Posts

Showing posts from November, 2012

INIHAW na BANGUS with GREEN APPLE STUFFING

Image
Paborito sa bahay lalo na ng aking mga anak itong inihaw na bangus na may palamang sibuyas at kamatis.   Kaya naman basta may pagkakataon na makapagluto ako nito ay ginagawa ko para sa aking mga anak at pamilya. May ilang version na din ako ng inihaw na bangus na ito sa archive.   Same procedure pero nagkakaiba sa mga palaman na ginagamit.   Mas mainam yung ganoon para hindi naman maging boring ang ating inihaw na bangus.   Although, hindi ko siguro pagsasawaan ang original version.....hehehehe. This time, gumamit naman ako ng prutas para isama sa palaman.   May nabili kasi akong apple na naka-sale sa SM supermarket.  Na-try ko na na ipalaman ang hilaw na mangga so bakit naman hindi kako itong mansanas?   Yung green apple ang ginamit ko.  Tamang-tama kasi yung tamis at konting asim nito.   At hindi naman ako nagkamali.   Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking bagong maidadagdag sa listahan ko ng inihaw na bangus.  Try it! INIHAW NA BANGUS with GREEN APPLE STUFFING Mga

ATE JOY'S 50th BIRTHDAY

Image
Last November 22, nag-celebrate ng kanayang 50th Birthday ang aking kaibigan at kapitbahay na si Ate Joy.   Ilang buwan pa bago ang kanyang kaarawan, nagtatanong na siya sa akin kung ano ang masarap na pagkain na pwede niyang ihanda. Marami kaming pinagpilian at isa sa kanyang request ay ang paborito din naming Crab and Cucumber Spring Roll.   Hindi siya talaga kumakain ng gulay, pero nang matikman niya ito nung nakaraan kong kaarawan ay nagustuhan talaga niya.   nagpapaturo pa nga siya kung papaano itong gawin.   At ito na nga ang aking ginawa para sa kanya at pa-birthday ko na din sa kanya. Maraming pagkain ang naka-hain sa buffet table.   Yung iba ay bigay din ng kanyang mga kaibigan at yung iba naman ay in-order na lang niya. Sa aking pagkakatanda ito ang mga pagkain na inihanda:   May lechon manok, pork caldereta, arroz valenciana, buttered shrimp, inihaw na tuna, barbeque, calderetang kambing, kinilaw na tuna, lumpiang shanghai at marami pang iba.   May nagbigay din

HERB-STUFFED PORK BELLY

Image
Isa sa mga food blog na madalas kong pagkuhanan ng magagayang recipes ay itong yummy.ph.   Marami kasi silang recipes doon na madali lang sundan at masasarap talaga.   Kapag medyo nauubusan na ako ng idea, itong site na ito ang aking takbuhan. Kagaya nitong recipe natin for today.   Herb-stuffed Pork Belly.   Yes, marami na din akong nagawang roasted pork belly or lechon kawali sa archive.  Pero ang isang ito ay medyo espesyal komo nilagyan ko pa ito ng herbs and spices. Dun sa mga nauna kong version, isinasama ko lang ang mga herbs and spices sa pagpapakulo ng pork belly.  But in this version, dinikdik ko ang mga herbs and spices at saka ko isiningit in-between fats at laman ng baboy.   Also, in the original version, pinirito ang liempo sa kumukulong mantika.   Ofcourse ayoko namang matalsikan ng mantika kaya sa turbo broiler ko na lang ito niluto. Ang masasabi ko lang, isa na namang version ng lechon kawali ang nagawa ko na maipagmamalaki ko talaga.   Salamat sa Yummy.ph.

PORK TAPA

Image
Ang pagtatapa ang makalumang paraan ng pagpe-preserba ng mga pagkain kagaya ng karne o isda.   Komo wala pa namang refrigerator noong araw, itong pagtatapa ang ginagawa nila para hindi mabulok ang mga hilaw na karne o isda.   Madali lang ang mag-tapa.   Aasinan mo lang ang karne, lalagyan ng suka at ibibilad sa araw.   Pwede din naman na hindi na ibilad.   Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang madaling pagkabulok ng karne at maaari pa ding kainin sa mga susunod pang mga araw. Kahit sa panahon ngayon marami pa rin ang nagtatapa ng karne.   Masarap kasi talaga ito.    Ang mainam pa sa tapa, yung alat at lasa lang talaga ng karne ang iyong malalasahan.   Kaya naman ang sarap-sarap nito sa almusal lalo na kung may kasamang sinangag na kanin na maraming bawang at sawsawang suka na may sili.   Samahan mo na din ng mainit na kapeng barako, tiyak ko magiging maganda ang iyong umaga.  hehehehe PORK TAPA Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim o Pigue (thinly sliced) 1 cup Cane vinegar 2 heads

CHICKEN WINGS & PINEAPPLE in LECHON SAUCE

Image
Pinaka-common sa prutas na inilalagay sa ulam ay itong pinya o pineapple.  Masarap kasi yung naghahalo yung asim at tamis sa pagkain.   Na-try ko na rin ang oranges pero mas okay pa din sa akin ang pinya.   Fresh man o yung nasa can ay ok lang.   Sa archive, marami na din akong recipes na nilalahukan ko ng pinya na ito. Sa recipe ko ito for today, masasabi kong isa ito sa pinaka-madaling dish na naluto ko.   Sabi ko nga,  kahit siguro yung beginner sa pagluluto ay magagawa ang dish na ito.   Bakit naman hindi, simpleng gisa at lagay lang ng mga sangkap ay okay na.   Hintayin nyo na lang na malutong mabuti and then serve na. CHICKEN WINGS & PINEAPPLE in LECHON SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1 can Pineapple Chunks 2 cups Mang Tomas Lechon Sauce 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion (sliced) 2 tbsp. Brown Sugar 4 pcs. Siling pang-sigang 2 pcs. Dried Laurel  Leaves 2 tbsp. Canola Oil Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bot

MIKI-PATOLA-BOLABOLA SOUP

Image
Ito yung second dish na niluto ko mula sa mga pork bola-bola na aking ginawa.  Miki-Patola-Bolabola Soup.   Soup siya pero pwede din namang gawing pang-ulam na katulad na rin ng ating mga lutong sinigang, tinola o nilaga.   Lumaki din ako sa mga ganitong klaseng ulam.   Pwede din na misua, sotanghon o bihon ang noodles na gamitin sa soup dish na ito.   Naisip ko lang na miki ang gamitin komo gusto ko ito at matagal-tagal na din na hindi ako nakaka-kain nito.   Hehehehe.   Try it.  Ayos na ayos ito sa medyo lumalamig na na panahon.   hehehehe MIKI-PATOLA-BOLABOLA SOUP Mga Sangkap: 12 pcs. Pork Bola-bola (please see recipe in my previous post) 1 large Patola (sliced) 150 grams Miki Noodles 1 pc. Egg 1 liter Pork Broth or 1 Knorr Pork cubes 1 head minced Garlic 1 large Onion (chopped) Spring Onion for garnish 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste 2 tbsp. Canola Oil Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawa

MEATBALLS in MIXED VEGETABLES

Image
Isa sa medyo matipid na pang-ulam ay itong giniling na baboy or ground pork.    Marami kasi ang pwedeng gawin dito at pe-pwedeng 1 preparation lang ang gagawin pero marami kang putahe na pwedeng magawa. Kagaya sa 1 kilo ng ground pork na ito.   Ginawa ko siyang bola-bola.   Hinaluan ko lang ang giniling na karne ng asin, paminta, worcestershire sauce, breadcrumbs, ginayat na sibuyas at itlog.   Naka-gawa nga ako ng bola-bola para sa vegetable dish na ito, bola-bola sa patola at miki (abangan) at yung iba naman ay ginawang kong pork burger steak.   Pwede din na kung gusto ninyo ng pasta dish, ito ang inyong ilahok kasama ng spaghetti sauce.   At kung may matitira pa, pwede mo din itong gawing palaman sa lumpiang shanghai.   O di ba ang daming pwedeng gawin?   Try nyo ito.  Budget ulam na hindi budget ang lasa. MEATBALLS in MIXED VEGETABLES Mga Sangkap: a.  Para sa Bola-Bola 1 kilo Ground Pork (lean) 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1 cup Japanese Breadcrumbs 1 large White O

HARDINERA ala Dennis

Image
Ang Hardinera ay isang pork dish na sikat o tanyag sa probinsya ng Quezon.   Isa itong dish na pangkaraniwan mong makikita sa mga espesyal na okasyon katulad ng fiesta, kasalan o binyagan.   Espesyal ito marahil komo maraming sangkap na inilalagay para mas lalo pang sumarap.   Kung titingnan mo ito para din lang itong meatloaf o embotido.   Ang pagkakaiba nito ay medyo chuncky o malalaki ang hiwa ng mga karne. Sa totoo lang, pumalpak ako sa version kong ito.  No not in the taste, kundi sa paraan ko ng pagluluto.   Dumikit kasi yung bottom ng llanera sa laman kaya hindi naging maganda nang itaob ko na ito sa plato.   Sayang.   Ang highlight pa naman ng hardinera any yung decoration o yung mga goddies na nakalagay s bottom ng llanera na kapag tinaob mo na sa lalagyan ay magandang tingnan at katakam-takam talaga sa mata.   Kaya ang pamamaraan na nandito ngayon ay ang corrected version na.  Try nyo din ito. HARDINERA ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim o Pigue (hiwain ng pa

PESANG PINK SALMON

Image
Sa mga klase ng isda na kilala ko, itong Pink Salmon ang pinaka-paborito ko.  Isunod mo na din ang isdang tanigue at tuna.   Gustong-gusto ko ang mga isdag ito, yun lang medyo may presyo ang mga ito kaya hindi naman kami madalas makakain nito. Sa mga ganitong klase ng isda na malasa at masarap, mainam na yung pinaka-simpleng luto lang ang dapat na gawin.   Ang ibig kong sabihin ay yung luto na walang masayadong rekado o sahog na inilalagay.   Bakit?   Kasi nga masarap na ang mga isdang ito.   Hindi mo na malalasahan ang tunay nilang sarap kung lalagyan mo pa ng kung ano-ano.   Madalas nga asin at paminta lang at i-ihaw mo na o pan-grilled ay panalo na ito. Ganun ang ginawa ko dito sa 1/2 kilo ng Pink Salmon na nabili ko nitong isang araw sa Farmers market sa Cubao.  P550 ang kilo nito kaya half kilo lang ang aking kinuha.   So maliwanag na P275 ang 3 slices ng Salmon na ito na aking nabili.   At para magkasya sa amin, sinabawan ko ito at nilagyan ng gulay.   Wow!   Enjoy ang lah

MACAPUNO-NATA-PANDAN DESSERT

Image
Papalapit na talaga ang Pasko.   For sure, lahat tayo ay abala na sa paghahanda ng mga dekorasyon sa bahay at maging sa pagkaing ating ihahanda sa Noche Buena.   Bukod sa hamon, alam kong ang salad ang isa pang pagkain na hindi nawawala sa ating mga hapag.  Pangkaraniwan ay ang fruitcocktail salad komo madali lang itong gawin.   Ang iba naman ay ang classic na buko-pandan. Dito ko nakuha ang inspirasyon para gawin itong Macapuno-Nata-Pandan Dessert na ito.   Yes.  Para din lang siyang Buko Pandan.   Ang pagkakaiba lang nito ay minatamis macapuno ang aking ginamit at hinaluan ko pa ng Nata De Coco.   Hindi ko na hinaluan ng condensed milk komo matamis na ang makapuno.   Ang sarap nito, dahil tamang-tama lang yung tamis at mas creamy siya talaga komo malapot ang macapuno. Try nyo ito this Noche Buena.   Panigurado akong magugustuhan ito ng inyong pamilya at mahal sa buhay. MACAPUNO-NATA-PANDAN DESSERT Mga Sangkap: 6 cups Minatamis na Macapuno 2 cups Minatamis na Nata De Coco

KARE-KATSU

Image
Sa aking pinapasukang opisina sa Makati, may isang di kalakihang restaurant na ang pangalan ay Manila Maki.   Sa tunog pa lang ng pangalan nila, parang Japanese na ang dating.   Pero bakit may Manila sa una?   Dahil ba nandito sila sa Pilipinas?    Hehehehe. Yun pala ang mga pagkain na ino-offer nila ay mga Japanese dish na may Pinoy touch at mga sangkap.   Hindi ko masyadong matandaan yung pangalan ng ibang dish, pero na try ko ang adobo maki nila at ito ngang kare-katsu. Ang Kare-katsu ay ang Japanese pork dish na Tonkatsu na nilagyan naman ng kare-kare sauce.   O di ba winner?   Masarap siya kaya naman naisipan kong gayahin din ito para matikman ng aking asawa at mga anak.   At wag ka, nagustuhan talaga nila ito at pati yung gulay ay kinain talaga nila with the kare-kare sauce.   Winner para sa akin ang dish na ito. KARE-KATSU Mga Sangkap: 1 kilo Butterfly cut Pork 2 pcs. Egg (beaten) 1 cup Flour or Cornstarch 2 cups Japanese Breadcrumbs 1 sachet Mama Sitas Ka

YELLOW BAGOONG FRIED RICE

Image
Sa panahon ngayon, it's a NO NO ang pagaaksaya.   Bakit naman?   Wala na atang mura na nabibili sa supermarket o palengke.  Kahit na yung itinuturing na pagkain ng mahirap ay mahal na ding nabibili.  Kaya importante na matuto tayong mag-recycle ng ating mga tira-tirang pagkain Pangkaraniwan na natitira ay itong kanin.   Pwede din naman na isama na lang uli ito sa panibagong sinaing, pero kung marami ito mas mainam na isangag na lang ito for breakfast. Pangkaraniwan na isinasangag natin ito sa bawang lamang.  But to add extra twist at mas lalong maging katakam-takam ang inyong sinangag, maaari itong lagyan ng iba pang flavor na ibig nyo. YELLOW BAGOONG RICE Mga Sangkap: 6 cups Tirang Kanin (mas mainam yung long grain rice na hindi masyadong malambot ang pagkalujto) 2 tbsp. Butter 5 cloves minced Garlic 3 tbsp. Sweet Bagoong Alamang 1 tbsp. Canola Oil 2 pcs. Egg (beaten) 1 tsp. Achuete Seeds 1 tsp. Maggie Magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang non-stil n

WHITE BARBEQUE CHICKEN

Image
Isa sa mga site na pinagkukuhanan ko ng mga recipe ay itong www.yummy.ph.   Marami kasi ditong mga recipes na simpleng-simple lang at madali talagang lutuin.   At dito ko nga nakuha itong recipe natin for today. Marami na din akong recipes sa roasted chicken na na-post sa food blog kong ito.   At itong recipe na ito ay nadagdag na naman sa aking archive. Napansin ko lang sa dish na ito, ay mas masarap siya kung kinabukasan na kakainin. Mas nalalasahan ko yung mga flavors na aking inilagay.  At para mas sumarap pa, ang pinaghalong mayonaise, worcestershire sauce at minced na bawang.  Timpalahan na din ng kaunting asin at paminta para maging dip ng barbeque chicne na ito. Try it!!! WHITE BARBEQUE CHICKEN Mga Sangkap: 2 pcs. 1 kilo Whole Chicken 1 cup Mayonaise 2 tbsp. Worcestershire sauce 5 cloves minced Garlic 1 tbsp. Vinegar Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-butterfly ang manok o hiwain sa gitna ng pitso 2.   Timplahan nh asin at paminta ang

MY SON JAKE CONFIRMATION DAY

Image
Last Saturday November 10, 2012, ginanap ang confirmation o kumpil ng aking panganay na anak na si Jake sa Sto. Cristo Parish sa San Juan City.  In-organized ito ng school na kanyang pinapasukan ang Aquinas School. Sa mga hindi Catholic, ang kumpil o confirmation ay ang kaganapan ng binyag ng isang Katolikong Kristyano.   Nung bininyagan kasi pangkaraniwan ay mga sanggol pa at ang mga Ninong at Ninang ang sumagot muna in behalf nung batang binibinyagan.   Sa kumpil, dito sumasagot na ang kinukumpilan bilang pagsangayon sa pananampalatayang kanyang inaaniban. Maaga pa lang (7:30am) ay pinapunta na sila sa simbahang paggaganapan ng kumpil.   At habang naghihintay, picture-picture muna sila ng kanyang mga ka-klase. 9:00am ay sinimulan din ang pagkukumpil.   Isa-isang pumasok sa simbahan ang mga kukumpilan kasama ang kanilang mga Ninong at Ninang.   Sa case ng aking anak, ang aking asawang si Jolly ang nag-proxy.   Nasa Chicago sa Amerika kasi ang kaniyang mga ninong at ninan

WHITE PORK MENUDO

Image
Para sa akin ang pagluluto ay hindi dapat naka-base lamang sa tradisyon o kung ano yung nakagisnan na pamamaraan.   Although, alam nating masasarap talaga ang mga luto ng ating mga ninuno, pero kaya pa natin itong mapasarap pa sa panahon natin ngayon. Ang ibig kong sabihin ay ang pag-twist sa mga classic nating mga ulam.  Pansin nyo siguro, marami-rami na din akong classic dish na ginawan ko ng twist.   At hindi naman ako nabigo, mas napasarap ko pa ang dati nang masarap na dish na nakalakihan natin. Kagaya nitong dish natin for today.   Classic menudo na sa halip na tomato sauce at paste ang inilagay ko ay all purpose cream.   Masarap ang kinalabasan at pwede mong ihanay sa mga dish na pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon. WHITE PORK MENUDO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes) 1 can Vienna Sausage (cut into small pieces) 1 tetra brick All Purpose Cream 2 medium size Potato (cut into cubes..same size as the pork) 1 large Carrot  (cut into

GOURMET SAUSAGES and EGG SCRAMBLED

Image
Mula nang ma-discover ko ang sarap ng lasa ng mga gourmet sausages na ito, naging part na din siya ng aming agahan.   Hindi naman as in every week, pero basta nagustuhang bumili sa supermarket o specialty store. Kagaya ng nasabi ko sa aking nakaraang post, medyo may kamahalan ang mga ganitong klaseng sausages.   Kagaya nitong nabili na 1/2 kilo ng Hungarian Sausage na ito, P175 siya for 1/2 kilo.   Napabili ako kasi may free na 20% or 1 pc. ng Italian Sausage.  Alam nyo naman ako basta may mga freebies napapabili talaga ako.   hehehehe Yung Italian sausage at 2 piraso nung Hungarian ang inilagay ko sa Cicken stew na post ko kahapon.   Yung 6 na piraso (tama ba bilang ko? or 5 lang) ay ginawa kong ngang pang-ulam sa aming breakfast. Para dumami at magkasya sa aming lahat, niluto ko ito with scrambled egg.   With little minced garlic, onions and tomatoes, naging masarap ang aming agahan that morning.  hehehehe GOURMET SAUSAGES and EGG SCRAMBLED Mga Sangkap: 5 to 6 pcs. H

CHICKEN and GOURMET SAUSAGE in SPAGHETTI SAUCE

Image
Naka-try na ba kayo nung mga gourmet sausages sa mga supermaket o specialty store like hungarian sausage, italian, bratwurst, frankfurter, kielbasa at iba pa?   Yun lang medyo may kamahalan ang mga sausages na ito.  Nag-re-range ito from P350to P450 per kilo depende sa klase. Alam nyo ba na masarap ang mga ganitong klase ng sausages sa mga stew?   Malasa kasi ito at punong-puno ng flavor.   Umiiba at sumasarap ang lasa ng simple nating afritada o menudo kapag nilalagyan natin ito ng mga ganitong sausages.   Parang yung mga tradisyunal na dish natin kagaya ng pochero, di ba nilalagyan ito ng chorizo de bilbao para mas maging malasa? Sabi ko nga, yun lang medyo may presyo ang bawat piraso nito.  Pero kung espesyal na okasyon ang inyong paglalaanan ng ulam na lulutuin nyo kagaya ng anniversary o pasko man, okay lang siguro na lagyan natin ng mga ganito.   Di ba?   Espesyal na ulam sa espesyal na okasyon para sa espesyal na tao. CHICKEN and GOURMET SAUSAGE in SPAGHETTI SAUCE Mg

MY PINOY MASTERCHEF AUDITION EXPERIENCE

Image
Braised Chicken in Honey-Lemon-Ginger Sauce.   Yan ang dish na inilaban ko nung nag-audition ako para sa MasterChef Pinoy Edition ng ABS-CBN channel 2. Actually, more than a year na ang audition na yun (September 14, 2011).   Kakaumpisa pa lang ng Junior Edition ay nagpa-audition na sila kung saan-saang parte ng Pilipinas.  At eto, sa darating na November 12, 2012 pa lang ito ie-ere sa channel 2. Ngayon ko lang ito ipinost komo nasa agreement o kontrata sa audition pa lang na hindi kami pwedeng mag-disclose ng kahit ano pa man ng tungkol sa contest na ito.   At komo sa November 12 na nga ang simula ng show at hindi naman ako nakasali, (hehehehehehe), minarapat kong i-share na din ang experience ko sa unang pagkakataong mag-audition ako sa ganitong klaseng reality cooking show. Sa Oceana Restaurant and Events Place ginanap ang audition para sa Manila.   Matatagpuan ang place na ito malapit lang sa SM Mall of Asia sa Pasay. Matapos kong maihanda ang pag-pasok ng aking mg