Posts

Showing posts from July, 2012

FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE

Image
Ito ang pagkaing ipina-meryenda ko sa aking mga anak nitong nakaraang Linggo lang.  Nagsawa na din kasi sila sa mga sandwiches at biscuits so naisip ko na igawa sila nito para maiba naman.   Kung titingnan mo ang pict na ito, masasabi mong ordinaryong kamote que lang ito na hindi naka-tuhog sa barbeque stick.  Well, maghahanap pa ba ako ng stick e tinidor lang ay solve solve na.   hehehehe Dapat sana bubudburan ko lang ang piniritong kamote na ito ng asukal.   Bigla na lang nag-flash sa isip ko...bakit hindi ko ito gawan ng twist?   At yun nga.   Nabuo ang coffee-honey glaze na inilagay ko dito.   Nakakatuwa naman at nagustuhan at naubos ito ng tatlo kong anak. FRIED SWEET POTATO with COFFEE-HONEY GLAZE Mga Sangkap: Kamote or Sweet Potato 2 cups Cooking Oil 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Pure Honey Bee 1 tsp. Instant Coffee 1/4 cup Water Paraan ng pagluluto: 1.   Balatan at hiwain ang kamote sa nais na laki o kapal. 2.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa malu

PORK ROULADE ala DENNIS

Image
Isa na namang espesyal na recipe ang aking handog sa inyo sa araw na ito.   Pork Roulade ala Dennis.   Bago ko ito niluto, tiningnan ko muna sa internet kung ano-ano ang mga recipe na pwede kong gamitin para sa dish na ito.   Parang wala naman akong nagustuhan kaya naisipan kong gumawa na lang ng sarili kong version. Favorite ko ang lasa ng basil leaves, smokey na bacon at syempre cheese.  Ito ang naisipan kong ipalaman sa dish na ito.   At hindi naman ako nagkamali, nag-blend ang lasa ng tatlong paborito kong sangkap at masarap talaga ang kinalabasan. Also, dapat sana ipi-prito ko lang ang pork roulade na ito, pero sa ubna kong attempt parang hilaw pa ang karne pero brown na ang kulay ng labas na part.   Ang ginawa ko, isinalang ko pa ito sa turbo broiler at hinayaang maluto pa. Try nyo din.   Ayos na ayos ito  sa mga espesyal na okasyon. PORK ROULADE ala DENNIS Mga Sangkap: 8 pcs. Butterfly cut Pork 1 pc. Lemon 1 cup chopped Fresh Basil leaves 1 cup grated Cheese 1

CASHEW CHICKEN - My 1,000th Post

Image
Napaka-espesyal ng posting kong ito for today.   Bakit kamo?   Ito kasi ang aking ika-1,000 na post.   Palakpakan naman dyan!!!!!   Hindi ko lang sure kung ilan ang recipes dito at ang mga events and articles.  Sobra akong natutuwa na sa loob pala ng mahigit 3 taon mula ng sinimulan ko ang food blog kong ito ay nakagawa na ako ng ganitong karaming post at marami dito ay mga recipes. Pangalawang beses ko pa lang na-try na magluto ng dish na ito.   September 2009 yung unang version.   Para sa akin mas masarap itong second version ko na ito.   Binago ko ng konti ang paraan ng pagluluto at sinamahan ko din ng ibang technique para mas lalo pa itong sumarap.   Kaya naman itong dish na ito ang napili ko para maging ika-1,000 post ko. Para po sa inyong lahat ito.   Mabuhay! po tayong lahat.... CASHEW CHICKEN  Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (walang balat..cut into bite size pieces) 1 cup Toasted Cashew nuts 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 medium size Carrot (

POCHERONG BAKA ala Dennis

Image
Nagsasawa na ba kayo sa paulit-ulit na ulam na niluluto sa araw-araw?  Well, hindi kayo nagiisa.   hehehehe.   Marami tayo na ganyan ang problema sa araw-araw.   Para kasing umiikot lang ang adobo, sinigang, nilaga at prito sa ating mga hapag-kainan.   Marami nga ang nag-email sa akin at nagpapasalamat dahil na-discover nila ang food blog kong ito.   Hindi na daw sila nahihirapan sa kung ano ang kanilang lulutuin. Ang gusto kong i-punto sa post kong ay kung papaano ang isang pangkaraniwang lutuin ay magagawan mo ng twist para maging isa pang dish.   Halimbawa, yung nakaraan kong post sa natirang palaman ng relyenong bangus, nagawa ko itong tortang bangus.   Or kung may natira kang giniling para sa bola-bola, pwede mo pang gawing palaman sa lumpiang shanghai. Dito naman sa post ko for today hindi leftover ang ginawan ko ng twist kundi ang pagkaraniwang nilagang baka.   Pwede mo ding gawin ito sa baboy o manok.   Pareho lang ang mga sangkap nito.   Nadagdag lang ang choriso, tomat

FISH and CHIPS with CREAMY GARLIC DIP

Image
Sa mga bansa tulad ng Amerika o mga bansa sa Europa, fish and chips o chicken and chips ay pangkaraniwan nilang kinakain  sa araw-araw.   Kung baga hindi masyadong uso sa kanila ang kanin.   Kung hindi mash potato, green salad o ano pa man, ito ang pangkaraniwan nilang dish na kinakain kasama ang chicken, pork, fish or beef.   Dito sa Pilipinas may ilan na ring mga restaurant ang nag-o-offer ng mga ganitong pares ng pagkain at minsan ko na rin na na-try.   Ang napansin ko, walang lasa yung mismong chicken o fish.   Ang malasa ay yung dip o sauce na nasa side.   So kailangan mo talagang i-dip doon yung fish o chicken para magkalasa. FISH and CHIPS with CREAMY GARLIC DIP Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory Fillet (cut into desired size) 1 pc. Lemon Salt and pepper to taste 1 cup Cornstarch 4 pcs. Potatoes quatered (skin on) Cooking oil for Frying For the dip: 1 tetra brick All Purpose Cream 1 head minced Garlic 1 tsp. Maggie Magic Sarap 2 tbsp. Butter 1 tsp. Cornstarch

CHEESY WINGS AND POTATO STEW

Image
Kapag nagluluto ako, ang iniisip ko parati ay kung ano ang magugustuhan ng aking mga anak at asawa.   Bakit naman hindi?   Sila ang rason kung bakit ako nagluluto.   Dapat lang na masarap at tiyak na magugustuhan nila ang lulutuin ko.   Madalas ko ngang sabihin sila ang number 1 critic ko sa mga recipe na pino-post ko sa blog kong ito. Kagayan nitong recipe natin for today.   Mahilig sa chicken, cheese at white sauce ang aking mga anak.   Kaya sa halip na i-tola ko ang mga chicken wings na nabili ko for dinner, niluto ko na lang siya ng may cheese wiz at milk.   Nagpasarap pa ang tosted garlic sa kabuuan ng dish. CHEESEY WINGS AND POTATO STEW Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1/2 cup Cheese Wiz 1 cup Full Cream Milk 1/2 tsp.  Dried Basil 2 pcs. Potatoes quartered 1 thumb size Ginger sliced 1 head minced Garlic 1 large Onion chopped 2 tbsp. Butter 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, i-prito ang

ROASTED BABY BACK RIBS with HONEY-OYSTER SAUCE

Image
Ito ang isa pa sa inihanda ko sa nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly.   Roasted Baby back ribs with Honey-Oyster Sauce.  Yes.   May oyster sauce ang sauce na ipinang-glaze ko sa ribs na ito.   Kasi ba naman naubusan ako ng barbeque sauce na dapat sana ay ipang-ma-marinade ko at gagawin kong sauce para dito.  Pero yun nga, gumamit na lag ako ng kung anong available sa aking cabinet. Ang importante sa dish na ito ay ang mga sangkap na ilalagay sa marinade mix at ang tamang pagpapalambot sa ribs.   Importante din ang sauce na gagamitin na pang-glaze.   Ang nakakatuwa dito, naka-gawa ako ng sauce na tumama sa panlasa  ng mga kumain.  Hehehehe ROASTED BABY BACK RIBS with HONEY-OYSTER SAUCE Mga Sangkap: Baby Back Ribs about 1.5 kilos 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 pcs. Dried laurel leaves 2 tbsp. Dried Oregano 1 tsp. ground Black Pepper 1 head Garlic 2 pcs. Onion 1 tbsp. Salt 1 tbsp. Brown Sugar For the Sauce: 2 tbsp. Worcestershire Sauce 2 t

SHRIMP in POWDERED ORANGE JUICE

Image
Ito ang isa pa sa niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly.   Isa ito sa mga inihanda ko komo paborito niya ang hipon.   And to make it more special, yung malalaking hipon o sugpo ang aking binili.  Niluto ko din ito in a very special way at hindi pangkaraniwang sangkap.   hehehe Yes.   Niluto ko ito with powdered orange juice.   Tang to be specific.   May nabasa kasi ako sa isang blog na hindi ko na din matandaan na nilagyan niya ng powdered orange juice ang niluluto niyang hipon.   Sabagay, hindi ba nga minsan naglalagay din tayo ng softdrinks or fresh lemon or orange?  With this powdered juice hindi na natin kailangan pang maglagay ng asukal sa ating hipon.   Winner ito at talaga naman nagustuhan ng aking asawa. Pahabol lang, dapat siguro hiniwaan ko ng bahagya ang likod ng hipon, una para maalis yung kulay itim na parang sinulid at para na din pumasok yung flavor ng orange sa laman ng hipon.   Next time siguro gawin ko yung ganun. SHRIMP in POWDERED O

LINGUINE PASTA in TOMATO, BASIL and OREGANO SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng asawa kong si Jolly.   Ito ang ginawa ko komo mas gusto niya yung pasta dish na hindi masyadong ma-sauce.  Nakakatuwa naman dahil nagustuhan niya ang niluto ko. Hindi ko alam kung may ganito talagang recipe ng pasta.  Basta ginamit ko lang kung ano yung available na pwede kong ilahok at ito na nga ang kinalabasan.   Ginamitan ko pala ito ng  Hunts Diced Tomatoes with Basil, Garlic and Oregano.   Nung makita ko ito sa supermarket itong pasta dish na ito agad ang naisip ko.   At tama nga ang nasa isip ko,  masarap ang pasta dish na ito. LINGUINE PASTA in TOMATO, BASIL and OREGANO SAUCE Mga Sangkap: 750 grams Linguine Pasta (cooked according to package directions) 1 big can Hunts Diced Tomatoes (with Basil, Garlic & Oregano can) 300 grams Ham (cut into strips) 2 cups Fresh Basil leaves chopped 2 large White Onion chopped 1 head minced Garlic 3 tbsp. Olive Oil 1 cup grated Cheese (for th

MY WIFE JOLLY's 2012 BIRTHDAY

Image
Yesterday July 17, my wife Jolly celebrated her __th birthday.  Noong una ang gusto lang niya ay mag-order na lang ng pizza for our dinner pero pinilit ko pa rin na magluluto ako ng espesyal na dinner.   Bakit naman, minsan lang naman sa isang taon dumarating ang ating kaarawan, dapat talaga natin itong ipinagdiriwang. Hindi lang para sa aking asawa kundi maging sa aking tatlong anak.   Pinipilit ko talaga na makapaghanda kahit papaano para sa kanilang kaarawan.  Noong araw kasi, ganoon din ang ginagawa ng aking Inang Lina.   Kahit walang-wala kami, naghahanda pa rin siya kahit papaano para sa aming kaarawan. Tatlong dish lang ang niluto ko para sa may birthday.   Lahat na ito ay paborito niya.   Syempre hindi mawawala ang noodles.   Linguine pasta na may dice tomatoes, basil, oregano at ham ang aking niluto. Mahilig siya sa seafoods kaya ipinagluto ko din siya nitong Shrimp with Garlic and Powdered Orange Juice.  Gusto din niya yung buto-buto sa karne kaya itong roas

CRISPY FRIED LIEMPO

Image
Nung unang inilabas ng Chowking yung Chinese Style Fried Chicken nila, na-curious talaga ako, kung papaano nila ito nagawa at yung sang na ipinang-marinade nila.   Masarap kasi as compare dun sa fried chicken ng ibang kilalang fastfood. Until mapanood ko yung commercial ulit ng Chowking na si Boy Abunda yung nagtatanong sa Chef kung ano nga ang sekreto ng fried chicken nilang ito.   Hindi rin sinabi kung ano nga ang sekreto pero ipinakita kung ano ang inilalagay sa chicken para maging extra crispy ito. Sa tingin ko ay rice flour na ginawang batter ang ipinang-coat sa chicken para maging crispy ito.   At yun nga ang ginawa ko sa pork liempo na ito na iniulam at binaon ng mga kids ko nitong nakaraang araw.   Hindi man perfect o kahawig sa lasa ng nasa chowking, pero malutong nga ang kinalabasan ng fried pork liempo kong ito.  Pwede nyo ding subukan.   hehehehe CRISPY FRIED LIEMPO Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo (cut into about 3 inch long) 3 tbsp. Sesame Oil Salt and pep

BURGER STEAK with CREAMY GARLIC SAUCE

Image
Lahat kami sa bahay ay mahilig sa hamburger.   Sa mga fastfood chain dito sa Pilipinas, personally gusto ko yung sa Burger King.   Masarap kasi talaga at mayroong smokey taste habang ito ay iyong kinakain.   Pangalawa ay yung bagong burger ng McDonalds yung Big and Tasty burger.   Just like yung sa burger king, may smokey taste din ito at enjoy ka talaga sa sarap.  Far third na siguro ang Champ ng Jollibee, although tamang-tama ang lasa niya para sa akin.   Unahan ko na ha, hindi ako binayaran para sa mga fastfood chain na ito....hehehe....wish ko lang.....hahahaha. May ilang burger steak recipes na din ako sa archive.   Sa burger steak naman, ang gusto ko ay yung natural na flavor lang ng beef.   Ayoko nung may kung ano-anong spices na ilalagay na natatakpan na halos yung lasa ng beef.   Pero syempre dapat masarap at malasa ang sauce na ilalagay mo dito.   At yun nga ang highlights ng burger steak na ginawa nitong nakaraang araw.  Komo paborito ng mga anak ko ang white sauce, yu

PESANG ULO ng SALMON

Image
Ang Pesang Isda ang isa sa mga ulam na may sabaw na madalas naming i-ulam noong aking kabataan.   Madali lang itong lutuin bukod pa sa napaka-simple nitong mga sangkap.  Masarap i-ulam ito lalo na kapag maulan ang panahon.   Nakakapawi kasi ng lamig ang mainit na sabaw at ang konting anghang ng luya. Sa aming probinsya sa Bulacan, pangkaraniwang ipine-pesa ang isdang dalag.   Marami kasi nito lalo na pag tag-ulan.   Murang-mura din lang itong nabibili sa palengke. Pangkaraniwan na ipine-pesa ay ang mga isdang tilapia, maya-maya, bangus, at dalag nga.   This time, sinubukan ko namang ulo ng salmon ang aking gamitin.   At hindi naman ako nabigo.   Masarap at napakalasa ng sabaw.   Yun ngang natirang sabaw ay itinabi ko pa para magawa kong soup.   Hehehehe. PESANG ULO ng SALMON 2 pcs. Salmon Head (cut into pieces) 2 tali Bok Choy o Pechay Tagalog 2 tangkak Leeks (cut into 1 inch long) 2 thumb size Ginger (sliced) 2 large Onion (quartered) 1 tsp. Whole Pepper Corn 1/2 tsp

CHEESY CHICKEN and SAUSAGE STEW

Image
Kung titingnan mo sa pict ang dish na ito, masasabi mong para din lang itong ordinaryong chicken afritada o chicken menudo.   Unang plano ko talaga ay magluto ng waknatoy na chicken naman ang laman kaso nabago nga sa last minute nung nagluluto na ako. Well, halos pareho lang talaga ang sangkap at paraan ng pagluluto nito sa afritada o menudo.   Pero ang kinaibahan nito ay ang lasa na masasabing kong kakaiba talaga at tiyak kong mapaparami kayo ng kain kahit sa sauce pa lang.   hehehehe.   Ang key sa dish na ito ay ang sausage na gagamitin.   Actually pwede naman kahit anong sausage ang ilagay.   Importante sa kabuuan ng dish na ito ang lasa o flavor ng sausage.   Yun kasi ang magbibigay ng kakaibang sarap sa inyong chicken stew.   Dagdagan pa ng grated cheese, mas lalong napasarap nito ang kabuuan ng dish. CHEESY CHICKEN and SAUSAGE STEW Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces) 2 pcs. Schublig or any flavorful sausages (sliced) 1 large Red Be

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

Image
All time favorite sa food blog kong ito itong Kalderetang Buto-buto.  Marami na din ang nag-email sa akin na nagustuhan nila ang recipe kong ito ng pork kaldereta.  Katulad ng adobo, marami ding version o pamamaraan ang iba sa pagluluto ng kaldereta.   At nasa panlasa na naman natin yan kung alin ang gusto natin. Sa bayan ng asawa ko si Jolly sa Batangas, iba rin ang paraan nila ng pagluluto ng kaldereta.   Although, pangkaraniwan na baka o kambing ang kanilang kina-kaldereta, masarap talaga ang version nila ito. Kaya naman naisipan kong ulitin ang kalderetang buto-butong ito pero gamit ang version ng mga Batangeno.   Simple lang ang kanilang pamamaraan at tiyak kong magugustuhan din ninyo ang version na ito. KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Spareribs (buto-buto) 2 tbsp. Star Margarine 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 3 tbsp. Worcestershire Sauce 1 small can Liver Spread 2 pcs. large Potatoes cut into cubes 1 cup grated Cheese 1 tsp. groun

BIKO-LANGKA

Image
The last time na umuwi kami ng Batangas noong nag-birthday ang aking biyenan last June 24, pinauwian kami ng aking biyenan ng bunga ng langka.   Para hindi pahirapan na iluwas pa ng Maynila, hinimay na ang laman nito at inilagay sa isang lalagyan. Napansin ko ito na ilang araw na din na naka-lagay sa aming fridge, at naisipan kong bakit hindi ako gumawa ng biko na may kasamang langka.   Paborito ko ang biko lalo na kung may kasamang freshly grated na niyog.   Ofcourse hindi ko iilagay ang lahat ng langka sa biko.   Ilang piraso lang ang ginamit ko para lang magka-flavor ang biko.  Yung iba ay minatamis ko at pwede ding isama sa kinakaing biko. Masarap ang kinalabasan at ang sukatan nga kung masarap ito ay kung nagustuhan ng aking mga anak.   Hehehehe. BIKO-LANGKA Mga Sangkap: 1/2 kilo Malagkit na Bigas (isaing na parang nagsaing lang ng ordinaryong bigas) 2 pcs. Niyog (kuhanin ang kakang gata) 1/2 kilo Brown Sugar (or less depende sa tamis na gusto ninyo) 2 cups Minata

BAS-OY: BULALO???

Image
Madalas ba kayong manood ng Jessica Soho Report sa Channel 7 tuwing Sabado?   Mapapansin nyo siguro sa mga nakaraang episode nila, may mga pagkain sila na pini-feature with matching demo.   Di ba dito ko din nakuha yung recipe ko sa chicken tinola na may pakwan? This time ito namang dish natin for today ang nakuha sa show na yun.   Bas-oy.   Actually ang pini-feature nila doon ay yung mga lalaki na mahilig din na magluto.   At ito ngang bas-oy ang ginawa niya. Base sa kwento nung guy na nagde-demo kung papaano ito lutuin, espesyal na soup dish ito sa Bukidnon.   Para din siyang bulalo pero may sahog ding luya at tanglad o lemon grass.   I think yun ang nagpa-iba sa bulalo.   Mas lalo itong sumarap at may kakaibang flavor talaga.   Nawala din yung konting anggo ng baka dahil sa luya. Try nyo din ito.   Masarap talaga lalo na ngayong naguulan dito sa Pilipinas.   hehehehe BAS-OY:   BULALO??? Mga Sangkap: 1.5 kilo sliced Beef Shanks 2 -3 tangkay ng Tanglad o Lemon Grass 2

POK POK FRIED CHICKEN

Image
Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng dish na ito ano?   Parang ang bastos kasi ng dating.   Sa pangkaraniwang taga Manila ang dating ay prostitute.   Di ba pokpok ang tawag natin sa mga babaeng mababa ang lipad?    hehehehe. Pwede din na ang pok pok ay yung tunog ng almires habang nagdidikdik ka ng bawang o anu pa man.   Hehehehe Nakuha ko lang ang idea na ito sa isa pang paborito kong food blog ang rasamalysia.com.   mayroon siya doong fried chicken recipe na pok pok wings ang tawag.  Yes.  Chicken wings ang ginamit niya doon at ito namang sa aking ay chicken legs. Simple lang ang recipe at mga sangkap sa dish na ito ay sinubukan kong gayahin.   Okay naman ang lasa at kakaiba sa mga fried chicken na ating nakakain. POK POK FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick (hiwaan ang laman ng sagad sa buto) 1/2 cup Patis 1/2 cup White Sugar 1 head minced Garlic 1/2 cup Cornstarch 1/2 cup Flour Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwaan ang laman o

SPAGHETTI with NATIVE LONGANISA

Image
Fan ako ng food blog ni Ms. Connie Veneracion (www.casaveneracion.com).   Actually, yung food blog niya ang naging inspirasyon ko para magkaroon din ng sarili kong food blog. Marami din sa mga dish na pinost ko dito ay hango din sa food blog niya.   Nilalagyan ko na lang ng twist para kahit papaano ay may contribution din ako sa dish na iyun. Kagaya nitong pasta dish na ito na racipe ko for today.   Sa kanya ko nakuha yung idea na pwede palang gamitin yung laman ng longanisa sa mga pasta dishes.  Kaya nga nung humiling ang panganay kong anak na si Jake na gusto daw niya ng spaghetti para sa aming almusal, ito agad ang naisipan kong gawin. Tama si Ms. Connie.  Masarap nga ang kinalabasan ng spaghetti kong ito.   Bakit naman hindi?   Di ba timplado na ang longanisa lalo na yung maraming bawang?   At yung tamis na gustong-gusto ng mga bata. SPAGHETTI with NATIVE LONGANISA Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti pasta (cooked according to package direction) 300 grams Native Longan

SAUCY CANTON CON LECHON

Image
Lechon Kawali ang ulam namin nitong nakaraang araw.   Normally, pang-dalawang kainan ang dish na niluluto ko palagi para tipid sa gas na din.   Meaning, ulam na namin sa tanghali then yun din ang ulam namin sa gabi. Kaso, nagustuhan ata ng mga anak ko ang lechon kawali kaya nag-alanganin ang natira para sa dinner.   Ang solusyon ko?   Lagyan ito ng extender.   Ano ang pwede?   Naisip ko na bakit hindi ko ito lagyan ng Canton noodles at gulay para dumami pa. At ito na nga ang kinalabasan ng aming dinner that night.   Isang masarap na pancit canton na saucy at hitik sa laman na lechon kawali.   hehehehe SAUCY CANTON CON LECHON Mga Sangkap: 300 grams Lechon Kawali cut into small cubes 300 grams Canton noodles 1 pc. Knorr Pork cubes 1/2 cup Oyster Sauce 1 medium Carrot cut into strips 1/2 medium size Repolyo chopped Spring Onion chopped 1 tbsp. Cornstarch 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 2 tnsp. Canola Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto:

CRISPY PORK ADOBO

Image
Ang Internet din ang source ko ng mga dish na pino-post ko sa food blog kong ito.   Yung iba naman sa mga napapanood sa TV o kaya naman ay yung nababasa sa mga food magazines.   Kapag may nadidiskubre akong bago at kakaiba, sinusubukan ko ito para na din matikman at mai-share na din ang resulta sa blog kong ito. Kagaya nitong dish natin for today.   May nabasa ako sa isang newspaper na may isang restaurant  na ganitong luto ang ginagawa sa kanilang pork adobo.   Best seller nga ito sa kanila kaya naisipan kong gayahon din.   Yun lang, walang recipe na nakalagay (maybe trade secret nila yun) kaya naman ako na lang ang gumawa ng paraan para ma-try ko ito. Yun lang medyo matrabaho kung tutuusin ang dish na ito.   Dalawang beses mo kasi itong lulutuin.   And to think na adobo ito, I'm not sure kung sa unang luto pa lang ay maubos na ito.   hehehehe.   Ito ngang niluto ko kamuntik nang hindi matuloy dahil ilang piraso na lang na pork adobo ang natira.   hehehehe. CRISPY PORK A

CHICKEN LIVER, CHAYOTE and MIXED VEGETABLES

Image
Here's another budget friendly recipe na tiyak kong magugustuhan ng mga followers kong mahilig sa atay ng manok.   Yes.   Ang malasa at masarap na atay ng manok. Masasabing budget friendly ang dish na ito komo kahit 1/2 kilo lang ang lutuin mo at lahukan pa ng gulay ay tiyak kong sasapat sa 5 hanggang 6 na kakain.   Siguro ang total cost sa dish na ito ay aabot lang ng mga P100.   O di ba mura yun? Ang mainam pa sa dish na ito kahit sauce lang ay solve na solve ka na.  At kahit kapiraso lang ng atay ng manok na ilagay mo sa iyong kanin ay masisiyahan ka na.   Malasa kasi ang atay ng manok. May na-post na akong ganitong dish sa archive.   Yun lang wala itong itlog ng pugo.   Pag nilagyan pa kasi natin hindi na magiging budget friendly.....hehehehe.   May kamahalan kasi ang itlog ng pugo. CHICKEN, CHAYOTE and MIXED VEGETABLES Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken Liver (cut into bite size pieces) 1 large Chayote or Sayote (cut into cubes) 2 cups Mixed Vegetables (corn, carrot