Posts

Showing posts from May, 2010

CREAMY CHICKEN MUSHROOM

Image
Nagustuhan nyo ba yung entry ko na Pan-fried Chicken Breast Fillet with Mushroom Gravy? Well, sobrang nagustuhan ito ng aking asawang si Jolly at ng kanyang mga ka-officemate. Syempre, natutuwa naman ako kapag may mga positive comments sa mga niluluto ko. Eto na, nag-request ang mga kaopisina ng asawa ko sa Alabang na mag-dala siya ng food na luto ko pagpunta niya doon. Dun kasi siya na-assign. Nag-isip tuloy ako kung ano nga ba ang pwedeng iluto para sa kanila. At dito lumabas ang idea ng entry natin for today. Ang gusto sana ng asawa ko ay katulad nung luto ng breast fillet. Kaso, wala nang panahon para makabili pa ng mga sangkap. Kaya kung ano ang available sa kitchen, yun na lang ang ginawa ko. Nakakatuwa naman, dahil tumawag pa at nagpasalamat ang mga officemate ng asawa ko. Nagustuhan daw nila....biniro ko pa nga sila na....sa susunod may bayad na....hehehehehe. Try nyo ito. Masarap ito i-ulam sa kanin at pwede din na ihalo sa inyong paboritong pasta. CREAMY CHICKEN MUSHROOM Mga

PINATUYONG KAMIAS

Image
Last week nang dalawin ko ang aking mga anak sa bahay ng biyenan ko sa Batangas, napansin ko itong mga pinapatuyong kamias sa harapan ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dito. Ang alam ko kasi, ang fresh na kamias ay ginagamit na pang-asim sa sinigang o kaya naman ay ginagawang jam or minatamis. Nung time na magluluto na nag ulam na panghapunan, tinanong ko kung ano ang ulam. Ang sabi nila paksiw daw na galunggong. Nang tingnan ko ang isda, niluto ito sa palayok at may nakahalong pinatuyong kamias. So, pwede pala yung ganun sa mga lutuin. Parang hindi solve sa akin yung ganung luto, kaya naman inutusan ko yung helper na mag-prito ng ilan. Sa isda kasi mas gusto ko yung prito para hindi ko masyadong malasan yung lansa ng isda. So nag-prito nga ng ilan ang helper and to my surprise naging mas masarap ang ordinaryong hamak na galunggong. Wala siyang lansa at malinamnam ang laman ng isda. Di ko pala nasabi na medyo maliliit yung galunggong na sinasabi ko. Siguro k

PAN-FRIED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY

Image
Minsang sinundo ko ang aking asawang si Jolly sa kanyang pinapasukang optical clinic, naisipan namin dun na lang mag-dinner dahil na rin sa gutom namin. 10pm pa ang labas niya sa work. Sa Glorietta sa Makati kasi yung optical clinic nila. Nag-order na lang siya ng food sa food court ng mall na yun at chicken with asian noodles ang napili niya. Yun din ang gusto ko kasi minsan na kaming naka-kain sa food court na yun. Masarap yung food at naipangako na gagayahin ko ang luto ng chicken na yun. At eto nga, ginaya ko na siya at ito ang dinner namin last night. Ang pagkakaiba lang pala ng niluto ko ay pinirito ko ito sa olive oil unlike yung sa fastfood na grilled. Ang verdict? Winner...lalo na yung mushroom gravy na kasama ng chicken.....hehehehe. PAN-FRIED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 3 Whole Chicken breast fillet (pitpitin hanggang sa numipis o lumapad ang manok) 1 small can Sliced Button Mushroom (itabi yung sabaw) 4 pcs. Calamansi or 1/2 Lemon 3 clov

PORK STRIPS in SPICY COCONUT MILK SAUCE

Image
This is one dish na noon ko pa gustong iluto. Yun lang hindi ko magawa at baka hindi makain ng mga anak ko. Medyo maanghang kasi ito. Halos kapareho ito ng Bicol Express na tinatawag natin. Pero hindi naman ito gaanong maraming sili at mild like ang pagka-anghang. Wala din itong bagoong alamang na kasama. Sa mga mahilig sa mga dish na may gata para sa inyo ito. Panigurado akong magugustuhan nyo ito. Bukod sa simple lang itong lutuin, may masarap talaga itong ulamin. PORK STRIPS in SPICY COCONUT MILK SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork pigue or kasim cut into strips 2 cups kakang-gata 6 pcs. Siling pang-sigang alisin ang buto then slice 1 thumb size Ginger sliced 4 cloves minced garlic 1 medium size White Onion sliced salt and pepper to taste 2 tbsp. Butter Paaan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy na hiniwa. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick pan i-prito ang karne sa butter hanggang sa pumula ng kauntin ang mga side nito. 3. Itabi sa gilid

SLICED BEEF with SPICY LIVER SAUCE

Image
Nitong isang araw, tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung anong ulam ang gusto niya for dinner. Unang sinabi niya ay beef steak. Pero sinabi niya na bahala na daw ako. Basta lang daw huwag yung masyadong mataba. Habang papauwi ako, hindi ko talaga maisip kung ano ang iluluto ko na ulam. Kaya nung dumaan ako sa palengke, tig-1/2 kilo na beef at pork ang nabili ko. Unang naisip kong iluto nung time na yun ay yung ginataang baboy na may sili. Yung parang Bicol express. Pagkakataon na kako na magluto ako ng medyo maanghang ngayon komo wala ang mga bata. So ang ginawa ko bumili na din ako ng mga sangkap para ditto. Nung time na magluluto na ako, nakita ko sa cabinet namin yung bagong product ng Del Monte na Tomato Sauce na may liver spread. Nakita ko din yung natitira pang chili garlic sauce. At the last minute, naiba ang plano kong lulutuin. Hehehehe Actually, parang caldereta ang dish na ito. Pero komo nga wala naman ako sa fridge ng iba pang mga sangkap na kail

PRAWN & BOKCHOY in CHILI-GARLIC and OYSTER SAUCE

Image
Kung gusto mo ng mga fresh na seafoods kagaya ng alimango, sugpo, tuna, salmon at iba pa, Farmers market sa Cubao ang aking ire-rekomenda. Sariwa talaga ang mga seafoods dito at talaga namang marami kang mapagpipilian. Dito din humahango ng seafoods ang mga sikat na restauran dito sa Manila. Last Friday, ito ang naisip ko na iluto para sa aming dalawa ng asawa kong si Jolly. Alam ko paborito niya ang hipon o sugpo. Kaya naman kahit may kamahalan ang kilo nito, bumili pa din ako kahit na half kilo lang. Para naman hindi mabitin sa pangulam, nilagyan ko ito ng bokchoy o chinese pechay para pamparami or para may gulay na din. Try nyo ito..masarap talaga....naparami nga ang kain ko....hehehehe STIR-FRIED PRAWN & BOKCHOY in CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Prawn o Sugpo 100 grams Bok choy or chinese pechay 1 tbsp. Chili-Garlic Sauce 2 tbsp. Oyster Sauce 1 tsp. Brown Sugar 4 cloves minced garlic 1 medium size White Onion sliced 5 slices Ginger 1 tsp. Sesame oil 1 tsp. Cornstarch

FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER

Image
The last time na nag-groceries ako, ewan ko kung bakit basta dinapot ko na lang itong 5 spice powder na nakita ko sa herbs and spices section ng SM supermarket. Although, may nababasa na akong recipe na may sangkap na ganito, hindi ko pa rin nasubukan kung ano ang kakalabasan ng pagkain na may ganito. Actually, walang akong idea kung saan ito gagamitin. Until last night, wala akong maisip na luto sa 3 pcs. na chicken legs na nabili ko nitong isang araw. Doon ko naisip itong 5 spice powder na nabili ko. Why not? So, ito nga ang ginamit ko na pang-marinade sa planong kong fried chicken at hindi naman ako nabigo. Masarap at kakaiba ang lasa ng fried chicken na lunch ko kanina lang....hehehehe. FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 3 pcs. Chicken legs 1 tbsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Garlic Powder 1 tsp. maggie magic sarap (optional) salt and pepper to taste 2 cups cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Hiwaan o gilitan ang chicken legs sagad hanggang sa buto. 2. I-marinade ang manok sa

FRENCH TOAST with THYME and GARLIC BITS

Image
Dahil sa init ng panahon natin ngayon dito sa Pilipinas, ang daling mapanis ang kanin na niluluto natin kung natitira lang. Sayang talaga, ang mahal pa naman ng bigas ngayon. Kaya naman dapat ay yung tamang-tama lang ang ating lulutuin. Kagaya nitong isang umaga, sa halip na magsaing pa ako, gumawa na lang ako ng french toast. Although mas madali ang magsaing, inisip ko na magluto nito para maiba naman ang breakfast naming mag-asawa. And for a twist sa masarap nang french toast, nilagyan ko ito ng thyme at toasted garlic bits. Ang kinalabasan? winner ang breakfast naming mag-asawa. Masarap ito with hotdogs, bacon or corned beef. At syempre ang mainit na kape. hehehehe. FRENCH TOAST with THYME and GARLIC BITS Mga Sangkap: 7 Slices of White bread or Whole wheat bread (hiwain sa gitna ng pa-triangle) 2 eggs beaten 1 cup Alaska evaporated milk 1/2 tsp. Thyme 1 tbsp. Toasted Garlic salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa b

PORK ADOBO with FRESH PINEAPPLE

Image
Last Tuesday May 18, 2010, habang ako ay naghahanda sa pagpasok sa opisina, napansin ko ang Adobo Challenge sa programang Umagang kay Ganda sa channel 2. Sa pa-contest ng umagang yun, inanyayahana ang sinuman na magdala ng anumang luto ng adobo. May judge na titikim ng mga entry at kung sino marahil ang pinakamasarap ay siyang mananalo. Habang pinapakita ang ibat-ibang entry sa programang yun, nakatawag ng pansin sa akin ang isang entry na may kasamang fresh na pineapple ang kanyang adobo. Kaya naman kinagabihan ng araw na iyun, iyun ang niluto ko for dinner. Hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng masarap nang adobo. Ang pagkakaiba kasi niya, humahalo yung tamis at asim ng pinya sa alat at asim naman ng adobo. Try nyo ito para maiba naman ang adobo nyo. PORK ADOBO with FRESH PINEAPPLE Mga Sangkap: 500 grams Pork kasim cut into cubes (adobo cut) 3 cups Fresh Pineapple cut the same size as the pork 1 head minced garlic ½ cup vinegar ½ cup Soy sauce 1 tsp. Maggie ma

LONGANISA with a TWIST

Image
The last time na magawi ako sa Rustans Supermaket sa may Cubao, napansin ko itong bagong player sa food processing business sa may frozen section. MTC ang pangalan. Nakalimutan ko yung buong pangalan ng company, basta ang natatandaan ko lang yung MTC sa packaging niya. Marami silang product. May ham, bacon, hotdogs, etc. at isa na nga dito ay itong entry natin for today. Breakfast Sausage ang naka-label sa packaging, pero sa tingin ko ay longanisa lang ito. Ang pagkakaiba nga lang nito ay mas pino ang laman nito as compare dun sa nabibili natin sa palengke na medyo mataba at buhaghag yung laman. Ito parang sausage talaga. Pino ang laman at tamang-tama ang lasa. Para naman maiba sa ordinaryong prito na luto nito, ginawan ko ng kaunting twist ang longanisang ito. Take note lang. I'm not sure kung uubra ang recipe na ito dun sa longanisa na nabibili sa palengke. Pero kung gusto ninyo maaari nyo ding i-try. LONGANISA with a TWIST Mga Sangkap: 250 grams Longanisa sliced 1 cup Del M

A DAY @ TERRAZAS PUNTA FUEGO

Image
Last May 14, nagkaroon ng company outing ang aking pinapasukang opisina na Megaworld sa Terrazas De Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas. Maagang umalis ang bus na aming sinakyan sa opisina namin sa Makati. Kamuntik na nga akong maiwanan.....hehehe. 5:15am ay umalis na nga at dumating naman kasi sa punta fuego ng mga 8:30am na. Pagdating namin sa main gate ng lugar ay naghintay pa kami ng ilang minuto dahil ihahatid pa kami ng shuttle na jeep pababa na sa beach. Ang larawan sa itaas ang bumati sa amin sa aming pagdating doon. Syempre, picture picture ang unang eksena. hehehehe. Pwede ba namang palampasin ang magagandang tanawin na ito? Bake Macaroni, french toast at ice tea ang inihain sa amin na AM snack. Masarap ang pagkain. Napansik ko na ang chef nila doon ay isang foreigner. Kaya tingnan nyo ang kinainan ko, ubos talaga...hehehehe Pagkakain namin ng snack, talaga namang sugod agad kami sa mga activities na pwedeng gawin. Nagpa-henna muna kami at saka namin sinubuk

CREAMY MANGO CHICKEN

Image
Natatandaan nyo ba yung mango salsa na ginawa ko last mothers day? Oo. May natira pang mangga at ito agad ang naisip ko na gawing luto sa 4 na hitang manok na nabili ko. Lalagyan ko sana ng gata ang dish na ito pero nagbago ang isip ko ng makita ko ang evaporated milk sa aming cabinet. Also, to add more flavor sa dish, nilagyan ko pa ito ng curry powder. Hindi ko alam kung may ganito talagang recipe. Basta ang masasabi ko lang, masarap at kakaiba ang lasa. Tamang-tama yung tamis at alat...at yung medyo spicy ng konti dahil sa curry powder. Try nyo ito CREAMY MANGO CHICKEN Mga Sangkap: 4 pcs. Chicken Legs (hiwain ang bawat leg sa dalawa) 2 pcs. Hingo na Mangga (hiwain ng pa-strips) 1 tsp. Curry powder 1 small can Alaska Evap (red label) 1 tsp. Ground Black pepper 4 cloves minced garlic 1 large White Onion Chopped salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Sa isang non-stick pan, ihilera ng ayos ang mga hiniwan

PORK STRIPS in BARBEQUE SAUCE

Image
Ano ang pwedeng gawin sa mga natirang ulam katulad ng inihaw na liempo? Natitira ba ang inihaw na liempo sa alin mang kainan? Hehehehe….hindi siguro sa amin…..hahahaha. Kapag iniihaw mo naman hindi na rin ito masarap di tulad ng bago itong luto. Dalawa ang naiisip kong pwedeng gawin sa natirang inihaw na liempo. Una, pwede mo itong haluan ng kangkong na ginisa sa bawang at sibuyas na may kaunting toyo at suka. Parang inadobo mo or stir fry. Pangalawa ay lagyan ito ng barbeque sauce. Dito sa pinapasukan ko sa Makati, pag-lunch, may nagtitinda ng mga lutong ulam at isa na dito ang Pork Strips. Gustong-gusto ko ang pagkaluto nila nito dahil tamang-tama lang ang asim, tamis at anghang ng sauce. Lasang-lasa mo din yung smokey taste ng inihaw na baboy. So ito nga ang ginawa kosa mga ½ kilo pang inihaw na liempo na natira sa amin last Sunday. PORK STRIPS in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: ½ kilo Inihaw na Liempo (Hiwain ng pahaba) 1 cup Barbeque Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion ch

BARAKO COFFEE JELLY

Image
Hindi ko sana ipo-post ang entry na ito. Hindi kasi maganda ang pagka-kuha ng picture. Di ba nagloloko na nga ang digicam ko ngayon. Also, may ilang pagkakamali ako na nagawa habang ginagawa ko ito and ofcourse iko-correct ko yun sa procedure na ibibigay ko ngayon dito. Hindi ko matawag na panacotta ang dessert na ito kasi wala naman akong cream na inilagay. Kaya simpleng barako coffee jelly na lang ang ipinangalan ko dito. Yes, kapeng barako as in kapeng Batangas ang ginamit ko dito to flavor ang gelatin. Iba ang naging dating nito nung matikman ko na ang finished product. Try it.... masarap na dessert ito at nakakatanggal talaga ng umay matapos kang kumain ng medyo marami. hehehehe BARAKO COFFEE JELLY Mga Sangkap: 2 bars White colored Gelatin 7 cups of water 2 tbsp. Kapeng barako (lutuin o pakuluan sa 6 na basong tubig + 1 cup of brown sugar) 1 can Alaska condensed milk Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluan ang tubig sa i

SPABOK - My Own Version

Image
Year 1997, I was assigned in AMA Computer Learning Center of Balanga sa probinsya ng Bataan as the Officer In-charge ng school. 1 semester din akong nag-work dun and ofcourse madami ako magagandang karanasan sa mga tao doon, sa kultura at maging sa mga pagkain na kinakain nila. Isa na dito ang Spabok. Actually, pancit palabok siya. Sa ibang lugar ang tawag din dito ay pancit luglog. Marahil kaya tinawag itong spabok ay dahil sa noodles na ginamit dito. Sa halip na bihon o rice noodles na malalaki ay spaghetti pasta ang ginamit. Halos wala naman ipinagiba ang spabok sa palabok. Yun lang iba ang texture ng noodles habang kinakain mo ito. But overall, maarap naman talaga siya. Ito nga pala ang inihanda ko last Mothers Day para sa aking biyenan na si Inay Elo. Alam ko kasi na paborito niya ang pancit palabok. Ayun natuwa naman ang matanda at nasarapan naman sa niluto ko para sa kanya. SPABOK - My Own Version Mga sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta cooked according to package directions 500 gra

MOTHERS DAY - For the Mother of my Wife

Image
Last May 9, 2010, umuwi kami ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas para dalawin ang aming anak na nagbabakasyon doon at ipagdiwang ang Araw ng mga Ina. Dahil espesyal na araw ito para sa mga Ina, marapat lamang na bigyang halaga ko ang Ina ng aking asawa. Ang aking biyenan na si Inay Elo. Hindi naman sa sipsip ako sa aking biyenan pero parang tunay na ina na rin ang turing ko sa kanya. Kaya nga sa espesyal na araw na ito para sa kanya, nagluto ako ng isa sa mga pagkain paborito niya. At ito nga ang pancit palabok. Abangan nyo na lang ang posting ko for the recipe. Nagluto din ako ng inihaw na liempo para kumpleto ang pagkain. Bumili naman ng white roses ang aking asawang si Jolly at isang espesyal na White Cake mula sa Bread talk. Nakakatuwa naman at nagustuhan niya ang aming inihanda na simpleng pagkain. Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa sioya ng mahabang buhay para maipagdiwang pa namin ang araw na alay para sa mga katulad niya isang INA. Mabuhay ang lahat ng mga I

PAN-FRIED PINK SALMON with MANGO SALSA

Image
Last May 8, a day before Mothers Day, sinorpresa ko ang aking asawang si Jolly ng isang simpleng dinner sa bahay. Kaming dalawa lang sa bahay ngayon. Di ba nagbabakasyon ang aming mga anak sa biyena ko sa Batangas? Buti na lang at maaga siyang nakauwi nung gabing yun at hindi ako nagutom sa paghihintay sa kanya. Hehehehe. So bago pa siya nakadating ay naihanda ko na ang dinner na sorpresa ko sa kanya. Ang inihanda ko sa kanya ay itong entry natin for today. Pan-fried Pink Salmon in olive oil at may kasamang mango salsa. Gumawa din ako ng Barako coffee Jelly para naman sa pang-himagas. Overall, nasiyahan naman ang asawa ko sa aking inihanda. At ang pinaka-finale? A gold bracelet for her. Not too expensive but nice. PAN-FRIED PINK SALMON and MANGO SALSA Mga Sangkap: 2 slices Fresh Pink Salmon Salt and pepper to taste ½ tsp. Dried basil 2 tbsp. Olive oil For the mango salsa: 1 whole ripe mango ½ cup cucumber 2 pcs. Tomatoes ½ White Onion chopped 1 tbsp. Rice wine 2 tbsp. chopped Kinchay 1

HAPPY MOTHERS DAY sa LAHAT ng mga INA

Image
Happy Mothers Day sa lahat ng mga Ina lalong lalo na sa aking asawang si Jolly at sa aking Inang Lina na namayapa na. Sa araw na ito, sinasaluduhan ko sila sa kanilang pagmamahal at sakripsiyo sa ating mga anak nila. Walang katulad ang pagmamahal na iniukol nila sa atin. Handa silang ibigay ang kanilang buhay para tayo lamang ay mabuhay. Sa aking asawang si Jolly, salamat sa 3 batang lalaki na ibinigay mo sa akin. Alam ko na ginagawa mo ang lahat para sa kanila. I love you at sana ay pagkalooban ka ng Diyos ng lakas pa ng katawan at kalusugan para maitaguyod ang ating mga anak. Sa aking Inang Lina, alam ko hindi mo pa rin ako iniiwan. Nararamdaman kita lalo na sa oras ng aking kalungkutan. Sanay ipanalangin mo kami sa Diyos na kamiy laging gabayan sa araw-araw. Salamat sa iyong pagmamahal. Ang pagmamahal mong yan ang gagawin ko rin sa aking mga anak. Sa dalawang ina sa aking buhay, mahal na mahal ko kayo. HAPPY MOTHERS DAY!!!!

BEEF and ASPARAGUS in OYSTER SAUCE

Image
Mahirap din pala ang food blogging. Syempre dapat mga fresh ideas or recipes ang pino-post mo. Or yung mga recipes na dati na may twist na kasama. Otherwise, baka tamaring bumisita ang mga regular visitors mo. And it’s a challenge for me to think ng mga recipes na lulutuin ko at ipo-post sa blog na ito. Madalas nag-che-check ako sa Internet for new recipes tapos binabago ko nalang yung ibang sangkap at paraan ng pagluluto. Kagaya nitong entry ko for today. Napaka simple. Pero ang ginawa ko naman dito ay binago ko ang pamamaraan ng pagluluto. Ang resulta? Masarap pa din. BEEF and ASPARAGUS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Thinly Sliced Beef 150 grams Asparagus cut into 1 inch long 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 large White Onion sliced 5 cloves minced garlic 1 thumb size ginger sliced 1 tbsp. brown sugar 1 tsp. Sesame Oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang baka ng asin, paminta at toyo. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang kaserola, lutuin ang

CHICKEN, POTATOES and CASHIEW NUTS in LIVER SAUCE

Image
Sa totoo lang, hindi ko alam kung may recipe na ganito talaga. Wala kasi akong maisip na luto sa manok na nabili ko nitong isang araw. Basta tumingin lang ako sa fridge at sa cabinet namin kung ano pa ang available na pwedeng ilahok sa ulam. At eto nga, may nakita akong patatas, liver spread at cashiew nuts na bigay naman ng aking kapitbahay nitong isang araw. Ang paraan ng pagluluto ay naiba din kumpara sa pangkaraniwang gisa-gisa. Ginamit ko din dito ang natirang toasted garlic na ginamit ko dun sa adong atay ng manok na niluto nung isang araw. Ang resulta? Masarap. Hindi ko ma-explain.....pero hindi naman yung mapapatalon ka sa sarap ha...hehehehe. Kung baga, kakaiba ang lasa kumpara sa karaniwan na kinakain natin. Subukan nyo din.... :) CHICKEN, POTATOES and CASHIEW NUTS in LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs (Hiwain na parang pang adobo) 1 large Potato cut into cubes 1/2 cup Toasted Cashiew nuts 2 large White Onion sliced 1 tsp. Garlic powder 3 tbsp. Soy sau

TORTANG DULONG

Image
Last Sunday, may nakita akong sariwang isdang dulong habang namamalengke ako sa palengke ng San Jose sa Batangas. Nung makita ko ito, torta agad ang naisip kong gawing luto dito. At eto nga at i-share ko sa inyo ang recipe ng dish na ito. Take note lang. Mapapansin nyo na walang salt sa recipe. Maalat nakasi ang isdang ito kaya hindi na kailangan pang asinan. Otherwise, sobrang alat ang kakalabasan ng torta ninyo. TORTANG DULONG Mga Sangkap: ½ kilo Fresh Dulong ½ cup Chopped Kinchay 1 pc. Large White Onion chopped 2 Eggs beaten 1 cup Flour 1 tsp. Garlic powder ½ tsp. Ground Pepper 1 tsp. Maggie magic Sarap Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa cooking oil. Hayaan muna ng mga 15 minuto. 2. Sa isang platito, maglagay ng tamang dami ng pinaghalong sangkap. (parang gumagawa ng hamburger patties) 3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. 4. Hang

SEAFOOD PASTA CARBONARA

Image
Eto na yung naipangako ko na recipe ng dish na inihanda namin nung nag-sponsor kami ng alayan sa lugar ng asawa kong si Jolly. Ito pala ang naisip kong ihanda para naman maiba kumpara sa pangkaraniwang pancit guisado o kaya naman ay spaghetti. Sa mga probinsya katulad ng sa asawa ko, espesyal ang mga ganitong klaseng pagkain. Nakakatuwa naman at nasiyahan ang mga dumalo sa alayan. SEAFOOD PASTA CARBONARA Mga Sangkap: 3 kilos Spaghetti pasta cooked according to package directions 1/2 kilo Shrimp (Yung frozen ang ginamit ko dito) 1/2 kilo Squid rings (same...frozen) 1/2 kilo Cream of Dory fish fillet cut into cubes 300 grams Crab stick cut into 1/4 inch thick 2 big cans Alaska Evap (yung red label) 2 tetra bricks All Purpose Cream 2 cans Sliced mushroom 1 bar Cheese grated 1 tsp. ground black pepper 1 tbsp. Dried oregano 1 head minced garlic 2 large White onion chopped 3 tbsp. cooking oil Salt to taste Paraang ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta accroding to package directions. Huwag i-ove

ALAYAN sa TUKLONG

Image
Dito sa atin sa Pilipinas, ang buwan ng Mayo ay ang panahon ng pag-aalay ng bulaklak sa ating Mahal na Birheng Maria. Tinatawag itong Flores de Mayo at sa iba naman ay Sta. Krus de Mayo. Sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas, patuloy pa din itong ginugunita sa simula pa lamang ng Mayo. Sa amin sa Bulacan ay may 9 na araw na nobena. Pero dito sa lugar ng aking asawa, buong buwan ng Mayo sila nag-aalay ng panalangin at bulaklak sa Mahal na Ina. Tuklong pala ang tawag sa chapel o maliit na simbahan dito sa Batangas. Pagkatapos ng pagdarasal ng Sto. Rosario ay nag-aalay ng bulaklak ang mga kabataan at pati na din ang katandaan. Sa saliw ng isang awitin, luluhod ang mag-aalay at sa pag-awit ng korus ng kanta ay tatayo at ilalaghay ang bulaklak sa altar. Pagkatapos ng alay ay nagpapakain ang kung sino man ang sponsor sa araw na yun. At kami nga ang na-toka na manguna nitong nakaraang Mayo 1. Seafood pasta carbonara, Mamon at Ice tea ang pinakain namin sa mga magdarasal