasan.   Ang mainam kasi sa isdang bangus na ito, kahit ano ang ipalaman mo ay ok pa din.  Basta ang gagamitin lang natin ay yung malasa na mga sangkap. Kagaya nitong bago kong version.   Corned pork, cheese at butter ang aking inilagay.   Ofcourse may kasama pa ding kamatis at sibuyas.   Papaanong hindi magiging masarap ito?  Di ba?   Try nyo din po at tiyak kong magugustuhan din ninyo ito. CHEESE & CORNED PORK STUFFED BANGUS Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 6 pcs. large Tomatoes (cut into small pieces) 1 large White Onion (chopped) 1 cup Pork or Corned Beef (guisado na) 1 cup Cheese (grated) 1 cup Butter (grated) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap ang bawat piraso ng boneless bangus.   Hayaan ng ilang sandali 2.   Sa isang bowl paghaluin

PORK BISTEK TAGALOG

Image
Isa sa mga paborito kong ulam itong Bistek Tagalog.   Kaya lang hindi kami madalas makapag-ulam nito komo may kamahalan ang karne ng baka.   Although, iba pa rin talaga kung baka ang gagamitin, pwede din natin lutuin ang ganito gamit ang karne ng baboy.   Hindi man kasing sarap kung baka ang gagamitin, pero masarapin na din at malasa din ang sauce. Madali lang itong lutuin komo pork ang gagamitin.   Kahit siguro beginners sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin.   Try nyo din at tiyak kong magugustuhan nyo din ito kagaya ko. PORK BISTEK TAGALOG Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (thinly sliced) 10 pcs. Calamansi 1 head minced Garlic 2 pcs. large White Onion (cut into rings) 1 cup Soy Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. Ground Black Pepper 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng Pagluluto: 1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang karne ng baboy.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang heavy bottom na kase