Posts

Showing posts from April, 2015

MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE

Image
Habang namamalengke ako sa Farmers market sa Cubao, nakita ko itong may kalakihang maya-maya at naisip ko agad na masarap gawin ito na may sweet and sour sauce.   Kaya kahit may kamahalan ay bumili ako nito. Kung bibilhin natin sa mga Chinese restaurant ang ganitong putahe medyo may kamahalan ito.   Kaya mainam siguro na tayo na lang ang magluto. Pwede din naman na ibang isda ang gamitin.   Pwede din ang tilapia para mura lang o kaya naman ay lapu-lapu. Masarap po ito at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay. MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE Mga Sangkap: 3 pcs. medium to large size Maya-maya 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 medium size Red Bell Pepper (cut into strips) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head minced Garlic 1 large White Onion (sliced) 1 cup Banana or Tomato Catsup 1 tbsp. Cornstarch 3 tbsp.  Cooking Oil Salt, Sugar and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1...

MELON and MANGO JELLY SALAD

Image
Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas.  Wala ka talagang masulingan kung papaano maiibsan ang init na ating nararamdaman.   Hindi naman pwedeng maghapon nakabukas ang aircon o electric fan at baka mahimatay naman tayo sa laki ng ating babayarang kuryente.  Kahit sa pagluluto at pagkaing ating kakainin, mainam na konting effort lang ang magagamit para hindi tayo masyadong mapagod dahil sa init.   Also, mainam na yung kakainin natin ay yung refreshing o kahit papaano ay nakakabawas ng init na ating nararamdaman. Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang simpleng salad o dessert na tamang-tama sa mainit na panahon.   At isa pa, napapanahon ang mga sangkap na gagamitin. In this recipe, yung melon lang ang tunay na prutas na aking ginamit.   Yung mangga ay flavor lang from an instant juice powder.  Pero wag ka parang tunay na mangga din ang kinalabasan.   Try nyo din po.  Masarap talaga. ...

BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS

Image
Hehehehe...Bumili na naman ng baby potatoes ang aking asawang si Jolly.   Ibig sabihin nun ay gusto niya ulit na magluto ako nito. The last time nanagluto ako nito ay carbonara sauce ang aking ginamit.   This time siguro mas masarap kung mayonaise naman. Chicken breast sana ang aking ilalahok kaso nalimutan kong bumili nito nung mag-grocery kami.   Kaya naisipan kong sliced ham na lang ang aking ilagay.   At para dagdag sarap sa kabuuan, nilagyan ko din ito ng cashew nuts, celery at carrots.   Yummy talaga...hehehe. BABY POTATO SALAD with HAM and CASHEW NUTS Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (hugasan na mabuti at hatiin sa dalawa) 1 pc. Large Carrot (cut into cubes) 2 cup Lady's Choice Mayonaise 300 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 100 grams Cashew Nuts 2 cups Chopped Celery (yung tangkay lang) 1 pc. Pork or Chicken Cube Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang patatas at car...

BAKED CHICKEN CORDON BLEU

Image
May ilang recipes na din ako nitong Chicken Cordon Bleu sa archive.   Sa mga recipes na ito, pa-prito ang ginagawa kong pagluto dito.   Ang nagiging problema minsan kapag pa-prito hindi nalulutong mabuti ang loob lalo na kung may kakapalan ang chicken fillet na ginamit.   Also, may tendency na bumuka ang bawat roll nito habang pini-prito. This time para maiwasan ang ganoong problema, sa halip na i-prito, niluto ko na lang ito sa turbo broiler.   Sinapinan ko ng wax paper ang griller at saka ko inilapag ang bawat piraso ng cordon bleu.  Sa pinaka-mainit na setting pa din ang aking ginamit para naman hindi ma-dry ang laman ng manok.   At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap na putahe para sa ating mahal sa buhay. BAKED CHICKEN CORDON BLEU Mga Sangkap: 6 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skinless) 6 pcs. Sliced Sweet Ham 6 pcs. Cheese logs (about 2 inches long) 1 pcs. Lemon or 8 pcs. Calamansi 1 pc. Eg...

WIRED HOTDOG SPAGHETTI

Image
May nabasa ako na sa pagkain daw ang unang kumakain talaga ay ang ating mga mata.  Kung baga kung sa tingin natin ay masarap ang pagkain nakahain sa ating harapan, yun ang nagdidikta na kainin natin ito. Kaya importante din na maganda ang itsura ng mga pagkaing atin inihahain sa ating mga mahal sa buhay.   Ofcourse hindi naman yung gagastos pa tayo ng extra para mapaganda lang natin ang ating niluluto.  Kung sa mga espesyal na okasyon siguro ay okay lang. Kagaya na lang nitong spaghetti na niluto ko nitong nakaraang Sabado.   May nabasa at nakita kasi ako sa net na yung hilaw na spaghetti pasta ay ipinantuhog sa hotdogs at nung naluto ay para itong kable ng kuryente.   Kakaiba ito sa mata ng kakain at natitiyak kong ikakahanga nila.   Try nyo din po. WIRED HOTDOG SPAGHETTI Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti Pasta 500 grams Jumbo Hotdogs (cut into 1/2 inch thick) 6 cup 3 Cheese Spaghetti Sauce 1 head MInced Garlic 2 pcs. ...

TILAPIA FILLET with BARBEQUE DIP

Image
Nitong huling pag-go-grocery ko sa SM Supermarket sa Makati, nakita ko itong medyo may kalakihang tilapia.   Naisip ko agad na bakit hindi ko ito ipa-fillet at gawan ng masarap na sauce.   First time ko pa lang gagamit ng tilapia sa fish fillet dish ko.   Nung una tuna ang aking ginagamit kaso may kamahalan na ngayon ang kilo nito.   Nung nauso naman ang cream dory, ito na ang madalas kong gamitin.  Kaso medyo nahihirapan ako sa timpla nito komo may kaalatan na ang laman ng isda na ito. Sa tilapia fillet, masasabi kong pwede din itong ihelera sa mga isdang tuna, lapu-lapu at iba pang medyo may kamahalan na isda.   Masarap din kasi ang lasa nito.   Ang mainam pa dito hindi ito kamahalan.   Try nyo din po. TILAPIA FILLET with BARBEQUE DIP Mga Sangkap: 3 pcs. large size Tilapia (ipa-fillet) 1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi 1 cup Cornstarch 1 pc. Egg (beaten) 1 tsp. Maggie Mgic Sarap Salt and pepper ...

BRAISED then ROASTED CHICKEN in BARBEQUE SAUCE

Image
Mula nung ma-discover itong Hickory Barbeque marinade ng Clara Ole, na-hook na ako dito at lagi na akong may-stock nito sa aming kitchen cabinet.   Masarap naman kasi talaga ito at gustong-gusto ko yung smokey flavor. Naisip ko tuloy yung paraan ng pagluluto ng Ate Mary Ann ko ng Chicken barbeque.   Pinapakuluan niya muna yung manok sa barbeque sauce at saka iniihaw.   Ganun nga ang ginawa ko sa aking version.   Pero sa halip na iihaw niluto ko ito sa turbo broiler.   And as expected masarap ang kinalabasan ng chicken na ito. BRAISED then ROASTED CHICKEN in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 6 pcs. Chicken Legs 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 1 thumb size Ginger (grated) 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Paaan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang manok sa Clara Ole Hickory Barbeque marinade, bawang at pamin...

CREAMED CORN MAJA BLANCA

Image
Sa bahay lang ang aking mga anak sa panahong ito ng kanilang bakasyon.  Ika nga, staycation sila.   Hehehehe.   At kapag nasa bahay lang, kumain, matulog, manood ng tv at mag-computer lang ang kanilang ginagawa.   At komo nasa bahay nga lang, mas malakas silang kumain.   Kumbaga, lagi silang gutom.   Hehehehe. Kaya naisipan kong gumawa nitong Maja Blanca para pang-meryenda nila o dessert na din. May ilang recipe na din ako nito sa archive.   But this time, sa halip na whole corn kernel ang ginamit ko, creamed corn o yung durog na mais ang aking ginamit.   Naisip ko kasi, kumpara sa whole kernel, mas malasa itong creamed kasi durog nga na labas na labas ang flavor niya.   At tama, mas masarap at mas creamy ang kinalabasan ng aking Maja Blanca. CREAMED CORN MAJA BLANCA Mga Sangkap: 200 grams Cornstarch 1 big can Creamed Corn 1 big can Coconut Cream 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 ba...

BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE

Image
Bumili ulit ng baby potatoes ang asawa kong si Jolly.   Favorite kasi niya ito at ng aming mga anak.   Para maiba naman ang aming breakfast, ito ang niluto ko para sa kanila. At para maiba naman din ng kaunti sa dati ko nang naluto, yung instant carbonara sauce sa available sa market anag aking ginamit na sauce.   Actually, first time ko lang gumamit ng carbonara sauce na ito.   Hindi ako sure pa sa lasa at sa kakalabasan ng dish kong ito. Para hindi malagay sa alanganin ang aking finished product, nilagyan ko pa ito ng Cheeze Magic ng Del Monte para pandagdag sarap at linamnam.   At hindi nga ako nagkamali, masarap at malasa at nagustuhan talaga ng aking pamilya ang baby potato dish na ito. BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 cup Evaporated Milk 1 tetra pack Clara Ole Carbonara Pasta Sauce   1 tetra pack Del M...

BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE

Image
Isa sa mga paboritong luto sa karne ng baka itong Beef with Brocolli.   Kahit nga sa mga Chinese Restaurant na kinakainan namin, isa ito sa mga ino-order namin.   Sa bahay nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.   But this time bukod sa brocolli hinaluan ko pa ito ng chicharo o peas.   Mainam ito para extender at dagdag sustansya na din.   And as expected nagustuhan naman ito ng aking asawa at mga anak.   Yummy!!!! BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 300 grams Brocolli (cut into bite size pieces) 100 grams Chicharo 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (slcied) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Ilagay na agad ang karne ng baka at timpla...

BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONIONS

Image
All time favorite ng aking pamilya itong inihaw na bangus.   In our case pala, broiled kasi di naman pwedeng mag-ihaw sa baga sa condo na tinitirhan namin.   Hehehehe. Marami na akong flavor ng bangus na inihaw na ito sa archive.   May nag-email pa nga sa akin na naging standard na sa kanilang bahay ang recipe na inihaw na bangus na may kasamang cheese.   Nakakatuwa naman. This time, hinaluan ko naman ng adobong baboy ang palaman na inilagay ko sa bangus.   May natira pa kasing pork adobo sa fridge at para di masayang hinwa ko ito ng maliliit na ipinalaman ko nga.   Tamang-tama dahil malasa at masarap ang adobong ito.   ayus na ayos na nag-blend yung flavor sa kamatis at sibuyas na kasama.   Try nyo din po. BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONION Mga Sangkap: 2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus 5 pcs. large Tomatoes (cut into small cubes) 2 pcs. large White Onions (ch...

MANGO SAGO in COCONUT MILK

Image
Bakasyon ang mga bata.   Di kagaya nung mga nakaraang taon na sa biyenan ko sa Batangas sila nagba-bakasyon, this year ay sa bahay lang sila.   At syempre pag nasa bahay lang, pagkain, tv, computer ang pinagkaka-abalahan.   Parang laging gutom...hehehehe. Kaya naman naisipan kong gumawa ng dessert na tamang-tama sa panahon.   itong Mango Sago In coconut Milk.   Yun lang, medyo brownish ang naging sauce nitong dessert na ito.   Naubusan kasi ako ng white sugar at yung segunda na asukal ang aking nagamit.   Okay din naman, masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. MANGO SAGO in COCONUT MILK Mga Sangkap: 6 pcs. Ripe Mango (cut into cubes) 250 grams Small Tapioca Pearl or Sago 1 big can Coconut Milk White Sugar to taste 2 pcs. Pandan Leaves Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang sago sa isang kaserola na may tubig. 2.   Kung luto na ang sago ilagay ang puting asukal at dahon ng pandan . ...

FRANNY'S GOLDEN BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Matalik na kaibigan ko itong si Franny.   Mga binata pa lang kami ay magkakasama na kami sa isang apartment sa may Baclaran.   Sa may airport kasi ang trabaho namin noon.   1996 naman ay nagkihiwa-hiwalay kami after kong mag-resign sa aking trabaho.   Matagal din kami hindi nagkita mula noon.   Pito pala kaming magkakasama:   Si Franny, Bong, Dennis V., Benny, Phil, Mon at ako.   Yung 3 dito ay nasa ibang bansa na. Pero mula nung mauso ang cellphone at FB, nagkaroon kami ng pagkakataon na makita-kita muli.   Madalas ay kung mayroon may kaarawan kagaya nga nitong kay Franny.   Taon-taon halos ay nasa kanila kami para ipagdiwang ang kanyang kaaarawan.   Last April 9 pala ang birthday niya at tamang-tama dahil walang pasok at pista opisyal. Maraming handang pagkain dahil ika-50 kaarawan niya ito.   May kalderetang baboy, lumpiang shanghai, calamares, inihaw na liempo, ba...

CHICKEN ADOBO RICE

Image
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO.   Kaya naman hanggat maisasalba ang mga tira-tirang pagkain ay ginagawa ko para hindi ito masayang.   At para maging katakam-takam pa rin ang mga recycled na pagkain, pwede natin itong lagyan ng mga palabok pa o kaya naman ay lagyan pa ng twist para di mag-mukhang recycled. Kagaya nitong dish natin for today.    Saturday maraming natirang kanin at chicken adobo sa bahay.   Hindi kasi dun kumain ang dalawa kong anak dahil may nilakad sa kani-kanilang school.   Good pa para sa isang kain ang natirang kanin at ulam kaya naisipan kong ire-cycle nga ito para mapakinabangan pa. At ito nga ang aking ginawa.   Niluto ko siyang parang paella.   Kung baga, halo-halo na ang lahat ng sangkap at nilagyan ko pa ng toasted garlic, spring onions at itlog na maalat.   Wow!   Ang sarap ng kinalabasan.   Winner tala...

PATA TIM ESPESYAL

Image
Nitong nakaraang Pasko ng pagkabuhay nga ay nagkaroon kami ng isang simpleng pananghalian para sa dalawa kong anak na sina Jake at Anton na nag-graduate ng high school at elementary.    Isinabay na din dito ang padasal para naman sa death aniversary ng biyenan kong lalaki na si Tunying. Simpleng pananghalian lang yun.   4 na dish lang ang aking niluto.   Fish fillet na may white sauce, Calamares with barbeque sauce, tinolang manok at itong Pata Tim espesyal na niluto ko. Matagal-tagal na din yung huling beses na nagluto ako ng pata tim.   Sa tingin ko ay ito ang magandang pagkakataon para magluto ulit nito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ng kumain ang niluto kong ito.  Actually lahat ay naubos.  Hindi nga ako naka-kain....hehehehe. PATA TIM ESPESYAL Mga Sangkap: 2 pcs. Pork Leg / Pata 5 pcs. Star Anise Bok Choy or Chinese Pechay 1 head MInced Garlic 2 pcs. Onion (sliced) 1 cup Soy Sauce 1/2 ...

FISH FILLET WITH CREAMY BUTTER SAUCE

Image
Nitong nakaraang Pasko ng Pagkabuhay, nagkaroon kami na munting salo-salo sa bahay ng aking biyenang si Inay Elo bilang pasasalamat sa patatapos sa highschool ng panganay kong anak na si Jake at elementarya naman sa bunso kong anak na si Anton.   Kasabay sa araw ding yun ay ang kamatayan ng biyenan kong lalaki na si Tatang Tunying. Maaga pa lang ay nagumpisa na akong magluto komo 11 ng umaga ang padasal at tanghalian na nga ang kasunod. Apat na dish lang ang aking niluto at isa na nga dito itong Fish Fillet with Creamy Butter Sauce.   Nakakatuwa dahil naubos lahat ang aking niluto.   Ako nga hindi na naka-kain din.   hehehehe. FISH FILLET WITH CREAMY BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Cream Dory (hiwain sa nais na laki) 1 pc. Lemon Maggie Magic Sarap Freshly ground Black Pepper 1 cup Corstarch 1 cup Flour 2 pcs. Fresh Eggs Salt to taste Cold Water Cooking  Oil for frying For the Sauce: 1/2 bar Butter 1 tetra brick All P...

SEMANA SANTA sa SAN JOSE BATANGAS 2015

Image
Ang Semana Santa ay panahon sa ating mga Katolikong Kristyano kung kailan ating inaalala ang paghihirap at pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus para sa ating mga nagawang kasalanan.   Mga araw din ito para magnilay sa ating sarili at sa personal na relasyon natin sa Diyos. Miyerkules Santo pa lang ay umuwi na kami sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas kagaya ng ginagawa namin taun-taon para gunitain nga ang mga Mahal na Araw. Bagamat araw ito ng pangingilin nagkaroon pa din kami ng kaunting salu-salo para sa buong pamilya.   Pritong isda, ginisang munggo na may hibe at ensaladang kamatis na may itlog na pula ang aming pinagsaluhan. Bandang 4:30 ng hapon na yun ng Biyernes Santo naman ay pumunta kami ng simbahan ng San Jose para naman sa prusiyon ng paglilibing.   Bago ang prusisyon ay nagkaroon din ng misa sa loob ng simbahan.   Napakaraming tao ang nasa loob at labas ng simbahan.   Lahat ay naghihintay sa pag...

ENSALADANG PAHUTAN na may KAMATIS at ITLOG NA MAALAT

Image
Taun-taon sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas kami nago-obserba ng mga Mahal na Araw.   At katulad ng maraming mga Katolikong Kristyano, nangingilin din kami sa pagkain ng karne sa mga mahal na araw partikular sa Huwebes at Biyernes Santo. Bago kami umuwi sa bahay ng aking biyenan na si Elo kung saan kami mananatili, dumaan muna kami sa palengke ng San Jose para mamili ng mga pagkaing aming dadalhin.  Sa aking pamimili ay nakita ko itong nagtitinda ng pahutan o paho.   Ito yung manggang maliliit na masarap naman talagang gawing enselada at i-terno sa pritong isda.   Naisip ko din na gustong-gusto ito ng aking asawang si Jolly. Kahit may kamahal ay bumili pa din ako nito ng ilang piraso.   Biro nyo P5.00 ang halaga ng isang maliit na piraso nito?  Okay din lang naman.  Masarap naman talaga ito lalo na at kasama ang pritong maliliit na galunggong.   Hehehehe.   Sa loob-loob ko, hindi ata ...

PASKO ng PAGKABUHAY 2015

Image
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY po sa LAHAT!!!!

MGA MAHAL NA ARAW 2015

Image
Miyerkules Santo po ngayon.   Alalahanin natin ang pagpapakasakit at sakripisyo ng ating Panginoong Hesus para sa ating mga kasalanan.   Katulad ng ginawa niyang pagninilay sa halamanan ng Getsemani, pagnilayan din natin sa mga araw na ito ang pagliligtas na ginawa para sa atin.   Nawa'y maging makabuluhan ang pag-aalaala natin sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon natin si Hesus. Amen