Sinarabasab - An Ilocano Dish
Nung isang araw hindi ko malaman kung anong luto ang gagawin ko sa 1 kilong liempo na nasa fridge namin. First, adobo sana...ayaw naman ng asawa ko. Inisip ko, iihaw. Komo di nga ako maka-decide, nag-check ako sa internet ng mga recipe na para sa karne ng baboy. And presto! eto nga ang nahanap ko. Bukod sa madali itong lutuin, meron ang mga sangkap na kailangan para dito. Nung una medyo duda ako sa kakalabasan. Pero alam nyo nung kinakain ko na, nawala sa isip ko ang diet....hahahahaha. Try nyo ito. Ang nagpapasarap sa dish na ito ay yung side dish na kasama. SINARABASAB - An Ilocano Dish Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung di masyadong makapal ang taba) 1 20grams Knorr sinigang mix 1 tbsp. brown sugar 1 tsp. salt For the side dish: 3 large tomato 1/2 red onion 5 tbsp. bagoong balayan 1 calamansi Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang lalagyan, paghaluin ang knorr sinigang mix, asukal at asin 2. I-kiskis ito sa laman ng liempo 3. Hayaan muna ng mga 30 minuto 4. I-prito sa mantik...