Posts

Showing posts from June, 2013

CHICKEN ALA QUEEN

Image
Wala akong magawa sa pangalan ng dish na ito kaya pinangalanan ko na lang ng Chicken ala Queen.  Hehehehe.   Actually, chicken ala king siya na chicken pastel na walang crust.   Yes.  Parang ganun lang siya in the simpliest way.   Pareho lang kasi halos ang sangkap at pamamaraan ng chicken ala king at chicken pastel.  Yun nga..yung crust lang siguro ang pinagkaiba.   And this chicken ala queen ay dun ko lang nakuha na recipe.   Pero sabi ko nga, ito marahil ang pinaka-simple pero hindi simple ang sarap.  Yup.   Masarap itong i-ulam sa kanin o maging sa tinapay.   Try nyo po. CHICKEN ALA QUEEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast fillet (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1/2 cup Flour 1 large Carrots (cut into cubes) 1 medium size Potatoes (cut into cubes) 1 large Red Bell Pepper (cut into cubes) 1 cup Green Peas 1 cup sliced Mushroom 1 cloves minced Garlic Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserol igisa ang bawa

FRIED SIU MAI o SIOMAI

Image
May mga taong ang gustong pang-ulam ay yung masabaw o ma-sauce.  Yung iba naman gusto mga prito-prito o yung dry lang na ulam.   Sa amin, pag-prito ang ulam, dapat may soup na kasama or sauce yung mismong ulam. Remember yung pancit molo last Monday?   Actually, dalawang luto ang ginawa ka sa siu mai o dupling na yun.   Yung isa nga ay may sabaw at ang isa naman ay itong prito.  Ofcourse parehong masarap ito.   Hehehehe. Kung walang budget, pwede na yung recipe na ginamit ko sa pancit molo.  Kung meron naman, pwede nyo itong lagyan ng hipon para mas maging malasa ang pinaka-laman nito.   So for this recipe, isasama ko yung hipon.  Also, kung walang budget, singkamas na lang ang ilagay.   Kung meron naman, pwede kayong gumamit ng water chesnut at fresh mushroom.   Try nyo po. FRIED SIU MAI o SIOMAI Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork or Chicken (lean)200 grams Ground Pork Fat 1 pack Wonton Wrapper1 pc. large White Onion (chopped) 1 pc. Fresh Egg (beaten) 1 tsp. Garlic Powde

ROASTED CHICKEN with KFC LIKE GRAVY

Image
Gusto nyo ba yung gravy ng KFC?   Me and my kids ay gustong-gusto.   Sinasabaw pa nga nila ito sa kanin habang kinakain nila ang ulam nilang chicken.   Sa palagay ko ay hindi kami nag-iisa.  Alam ko na marami sa atin ang ganito din ang ginagawa.   hehehehehe. Kaya naman naisipan kong gayahin ito nang magluto ako ng roasted chicken nitong nakaraang Linggo.   Hindi man katulad na katulad ng sa KFC pero nalalapit naman ang sarap. Actually, wala naman ang sinunod na recipe sa pag-gawa nito.   Basta ginawa ko lang yung basic sa pag-gawa ng gravy at idinagdag ko na lang yung binlender ko na nilagang patatas. Well, naging mas masarap ang roasted chicken na ito ng makasama ang gravy na niluto ko.   Try nyo din po. ROASTED CHICKEN with KFC LIKE GRAVY Mga Sangkap: For the Roasted Chicken: 1 whole Chicken (about 1.5 kilos) 1 pc. Lemon or 10 pcs. Calamansi 1 head minced Garlic 1/2 cup Soy Sauce Tanglad Salt and pepper to taste For the Gravy: 1/2 cup Butter 1 cup All Purpose

CHICKEN NOODLE SOUP

Image
Natatandaan nyo ba yung instant noodle soup na Royco?  Yung noodles soup na pinapakuluan lang sa tubig at may mainit na sabaw ka na. Noong araw, kapag nakakakain ka ng ganito parang mayaman ka na din.   hehehehe.   Mga mayayaman lang kasi ang nakakabili noon ng mga instant na pagkain.   Masarap ito lalo na ngayon panahon ng tag-ulan. Ito ang naging inspirasyon ko ng lutuin ko ng noodles soup na ito.  Actually, puro tira-tira ang mga sangkap na ginamit ko dito maliban lang sa evaporated milk na inilagay ko at sa itlog na nilaga. Yung noodles, yun yung natira na spaghetti pasta nung nagluto ako ng pinoy spaghetti.   Yung laman ng manok naman ay yung mula pa sa chicken back na pinagpakuluan ng sabaw para sa pancit molo na ginawa ko.   At yung sausage naman ay yung tira pa ng anak kong si Anton mula sa kanyang baon.   O di ba?   nakatipid ako nito.  hehehehe Pero huwag ismolin ang noodle dish na ito.  Masarap, malinamnam at nagbabalik ang aking ala-ala sa Royco noodle soup na ati

PANCIT MOLO

Image
Ano ba ang pancit molo?   Soup ba ito o isang noodle dish (pancit).   Di ba sa pinoy pag sinabing pancit noodles ito na may sahog na karne o manok at mga gulay.   Pero bakit nga ba tinawag ito na Pancit Molo. Ang Molo ay isang bayan sa Ilo-ilo na sinasabing doon nagmula ang masarap na soup dish na ito.   Siguro natawag na pancit ito komo nilalagyan din nila ito ng hiniwa o ginupit na wonton wrapper na may component ng isang noodles. Ang pinaka-key sa dish na ito ay yung masarap na lasa ng sabaw at ang toasted garlic na ilalagay mo sa ibabaw.   Iba talaga ang nagiging lasa kapag mayroon ito noon.   At para magkaroon ng dagdag na o twist sa masarap nang dish na ito, nilagyan ko pa ito ng chopped parsley at binating itlog (parang egg drop soup) para mas kaaya-aya pa sa kakain.   Try nyo din po. PANCIT MOLO Mga Sangkap: For the wonton: 1/2 kilo Ground Chicken 1 pack Wonton Wrapper1 pc. large White Onion (chopped) 1 pc. Fresh Egg (beaten)  2 tbsp. Cornstarch or Flour1 tsp

ALOHA BURGER STEAK

Image
Na-try nyo na ba yung Amazing Aloha Burger ng Jollibee?   Ako din hindi pa....hehehehe.   Dati na itong product ng Jollibee pero nawala for sometimes then nabalik lang mula nung ma-feature ni Anthony Bourdain sa isa niyang show.   Sa US kasi ino-offer nila ang Aloha burger na ito. Dito ko nakuha yung idea na gumawa ng burger steak na may may pineapple.   Pine-apple chunk in can ang ginamit ko at hindi yung fresh.  Mahirap kasing makakita ng pinya na matamis sa supermarket man o palengke kay mainam na din na yung nasa lata na lang. Masarap ang burger steak na ito.  I-try nyo para malasahan ninyo din. ALOHA BURGER STEAK Mga Sangkap: For the burger: 1 kilo Lean Ground Pork or beef 2 pcs. large White Onion (chopped) 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1 pc. Egg (beaten) 1 cup Cornstarch or Flour Salt and Pepper to taste For the Pineapple Sauce: 2 tbsp. Butter 1 medium size can Pineapple Chunks 1/2 cup Honey Bee 5 cloves minced Garlic 1 medium size Onion (chopped) 2 tbs

SINAMPALUKANG MANOK na may TANGLAD

Image
Kapag ganitong nagsisimula na ang tag-ulan, nagsisimula na ding umusbong ang mga puno ng sampalok.   Natatandaan ko noong araw, pinapakuha ako ng aking Inang Lina ng usbong ng sampalok para sa kanyang sinampalukang manok.   Yes.  Murang dahon ng sampalok talaga ang ginagamit sa sinampalukan.   Siguro sa amin sa Bulacan ay ganun pa rin, pero dito sa Manila, sinigang mix ang katapat niyan.   Hehehehe. Komo nag-uuulan na nga, masarap na pang-ulam ay yung may sabaw.  Ito agad sinampalukang manok ang aking naisip at paborito din ito ng aking mga anak.   At para maiba ng kaunti, nilahukan ko ito ng lemon grass o tanglad. Nakuha ko yung idea sa aking kapitbahay na si Kuya Francis.   Sa mga niluluto niya, madalas ay nilalagyan niya ng tanglad.   Kahit nga nilagang baka ay nilalagyan niya nito.   So, sinubukan kong lagyan din nito ang masarap nang sinampalukang manok.   At tama, mas lalo pang pinasarap ng tanglad ang masarap nang sinampalukang manok.   Winner talaga ang mainit na sabaw.

CREAMY CHICKEN ADOBO

Image
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong maging experimental o liberal sa mga pagkain aking inihahain para sa aking pamilya.   Ofcourse ginagawa ko pa din yung luto na nakasanayan na natin.   Pero dahil gusto ko ngang makapag-share ng kakaiba sa mga nakasanayan na nating dish, ginagawan ko ito ng twist para mas lalo pa itong sumarap at ma-enjoy natin.   May mga pagkakataon sablay ang experiment, pero marami din naman ang succesful. Kagaya nitong dish natin for today.   Ordinaryong chicken adobo pero nilagyan ko ng cream.   Yes mayroon nang gumawa nanilagyan ng kakang gata, pero ako first time ko pa lang gumawa nito with a cream.   Noong una medyo nagduda ako kasi di ba may suka ang adobo tapos lalagyan mo ng cream?   Baka kako maglaban o makulta ang cream dahil sa suka.  Pero hindi naman pala.   Masarap at nag-levelup ang love nating lahat na chicken adobo. CREAMY CHICKEN ADOBO Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 tetra brick All Purpose Cream 3/4 cup

JOLLY'S BEEF SALPICAO

Image
Nitong nakaraang Father's Day, sinorpresa ako ng aking asawang si Jolly.   Ipinagluto niya ako nitong masarap na Beef Salpicao.   Actually, hindi niya alam ang tawag dito.   Nagpaturo lang siya sa kanyang kasamahan sa trabaho para sa mga sangkap at kung papaano lulutuin.  Nag-effort di ba?    hehehehe Sa hindi nakaka-alam, hindi talaga nagluluto sa bahay ang aking asawa.   Kahit noong bago pa lang kami mag-asawa, inako ko na ang pagluluto para sa amin.   Marunong din naman siya kahit papaano pero yung mga simpleng prito at hindi komplikadong dish ang kaya niya.   Kaya nga bif deal para sa akin ang effort na ginawa niya na ito. Talaga bumili pa siya ng mahal na klase na karne ng baka at nag-lista siya kung papaano ito lutuin.   Ang ginawa ko na lang, inalalayan ko siya habang niluluto niya ito.  Sayang naman kasi kung hindi magiging tama ang luto e ang mahal nung baka.   hehehehe. Nakakatuwa kasi masarap ang kinalabasan ng kanyang niluto.   Kahit anag mga anak ko ay nagustuh

FATHER'S DAY LUNCH @ CABALEN

Image
Father's Day kahapon.   A special day para sa mga ama, tatay, daddy, papa, tatang na katulad ko. Na-feel ko talaga na espesyal ang araw na ito.   Bakit naman hindi?   Nag-effort talaga ang aking asawang si Jolly na ipagluto ako (kahit hindi talaga siya sanay magluto....hehehehe) ng isang espesyal na beef dish na saka ko na lang ipapakita sa isa ko pang espesyal na post.   hehehehe.   Nag-simba din kami at pagkatapos noon at pinakain naman niya ako at ang mga bata sa isang Kapampangan na restaurant sa Glorietta Makati ang Cabalen. Matagal na din ang Cabalen sa restaurant business.   Actually, noong binyagan ang pangalawa kong anak na si James ay dito ko ginawa ang reception. Buffet ang style ng resto na ito.   All Kapampangan favorites ang mga nakahanda.   Hinayaan ko lang ang mga bata na kumuha kung ano ang gusto nila.   Ako naman, nag-start ako with a hot bulalo soup.  Okay naman, matabang lang sa panlsasa ko. Sunod na kinuha ko ay ang mga appetizers.   Kumuha ako

HAPPY FATHER'S DAY sa Lahat ng Ama.......

Image
Sa araw na ito ipinagdiriwang sa buong Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang Araw ng mga Ama o Father's Day.   Kaya naman nais kong magpugay sa aking nag-iisang ama ang aking Tatang Villamor. Nag-iisang anak na lalaki ang aking Tatang.   Lima silang magkakapatid at siya ang pang-apat.   Kaya naman nang nagka-anak na ako at malaman niyang lalaki ang aking panganay, tuwang-tuwa siya. Hindi ko malimutan nun time na ibinalita ko sa kanyan na magkakaraoon na siya ng apo sa akin.   Kitang-kitra ko ang saya sa kanyang labi at talaga namang para siyang tumama sa lotto. Mas lalong nalubos ang kanyang kasiyahan nang ipinanganak na ang aking panganay at nang malaman niyang isa itong lalaki.   Glorioso daw ito at magkakalat ng kanyang pangalan. Bawing-bawi daw siya sa akin komo tatlong lalaking Glorioso ang ibinigay ko sa kanyang apo.  Kaya naman mahal na mahal niya ang mgaito. Simple lang ang aking Tatang Vill.   Pero ang lubos na hinahangaan ko sa knya ay ang kanyang napakarami

CRISPY CHICKEN FILLET with HONEY-STRAWBERRY-LEMON SAUCE

Image
Paborito ng mga anak ko ang fried chicken.  Well, halos lahat naman siguro ng mga bata ay paborito din ito.   hehehehe.  Kaya naman madalas akong magluto nito sa bahay.   At para hindi ito maging nakakasawa, ginagawan ko ito ng kung ano-anong sauce o dip maliban sa gravy. This time sinubukan ko namang gumawa ng sauce o glaze mula sa strawberry jam, katas ng lemon at pure honey bee.   Alam kong magiging swak ang lasa ng tatlong flavor na ito at hindi nga ako nagkamali.   Nagustuhan ng mga anak ko ang sauce na aking ginawa.  Ofcourse pati yung crispy chicken fillet. CRISPY CHICKEN FILLET with HONEY-STRAWBERRY-LEMON SAUCE Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Thigh Fillet 1/2 pc. Lemon (juice, zest) 1 cup Cornstarch Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the Sauce: 2 tbsp. Butter 2 tbsp. Strawberry jam 1/2 pc. Lemon (juice, zest) 1/2 cup Pure Honey Bee 5 cloves minced Garlic 1/2 pc. Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan

AMPALAYA con TUNA

Image
Ano ba ang pwedeng luto sa ampalaya?    Ginisang may itlog, ampalaya con carne, pwede ding isama sa paksiw na isda, pinakbet at marami pang iba.   Pero siguro pinaka-simple na ay yung ginisa at lagyan ng binating itlog. Hindi marami ang nagkakagusto sa ampalaya lalo na ang mga bata.   Obviously ay dahil sa pait nito.   Pero kung sustansya ang titingnan natin, lalo na kung maysakit ka na diabetis, pipilitin mo talagang kumain nito.   Hehehehe.   Pero ako, gusto ko itong gulay na ampalaya.   Kahit simpleng luto lang ay winner ito sa akin.   Ayos na ayos itong pangulam kasama ang paborito ninyong pritong isda.   Kaya nga nitong isang araw, kasama ko itong niluto kasama ang pritong galunggong.   At para maging extra espesyal ang ampalaya, nilagyan ko pa ito ng canned tuna.   Mas sumarap ito at parang di mo na din napapansin yung pait ng ampalaya. AMPALAYA con TUNA Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Ampalaya (slice) 1 small Canned Tuna Flakes (in oil) 2 pcs. Fresh Eggs (beaten)

CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM

Image
Hindi na bago sa atin ang paghahalo ng prutas sa ating mga nilulutong pang-ulam.  Halimbawa na dito ang pininyahang manok, o kaya naman ay orange chicken.   Pinya ang madalas nating ilagay, minsan manga din o kaya naman ay oranges.   Masarap naman talaga ang kinakalabasan ng mga dish na ito.  Naroon yung fruity taste ng ating kinakain na ulam. Pero nasubukan nyo na bang maglagay ng fruit jam sa inyong stew dishes halimbawa ay afritada? May nagbigay sa amin ng strawberry jam galing ng Baguio.  Ofcourse masarap talaga na palaman ito sa mainit na pandesal o kahit na sa skyflakes.   Pero nitong nakaraang magluto ako ng afritada, naisipan kong lagyan ito ng strawberry jam.   Naisip ko lang, para din lang itong sweet pickle relish na masim-asim na matamis ang lasa.   At hindi nga ako nagkamali, masarap at naroon yung fruity flavor ng strawberry.   Try nyo din po. CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 3 tbsp. Strawberry Jam

KALAYAAN 2013 at ang mga Pagkaing Paborito ng ating mga Bayani

Image
Bukas June 12, ipagdiriwang sa buong Pilipjnas ang Araw ng Kalayaan.    At katulad ng tema para sa taong ito na "Ambagan tungo sa Malawakang Kaunlaran" , nais kong mag-ambag kahit kapirasong pitak sa food blog kong ito. At komo ito ay isang food blog, nais kong magbahagi ng mga pagkaing paborito ng ating mga bayani.   Na-research ko din lang ito dito sa net at ginamit ko ang mga nakaraan kong recipes para ito maipakita nang mas maganda. Unahin na natin ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.  Tinolang manok ang paborito niya.   Pinoy na pinoy na talaga namang kahit saang parte ng ating bansa ay may ibat-iba silang version                                                                    (Tinolang Manok) Si Andres Bonifacio naman ay Lechong Manok sa saha ng saging ang paborito.                                                                  (Lechong Manok) Si Marcelo H. Del PIlar naman ay Pocherong baka o baboy.  Paborito din niya an

PAN-GRILLED PORK BELLY ala INASAL

Image
Nakalimutan ko kung ano yung program na napanood ko sa channel 2 kung saan ipinakita yung mga heritage recipe sa ibat-ibang parte ng Pilipinas.   Isa sa mga dish na ipinakita ay yung special barbeque o inasal sa Ilo-ilo na minana pa dw niya yung recipe sa kanyang kanuno-nunoan. Simple lang naman yung mga sangkap na inilagay niya sa marinade mix.   Although may binanggit yung host ng program na iba pang pampalasa, basta natandaan ko lang ay yung pangkaraniwang sangkap.   Yung natandaan ko lang ang ginamit ko sa recipe na ito.   Simple lang pero masarap nga ang kinalabasan. PAN-GRILLED PORK BELLY ala INASAL Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 2 cups Sprite or 7-Up Soda 8 pcs. Calamansi (katas) 1/2 cup Soy Sauce 1 head minced Garlic 2 tangkay Lemon grass o Tanglad (white portion only..pitpitin) 1 tbsp. Brown sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap para sa marinade

CHICKEN THIGH FILLET ala BISTEK

Image
Isa sa paborito kong luto ay itong bistek.   Yes.  Yung tawag natin sa beef steak na tinagalog lang.  Ito yung luto sa beef na hiniwa ng maninipis at siya niluto sa toyo at katas ng calamansi. Gustong-gusto ko ang dish nito dahil dun sa naglalabang lasa ng alat ng toyo at asim ng calamansi.   Kapag ito angulam namin, tiyak kong mapaparami ako ng kanin.   Hehehehe Kung may budget, karneng baka talaga ang masarap sa lutong ito.   Kung wala naman, pwede din sa karneng baboy.   Nasubukan ko na din nga sa isda naman.   At this time sa chicken fillet naman. Yung thigh part ang ginamit ko sa dish na ito at yung nakasama pa ang balat.   Mainam na kasama pa din yung balat para hindi maging dry yung meat pagkatapos lutuin.   Although sabihin na natin na hidi healthy ito pero okay na din kung paminsan-minsan lang.   hehehehehe. CHICKEN THIGH FILLET ala BISTEK Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on) 10 pcs. Calamansi 1/2 cup Soy Sauce 2 pcs. White Onion (cut into ring

CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES

Image
For me, hindi naman kapag sinabing espesyal na ulam ay ito yung ulam na maraming sangkap na ginamit o medyo kumplikado ang pamamaraan ng pagkaluto.  O pwede din na mahal ang mga sangkap o kaya imported kaya nasabi nating espesyal.  Para sa akin, nagiging espesyal ang isang putahe kung talagang kakaiba ang sarap nito kahit pa simple ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.  At syempre espesyal kung ginagawa mo ito para sa iyong mga mahal sa buhay. Katulad nitong dish natin for today.   Simple lang ang mga sangkap at paraan ng pagluluto na ginawa ko, pero kakaiba talaga yung linamnam na kinalabasan.   Kahit nga yung sauce pa lang ay ulam na.   Masaabi kong pwede natin itong lutuin para sa mga espesyal na okasyon sa ating mga mahal sa buhay.   subukan nyo po. CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim or Pigue (cut into cubes) 3 pcs. medium size Potatoes (cut also into cubes) 1 small can Sliced Mushroom 1 tetra brick All Purpose Cream 2 tbsp. Butter

SARCIADONG TILAPIA

Image
Magaling magluto ang aking namayapang Inang Lina.   Siguro yun ang namana naming lahat na magkakapatid sa kanya.   Kahit mga simpleng pagkain o lutuin ay nagagawa niyang pasarapin.   Marahil ay pareho lang kami ng sangkap na inilalagay sa aming mga niluluto, ang pagmamahal.  :) Kagaya nitong dish natin for today.  Sarciadong tilapia.   Noong araw ang natatandaan kong isda na nilulutong ganito ng aking Inang ay bangus o kaya naman ay dalagang bukid.   Kahit hati-hati lang kami sa isda, dinadagdagan ko na lang ang ginisang kamatis na may itlog at inihahalo ko sa kanin para magkasya ang aking pang-ulam.   Gustong-gusto ko ang ginisang kamatis na ito na may itlog kaya kahit ngayon ay palagi ko pa din itong niluluto.  Tr nyo din po. SARCIADONG TILAPIA Mga Sangkap: 1 kilo or pcs. medium size Tilapia 8 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large White Onion (chopped) 5 cloves minced Garlic 2 pcs. Egg (beaten) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Pa

SISIG FLAVORED ROASTED CHICKEN LEGS

Image
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong mag-experiment at maging matapang sa aking mga niluluto.   Yes, matapang kasi dalawa lang naman talaga ang magiging resulta ng iyong experiment, masarap at wala lang.   hehehehe.   Matapang dahil maaring masayang lang ang mga sangkap mo kung hindi makain ang finished product.   hehehehe.   At marami sa naguumpisa pa lang na cook ang may takot na ganito. Pero para sa akin, ang pag-experiment o pagsubok sa mga bagong sangkap man o pamamaraan ng pagluluto ang best learning experience ng bawat cook.   Dito tayo natututo. Katulad nitong dish natin for today.   Wala akong maisip na luto sa 10 pcs.  na chicken legs na nabili ko nitong huling pag-grocery namin.  Hanggang sa makita ko itong Mama Sitas Sisig Mixes na ilang linggo na ding naka-tengga sa aking lalagyan.   Balak ko sanang magluto ng sisig gamit ito na sa hindi malamang dahilan ay di matuloy-tuloy. So yun nga ang ginawa ko, ginawa kong marinade mix itong Mama Sita na ito at wagi an

BRAISED PATA in CRUSHED PINEAPPLE

Image
Kapag sa luto ng pata ng baboy ang paguusapan, dalawang klase ng luto lang ang naiisip ko.   Ang paksiw at ang crispy pata.   Parehong paborito ko ang mga lutong ito sa pata.   Sa paksiw, gusto ko yung suka, bawang, asin at paminta lang ang ilalagay para natural na lasa ng karne ang iyong malalasahan.  But ofcourse, sino ang aayaw sa paborito ng lahat na crispy pata.   Yummy talaga..wala nang eksplanasyon pa.   Hehehehe. Pero marami na din akong luto sa pata na nagawa na nasa archive at isa sa mga paborito ko dito ay yung parang lutong hamonado ang dating.   Yung lulutuin mo siya o ibe-braised sa pineapple juice hanggang sa lumambot.   Panalo at mapaparami ka talaga ng kanin dito.   Hehehehe. This time, sinubukan ko namang i-braise ang pata sa crushed pineapple.   Mahinang apoy din lang ang ginamit ko at nilagyan ko din ng star anise at laurel para pata tim kako ang dating.   At ano pa nga ba ang kakalabasan, isang masarap, malasa at malinamnam na pang-ulam para sa buong pamily