PORK MORCONITO
Ang Morcon ang isa sa mga pagkain o ulam na namana natin sa mga kastila. Karneng baka ang laman na ginagamit dito. Nakikita natin ito sa mga espesyal na handaan katulad ng fiesta o kasalan sa mga probinsya katulad ng Bulacan at Pampanga. Masarap talaga ang espesyal na ulam na ito. Yun lang medyo matrabaho itong lutuin. Ang lutong ito ang ginawa kong luto sa 1 kilong pork butterfly na nabili nitong iang araw. Ang pork butterfly ay yung parte ng karne ng baboy na parang porkchops pero walang buto at hiniwa sa gitna na parang pakpak ng paru-paro. Paraming pwdeng ipalaman sa morcon. Nasa sa inyo na yun kung ano ang gusto ninyo. Basta ang pinaka tip lang dun ay yung malalasang palaman ang inyong gamitin katulad ng chorizo, keso o kaya naman ay red bell pepper. Sa version kong ito, yung available lang sa fridge ang ginamit ko. Basil leaves, chicken hotdog, keso at iba pa. Try nyo ito. Tiyak konbg magugustuhan din ng inyong pamilya. PORK MORCONITO Mga Sangkap: 1 kilo or 7 pcs.