Posts

Showing posts from September, 2014

NILASING na HIPON in BUTTER GARLIC SAUCE

Image
Ito ang last minute dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Nilasing na Hipon in Butter Garlic Sauce. Last minute kasi baka kako kulangin yung mga inihanda ko na.  At para pandagdag din sa putahe naisip ko na lutuin ang hipon na ito.   Ang original plan y lutuin lang ito sa butter at garlic pero nang makita ko ang San Mig Light sa fridge, bakit hindi ko kako lagyan nito para makadagdag ng flavor  sa dish. Masarap naman ang kinalabasan.   Ubos nga agad eh.   hehehehe NILASING na HIPON in BUTTER GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp 1 cup Beer 1/2 cup Melted Butter 1 head Minced Garlic 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang hipon.  Alisin ang sungot o balbas nito. 2.   Ibabad ang hipon sa beer ng 30 minuto. 3.   Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa butter ha...

KIMCHI FRIED RICE version 2 - CHICKEN FLAVOR

Image
Nagustuhan ng asawa kong si Jolly yung unang version ng Kimchi Fried Rice na niluto ko.   Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng panganay kng anak na si Jake ito ang hiniling niyang lutuin ko ulit. Sa original na recipe, sirloin beef talaga ang ginagamit.   Sa una kong version, pork naman ang ginamit ko.   At para maiba naman, sa version 2 na ito, chicken naman ang inilahok ko. Mas nagustuhan ng asawa ko yung pork version.   Pero siguro depende na lang sa kumakain.   Nagustuhan din kasi ito ng mga bisita na pumunta sa party.   KIMCHI FRIED RICE version 2 - Chicken Flavor Mga Sangkap: 10 cups Long Grain Rice (Jasmin) 2 pcs. Chicken Cubes 500 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips) 250 grams Kimchi (cut into small pieces) 250 grams Squid Balls (quartered) 1 cup Green Peas 3 pcs. Eggs (beaten) 1/2 cup Spring Onion (chopped) 3 tbsp. Cooking Oil 1 head minced Garlic 1 large Red Onion (chopped) 1/3 cup Soy Sa...

MAJA DE PRUTAS

Image
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Maja Prutas. Pangkaraniwang alam natin na luto ng maja blanka ay yung hinahaluan ng mais.   Masarap naman talaga ito at pinoy na pinoy ang dating.   May nabasa naman ako na gawa ng maja na fruit cocktail naman ang inilalagay.   Kaya naman sinubukan ko din ito para maiba naman. Basically, pareho lang ito ng maja mais na ginawa ko.   Papalitan lang natin ang mais ng fruit cocktail nga.   May kaunting adjustment akong ginawa sa recipes para mas maging masarap at tama ang pagkagawa ng maja blanka na ito.   try nyo din po. MAJA DE PRUTAS Mga Sangkap: 2 measuring cups Cornstarch 1 can (370ml) Alaska Evap Full Cream 1 can (370ml) Coconut Cream 1 big can Fruit Cocktail 2 cups Grated Cheese Sugar to taste Star Margarine Paraan ng pagluluto: 1.   I-ready muna ang mga hulmahan o llanera na may star margarine. (5 m...

LUMPIANG EMBOTIDO

Image
Yes...tama po ang basa nyo sa pangalan ng dish na ito.   Lumpiang Embotido.   Ito po ang isa sa mga dish na niluto nitong nakaraang kaarawan ng panganay kong anak na si Jake. Ang lumpia naman kasi ay isang dish na napaka-flexible.   Kahit ano ay pwede nating ipalaman dito.  Baboy, manok, gulay o kahit na prutas ay pwede din.   Kaya naman naisip ko, bakit hindi ang masarap na embotido ang aking namang ipalaman?   And yes!   Ang sarap ng kinalabasan ng lumpiang embotido na ito. Also, may kalakihan ang roll ng lumpiang ito.  Large na lumpia wrapper ang ginamit ko.   Bakit ko nilakihan?  Kasi hihiwa-hiwain ko pa ito.   Hihiwain pagkaluto o bago lutuin?    Ang ginawa ko, niluto ko muna bago ko hiniwa.   Baka kasi kako lumabasa yung palaman kung hihiwain ko muna bago i-prito.   But I think pwede din na hiwain muna as long as maraming itlog kang inilagay sa palaman mo at na-freezer muna i...

MY SON JAKE 16TH BIRTHDAY

Image
Nag-diwang ng kanyang ika-16 na kaarawan ang panganay kong anak na si Jake nitong nakaraang Lunes Setyembre 22.   Pero nauna ang selebrasyon nung Sabado Setyembre 20.   Nahiling kasi niya na mag-pakain sa kanyang mga ka-klase at tama na Sabado gawin para pahinga naman ng kina-lingguhan. Hiling ng aking anak na magluto ako ng lasagna, inihaw na liempo at turbo na chicken.   Nagdagdag na lang ako ng kimchi fried rice, lumpiang embotido at nilasing na hipon dahil alam kong malalakas kumain ang mga kabataang lalaki.   Nagluto din ako ng maja de prutas para naman may pang-himagas naman. Dumating nga ang mga ka-klase niya at mga kasama sa varsity team. Nakakatuwa dahil nakikita kong masaya ang aking anak. Inimbita ko din ang aking mga kaibigan na tuwing may okasyon lang kami nagkikita-kita.   Ang pamilya ni Sheila at Franny at ang pamilya ni Merly at Benny.   Mga kumare at kumpare ko sila. 12 midnight na natapos...

LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE

Image
Naubos yung pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan kaya naman nagluto pa ako ng panibago para naman sa aking pamilya.   At ito ngang Linguine Pasta with Creamy Basil and Ham Sauce ang aking niluto. Nung una gusto sana ng asawa kong si Jolly na sa labas na lang kami kumain, pero ipinilit ko na sa bahay na lang at magluluto ako ng espesyal na dinner. As always nagustuhan ng mga anak ko ang pasta dish na ito.   Bakit naman hindi e andaming sahog na ham at bacon akong inilagay.    Hehehehe LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Linguine Pasta (cooked according to package direction) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 250 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1 tsp. Dried Basil 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Melted Butter 1 small can Alaska Evap 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (chopped) 1 cup grated Cheese Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   L...

TOFU CHOPSUEY

Image
Ito ang vegetable dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Tofu Chopsuey. Naisip ko na ito ang gulay na ihanda para healthy naman.   Marami din kasi ang nag-e-email sa akin na nag-re-request ng vegetable dish. Hindi pala ako nag-lagay ng sukat o dami ng mga gulay na gagamitin.   Nasa sa inyo na yun kung gaano karami ang gusto nyong lutuin.   Bahala na kayong tumantya sa dami ng oyster sauce at tofu na ilalagay. I'm sure magugustuhan nyo ang luto na ito. TOFU CHOPSUEY Mga Sangkap: 1/2 cup Oyster Sauce Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Tofu o tokwa Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki) Carrots (balatan at hiwain sa nais na laki) Cauliflower (hiwain sa nais na laki) Baguio Beans (hiwain ng mga 1 inch na haba) Young Corn (sliced) Red Bell Pepper (cut into cubes) Repolyo (hiwain sa nais na laki) Celery (hiwain sa nais na laki) Salt and pepper to taste 1 tbsp Cornstarch 3 cups. Cooki...

CHEESY & CREAMY MAJA MAIS

Image
Ito ang dessert na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Cheesy & Creamy Maja Mais. Actually, experimental ang dessert na ito.   Sa halip kasi ng evaporated o condensed milk, all purpose cream ang ginamit ko.  Ofcourse gamit ang Alaska Crema (free advertisement na naman..heheheh) At sa lahat ng dish na inihanda ko, ito ang puring-puri ng aking mga bisita.   Humihingi nga sila ng recipe nito.   Pero sa totoo lang, hindi naman ganun ka-succesful ang pagka-gawa ng dessert na ito.   Hindi kasi ito masyadong nabuo.   Pero kung lasa at lasa ang paguusapan, kabog talaga ito. So para mai-correct ko ang pagkakamaling yun, minabuti kong bawasan ang ibag mga sangkap para tumama ang texture ng finish product. Try nyo din po. CHEESY & CREAMY MAJA MAIS Mga Sangkap: 250 grams Cornstarch (tunawin sa 2 cups ng tubig) 1 can (370ml) Coconut Cream 1 can (370ml) Whole Kernel Corn 2 tetra brick Alaska Crema 2 ...

LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Linguine Pasta with Creamy Pesto and Bacon Sauce.  Pinasarap ito gamit ang Alaska Crema (ayan free advertisement ha..hehehe) In this pasta dish, pwede din gumamit ng kahit aling klase ng pasta.   Ang maganda sa pasta dish na ito, mura lang ang magagastos pero hindi tipid sa lasa.   Nakakatuwa ng dahil nagustuhan ito ng aking mga naging bisita.   Try nyo din po. LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Linguine Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Bacon (cut into small pieces) 5 cloved Minced Garlic 1 large Red Onion (chopped) 2 tbsp. Olive Oil Salt and pepper to taste For the pesto sauce: 100 grams Fresh Basil Leaves 100 grams Cashiew Nuts 1 cup Olive Oil 2 heads Garlic 1 cup Grated Cheese 2 tetra brick Alaska Crema 1 tsp. Whole Pepper Corn Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang linguine pasta ac...

PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY

Image
Ito ang isa pang dish na natutunan ko sa cooking class na aking ina-attend-an at inihanda ko din sa nakaraan kong kaarawan.   Pork Cordon Bleu with Creamy Gravy. Pangkaraniwang Cordon Bleu na nakakain natin at nakikita yung manok ang ginamit o Chicken Cordon Bleu.   Mas madali kasing maluto ang laman ng manok kaysa sa baboy. Dun ako nagdadalawang isip kung pork nga ang gagamitin ko.   Baka kasi kako mahilaw ang loob na part ng karne.   Kaya ang ginawa ko, pinitpit ko muna ang karne gamit ang kitchen mallet  para numipis at ma-tenderized na din.   Also, sa katamtamang lakas ng apoy ko ito ipinirito para kako tiyak na maluto hangang loob. At okay naman ang kinalabasan.   Masarap at nagustuhan ng aking mga kaibigan. PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim o Pigue (yung batang karne ng baboy ang gamitin at pa-hiwa sa butcher ng manipis) 250 grams Sweet or Smokey Ham Cheese (cut into l...

KIMCHI FRIED RICE - My Own Version

Image
Parte ng premyo sa pagkapanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge ay ang isang half day cooking class with Chef Kai Padilla.   Bale isang complete course ang itinuro sa amin from appetizer to dessert.   Isa na nga sa mga dish na itinuro ay itong Kimchi Fried Rice. Nitong nakaraan kong kaarawan, naisipan kong lutuin ito para sa aking mga ka-officemate.   Pero syempre kadalasan nilalagyan ko ng twist ang original na recipe na natututunan ko.   Sa dish na ito, sa halip na beef, pork ang ang ginamit ko.  At sa halip na hipon (medyo mahal kasi) squid balls naman ang aking ipinalit.   Also, nilagyan ko na ng flavor ang rice habang isinasaing ko ito.  Ang resulta?   Masarap at nagustuhan talaga ng mga naka-kain.   Kaya nga ni-request ng asawa kog si Jolly na magluto ulit ako nito sa birthday naman ng aking panganay sa Sep. 22. KIMCHI FRIED RICE - My Own Version Mga Sangkap: 10 cups Long Grain Rice (Jasmin...

MY 47th BIRTHDAY TREAT

Image
Last Friday September 12, ipinagdiwang ko ang aking 47th Birthday kasama ang aking mga matatalik na kaibigan.  Last year hindi ako naghanda kaya naman nitong taong ito ay pinaghandaan ko talaga. Ako lahat ang nagluto ng aking handa.   At kahit nakakapagod ay nasisiyahan ako at nagustuhan ng aking mga kaibigan ang aking nakayanan. Bale 5 dishes lang ang aking niluto at isang dessert.   Nakakatuwa dahil lahat ay nagustuhan nila. May Linguine Pasta in Pesto Bacon Sauce, Kimchi Fried Rice at Pork Cordon Bleu na natutunan ko sa cooking class na in-attend-an ko c/o Alaska, Roasted Chicken in Sinigang Mix, Tofu Chopsuey at Creamy cheesy Maja Mais para dessert. Nakakatuwa dahil nag-enjoy talaga ang lahat sa pagkaing aking inihanda.   Puring-puri nila ang Maja Mais at Kimchi Fried rice. Sila naman ay nagbigay sa akin ng cake at ice cream at ikinatuwa ko naman din ng labis. Sa gabi naman komo naubos ang unag batch ng pagkain na niluto ko, nag...

HAPPY BIRTHDAY to ME :)

Image
It's my __th Birthday today September 12.   Wala munang post ng recipe.   Busy kasi ako sa pagluluto para sa aking birthday.   Hehehehe.   Abangan. . . . .

BINAGOONGANG PORK BELLY

Image
Isa sa mga paborito kong pork dish itong Pork Binagoongan.   Gustong-gusto ko kasi yung lasa ng baboy at alat ng bagoong.   Di ba nga angs arap ng bagoong na maraming sahog na baboy?    hehehehe. Ang key sa masarap na binagoongan na baboy ay yung magandang kalidad ng bagoong na gagamitin.   mainam yung hindi masyadong maalat.   Ok din yung nabibili sa supermaket na naka-bote na.   Yun lang may kamahalan ito. Yung iba, nilalagyan pa ng gata ng niyog ang kanilang binagoongan.   Itong version ko ngayon ay wala.   Sitaw naman ang aking inilagay para may gulay din na kasama. Yummy!!!! Tiyak kong mapaparami kayo ng kain kapag ito ang inyong ulam.   Hehehehe BINAGOONGANG PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (yung manipis lang ang taba) 1 cup or more Bagoong Alamang Sitaw (cut into 1 inch long) 1/3 cup Suka 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 5 pcs. Siling Pang-sig...

CHICKEN ESTOFADO ala DENNIS

Image
Sa amin sa Bulacan ang estofado ay isang beef dish na niluto sa kung ano-anong herbs and spices at medyo manamis-namis ang lasa.   Masarap ito at masarap kainin na may kasamang tinapay o monay na bagong luto. Nitong isang araw, naisipan kong magluto ng estofado pero manok ang aking gagamitin.  Nag-check ako sa net kung ano-ano ang mga sangkap na gagamitin at kung papaano ito lulutuin.   Laking pagtataka ko kasi yung nakuha kong recipe ay parang adobo lang ang timpla na nilagyan ng asukal.   Kaya ang ginawa ko ginamit ko ang recipe na yun at yung alam ko na lahok ng estofado sa amin sa Bulacan.   Ang resulta?   Isang masarap na chicken dish na tiyak kong magugustuhan nyo din. CHICKEN ESTOFADO ala DENNIS Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 5 pcs. Saging na Saba (balatan at hiwain sa dalawa) 1 medium size Kamote (balataan and cut into cubes) 1 cup Sweetened Pine Apple Juice 1/2 cup Vinegar 1/2 cup So...

CRAB STICKS & CHEESE SPRING ROLL

Image
Unang ipinangalan ko sa dish na ito ay kani & cheese spring roll.   Kaya lang naisip ko na baka hindi pamilyar yung iba sa kung ano ang kani.   Kaya ginawa ko na lang na crab sticks and cheese spring roll para mas madaling maintindihan. Masarap ang spring roll na ito.   Pagsamahin mo ba ang crab sticks at cheese papaanong hindi ito magiging masarap. Winner ito na appetizer o pang ulam man.  I'm sure magugustuhan ito ng mga bata.   Try nyo din po. CRAB STICKS & CHEESE SPRING ROLL Mga Sangkap: 20 pcs. Lumpia Wrapper 20 pcs. Crab Sticks Cheese (cut into sticks) Cooking Oil Egg white 1 cup mayonaise 1/2 cup Banana Catsup Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Hiwain sa gitna ang bawat piraso ng crab sticks. 2.  Ibalot ang hiniwang crab sticks at 1 piraso ng cheese sa lumpia wrapper.   Tiyakin na nakasara ang magkabilang dulo ng lumpia wrapper para hindi lumabas ang cheese kapag na-pri...

PORK BELLY BARBEQUE

Image
May ibang cook na ayw na nagso-shortcut sa kanilang ginagawang pagluluto.   Yung iba nga talagang sinusunod yung recipe at yung mga sangkap na kailangang ilagay.   Yung iba naman ang gusto ay yung madali lang pamamaraan.  Kung pwede nga wag nang magluto at bumili a lang.    hehehehe Ako both.   Depende din sa lulutuin at kung may time.   Kagaya ko na may 8 hour work, mas madalas kung ano yung madali ay yun ang aking ginagawa.   But ofcourse kapag para sa espesyal na okasyon ay hindi ko minamadali.   Maaari kasing maapektuhan yung lasa o finish product. Sa panahon ngayon marami na ding nabibiling mga sangkap o mixes na pwede nating gamitin sa pagluluto.   Kagaya nitong Del Monte Quick n Easy BBQ marinade.  (Free advertisement ito Del Monte ha.  hehehehe)   First time ko lang gumamit nito pero nagulat talaga ako sa resulta.   Masarap at parang hindi minadali ang t...

PESANG ULO NG SALMON

Image
Para sa akin, kapag masarap na ang isang isda, hindi ko na ito nilalagyan pa ng kung ano-anong pampalasa o rekado.   Tama na sa akin ang lutuin ito sa pinaka-simpleng pamamaraan kagaya ng pag-ihaw o yung sasabawan. Kagaya nitong isdang salmon.   Alam naman natin masarap na isda ito at may kamahalan.   Sa kahilingan na din ng aking asawang si Jolly, napabili ako ng ulong bahagi nito para kako masabawan.   Mainam naman at yung nabili ko ay yung malaman at maganda ang pagka-cut at may kasama pang buntot na parte. Pesa o nilaga ang ginawa kong luto dito.  Maging ang gulay na sinahog ko dito ay dalawang klase lang.   Bok choy o Chinese pechay at patatas.   Kaya naman ang kinalabasan ay isang masarap na sinabawang isda na tamang-tama sa maulan panahon na ito. PESANG ULO NG SALMON Mga Sangkap: 2 pcs. Ulo ng Salmon (cut into serving pieces) Bok Choy o Pechay tTagalog 2 pcs. medium size Potato (quatered) 1 tsp. Whole...

CREAMY POTATO SOUP

Image
Another #cremamoments ang ise-share ko sa inyo for today.   Yes.  Creamy Potato Soup gamit ang Alaska Crema na prize sa akin sa pagkapanalo ko sa nakaraang Alaska Kitchen Challenge 2. Niluto ko ito nung mag-off from her work ang asawa kong si Jolly.   Syempre, bihira lang naman kami magkasabay-sabay na kumain kaya sa pagkakataon na yun ay sinamantala ko na at nagluto ako ng masarap at espesyal na lunch para sa kanila. Roasted Chicken ang main dish na niluto ko for that lunch.   At tamang-tama ang soup na ito na aking ginawa terno sa chicken.   At hindi naman ako nabigo, nagustuhan at nasarapan naman ang aking asawa at mga anak.   Try nyo din po. CREAMY POTATO SOUP Mga Sangkap: 500 grams Potatoes (balatan at hiwain ng pa-cube) 1 litter Chicken or Pork stock (pwede din 2 pcs.  Chicken or pork cubes) 1/2 cup Melted Butter 1 tetra brick Alaska Crema 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Red Onion (chopped) Salt ...

CORNED BEEF and MACARONI SOUP

Image
Paborito ng bunso kong anak na si Anton itong Macaroni Soup.   Kaya naman para maiba naman ang aming almusal, nagluluto ako nito at tineternuhan ko ng mainit na pandesal.   Sarap di ba?   Hehehehe. May ilang macaroni soup na din akong na-post sa food blog kong ito.   But I think sa lahat ng maca soup na niluto ko ito ang the best.   Maybe because cream ang ginamit ko dito at yung corned beef na inilagay ko ay yung guisado type.   Masarap talaga siya.   Tamang-tama sa panahong ito na maulan. CORNED BEEF and MACARONI SOUP Mga Sangkap: 400 grams Elbow Macaroni 1 big can Corned Beef Guisado (CDO brand) 1 tetra brick Alaska Crema 2 pcs. Beef Cubes 2 tbsp. Butter 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Sunod na ilagay ang corned beef at halu-haluin. 3.   Lagyan ng nais...

MANGO PANNA COTTA

Image
Dahil sa pagkapanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge 2, bukod sa culinary training na prize nila sa winner, may gift pack din na ibinigay.   Mga Alaska products syempre at marami dito ay itong Alaska Crema. Naisip ko tuloy na gumawa ng dessert gamit ang mga produktong ito at ito ngang panna cotta ang naisip kong gawin.   Basically, ang panna cotta ay pinaghalong cream at gulaman at nilalagyan ng prutas o kung ano man ang gusto nyong i-toppings. Sa version kong ito ang all time favorite nating mangga ang aking inihalo.   Actually, parang kapareho lang siya ng mango pudding na aking ginawa.   Yun lang ang isang ito ay puro cream ang aking ginamit.  At masasabing kong ito ang mas masarap. MANGO PANNA COTTA Mga Sangkap: 4 pcs. Hinog na Mangga 1 sachet Mr. Gulaman (yellow color) 2 tetra brick Alaska Crema 1 small can Evaporated Milk Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Balatan ang mangga ang kuhanin ang laman ...

CHEESY PORK AFRITADA

Image
Madali nang magluto ng pork o chicken afritada.  Bili ka lang ng instant afritada mix ay okay na ang afritada mo.    hehehehe. Pero ako gusto ko pa rin yung walang shortcut pero kung nagmamadali na talaga itong mga instant sauces a ito ang akin ding ginagamit.   hehehehe. In this recipe, nilagyan ko ng dried basil at grated cheese para mas maging espesyal.   Tunay naman.   naging mas masarap at malasa ang ating afritada.   Yummy!!!! CHEESY PORK AFRITADA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into serving pieces) 2 pcs. Potatoes (quatered) 1 pc. large Carrot (cut into cubes) 1 pc. large Red Bell Pepper (cut into cubes) 1 cup Green Peas 1 tetra pack Tomato Sauce 1 cup Grated Cheese 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 2 pcs. Tomatoes (Sliced) 1 pc. large Onion (sliced) 1/2 cup Vinegar Salt and pepper to taste 2 tbsp. Olive oil or ordinary cooking oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa is...