Posts

Showing posts from April, 2009

Sinarabasab - An Ilocano Dish

Image
Nung isang araw hindi ko malaman kung anong luto ang gagawin ko sa 1 kilong liempo na nasa fridge namin. First, adobo sana...ayaw naman ng asawa ko. Inisip ko, iihaw. Komo di nga ako maka-decide, nag-check ako sa internet ng mga recipe na para sa karne ng baboy. And presto! eto nga ang nahanap ko. Bukod sa madali itong lutuin, meron ang mga sangkap na kailangan para dito. Nung una medyo duda ako sa kakalabasan. Pero alam nyo nung kinakain ko na, nawala sa isip ko ang diet....hahahahaha. Try nyo ito. Ang nagpapasarap sa dish na ito ay yung side dish na kasama. SINARABASAB - An Ilocano Dish Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung di masyadong makapal ang taba) 1 20grams Knorr sinigang mix 1 tbsp. brown sugar 1 tsp. salt For the side dish: 3 large tomato 1/2 red onion 5 tbsp. bagoong balayan 1 calamansi Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang lalagyan, paghaluin ang knorr sinigang mix, asukal at asin 2. I-kiskis ito sa laman ng liempo 3. Hayaan muna ng mga 30 minuto 4. I-prito sa mantik

Baked Tahong

Image
Noon ko pa gustong magluto ng ganito. Kaso, wala naman kaming oven. Yung oven toaster naman namin sira. Remember yung pasta dish ko na may tahong? 1 kilong tahong ang binili ko that time. Sobrang dami naman nito kung ilalagay kong lahat sa pasta. So ang ginawa ko, viola! baked tahong ang kinalabasan. Alam nyo kung saan ko ito niluto? Sa microwave. Correct! sa microwave ko ito niluto. Ang siste lang kasi, di ba ang kailangan lang naman ay matunaw o maluto yung cheese na ilalagay sa tahong? Kaya ayun masarap pa rin ang kinalabasan. Maraming version ang baked tahong. Itong sa akin naman ay ito: BAKED TAHONG Mga Sangkap: 1/2 kilo large size Tahong Grated Eden quick melt cheese Olive oil Dried basil leaves Paraan ng pagluluto: 1. Ilaga ang tahong sa isang kaserolang may tubig at asin 2. Kapag bumuka na, hanguin ito at palamagin 3. Tangalin ang kalhating shell at ihilera ang parteng may laman sa isang microwaveable dish 4. Lagyan ang bawat isa ng grated cheese, kaunting olive oil at

Pinakbet at Pritong Dalagang Bukid

Image
Alam ko marami sa inyo na alam na kung papaano magluto ng Pinakbet. Pero marami sa atin ang hindi alam kung papaano mapapasarap pa ang pagluluto nito. Tatlong tip ang maari kong ibigay...pwede pa ngang apat. Hehehehehe. Ang una, dapat sariwa ang mga gulay na gagamitin. Pag sariwa kasi, manamis-namis ang lasa ng gulay. Pangalawa, ang bagoong alamang na gagamitin. Mas mainam na matikman muna ang bagoong na gagamitin. Meron kasi masyadong maalat....yung iba naman walang lasa. Ang kailangan ay yung tamang-tama lang ang alat at tamis. Pangatlo, pakuluan muna ang baboy na isasahog hanggang sa mag-mantika ito at dito na rin gisahin ang bawang at sibuyas. Bonus, pang-apat. Gumamit ng Maggie magic Sarap. Naipaliwanag ko na kung bakit di ba? hehehehehe At siyempre, masarap ang pinakbet kung may kasamang piniritong isda. Todo na to! hehehe PINAKBET AT PRITONG DALAGANG BUKID Mga Sangkap: 1. Mga gulay na: sitaw, kalabasa, talong, ampalaya, at okra. Kayo na ang bahala kung gaanong kadami ang gusto n

Seafoods Pasta

Image
Ang entry natin para sa araw na ito ay masasabing kong experimental. Wala akong pinagkopyahan na recipe. Basta ang ginawa ko lang, sinunod ko yung basic principle sa pagluluto at ang mga sangkap sa lutuing may pasta. SEAFOODS PASTA Mga Sangkap: 250 grams Spaghetti Pasta 250 grams sugpo o hipon (alisin ang shell) 150 grams laman tahong 1/2 cup cheese 1 tbsp minced garlic 1 medium onion salt and pepper 1 tbsp. butter 1 tsp. dried basil 3 tbsp. olive oil Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ng pasta ayon sa tamang pamamaraan. I-drain at ilagay sa iang lalagyan 2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter 3. Ilagay ang sugpo at laman ng tahong. Halu-haluin 4. Timplahan ng asin at paminta 5. Ilagay ang pasta...isunod ang dried basil, olive oil at cheese. Halu-haluin hanggang kumalat ang sangkap sa pasta. 6. Hanguin sa isang lalagyan. Masarap kainin ito kasama ang toasted garlic bread. Enjoy!

Pinalabuan (Dinuguan)

Image
Pinalabuan. Ito ang tawag ng mga taga Batangas sa lutuing ito. Ang tawag naman ng mga taga Maynila dito ay Dinuguan. Sa amin sa Bulacan ang tawag naman dito ay Tinumis. Ano man ang tawag dito, isa itong uri ng luto sa baboy na sinasabawan ng dugo ng baboy. Sa lutuin ito, maari ding gumamit ng laman ng baka o kaya naman ay lamang loob ng baboy. Masarap ito na pang-ulam o kaya naman ay kainin na may kasamang puto. Madali lamang lutuin ito. Ang sekreto lamang dito ay pagkasariwa ng karne na gagamitin at ng dugo ng baboy na ipangsasabaw. Dapat maaga kayo sa palengke para makakuha nito. At syempre ituturo ko sa inyo kung papano mas lalong sasarap ang diniguan ninyo o pinalabuan. Take note, yung picture sa taas hindi ako ang nag-luto. Luto ito ng mga taga Batangas kung baga orig na pinalabuan yan. Uwi ito sa akin ng aking asawa nung minsang umuwi siya ng Batangas. PINALABUAN / DINUGUAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo 1/2 kilo Atay ng baboy 3-4 cup dugo ng baboy 1 cup vinegar 4 pcs. siling p

Prawns in Chili Garlic and Oyster Sauce

Image
Isa na namang putahe na may Oyster Sauce ang entry natin para sa araw na ito. Ganito ka-flexible ang sauce na ito. Sa baboy man, o baka, manok man o gulay....at maging sa mga seafoods, panalo pag niluto mo ito sa oyster sauce. Kung baga, makakabuo ka ng isang cook book ng mga lutuin na may oyster sauce. PRAWNS IN CHILI GARLIC AND OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Prawn o Sugpo (Alisin yung balbas) 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Lee Kum Kee Chili Garlic Sauce 1 thumb size minced ginger 1 cloves minced garlic 1 medium onion sliced salt ang pepper 1 tbsp. cornstach 1 tsp. sugar Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin ng mga 1 minuto 2. Ilagay ang sugpo. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin 3. Ilagay ang chili garlic sauce. Halu-haluin 4. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa pumula na ang shell ng sugpo 5. Ilagay na ang oyster sauce, asukal at tinunaw na cornstarch. 6. Tikman. Lagyan pa ng asin, paminta at asukal kung kinakailanga

Paksiw na Lechon

Image
Ang paksiw ay isang lutuing Pilipino na nilalahukan ng suka. Maaring itong baboy, isda o maging sa manok man. Masarap ang paksiw kung kakainin mo ito ng kinabukasan pa pagkatapos mong lutuin. Last Wednesday, um-attend ng wedding anniversary ng kapatid niya ang aking asawa sa Batangas. Maraming handa, at isa na dito ang lechong baboy. Inuwian niya ako ng ulam. May afritada, pinalabuan, adobo, hipon at lechon nga. Masarap ang lechon kung kakainin habang mainit pa. Pero kung lumamig na, paksiw na ang kakauwian nito. At ito nga ang ginawa ko sa lechon na ito. Napakadali lang...tingnan nyo.... PAKSIW NA LECHON Mga Sangkap: 1/4 kilo Lechong Baboy 1 cup Mang Tomas Sarsa ng lechon 1 tbsp. minced garlic 2 tbsp. vinegar 1 medium onion salt and pepper sugar Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap 2. Hayaang kumulo. Huwag hahaluin 3. Makaraan ang mga 15 minuto, tikman at timplahan pa ng asin, paminta at asukal. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang asim, tamis a

Pork Liempo & Chicharo in Oyster Sauce

Image
Mula nung matutunan ko ang pag-gamit ng Oyster Sauce, marami-rami na ring recipe ang nagawa ko at tunay namang masarap at kakaiba kumpara sa mga ordinaryong lutuin. Ang inam sa sauce na ito, pwede mo itong gamitin sa kahit anong klase ng pagkain. Mapa baboy, manok, baka, gulay o isda man, napapasarap talaga ang lutuin. Kahit nga sa mga pancit or fried noodles masarap talaga ito. Kagaya nitong recipe natin para sa araw na ito. Pork Liempo & Chicharo in Oyster Sauce. Para ka na ring kumain sa isang Chinese Restaurant sa sarap at lasa ng lutuing ito. Kayat simulan na natin. PORK LIEMPO & CHICHARO IN OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo cut into cubes 250 grams chicharo 1/2 cup oyster sauce 1/2 cup dark soy sauce 1 cloves garlic 1 medium onion 2 tbsp. sugar salt and pepper 1/2 cup of cooking oil 1 tbsp. cornstarch Maggie Magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang baboy sa asin, paminta at Maggie magic Sarap. Hayaan ng mga ilang minuto 2. Sa isang kaserola, pakulua

Beef Steak o Bistek Tagalog

Image
Pasensya na kung medyo madalang ang posting ko ng mga bago kong lutuin. Wala kasi sa bahay ang mga anak ko. Nasa probinsya sila at doon nagbabakasyon. So dalawa lang kaming mag-asawa sa bahay at madalas bumibili na lang kami ng lutong ulam for dinner. Pero isang araw, ni-request ng asawa ko na magluto ng beef steak. So eto na nga ang kinalabasan. Sa sobrang mahal ng beef dinagdagan ko na lang ng patatas as extender. Masarap naman talaga ang kinalabasan. BEEF STEAK O BISTEK TAGALOG Mga Sangkap: 1/2 kilo Beef tenderloin (Hiwain ng manipis) Juice from 8 pcs. calamansi 1 large potato 1/2 cup soy sauce 1 medium onion 1/2 cloves garlic salt and pepper Maggie magic Sarap 1 tbsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang beef sa asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto 2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang beef hanggang sa pumula ng kaunti ang mga gilid nito. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. 4. Ilagay ang piniritong beef. Lagyan

Pancit Sotanghon

Image
Sa last post ko, itong Pancit Sotanghon lang ang wala pang recipe sa archive. Kaya eto ang entry ko for today. Actually madali lang ito, just like any pancit recipe pare-pareho lang naman ang paraan ng pagluluto nito. May mga ilang tips na lang ako ng idadagdag para naman mas lalong sumarap at maging mas madali ang pagluluto natin. PANCIT SOTANGHON Mga Sangkap: 1 kilo Sotanghon noodles (Ibabad sa tubig) 1/2 kilo Chicken Breast 1/4 kilo Chicken Liver (Hiwain sa tamang laki) 250 grams Chicharo 250 grams Baguio beans (Hiwain ng mga isang pulgada pahalang) 1 large onion 1 cloves minced garlic salt and pepper 1 Knorr Chicken Cube Maggie Magic Sarap Achuete (ibabad sa 1/2 cup water) Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola pakuluan hanggang sa maluto ang chicken breast. Hanguin at palamigin sa isang lalagyan at saka himayin. Itabi ang pinagpakuluan ng manok or the chicken broth. 2. Sa isang malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas. 3. Ilagay ang hinimay na manok at hiniwang atay. Halu-h

JR's Graduation Party

Image
Last April 6, nag-graduate ang anak ng kapitbahay kong si Ate Joy na si JR. Nag-dadalawang isip siya kung sa labas na lang sila magpapakain o maghahanda na lang sa bahay. Sabi ko lang kung sa labas medyo malaki ang magagastos. Kung sa bahay naman, mas mura nga yun lang medyo nakakapagod. Ang naging desisyon ay sa bahay na lang. Ni request ni Ate Joy na ipagluto ko sila ng handa at eto nga ang ise-share ko sa inyo. 4 na klase ang niluto yung iba naman pinaluto niya sa kaibigan niya. Ang paborito ni Ate Joy, Pork Hamonado. Talagang nag-tabi siya nito. Baka daw maubos e hindi siya makatikim. hehehehehe Ito naman ay Pancit na sotanghon na may hinimay na manok at atay. Baguio beans lang at chicharo ang gulay nito. Syempre mawawala ba ang Pasta with bacon and pesto. At ang all time favorite namin ang Anton's Chicken. Natutuwa naman ako at nagustuhan ng mga bisita ang mga niluto ko. Binibiro nga nila ako na bakit hindi na lang daw ako mag-catering. Sabi ko naman, darating tayo dyan. For t

Kalabasa at Baguio Beans sa Butter

Image
During the Holy Week syempre medyo bawas muna tayo sa pagkain ng karne. Kaya naman kung hindi isda ang ulam ay gulay. Komo nga nag-uubos kami ng laman ng fridge that time kaya eto na create ang recipe na ito. Sa kalabasa alam natin na masarap ito sa pinakbet o kaya naman ay ginataan na may kasamang sitaw. Hindi ko alam na pwede din pala ito kasama ng baguio beans. Ulam namin that time ay pritong daing na bangus. So nag-iisip ako kung soup o gulay ang ite-terno ko dito. At ayun nga, bakit kako hindi ko subukan na paghaluin ang kalabasa sa baguio beans. At ang dagdag ko pa dito ay ang paburito kong sangkap, ang maggie magic sarap. Magic talaga ang kinalabasan ng baguio beans ko at kalabasa. KALABASA AT BAGUIO BEANS SA BUTTER Mga sangkap: 1/4 kilo kalabasa cut into cubes 100 grams. baguio beans 1/3 cup butter 1 sachet 8 gram maggie magic sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, ilagay ang butter. Hayaang matunaw 2. Ilagay ang kalabasa at baguio beans. halu

Family Reunion sa Ilog

Image
Every year may family reunion ang angkan ng asawa kong si Jolly at syempre kasama kami dun...hehehehe. Ginaganap ito tuwing Sabado Gloria taon-taon. Mula noong kami ay naging mag-asawa, dito na ako nag-i-spend ng Holy Week at maka-aatend na rin ng family reunion nila. Ginaganap ito sa isang ilog o batis na pag-aari din ng kanilang pamilya dito sa San Jose, Batangas. Ofcourse enjoy ang mga kids ko sa paliligo sa ilog. Bukod sa malamig na tubig, running water talaga ang ilog na ito. Share ko lang sa inyo ang mga naging kaganapan sa family reunion namin na ito and ofcourse the food na aming pinagsaluhan. Mga kalalakihan habang nagluluto ng pagkain na pagsasaluhan. Tingnan nyo yung mesa nakababad sa tubig ng ilog. Sa itaas, ang asawa kong si Jolly enjoying the food. Ang mga ulam pala ay pochero, adobo, pinalabuan (diuguan ito dito sa manila), afritada, pancit miki at lechong baboy. Sa panghimagas naman ay ibat-ibang klase ng chocolate, pastillas, fruit cocktail, fresh buco juice at

Prawn in Creamy Basil Sauce

Image
Hindi ko alam kung may lutong ganito. Pero ang masasabi masarap ito talaga. Sabagay, ano ba ang magiging mali sa niluluto kung may basil ito? Last Maundy Thursday, ni request ng wife ko na mag luto ako ng Fish fillet with White Creamy Basil Sauce. Na-i-post ko na ang recipe nito...pa-check na lang sa archive. Ayun may natira pa na dipping sauce...inilagay sa fridge...at ito nga ang ginamit ko sa recipe na ito. PRAWN IN CREAMY BASIL SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Prawn or sugpo 1/2 cloves minced garlic 1/4 bar butter salt and pepper Maggie Magic Sarap Leftover Creamy basil Sauce Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang bawang sa butter. Halu-haluin hanggang sa maging golden brown ang bawang. 2. Ilagay ang sugpo. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic sarap. halu-haluin. 3. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa maluto. 4. Ihalo ang leftover creamy basil sauce. halu-haluin. Ihain habang mainit! Di ba ang dali lang? Enjoy!

Sweet and Sour Fish

Image
Last Good Friday, ni-request ng bayaw kong si Kuya Alex na ipagluto ko soya ng isda na may sweet and sour sauce. Kagagaling lang kasi niya ng Romblon nun at nakabili siya ng malaking isda. Hindi ko alam kung ano pangalan nun. Pero para siyang lapu-lapu at masarap ang laman niya. This entry was also dedicated to my friend Cool Fern. Sabi ko sa kanya basta nagkaroon ng pagkakataon, magluluto ako ng Sweet and Sour na fish at ide-dedicate ko sa kanya. Cool Fern para sa iyo ito. Don't forget to check the last picture. Sinadya ko talaga yun para sa iyo. Hehehehe. SWEET AND SOUR FISH Mga Sangkap: 2 to 3 kilo Isda (Lapu-lapu o kahit anong malaking isda) 1 large carrots 1 large red bell pepper 1 large green bell pepper 1/2 cup ginger (all the above vegetables cut into strip) 1 cloves garlic 1 large onion 3 stalks white or lower portion of lemon grass or tanglad cut into small part 1/2 cup butter 1 cup del monte tomato catsup 3 tbsp. cornstarch salt and pepper brown sugar maggie magic sarap

My Highschool Batch Reunion

Image
Last April 4, I attended my highschool batch reunion at Dr. Yanga's Colleges, Inc. in Bocaue Bulacan. I am so excited to attend in this event because after 25 years nun lang kami uli nagkita-kita. Share ko lang sa inyo some of the picts and the food na kinain namin. One of this day i-post ko yung isang ulam doon na talaga namang nasarapan ako. With my former classmates. Syanga pala yung food na nasa table ay afternoon snack. Pancit, puto, arroz valenciana, sandwiches and lots and lots of pastries. Hindi ako masyadong nakakain, mas gusto ko pa ang maraming-maraming kwentuhan....hehehehe. Sayang konti lang sa mga former classmates ko ang nakarating. Eto yung pict na tinawag kami per section. Unfortunately hindi na namin nakasama ang class adviser namin na si Mr. Jun San Gabriel dahl namayapa na siya. With us is our Pilipino teacher na si Mrs. Martinez. With my former classmates and former teachers. Mrs. Galvez, Mrs. Martinez, Ms. De Guzman and Mrs. Cruz. Sumali din ak

Pancit Lomi Guisado

Image
Sa probinsya ng Batangas paborito ng sino mang tao donn ang lomi. Mapa may sabaw o kaya naman ay guisado hit na hit ito sa kanila. Kaya naman mula ng makapag-asawa ako ng taga Batangas, nakagiliwan ko na din na kumain nito lalo na kung ako ay nauuwi dito. Pero ang recipe natin for today ay dito ko sa Manila niluto....hehehehe. Actually madalim lang itong lutuin at ilan lang ang sangkap na kailangan. Gusto ko sana ay may sabaw kaso eto nga sa pancit guisado ito nauwi. Pero masarap naman din ang kinalabasan. Kinain nga pala namin ito as breakfast. PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 400 grams Miki or egg noodles (yung matataba ang hibla) 250 grams chicken fillet cut into strips (i-marinade sa asin at paminta 4 tbsp. oyster sauce 1 tbsp minced garlic 1 large onion chopped 2 eggs kinchay o cilantro 1 8gram sachet Maggie magic Sarap salt and pepper cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o non-stick pan na may kaunting mantika, i-prito ang binating itlog. Ikalat ang itlog sa kawali

Holy Week Experience @ San Jose, Batangas

Image
Mula nung mag-asawa ako, sa San Jose Batangas na ako lagi nag o-observe ng Holy Week kasama syempre ang aking mga anak. Syempre, bakasyon time din yun kaya naman sinusulit ang mga araw. This year, naisipan ko i-share sa inyo ang experience namin sa bayan na ito na kinalakihan ng aking asawa. Bukod sa lumang simbahan, nananatili pa rin dito ang kultura at tradisyon nating mga Pilipino lalo pag sumasamit ang mga mahal na araw. Pieta - Ang Dalamhati ng isang Ina My wife Jolly and kids Jake and Anton with their relatives waiting for the procession to start. My wife's sister Beth (in sunglasses...nickname niya Linggit) fresh from Ireland...salamat sa pasalubong. heheheheh. Yung naka-yellow kapatid ng wife ko si Lita (Laki ang tawag naman sa kanya...ewan ko kung bakit.) Also waiting for the procession to start. My Wife again and my son Jake during the procession. Ang tatag talaga ng mga bata. Alam nyo natagalan nila ang mahabang paglalakad. Ako nga sumakit ang rayuma ko....hehehehee Et

Squid in Oyster Sauce

Image
I'm Back! Maligayang pasko ng Pagkabuhay sa lahat! I hope nag-enjoy and at the same time nakapagnilay nawa tayo sa nakaraang Mahal na Araw. Sa mga susunod na entry ko na ipo-post yung bakasyon na nangyari sa amin...madami akong kwento sa inyo...hehehehe. Balik muna tayo sa recipe natin for today. Squid in Oyster Sauce. Ano ang hindi magiging masarap basta nilagyan natin ng oyster sauce? Sa palagay ko ay wala. But ofcourse nasa timpla din yan at sa paghalo-halo ng mga sangkap. Sa recipe natin ngayon nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalong sumarap. So lets start.... SQUID IN OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Squid/pusit a bunch of kinchay or cilantro ba yun 1/2 cup oyster sauce 1 thumb size ginger 1 tbsp minced garlic 1 medium onions 4 tangkay ng lemon grass o tanglad (yung lower white portion) salt and pepper Maggie magic Sarap (Optional) cooking oil Paraan ng Pagluluto: 1. Linising mabuti ang pusit. Alisin ang parang plastic na bahagi sa loob ng katawan. 2. Igisa ang luya, baw

Okoy na Kalabasa

Image
Isa na namang pagkaing pang-Mahal na Araw ang feature natin ngayon. Actually, hindi ko alam kung ano talaga ang original recipe ng Okoy, basta ang alam ko lang may hipon ito, piniprito at isinasawsaw sa suka. Ang alam ko din, kasi ito ang naka-gisnan ko, kalabasa ang ginagamit sa okoy. Natatandaan ko pa nga, nagluluto nito ang Inang Lina ko at itinitinda naman namin sa mga kapit-bahay. Nung niluto ko ito, hindi ko na-perfect ang pagka-lutong ng kalabasa. Pero ang lasa perfect talaga. Madali lang lutuin ang recipe na ito. At masarap talaga na appetizer o maging main dish man. Masarap din itong sa merienda kasama ng lugaw o arroz caldo. Try nyo.... OKOY NA KALABASA Mga Sangkap: 1/4 kilo Kalabasa hiwain na parang palito ng posporo. Dapat manipis lang ang hiwa 250 grams hipon (Tanggalin ang ulo at shell) 1 cup Harina 1 egg salt and pepper Maggie magic Sarap 2 cups Cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Paghaluin ang harina, itlog, asin, paminta at maggie magic sarap. Tantyahan lang

Chicken Inasal

Image
Chicken Inasal. Sikat na luto ng manok ito sa bandang Bbacolod at Ilo-ilo. Ito ang isa sa mga paborito kong luto sa manok. Matagal na rin ng una akong makatikim nito, at mula noon na-inlove na ako dito. Matagal na rin na binalak kong magluto nito kaya nag-hanap talaga ako ng recipe nito sa net. May mga nakita ako, yun lang parang iba-iba ang recipe nila. So ang ginawa ko, kinuha ko lang yung common na sangkap sa kanila. At eto nga nakapagluto din ako ng paborito kong chicken inasal. CHICKEN INASAL Mga sangkap: 1 kilo chicken breast or leg 1/2 cup tanglad (yung white lower portion..gayatin na maliliit) 1/2 cup vinegar 1 cloves minced garlic 1/2 cup calamansi juice salt and pepper Maggie magic sarap achuete oil Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa pinaghalong suka, calamansi, asin, paminta, bawang, tanglad at maggie magic sarap. Ilagay ito sa isang plastic bag. Mas matagal n-marinade mas mainam. 2. I-ihaw ito sa baga o kaya naman maaring gumamit ng turbo broiler. Turbo broiler

Fish Fillet and Tofu in Sweet and Sour Sauce

Image
Pasensiya na kayo sa picture na nagamit ko. Di kasi sinasadya nabura ko yung magandang kuha na picture. Kaya eto, buti na lang at may natira pang konti, ayun nakuhanan ko din ng picture. Medyo mahal ang isda ngayon. Kasi nga Mahal na Araw. Marami pa rin sa atin ang nangingilin sa pag-kain ng karne. Sabagay, minsan lang naman ito sa isang taon kaya mainam sumunod din tayo. At isa pa healthy naman ang pagkain ng isda at gulay di ba. Matagal ko nang binabalak na magluto ng Isda na may sweet and sour sauce. Si Cool Fern nga na isa sa aking mga taga-subaybay nagpadala pa sa akin ng recipe niya. Kaso ang mahal ng isda nga ngayon lalo na ang lapu-lapu. Kaya eto, yung fillet na lang ang ginamit ko. Komo nga may kamahalan, dinagdagan ko na lang ng extender na tofu. At masarap talaga ang kinalabasan. Try nyo ito, ayos na ayos sa mahal na araw. FISH FILLET AND TOFU IN SWEET AND SOUR SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Fish Fillet (Cream of dory ang ginamit ko. Pwede din ang Tuna, lapu-lapu or any white m

Broiled Liempo version 2

Image
Isa na namang version ng Turbo Broiled na Liempo ang recipe natin for today. Actually ang gusto ko talagang kainin ay inihaw na liempo, kaso nga wala namang place na pwede akong mag-ihaw...di ba nga sa condo kami nakatira? So, sa halip na ihawin ang liempo, sa turbo broiler ko na lang ito niluto. Okay din naman ang kinalabasan, yun lang, iba talaga kung ihaw sa baga. Isa pa, may ilang twist akong ginawa not like yung pangkaraniwang ginagawa natin. So eto na...... BROILED LIEMPO version 2 Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (Yung manipis lang ang taba) 1/2 cup patis Juice from 10 pcs. calamansi paminta 1 tbsp. rosemary 1 cloves minced garlic 1 small sachet maggie magic sarap (optional) 2 tbsp. Knorr liquid seasoning (optional) Paraan ng Pagluluto: 1. Hiwain ang liempo ng mga 1/2 inch na kapal. Or maaring pahiwa nyo na sa palengke sabihin nyo pang ihaw. 2. I-marinade ito sa patis, calamansi juice, bawang, paminta, rosemary at magie magic sarap. 3. I-babad ito ng mga 3 oras bago lutuin o mas

Baby Potato Salad

Image
Malawak ang pagkaing salad. Sa pagkaintindi ko ang salad ay pinaghalo-halong sangkap na pwedeng gulay o prutas man. Wala itong eksaktong recipe na pagbabasihan. Naayon na lamang ang timpla nito kung sino ang kakain. Ilang araw na din na takaw na takaw ako sa chicken potato salad. Sa mga salad ito ang pinaka-paborito ko. The last time na nag-groceries ako, bumili ako ng 1/2 kilo siguro yun na baby potato...yun lang nakalimutan ko naman bumili ng chicken fillet. So nagkaroon ng kuta-kutakot na twist sa salad na ito.....hehehehe. Tingnan nyo.... BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1/2 kilo Baby Potato 5 slices of Sweet ham (Yung ginagamit sa mga sandwich. Gayatin na parang palito ng posporo) 1 cup chopped fresh basil leaves 1 cup Mayonaise 1/4 bar grated cheese 1 knorr chicken cube salt and pepper Maggie Magic Sarap (optional) Paraan ng Pagluluto: 1. Balatan ang mga baby potatoes. Maari din na huwag ng balatan...hugasan na lang ito ng mabuti. 2. Ilagay sa kaserolang may tubig, knorr cubes at