Posts

Showing posts from March, 2015

ANTON'S GRADE 6 GRADUATION DAY

Image
Last Saturday March 27, nag-graduate sa elementarya ang bunso kong anak na si Anton sa St. Therese Private School sa Mandaluyong. 3:30 ng hapon pa lang ay nasa paaralan na kami para sa isang misa ng pasasalamat.   Lahat ay excited sa napaka-halagang araw na ito para sa magtatapos.   Maging ang mga magulang ay todo gayak sa espesyal na okasyon na yun. Hindi maitago sa mukha ng aking anak na si Anton ang galak sa bawat kuha ko ng picture.   Sabagay hindi biro ang pinagdaanan niya para matapos ang anim na taong elementarya. At tama lang na isang misa ng pasasalamat ang ginawang umpisa ng kanilang graduation day. Pagkatapos ng misa ay nagpunta ang mga magtatapos sa kani-kanilang classroom para magsuot ng kanilang mga toga.   Kumpara sa mga nakaraang taon, nagpasadya pa ang paaralan ng sarili nilang toga para sa mga magtatapos.   Nakakatuwa kasi ang ganda nilang tingnan sa bagong toga na ito. Kita mo sa mukha ng lahat ang saya at kagalakan bagamat bakas mo din ang lun

CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES)

Image
Minsan talaga yung mga hindi inaasahang problema sa kitchen ay nagrere-resulta pa sa mas maganda at masarap na version g inyong niluluto. Kagaya nitong calamares na ito na aking niluto last Saturday.  Hindi ko alam na naubusan na pala ako ng harina at cornstarch na gagamitin ko nga para gumawa ng batter para sa calamares na ito.   Yung natira na harina ay parang 2 kutsara na lang at kulang na kulang talaga para sa aking lulutuin.   Naisip ko bigla yung natira ko pang glutinous rice flour na gagamitin ko sana sa pag-gawa ng palitaw o mga kakanin.   At yun nga ang aking ginamit.   Ang resulta?   Mas crispy ang kinalabasan ng aking calamares.  Try nyo din po. CRISPY SQUID RINGS (CALAMARES Mga Sangkap: 500 grams Frozen Squid Rings (available ito sa frozen section ng mga supermarket) 2 pcs. Fresh Eggs 2 cups or more Glutinous Rice Flour Cold Water 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang bowl, paghaluin

BABY BACK RIBS in HICKORY BBQ SAUCE

Image
Medyo busy ang week namin na ito.   Last Tuesday ay graduation ng panganay kong anak na si Jake at ngayong araw naman ay graduation din ng bunso ko naman si Anton. Kapag ganitong may espesyal na okasyon, pinipilit kong maghanda kahit papaano ng espesyal na pagkain para sa aking pamilya.   Kagaya nitong dish natin for today.   Isang masarap na baby back ribs na tatlong beses kong niluto.   Una, pinakuluan ko muna hanggang sa lumambot.   Pangalawa, niluto ko naman sa turbo broiler.   At pangatlo ay ibinalik ko sa sauce para i-braise naman.   Matagal ang proseso pero sulit naman ang kinalabasan.   Paraka na ring kumain sa isang mamahaling steak house.   Try nyo din po. BABY BACK RIBS in HICKORY BBQ SAUCE Mga Sangkap: About 1.5+ kilos Baby Back Ribs 1 tetra pack Clara Ole Hickory barbeque Marinade 1 head minced Garlic 1 pcs. Chopped red Onion 1 tsp. Ground Black pepper 1 can Calamansi Soda 1 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   H

TURONG SAGING na may LANGKA

Image
Siguro marami sa ating mga anak na nag-aaral ang nasa bakasyon na sa mga panahong ito.   At syempre komo walang pasok at nasa bahay lang, parang miyat-miya ay gutom ang mga ito at naghahanap ng makaka-kain.   Kaya ang ginawa ko nagluto ako nitong turong saging para sa kanilang meryenda.   Para lalong sumarap nilagyan ko pa ito ng langka na uwi ng asawa kong si Jolly nung siya ay manggaling ng Tagaytay.   Tamang-tama ito sa sabayan ng malamig na sagot gulaman.  Winner talaga...hehehehe TURONG SAGING na may LANGKA Mga Sangkap: Saging na Saba Langka Brown na Asukal Pambalot ng Lumpia Mantika Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ang saging na saba ng pahaba. 2.   Igulong ito sa brown na asukal at saka ibalot sa lumpia wrapper kasama ang ilang piraso ng langka.  Make sure na maganda ang pagkabalot para hindi lumabas ang asukal at palaman. 3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. 4.   Hanguin sa isang lalagyan namay paper towel. Ihain haban

JAKE'S HIGH SCHOOL GRADUATION DAY

Image
Laking pasasalamat ko sa Diyos sa pagtatapos ng aking panganay na anak na si Jake sa High School.   Kahapon March 24, 2015, maaga kaming nag-handa para pumunta sa Aquinas School sa San Juan City kung saan gaganapin ang graduation at isang misa ng pasasalamat. Maaga pa lang ay kita mo na ang excitement sa lahat lalo na ang mga magulang ng mga magtatapos.    Talaga naman gumayak silan mabuti para sa okasyon. Eksaktong 8:30 ng umaga ay inumpisahan ang banal na misa at pagkatapos noon ay nagkaroon lang ng ilang minuto para umpisahan naman ang graduation proper. Habang naghihintay sa oras ng simula, sinamantala namin ang pagkakataon para makapag-picture-an sa harap ng kulay dilaw na stage.   Ang Aquinas School pala ay nagdiriwang ngayon ng kanilang ika-50 taon ng pagkakatatag.   Kaya ang batch ng aking anak ay tinatawag nila na Golden Batch of 2015. Isa lang ang pwedeng sumama sa ground level ng venue kaya ang asawa ko na lang na si Jolly ang pinasama ko para mag-ma

CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Image
Sa mga panahon ng kuwaresma, pinipilit talaga naming hindi kumain ng karne para isang maliit na sakripsiyo sa mga mahal na araw.   Kaya lang, sakripisyo bang matatawag kung ito namang alimangong ito ang aking ipapakain sa aking pamilya?    Tingnan nyo naman ang aligue at taba ng alimango na ito.....hehehehe.   Huh!   Minsan lang naman...hehehe.   Gusto kasi ito ng aking asawang si Jolly kay ito niluto ko.    Hehehehe. CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1.5 kilos Female Crabs 250 grams Bok Choy 1/2 cup Oyster Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang mga alimango.   Gumamit ng brush kung kinakailangan para maalis yung mga putik at dumi sa katawan ng alimango. 2.  I-steam ito sa isang kaserolang may tubig at asin.   Hanguin at palamigin. 3.   Hatiin sa dalawa ang bawat piraso ng alimango.

ICE CANDY SPECIAL

Image
Summer na talaga.   Kaya naman lahat tayo ay kani-kaniyang hanap ng paraan para ma-preskuhan kahit papaano.   Syempre yung hindi gaanong magastos dapat.   At isa na dito ang pagkain ng ice candy. Madali lang naman gumawa ng ice candy.   Basta gagawin mo lang yung pinaka-base nito na gatas na nilagyan ng asukal at kaunting tubig.   Pwede din haluan ng all purpose cream para mas malinamnam.    At saka mo lalagyan ng iba pang halo o flavor. Sa ginawa kong ice candy na ito, yung natirang macanatagel salad na ginawa ko nung isang araw ang aing inihalo sa gatas at yung iba naman ay nagdurog ako ng oreo cookies para maging cookies and cream flavor naman. Maraming flavor na pwedeng gawin.   Depende na lang siguro sa kung ano ang gusto niyong ilagay.   Mas mainam na nilalagyan nyo ito ng laman at hindi flavoring lang para naman kahit papaano ay may nangunguya ang kakain. Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng aing mga anak lalo na ang cookies and cream flavor.   Try nyo din pong gumawa

PRITONG MANOK ala MAX

Image
Paborito nating mga Pinoy itong fried chicken o pritong manok ng Max Restaurant.   Masarap kasi at natural na lasa ng manok ang ating nalalasahan.   Kumpara sa ibang fried chicken, ang sa Max hindi nila itinatago ang manok sa akung ano-anong breadings at spices. Until now, wala pa ding nakaka-alam (sa pagkaka-alam ko ha) sa tunay na recipe ng kanilang tanyag na pritong manok.   Ang mga nababasa natin ay puro mga haka-haka lang.   Pero base sa mga nabasa ko dito sa net ito ang kinalabasan ng aking bersyon ng Pritong Manok ala Max.   With matching fried sweet potato, masarap at kahawig naman ang kinalabasan ng aking bersyon.   Try nyo din po. PRITONG MANOK ala MAX Mga Sangkap: 1 whole Fresh Chicken (cut into half) 1 small sachet Sinigang Mix 1 pc. large Onion (sliced) Salt and pepper to taste Cooking Oil  for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, magpakulo ng tubig na may asin at sibuyas.   2.   Kapag kumukulo na ilagay na ang sinigang mi

MACANATAGEL SALAD

Image
Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang ipapangalan sa dessert na ito.   Hindi ko naman matawag na buco pandan dahil wala naman itong buco at pandan.  Hehehehe  Ang sangkap lang naman nito ay minatamis na macapuno, nata de coco, gulaman at cream. Nung una, gusto kong tawagin  itong Pransya Salad.   Ang kulay kasi nito ay ang kulay ng bandila ng France.   Red, Green at White.   Kaya lang lang, wala naman talagang kinalaman ang dessert na ito bukod sa kulay sa France kaya tinawag ko na lang itong Macanatagel Salad.    Hehehehe Masarap po ito.   Try nyo din.   Tamang-tama sa mainit na panahon. MACANATAGEL SALAD Mga Sangkap: 1 big jar Sweet Macapuno 1 small jar Green Nata De Coco 1 sachet Red Mr. Gulaman 1 tetra brick Alaska Crema or all Purpose Cream Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin muna ang gulaman.   Magpakulo ng 4 na tasang tubig at lagyan ng puting asukal sa nais na dami. 2.   Tunawin ang Mr. Gulaman Powder sa 1 tasang tubig. 3.   Kapag kumulo n

PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with HICKORY BBQ SAUCE

Image
Na-try nyo na ba itong product ng Clara Ole na Hickory Barbeque Marinade (free advertisement ito ha...hehehehe)?   Nung unang beses kong nagamit ito sa pagluluto ng pork belly, nagustuhan ko talaga at ng aking pamilya yung lasa at yung smokey taste ng karne.   Ito yung lasa ng barbeque na gusto ko.   Kaya naman sinubukan kong gawin din ito sa chicken fillet naman.   Last Sunday kasi kumain kaming pamilya sa World Chicken at dito ko naisip na gamitin din ang marinade mix na ito as a sauce sa pan-grilled na chicken fillet.   As expected masarap ang kinalabasan.   Yummy!!!! PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with HICKORY BBQ SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (skin on) 1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade 1 pc. Lemon 1 pc. White Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tbsp. Brown Sugar 1/3 cup Soy Sauce 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Gamit ang  kitchen mallet, pitpitin ang bawat piraso ng chicken breast fillet h

LECHON MACAU ala Dennis

Image
Espesyal para sa aking ang weekend.   Bukod kasi sa nasa bahay ang mga bata, time ko din ito para makapag-pahinga at makatulog sa tanghali.   Kaya naman hanggat maaari ay nagluluto ako ng espesyal na ulam para sa aking pamilya. Last Saturday nagluto ako nitong Lechon Macau.   Basically ang Lechon Macau ay para din lang Lechon Kawali natin.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung mga spices na inilalagay habang pinapalambot ang karne at habang niro-roast ito. Medyo mahaba-haba ang proseso ng pagluluto nito pero okay lang dahil sulit naman talaga sa lasa kapag kinakain nyo na.   Also, in this version 3 beses ko bale niluto ang pork belly.   Nakukulangan kasi ako sa lutong ng balat kaya pinirito ko pa.   Pwede din namang 2 lang kung happy na kayo after ma-roast ito.   Try nyo din po. LECHON MACAU ala Dennis Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba....hatiin sa dalawa) 2 pcs. Star Anise 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Pepper Corn 1 pc. Large Onio

AFRITADANG BANGUS

Image
Nanonood ba kayo ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN?   May segment dun yung Umagang kay Sarap kung saan nagpapakita sila ng iba't-ibang luto o twist sa mga putahe na nakagisnan na natin.   Isa sa nga nai-feature ay yung afritadang bangus. Nung naguumpisa na ang segment, naitanong agad ni Tita Winnie kung boneless daw ba yung bangus na ginamit at sagot naman nung cook ay hindi.   So yun ang agad naisip ko na weakness nung dish.  Alam naman natin na masyadong matinik ang isdang bangus.   Kaya naman sa version na ginawa ko yung boneless na ang aking ginamit.   Bukod pa dun, minarinade ko muna sa calamansi ang bangus para mas maging masarap ang kalabasan.   At tama, yun agad ang napansin at nalasahan ng mga naka-kain.   Try nyo din po ito, masarap talaga. AFRITADANG BANGUS Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus (hiwain sa apat) 6 pcs. Calamansi Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the sauce 1 tetra pack Afritada Mix 2 pcs. Potatoes (cut into cube

CREAMY PORK and BEEF with CORN

Image
May nabili akong 1 kilo ng beef brisket.   Balak ko sanang ilaga ito para naman kako may sabaw ang aming pang-ulam.   Umaga pa lang ay pinalambot ko na ang karne para kako sa pag-uwi ko sa gabi ay gugulayan ko na lang at titimplahan ng pampalasa.   Kaso nawala sa loob ko na bumili ng mga gulay na kailangan.   Buti na lang at may iba pang pang-ulam na nasa fridge kaya yun na lang ang aking ininit para pang-ulam ng mga bata. Kinabukasan niluto ko na ang pinalambot kong karne ng baka at nilagyan ko na lang ng kung ano ang meron pa sa aming mga cabinet.   May nakita akong 1 can ng whole kernel corn at all purpose cream.   May butter at patatas pa sa fridge at ito na nga ang kinalabasan ng impromtu kong dish.   Nga pala, hinaluan ko din ito ng pork belly para pandagdag.   Para kasing alanganin ang dami nung beef nung nalaga na.   But anayway, may pork o wala masarap ang kinalabsan ng beef dish kong ito.   Try nyo din po. CREAMY PORK and BEEF with CORN Mga Sangkap: 1 kilo Beef Bris

CHICKEN POTATO SALAD

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Kahit anong luto dito ay gusto niya.   Kaya naman kapag nagke-crave siya dito bumibili siya nito at pinapaluto sa akin. This time yung pinaka-simpleng luto ang aking ginawa.   Chicken Potato Salad.   Ang pinaka-tip sa version kong ito ay yung paglalaga ng patatas sa pinaglagaan ng manok.    Sa pamamagitan nito, nagkakaroon din ng flavor ng manok ang mismong patatas.   Try nyo din po. CHICKEN POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (kung medyo malalaki ang piraso, hatiin sa gitna) 2 cups Ladies Choice Mayonaise 1 whole Chicken Breast 1 large Carrot (cut into cubes) 1 medium size White Onion (chopped) 2 cups Celery Stalks (cut into small pieces) Salt and pepper to taste Romaine Lettuce Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang chicken breast sa kaserolang may tubig at asin,. 2.   Kung luto na ang manok, ihalo dito ang hiniwang baby potatoes at carrots.   Hayaang maluto. 3.   I-drain ang nilutong patatas at ca

PINAKBET na may INIHAW na BABOY

Image
Parang ordinaryo lang para sa atin ang pinakbet o pakbet pero nagiging espesyal ito depende sa kung ano ang ating isasahog at syempre good quality dapat ang bagoong alamang na gagamitin.   Yung iba nga nilalagyan pa ng hipon o kaya naman ay lechong kawali.   Ganun ang ginagawa ng mga kababayan natin sa Ilocos. Ako naman left over na inihaw na baboy (pan-grilled) aking inilagay.   Tamang-tama yung lasa ng karne at dagdagan ko pa ng masarap na bagoong alamang.   Masasabi ko na ito ang isa sa mga best pinakbet na ginawa ko.   Yummy!!!! PINAKBET na may INIHAW na BABOY  Mga Sangkap: Gulay para sa Pinakbet (Kalabasa, sitaw, talong okra, ampalaya, etc.) Inihaw na Baboy (leftover..hiwain sa nais na laki) 3 tbsp. Bagoong Alamang 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Halu-haluin. 2.   Sunod

STRAWBERRY GELATIN

Image
May nabiling fresh strawberries ang asawa kong si Jolly na ilang araw na ding nasa fridge namin.    Dalawa lang naman ang naiisip kong gawin dito, gawing smoothies o kaya naman ay gawin kong dessert.   Okay sana na smoothies na lang komo napa-init talaga ng panahon ngayon.   Kaya lang parang mas gusto ko naman na gawin na lang itong dessert.   hehehehe Nung bago ko pa lang gawin ang dessert na ito, naalala ko yung nag-comment sa isang gelatin dish na nai-post ko dito dahil na problem ko na hindi nabuo yung gelatin.   Sabi nung nag-comment, pag daw fresh fruit ang ihahalo natin sa gelatin, parang may natural enzyme daw ang prutas na hindi nagpapabuo sa gelatin.   Kaya ang ginawa ko dito, pinakuluan ko muna yung frresh fruit kasama ang asukal bago ko inilagay ang gelatin. At eto na nga ang kinalabasan.   Isang masarap at katakam-takam na strawberry dessert. STRAWBERRY GELATIN Mga Sangkap: 250 grams Fresh Strawberries 1 sachet Mr. Gulaman (red color) 1 tetra brick All Purpos

VIETNAMESE SPRING ROLL

Image
Last week sinabihan ako ng pangalawang kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng Vietnamese food sa school para sa kanilang project sa Araling Panlipunan.   Pagkasabi niya nun isang dish lang ang agad na pumasok sa aking isipan.   Itong Vietnamese Spring Roll. First time ko lang gumawa nito.   Nung i-check ko kung ano ang mga kailangan para dito, medyo nagkaroon ako ng kalituhan sa mga sangkap na gagamitin.   Yung iba may hipon or chicken.   Yung iba naman pork o gulay lang ang palaman.   Kinuha ko na lang yung pinaka-common na sangkap at ako na lang ang dumiskarte kung ano pa ang aking ipapalaman. May nakita akong leftover na pork tocino at yung bistek na baka na bigay ng kapitbahay.   Ang ginawa ko na lang ay ininit ko ito at hiniwa ng maliliit.   Also, sa halip na gumawa pa ako ng sauce o dip para dito, isinama ko na lang ito sa karne na ipapalaman.    Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng teacher ng aking anak at ng aking asawa.   Try

FISH STEAK in OYSTER SAUCE

Image
Marami sa ating mga Kristyanong Katoliko ang nangingilin sa pagkain ng karne tuwing Biyernes sa mga panahon ng kwaresma.   Kami sa bahay kahit papaano ay ginagawa din ito.   Dito man lang ay makagawa kami kahit munting sakrispisyo lamang. Para hindi naman maging boring ang pagkain natin ng isda sa mga panahong ito, okay lang siguro na lagyan natin ng twist ang ating mga niluluto.   Kagaya nitong yellow pin tuna na ito, sa halip na simpleng prito, nilagyan ko pa ito ng sauce para mas lalo pang mapasarap.   Try nyo din po. FISH STEAK in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Yellow Pin Tuna (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/4 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 thumb size Ginger (grated) 1 head Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tbsp. Cornstarch (dissolved in water) Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying 1 tsp. Sesame Oil (optional) Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng yellow pin tuna.   Hayaan ng ilang