Posts

Showing posts from July, 2014

TORTANG ALAMANG

Image
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga.   Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang.   So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis.   Siguro mga 1 kilo din ito. Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong.   Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay.   Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw.   Yummy! Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin.   I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong. At eto na nga ang aking Tortang Alamang.   Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup.  Try nyo din po. TORTANG ALAMANG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Alamang 2 pcs. Fresh Eggs 1-1/2 cups Harina 2 pcs. Onions (chopped) 1/2 tsp. Garlic Powder 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pep

PIRURUTONG NA BIKO

Image
First time kong maka-kita ng purple rice o yung tinatawagh sa tagalog na pirurutong.   Black o itim siya kung titingnan kung hilaw pero pag naluto na ay kulay violet o maitim na ube ito. Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy nitong klase ng bigas na ito.   Galing daw ito sa Baguio at bigay ng kanyang kaibigan.   Nung unag kita ko pa lang dito, ay naisip ko agad na masarap itong gawing biko o yung kakain na niluto sa gata ng niyog at nilagyan ng asukal.  At eto na nga ang kinalabasan ng aking ginawa. PIRURUTONG NA BIKO Mga Sangkap: 2 cups Purple Rice o Pirurutong na Bigas 2 cups Ordinary Malagkit Rice 4 cups Kakang Gata Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang purple rice at ordinary na malagkit rice.   Hugasan sa tubig. 2.   Ilagay sa kalderong saingan at lagyan ng tubig at 1 cup ng kakang gata.   Ang dami ng tubigat gata ay dapat pareho kung paano kayo nagsasaing. 3.   Sa isang kawali, pakuluan ang natirang kakang gata hanggang sa maglangis ito at

ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX

Image
Marami na din akong recipes ng Roasted Chicken sa archive.   Meron na din akong recipe na gumamit ako ng sinigang mix para pang-marinade sa chicken.   Pero ano naman ang bago sa post kong ito? Ang bago ay ang paglalagay ko ng katas ng calamansi sa marinade mix bukod pa sa sinigang mix.   Hindi ba masyado na itong aasim kung maluto?   Hindi naman.   Ang totoo may sumarap pa at nawala yung lansa factor ng manok.   At yung flavor ng sinigag mix, nanunuot talaga sa bawat himaymay ng laman ng manok.   Kaya nga kahit walang sauce ay panalo ang roasted chicken na ito. ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into half) 1 big sachet Sinigang sa Sampalok Mix powder 5 pcs. Calamansi 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Fresh ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Imasahe sa palibot ng manok ang asin.  2.  Sunod na imasahe naman ang katas ng calamansi. 3.  At panghuli ay imasahe naman ang sinigang mix. 4.   Budburan ng dinurog na paminta ang palibot ng mano

CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE

Image
Ako ang isang cook na mahilig sumubok ng kakaiba sa aking mga niluluto.   Kaya nga minsan kapag nagluto ako ng kakaiba sasabihin ng anak kong si James, "Ano yan Daddy experiment na naman?".    hehehehehe.   Marami din ang succesful at meron din namang sablay.   Hehehehe. Katulad nitong recipe natin for today.   Crispy Pork Steak IN Kare-kare Sauce.   Yes.   Pork steak cut ang aking ginamit dito at saka ko ipinirito bago ko nilagyan ng kare-kare sauce.   Ang take note, hindi yung tradisyunal na gulay ang aking nilagay.   Okra at sigarilyas ang inilahok ko.   At hindi ako nagkamali...isang masarap na kare-kare sauce ang kinalabasan ng aking experimento.   Try nyo din po. CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak (ito yung hiwa ata a batok na parang marble ang itsura) 2 cups Cornstarch 5 pcs. Calamansi Salt and pepper to taste Cooking oil for frying 1 sachet Mama Sita's Kare-kare Mix Okra Sigarilyas Sitaw 5 cloves Minced Garlic

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Paborito ng aking asawang si Jolly at ng aming mga anak ang baby potato salad.   Kaya naman basta may pagkakataon ay gumagawa ako nito para sa kanila. Madali lang naman magluto o gumawa nitong enseladang ito.   Basta paghalu-haluin mo lang ang mga nasi mo na sangkap...lagyan ng dressings ay okay na. May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay ang mga sangkap na akin pang idinagdag sa kabuuab ng dish.   Sinamahan ko pa kasi ito ng celery at pineapple tidbits.   At okay naman ang kinalabasan, masarap at ubos agad ang aking ginawa.   hehehehe CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 400 grams Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 2 cups Lady's Choice Mayonaise 2 tangkay Celery (cut into small cubes) 1 large Carrot (cut into cubes) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kaserola pakuluan ang baby potatoes, chicken fillet, carrots at timplahan ng asin at paminta.  Hayaang ku

PANDESAL PIZZA

Image
Lagi kong sinasabi na ang pag-aaksaya ng pagkain sa aming bahay ay isang malaking NO.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat ang mga natitira nating pagkain ay magawan pa natin ng paraan para mapakinabangan. Kagaya nitong pandesal pizza na ito, nagawa ko ito dahil sa mga tira-tira.   May ilang piraso pang pandesal na 2 days old na at yung spaghetti sauce na natira naman sa birthday ng asawa kong si Jolly.   Nilagyan ko na lang ng grated cheese at presto isang masarap na pandesal pizza ang kinalabasan. PANDESAL PIZZA Mga Sangkap: 10 pcs. Pandesal (cut into half) Spaghetti Sauce Grated Cheese Dried Basil Freshly ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain sa dalawa ang bawat piraso ng pandesal. 2.   Lagyan ng nais na dami ng spaghetti sauce at saka lagyan ng grated cheese sa ibabaw. 3.   Budburan ng kaunting dried basil at pamintang durog ang bawat piraso ng pandesal pizza. 4.   Lutuin sa oven toaster o turbo broiler hanggang sa matunaw ang keso sa

GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA

Image
Last Sunday, nag-uwi ng buhay na alimango ang asawa kong si Jolly.   Bigay daw ito ng isa niyang kaibigang pasyente.   Tiyak kong matataba ang mga alimango dahil mga babae ito at mabibigat.   At nang hiwain ko nga ito after kong i-steam, hitik sa taba ang bawat piraso ng alimango. Isang luto lang ang naiisip ko kapag ganito kataba ang alimango.   Lutuin sa gata na may kasamang kalabasa at sitaw.   Yun din anggustong luto ng aking asawa.   Yun daw lamog na lamog ang kalabasa na parang sauce na.   Tama naman.   Masarap talaga ang lasa ng gata at yung natural sweetness ng kalabasa.   At eto na nga, ubos ang kanin namin ng iniulam namin ito.   hehehehehe GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA Mga Sangkap: 1.5 kilos Alimango (mainam yung babae) 300 grams Kalabasa (cut into cubes) 1 tali Sitaw (cut into 1 inch long) 2 cup Kakang Gata 2 thumb size Ginger (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to t

MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY DINNER

Image
Last July 17, ipinagdiwang ng asawa kong si Jolly ang kanyang kaarawan.   Wala namang magarbong selebrasyon na nangyari.   Sa umaga, ipinagluto ko lang siya ng creamy spaghetti for long life at nag-dinner kami sa labas kasama ang aming mga anak.   Sabi ko nga sa kanya, "Sa labas na lang tayo kumain baka nagsasawa ka na sa mga luto ko".   hehehehehe. Sa Gumbo sa Robinsons Magnolia kami nag-dinner.   Hindi pa namin na-try na kumain dito kaya ito ang napili namin. Also, gusto naming subukan yung promo nila na makaka-save kami ng mga P710.   Bale dalawang appetizer yun at dalawang main dish. Gusto ng may birthday ang salad kaya pinili ko itong Ceazar Salad.   Masarap siya. Isa pa na appetizer itong Buffalo Chicken wings.   Hindi ko ito masyadong nagustuhan.   Para lang kasing inilubog sa catsup at hindi ko alam kung ano pa ang silbi ng white sauce na kasama. Isa sa main course ay itong Seafood Jamvalaya.   Para siyang paella kaya lang parang durog na durog

GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI

Image
Naging kaugalian na nating mga pinoy ang pag-uulam ng ginisang munggo tuwing Biyernes.   Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero sa pagka-alam ko, related ito sa kuwaresma kung saan hinihikayat tayo ng simbahan na huwag kumain ng karne tuwign Biyernes. Pangkaraniwan, hipon o isda ang isinasahog natin sa ginisang munggo.   Pero kung gusto nyong gawing extra special, pwede din nyo itong lagyan ng sugpo o lechon kawali.   Also, mainam na lagyan nyo ng taba ng baboy ang munggo habang pinapakuluan nyo ito.   Although hindi masyadong healthy pero mas nagiging malasa ang sabaw nito.   Kagaya nitong niluto ko na ito.   Yung taba na ginamit ko ay mula sa tira-tirang taba sa nilagang baboy na inulam namin nitong nakaraang araw. GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1 cup Green Monggo Beans 300 grams Lechon Kawali (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/05/lechon-kawali.html) 2 cups Pork Fats (cut into cubes) 3 cups Pork Stock 5 cloves minced Garlic 1 pc. large Onion

CRAB STICK REBUSADO

Image
Camaron Rebusado is a shrimp dish almost similar to ebi tempura of the Japanese.   This is where I get the inspiration of cooking this crab sticks the similar way.   The crab sticks was coated with batter then deep fry until golden brown.   You may use banana catsup or a mixture of catsup and mayonaise for the dip.   It was so delicious.  Try it. CRAB STICK REBUSADO Ingredients: 500 grams Crab Sticks 2 pcs. Fresh Eggs 2 cups Flour Cold Water 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Procedure: 1.   In a mixing bowl, combine fresh eggs, flour, cold water, maggie magic sarap, salt and pepper.   Mix together to make a batter until smooth.  Make sure to put water little by little and the batter must be thick enough to coat with the crab sticks. 2.   Coat each crab stick in batter then fry it in hot oil until golden brown.   Serve hot with catsup or mayonaise on the side. Enjoy!!!!

INAY ELO'S 90TH BIRTHDAY BLOWOUT

Image
Last June 24 nag-celebrate ng kanyang 90th Birthday ang aking mother in law na si Nanay Elo.   Hindi nagkaroon ng handa nung araw na yun sa request na din ng isa niyang anak na si Lita na darating naman ng July 12.   Kaya ang nangyari July 13 nagkaroon ng isang simpleng tanghalian ang buong pamilya. Bale nag-toka-toka ang bawat anak ng may birthday ng pagkaing ihahanda.   Sa aming pamilya natoka ang Pancit Palabok na ginawa ko talagang espesyal at maraming sahog. Ang balikbayan din na si Beth ang sumagot naman ng hipon at mga alimango.   Ako din ang nagluto ng mga ito. Para sa hipon, simpleng butter, garlic at sprite lang ang aking inilahok dito. Sa alimango naman ay iginisa ko at nilagyan ng oyster sauce. Tokwa't Baboy naman ang share ng kanilang Kuya Alex. Kare-kare naman ang sinagot ni Ate Azon. Ang balikbayan mula Abu Dhabi naman na si Lita ang sumagot ng Lechon. Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang mga inihandang pagkain.   May ila

BEEF PARES

Image
Minsan nayaya ako ng aking ka-opisina na kumain ng pares sa isang tindahan malapit dito sa aking pinapasukan.   Hindi naman ito restauran kundi isang food stall o cart na patayo ka lang kakain.    Infairness, masarap ang kanilang pares at malasa talaga.   Huwag mo na lang hanapan ng maraming laman ng baka dahil mura lang naman ang bili ng isang order nito. Dahil bitin nga sa laman ng baka ang pares na nakain ko, naisipan kong magluto nito sa bahay.   Madali lang naman itong lutuin.  Yun lang may katagalan ang pagpapalambot ng karne baka.  Dapat kasi dito ay malambot na malambot talaga.   Try nyo po...masarap talaga. BEEF PARES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 2 pcs. Star Anise 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Five Spice Powder 1/3 cup Soy Sauce 4 tbsp. Rice Wine vinegar 1/2 cup Brown Sugar 2 heads Minced Garlic 2 pcs. Onion (sliced) 2 thumb-sized Ginger (sliced) 1/2 cup Cornstarch 1 tsp. Freshly Ground Pepper Salt to taste Spring Onion 1/2 cup

PAN-GRILLED PORK STEAK with MUSHROOM GRAVY

Image
Weekend na naman.   Sa iba, time ito para sa gimik.   Kain sa labas...punta ng bar...manood ng sine...etc.   Pero para sa akin, weekend means a time for the family.   Pahinga sa bahay kasama ang mga kids at syempre ang pagsisimba tuwing Linggo kasama ang pamilya. Kaya naman kapag weekend, marapat din lang na espesyal ang mga pagkaing ating ihahanda para sa ating pamilya.   Hindi naman pag sinabing espesyal ay yung mahal o malaki ang magagastos para lutuin. Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang dish na tamang-tamang for this weekend.   Pam-grilled Pork Steak with Mushroom Gravy.   Di ba?   Itsura pa lang ay para ka na ding kumain sa mamahaling restaurant.   At wag ka...simple din lang ang mga sangkap para lutuin ito.   Try nyo din po. PAN-GRILLED PORK STEAK with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak (ito yung parte ng baboy na parang marble ang itsura) 1 pc. Lemon or 10 pcs. Calamansi 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves Minces Garlic

CREAMY BEEF and POTATOES

Image
Pangkaraniwang lutong bahay na ginagawa natin sa karne ng baka ay kung hindi nilaga ay caldereta.   Pwede din pa-slice natin ito ng manipis at i-bistek.   Medyo nakakasawa na din ang mga lutong ito.   Bakit hindi natin gawan ng ibang putahe?   Kagaya nitong recipe natin for today.   Creamy Beef and Potatoes. Simple lang ang dish na ito.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay makakaya itong gawin.   Hindi lang simple ang paraan ng pagluluto maging ang mga sangkap nito.   At panigurado ko na magugustuhan ng pamilya nyo ang sarap ng beef dish na ito.   Subukan nyo po. CREAMY BEEF and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 2 pcs. large Potatoes (cut into cubes) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tbsp. Cornstarch 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 1/2 cup Melted Butter Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.

CREAMY COCO PUMPKIN SOUP - Using Alaska Crema

Image
Ito po ang winning dish ko nitong nakaraang Round 3 ng Alaska Crema Kitchen Challenge 2.   Creamy Coco Pumpkin soup.   Hayaan nyo pong mai-share ko sa inyo ito at makasama kayo sa aking kasiyahan at tagumpay. Nang makausap ko sa telepono ang staff ng Alaska tungkol sa pagkapanlo ko, nai-share niya ang ilan sa mga comment ng mga chef judges na humusga sa aking recipe.   Ang sabi daw, nagustuhan nila yung pagbe-blend ng lasa nung coconut milk, butter, cream at kalabasa.  At yun din nga ang alam kong strenght ng aking dish.  Yung pagsamahin mo ba ang kalabasa at gata ng niyog tapos sinamahan mo pa ng cream at butter...Panalo ang lasang ito.   Try nyo din po. CREAMY COCO PUMPKIN SOUP Mga Sangkap: 300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes 5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes 2 cups Coco milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Butter 3 cloves minced Garlic 1 pc. medium size Onion Sliced Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.

ALASKA CREMA KITCHEN CHALLENGE - Round 3 Winner

Image
It's my day today.   hehehehe.   Ako kasi ang nanalo sa round 3 ng  Alaska Crema Kitchen Challenge 2. Ang pinaglabanan na dish ay ang Pumpkin soup na gagamitan mo ng Alaska Crema at dapat ay may twist ka na gagawin.   May recipe na ibinigay pero yun nga dapat magawan mo ito ng kakaiba twist o lasa. Photo finish nung nag-submit ako ng aking entry.   Actualy, I'm not after sa prizes kundi sa experience na makasali sa ganitong pa-contest.  6 ang nagpadala ng entries.   Ang anim na entries na ito ay ipinost sa kanilang fan page at in-open sa public voting.   Kung sino ang top 3 na mananalo ay irere-create ng chef ng Alaska ang recipe at idya-judge du kung sino ang panalo. Nag-2nd place lang ako sa public vote.   Halos doble ng vote sa akin ang nag-top 1.   Pero sa isip ko ay okay lang, mukhang may laban naman ang entry ko.   Hehehehe At eto na nga, tinawagan ako ng staff ng promo na ito ng Alaska at kinausap ako tungkol sa details ng awarding ng prizes.  Hehehehe.  

CRISPY PORK BACON FILLET

Image
Nagre-request ang pangalawa kong anak na si James na magluto naman daw ako ng crispy bacon for breakfast.   Hindi ko siya mapagbigyan dahil medyo may kamahalan ang bacon.   Bukod sa mag-oover sa budget siguradong bitin sa kanila ang half kilo man lang. Nitong nakaraang paggo-grocery namin nakita ko itong bacon cut pork sa SM supermarket sa Makati.   Maganda ang cut niya.   Medyo makapal ng kaunti at hindi ganun kalaki ang layer ng taba.   Naisip ko agad ang request sa akin ng aking anak kaya bumili ako ng 1 kilo nito.   At ito na nga ang kinalabasan ng aking niluto.   Crispy Pork Bacon Fillet with sawsawang suka on the side.   Yummy!!!!! CRISPY PORK BACON FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Bacon Cut Pork Fillet 1 pc. Lemon or Lime 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Freshly Ground Black pepper 1 tbsp. Rock Salt Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang pork bacon fillet sa katas ng lemon o lime, asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaa

PORK ADOBO with MUSHROOM

Image
Paborito ng aming pamilya ang adobo.   Kahit sino naman siguro ay paborito din ito.   Mapa pork, chicken, beef o kung ano pa man, winner sa ating lahat ang adobo.   Kaya nga makokonsidera na pambansang ulam natin ito. Maraming pamamaraan at mga dagdag na sangkap ang pwede nating gawin sa adobo.   Masasabi siguro nating endless ang dami nito.   At maging sa mga version na nagawa ko na, marami-rami na rin ito at may kani-kaniyang sarap talaga. PORK ADOBO with MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1/3 cup White Vinegar 1/3 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 1 can Sliced Mushroom 1 tsp. Fresh Ground Black Pepper 1 tbps. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kasero pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin at paminta.   Hayaan itong kumulo hanggang sa maiga ang sabaw at lumambot na ang karne. 2.   Kung malapit nang lumambot ang karne o wala na halos itong sabaw, ilagay na ang bawang, s

LOMI at SOTANGHON GUISADO (BAMI)

Image
Nitong nakaraang uwi namin ng Batangas, nag-uwi ulit ako pabalik ng Manila nitong fresh lomi noodles.  Sa palengke ng San Jose ko ko ito binili bakgo kami umuwi. Ang nasa isip kong luto na gawin dito ay pa-guisado na may kasamang sotanghon noodles.   May nabasa kasi akong dish sa may parte ng Bisayas na Bami ang tawag.   Pancit miki o canton ito na may kahalong sotanghon noodles.   May ganito ding klase ng pancit sa mga karatig nating bansa kagaya ng Indonesia. Hindi ko ito tinawag na bami komo hindi ko naman isinakto ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto sa original na recipes kaya tinawag ko na lang ito Lomi and Sotanghon Guisado.   Also, kaunti lang na mga sangkap ang inilagay ko para hindi matabunan ang mga noodles na aking ginamit.   At para mas lalong maging katakam-takam ito, nilagyan ko pa ng hard boiled eggs sa ibabaw.   Di ba ang sarap tingnan?   Try nyo din po. LOMI at SOTANGHON GUISADO (BAMI) Mga Sangkap: 1/2 kilo Fresh Lomi Noodles 1/2 kilo Sotanghon Noodl

BUKO, PANDAN at KAONG SALAD

Image
Nitong nakaraan kong pagkakasakit at habang nagpapagaling, wala akong ibang magawa kung hindi mag-internet, matulog at magluto para sa aking pamilya.   At isa na nga itong salad dessert na ito na naging bunga ng aking bakasyon.   hehehehe Nasanay na kasi din ang aking mga anak na mag-dessert pagkatapos nilang kumain.   Kaya naman pagkatapos ng maghapon nilang pagpapagod sa pag-aaral, they desserves naman siguro ng isang masarap na dessert. Buko Pandan Salad lang talaga ang gagawin ko.   Kaso nakita ko itong bottle ng minatamis na kaong na ito nung binili ko ang minatamis na macapuno.   Naisip ko bakit hindi ko ito isama sa masarap nang buko pandan.   At ito na nga ang finished product.   Isang masarap na napakadaling lang gawin na panghimagas.   Try nyo din po. BUKO, PANDAN at KAONG SALAD Mga Sangkap: 3 cups Minatamis na Macapuno (in a bottle jar) 3 cups Minatamis na Kaong (in a botle jar) 1 sachet Mr. Gulaman (Green color) 1 tbsp. Pandan Essence 2 cups White Sugar o

SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly itong sinigang na isda.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanya.   Kagaya nitong isang araw na off siya sa work at ako naman ay naka-leave, dapat sana ay nilagang baka ang aming pang-ulam pero nang makita ko itong isdang maya-maya sa palengke ay naisip ko agad ang request ng aking asawa. Maganda ang nabili kong isda.   Sariwa ito at medyo may kamahalan lang.   Pero okay lang.   Kaya naisip ko na lutuin ito ng espesyal.   Isinigang ko siya sa miso at nilagyan ko pa din ng sampalok mixes para mas maasim pa ang sabaw. Nakakatuwa dahil nagustuhan ng lahat ang aking sinigang na maya-maya sa miso. SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO Mga Sangkap: 1 kilo Isdang Maya-maya (sliced) 1 small sachet Sinigang sa Miso mixes 1 small sachet Sinigang sa Sampalok mixes 2 thumb size Ginger (sliced) 1 large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Tomatoes (sliced) 3 tbsp. Canola Oil 4 pcs. Siling pang-sigang 1 tali Mustas