Posts

Showing posts from October, 2014

ALIMANGO in OYSTER SAUCE

Image
Happy Halloween!!!!   Sigurado akong busy na busy tayo sa paghahanda para sa Undas.   Yung iba busy naman sa kung ano ang pwedeng ihanada o dalhin na pagkain sa sementeryo.   Para na rin kasi itong reunion ng pamilya.   Sama-sama tayong dumadalaw sa puntod ng ating mga mahal sa buhay. Syempre komo reunion ito ng pamilya, dapat lang na espesyal ang ating mga ihahanda.   Kaya isina-suggest ko itong Alimango in Oyster Sauce.   Sigurado ako na masisiyahan ang lahat sa ulam na ito. ALIMANGO in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos medium size Female Alimango (linising mabuti) 1/2 cup Oyster Sauce 2 cups Chicken or Pork stock 1 tsp. Cornstarch 2 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang alimango.   Mainam na ma-brush yung mga dumi o putik na naka-dikit sa shell. 2.  I-steam ito na may kaunting asin hangga

CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT

Image
Nabanggit ko sa hotdog dish na post ko na nagiging boring na sa ating mga anak ang mga pang-ulam na inihahanda natin sa ating mga anak.   Kaya naisipan kong gawan ito ng twist para maiba naman at hindi maging boring sa paningin ng mga kakain. Ganun din ang ginawa ko sa luncheon meat na ito.   Sa halip na i-prito ko lang, ginawa ko itong torta.   Sinamahan ko din ng grated cheese para mas lalong maging katakam-takam.   Ang mainam pa nito pwede din itong ipalaman sa tinapay.   Tiyak ko na magugustuhan din ito ng inyong mga anak gaya ng pagkagusto ng mga anak ko.   Try po ninyo. CHEESEY TORTANG LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 1 can (350 grams) Maling Luncheon Meat (cut into small cubes) 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 1 large White Onion (sliced) 5 cloves MInced Garlic 1 cup grated Cheese Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika. 2.   Sunod na ilagay agad ang

KINALABASANG MANOK sa GATA

Image
Napapanahon ang dish natin for today.   Kinalabasang Manok sa Gata.   Hehehehe.   Napapapanahon kasi di ba uso ngayong panahon ng undas ang kalabasa?   Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng gulay na ito, pero marami nito sa mga pamilihan at murang-mura lang ha. May nagbigay sa amin nito ngang kalabasa nitong huling uwi namin sa Batangas.   Yung iba ginawa kong Kalabasa Plan at yung natira ay ito ngang inihalo ko sa Manok na may gata. Masarap ang dish na ito.   Nag-be-blend kasi yung lasa ng kalabasa na medyo manamisnamis at yung pagka-creamy ng gata.   Kung baga, kalabasa pa lang at yung gata ay winner na.   At para lalo pa itong sumarap, nilagyan ko pa ito ng evaporated milk.   Yummy to the max.   Kailangan ng marami pang kanin.   Hehehehehe. KINALABASANG MANOK sa GATA Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 can Coconut Cream 1 cup Evaported Milk 500 grams Kalabasa (cut into cubes) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 cloves MInced Garlic 1 larg

HOTDOGS with PINEAPPLE CATSUP SAUCE

Image
Ang almusal ang pinakamahirap para sa aking i-prepare.   I-prepare yung mag-iisip ka kung ano ang ihahanda.   Yung pagluluto ofcourse madali lang yun.   Ang hirap kasing mag-isip ng putahe na pang-almusal.   Minsan nga nagluto ako ng sisig sa breakfast, nagtanong pa ang mga anak ko kung yun daw ba ang ulam namin.  Hehehehe. Also, napapansin ko na nagsasawa na din ang mga anak ko sa mga pang-almusal naming ulam.   Papaano ba naman, umiikot lang ito sa corned beef, hotdogs, canned tuna, tinapa, itlog, tuyo, etc. Kaya naisipan ko na lagyan ng twist ang mga ito para din naman maging boring sa paningin ng aking mga anak.   Kagaya nitong hotdog na ito,  ginaya ko yung nasa commercial ng UFC catsup kung saan nag-gisa ng sibuyas..inihalo ang hotdog at nilagyan ng banana catsup.   Bago sa paningin ng bata di ba.   At para mas sumarap pa ito, nilagyan ko ng pineapple tidbits na natira naman nung nagluto ako ng everlasting. Masarap ito.   Pwede pang-ulam sa kanin, sa tinapay o kahit ihal

EVERLASTING ng MARIKINA ala DENNIS

Image
Kung may Meatloaf ang mga taga Amerika, Hardinera naman ang mga taga Quezon, Embotido ang mga taga Bulacan, may Everlasting naman ang mga taga Marikina. Yes, ang dish na ito ay maihahalintulad sa mga dish na nabanggit ko sa taas.   Ang halos magkatulad sa mga ito ay ang hardinera.   Yun lang ang hardinera kasi ay medyo malalaki ang hiwa ng karne.   Samantalang sa everlasting giniling na baboy ang ginagamit. Sa mga fiesta at importanteng okasyon lang tayo makakakita nito.   Nakakatakam itong tingnan dahil sa dekorasyon o adorno na inilalalagay dito.  Nasa sa inyo na lang kung papaano nyo pagagandahin ang adorno na ilalagay nyo. EVERLASTING ng MARIKINA ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Lean Ground Pork 1 can Maling Luncheon Meat (cut into small cubes) 2 pcs. Chorizo de Bilbao (cut into small cubes) 1/2 bar Grated Cheese 1 cup Raisins 1 cup Diced Carrots 1 cup Green Peas 2 cups Pineapple Tidbits (1 cup for decor)  2 pcs. Large Red Bell Pepper (cut into small cubes) 1 pc.

CREAMY PORKCHOPS BISTEK

Image
Thank God it's Friday!!!!   Kaya dapat lang na espesyal ang pagkaing ating ihahanda para sa ating mga mahal sa buhay.   Ako naman ay ganun talaga.   Sinisikap ko na espesyal ang mga niluluto kapag weekend.   Una, nasa bahay lang ang mga bata at nagkaka-sabay-sabay kaming kumain. Kagaya nitong dish natin for today.   Simpleng Bistek na Porkchops lang ito.  Pero nung nilagyan ko ng twist, naging espesyal ito at mas masarp talaga.   Di ba naman?   Pict pa lang ang nakakagana nang kumain.   Hehehehe.  Try nyo din po. CREAMY PORKCHOPS BISTEK Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops  (thick slices) 10 pcs. Calamansi 1 cup Soy Sauce 1 head minced Garlic 2 pcs. Large Red Onion (cut into rings) 1 tetra brick Alaska Crema 1 tsp. Fresh crack Black Pepper 1 tsp. Brown Sugar Salt to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng porkchops. 2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang sibuyas hanggang maluto ng bahagy

CHICKEN INASAL using CLARA OLE Marinade Mix

Image
May mga time na gumagamit din ako ng shortcut sa pagluluto.   Sa kagaya ko na may 8 hour na trabaho, madalas kinakapos talaga ako ng oras lalo na sa umaga sa paghahanda ng pagkain para sa aking pamilya. At salamat sa mga ready mix sauces and marinades na nabibili sa market ngayon.   Sa pamamagitan nito napapadali ang pagluluto natin ng mga paborito nating putahe.  Ofcourse, wala pa ding tatalo sa manu-manong paghahanda nito. Kagaya nitong chicken inasal na niluto ko nitong nakaraang araw.   Nakita ko kasi itong Clara Ole Inasal marinade mix sa supermarket nitong huli kong pag-go-grocery.   Na-try ko na ang ibang brand pero gustong subukan itong brand naman na ito. Okay naman ang resulta.   Masarap at malasa ang kinalabasan.   Pinahiran ko pa kasi ng Star Margarine ang manok habang niluluto ko ito sa turbo broiler.   Try nyo din po. CHICKEN INASAL using CLARA OLE Marinade Mix Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into half) 1 tetra pack (225grams) Clara Ole Inasal Marinade

MY DAILY ROUTINE - Share ko lang

Image
Maraming nag-e-email sa aking at nagtatanong kung chef daw ba ako.   Ang sagot ko naman ay hindi.  Hindi naman talaga.   IT professional po ako.   Ito po ang work ko for the past 25 years.   Nahilig lang po talaga ako sa pagluluto kaya naisipan ko na din na gumawa nitong food blog. Gusto ko na rin pong i-share sa inyo ang aking daily routine kung papaano ko napapagsabay-sabay ang aking trabaho at ang pagpo-food blog. 4:00am ay gumigising na po ako.   Ako po kasi ang nagpe-prepare ng almusal at babaunin ng aking tatlong anak papasok sa kanilang paaralan.   Dapat by 5:00am ay nakaluto na ako para gisingin naman sila at makapaghanda na.   Dapat kasi by 6:00am ay naka-alis na sila sa bahay at naghihintay na ang kanilang mga service. Bukod sa breakfast at baon na aking niluluto, niluluto ko na din ang ulam para sa dinner para hindi ako gahol sa oras dahil mga 7:15pm na din ako nakakadating sa bahay.   Pati pala snacks ay ipinababaon ko na din sa kanila. By 6:30 naman ay naghahanda

CREAMY GINATANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA

Image
May mga post na din ako nitong Ginataang Alimango sa archive.   Kaya lang di ko talaga matiis na di ko ito ma-post.  Itong yung niluto ko dun sa espesyal na tanghalian na pinahanda sa akin ng hipag kong si Lita. Last minute ang desisyon na magluto ng ganito.   Dapat yung with sweet chili garlic sauce lang ang gagawing luto pero humiling ang host na gusto daw niya nung may gata at kalabasa.   At yun ang ang ginawa ko.  Niluto ko ang 3 kilos na alimango in two ways. At for extra twist sa ginataang alimango na ito, nilagyan ko pa ng all purpose cream for extra creaminess ng sauce.   At tunay ka, napakasarap ng dish na ito. CREAMY GINATANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 2 kilos medium size Alimango (steamed and cut into half) Kakang Gata mula sa isang Niyog 1 tetra brick Alaska Crema 500 grams Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 1 inch long) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head minced Garlic 1 large Onion (sliced) Cooking Oil Salt and pepper to

KALABASA FLAN

Image
May dala kaming buong kalabasa nitong huling uwi namin galing Batangas 2 weeks ago at nito lang nakaraang araw ito namin napansin.   Napa-isip tuloy ako kung anong luto ang pwede kong gawin dito. May nakita pa akong 1 sachet ng Mr. Gulaman at naisip ko agad na bakit di ko gawing dessert ito tutal naman laging naghahanap ng dessert ang aking mga anak. Simpleng-simple lang kung paano gawin ang dessert na ito bukod pa sa kaunti lang ang mga sangkap na gagamitin. Also, napansin nyo ba ang hulmahan na aking ginamit?   Lalagyan lang yan o packaging ng moon cake na bigay sa amin.  O di ba naging kapakipakinabang pa ang dapat sana ay patapon na?   Hehehehe. Try nyo din po. KALABASA FLAN Mga Sangkap: 500 grams Kalabasa (balatan, alisin ang buto then cut into small cubes) 1 tetra brick Alaska Crema 1 sachet Mr. Gulaman (yellow) 1 small can Alaska Evap 1 tbsp. Vanilla Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang kalabasa sa 4 na tasang tubig han

BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY

Image
Ang weekend ay sinisikap kong espesyal para sa aking pamilya lalo na sa mga pagkaing kanilang kakainin.   Siguro kayo ay ganun din.   Yung iba siguro ay kumakain pa sa labas o sa mga paborito nyong restaurant.   Ako mas gusto kong ipinagluluto sila.   Hindi sa nagtitipid pero gusto ko lang ipadama sa kanila ang pagmamahal sa pamamagitan ng aking mga niluluto. At ang dish na ito na handog ko sa inyo sa araw na ito ay isa sa mga sinasabi kong espesyal na dish para sa aking mga mahal.   Bulalo Steak with Creamy Mushroom Gravy. Mukhang kumplikado ang pangalan ng dish pero sa totoo lang ay napakadali lang nitong gawin.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin.   Simple din lang kasi ang mga sangkap. So para sa week end na ito, bakit di natin subukan na ihanda ito para sa mga mahal natin. BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Beef Shank 1 can Sliced Mushroom 1 tetra brick Alaska Crema 2 heads Minced Garlic 1 large Onion (q

SHRIMP in SWEET LEMON-BUTTER SAUCE

Image
Ito ang isa pang luto na ginawa ko sa hipon sa nakaraang espesyal na pananghalian na ipinahanda ng hipag kong si Lita.   Shrimp in Sweet Lemon-Butter Sauce. Simple lang ang luto na ito.   Ang masarap sa luto na ito ay yung blend ng flavor ng lemon at yung linamnam ng butter.   Importante din dito yung pag-marinade sa hipon a night before lutuin. SHRIMP in SWEET LEMON-BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos medium to large size Shrimp 1 pc. Lemon (kuhanin ang lemon zest) 1 can Sprite 1/4 bar Anchor Butter 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang hipon sa Sprite, katas ng lemon at kaunting asin.   Hayaan ito ng overnight. 2.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter. 3.   Ilagay ang minarinade na hipon kasama ang pinagbabaran dito. 4.  Ilagay na din ang brown sugar at ang lemon zest.  Halu-haluin saka takpan. 5.  

CAMARON REBOSADO

Image
Dalawang putahe ang ipinagawang luto ng hipag kong si Lita sa apat na kilong hipon na kanyang ipinabili.   Ang unang putahe ay yung may sauce at ang pangalawa naman ay itog ngang Camaron Rebosado. Ang Camaron Rebosado ay ang Pinoy o Spanish version ng Ebi Tempura ng mga Hapon.   Ang pagkakaiba lang nito ay ang sauce na ginagamit na sawsawan. May nagawa na din akong ganito sa archive.   Pero ang maibabahagi ko sa inyo sa version kong ito ay yung kung papaano hindi magke-curl yung katawan ng hipon habang piniprito.   Simple lang naman.   Ang dapat lang gawin ay hiwaan ng kaunti sa tiyan na bahagi ng binalatang hipon. Also, ang batter na ginamit ko dito ay yun ding batter na ginamit ko sa calamares.  CAMARON REBOSADO Mga Sangkap: 2 kilos medium to large size Shrimp (Alisin ang ulo..balatan at hiwaan sa bandang tiyan) 8 pcs. Calamansi 2 cups All Purpose Flour 1 cup Cornstarch 3 pcs. Fresh Eggs Cold Water 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil

CALAMARES

Image
Ito ang isa sa lasty minute na dish na ipinadagdag ng hipag kong si Lita sa espesyal na tanghalian na kanyang ipinahanda.   Calamares o Crispy Squid Rings. Dalawang klase ng pusit ang ginamit ko dito.   Una ay yung squid rings na available sa frozen section ng mga supermarket at yung pangalawa naman ay yung fresh pusit na nabili ko sa Farmers market.  Yung pinaka-katawan lang ang ginamit ko dito.   Yung ulo at parte ng buntot ay hiniwa ko ng maliliit at ginawa ko namang pang-sahog sa pancit Malabon na akin ding niluto. Masarap ang calamares na ito.   Masarap itong pang-ulam, appetizer o pampulutan man.   Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang at asin o kaya naman ay sa thousand island dressings. CALAMARES Mga Sangkap: 2 kilos large size Squid o Pusit 2 cups All Purpose Flour 1 cup Cornstarch 3 pcs. Fresh Eggs Cold Water 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang pusit.   Alisin an

BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE

Image
Ito ang nag-iisang meat dish na niluto ko sa nakaraang espesyal na tanghalian na ipinahanda ng hipag kong si Lita.   Baby Back Ribs in Barbeque sauce. Madali lang naman gawin ang dish na ito.   Ang importante lang dito ay yung quality ng barbeque sauce na gagamitin.    In this version, A1 Barbeque sauce ang aking ginamit.   Masarap ito dahil may smokey taste talaga.   Pwede din naman yung ordinaryong barbeque sauce kagaya ng sa Del MOnte.   Masarap din naman ang kakalabasan. Try nyo din po. BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 2.5 kilos Baby Back Ribs 1 cup Barbeque Sauce (A1 ang ginamit ko) 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 1 tsp. Freshly Crack Black Pepper 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isabng kaserola, pakuluan ang baby back ribs sa barbeque sauce, soy sauce, bawang, asin at dinurog na paminta hanggang sa lumambot. 2.   Kung malambot na i-roast naman sa turbo broiler o sa oven hanggang sa medy

PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup

Image
Sa nakaraang espesyal na tanghalian pinahanda ng hipag kong si Lita, bukod sa mga pagkaing hiniling niya na lutuin ko, gumawa din ako ng soup na siyang ipinanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge nitong mga nakaraang buwan.   Naisip ko rin na gumawa nito para naman kako may sabaw din dahil puro dry at ma-sauce ang mga ulam. Para mas maging espesyal talaga ang panaghaliang yun, sa halip na ordinaryong kalabasa ang gamitin, butternut squash ang ginamit ko.   Sobrang mahal nito kumpara sa ordinaryong kalabasa.   Sa totoo lang, hindi ako sure kung ano ang lasa nito.   Basta ang alam ko lang base sa mga nabasa ko sa internet na masarap ito talaga sa soup. At tunay nga, masarap at nagustuhan ng mga kumain ang winning soup ko na ito.   Panalo!!! PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup Mga Sangkap: 750 grams Butternut Squash o Ordinaryong Kalabasa (cut into cubes) 1 can Coconut Milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 liter Chicken Stock or 4 pcs. Chicken Cubes + 1/2 liter na

CRABS in SWEET CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Ito ang dalawang Alimango dish na niluto ko sa espesyal na tanghalian na pinahanda ng hipag kong si Lita.   Crabs in Sweet Chili-Garlic Sauce at Alimango sa Gata na may Sitaw at Kalabasa. Ang original na plano ko ay yung may chili-garlic sauce lang pero sa kahilingan ng host ay gusto daw niya yung may gata kaya naging in two ways ang alimango na ito.  Okay lang naman dahil talaga namang masarap pareho ang luto na ito. Ang ginawa ko pala dito ay pinasingawan (steam) ko muna ang mga alimango saka ko niluto sa sauce.    Sa pamamagitan nito maiiwasan na lumabas ang taba ng alimango habang niluluto. Wala akong tulak kabigin sa 2 crab dish na ito dahil parehong masarap.   Hehehehe CRABS in SWEET CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Alimango (Mas mainam kung babae o bakla) 2 tbsp. Lee Kum Kee Chili-Garlic Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 tbsp. Brown Sugar 1 tbsp. Cornstarch 2 tbsp. Cooking

PANCIT MALABON ala DENNIS

Image
Siguro maitatanong ninyo, ano ba ang pagkakaiba ng Pancit Malabon sa Pancit Palabok at Pancit Luglog.   Halo pareho lang naman kasi ang mga ito.   Ang pagkakaiba lang ang ang mga sahog na inilalalagay at ang noodles na ginagamit. Sa Pancit Malabon, komo malapit ito sa dagat at sagana sa mga lamang dagat, marami sa mga toppings o sahog na ginagamit dito ay mga seafoods kagaya ng hipon at pusit.   Pero kagaya nga ng nasabi ko halos pareho lang ito ng palabok at luglog.   For me, pare-pareho silang masasarap.   Hehehehe. PANCIT MALABON ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Thick Noodles (Pang-palabok) 500 grams Pork Liempo 300 grams large size Shrimp (alisin ang ulo)  300 grams Squid or Pusit (alisin yung tinta at i-cut into rings) 1 pc. large Tinapang Bangus  (himayin ang laman) Chicharong Baboy (durugin) Pechay Baguio (hiwain sa nais na laki) Kinchay (chopped) 2 heads Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Patis to taste Achuete Seeds 4 pcs. Shrimp cubes 3 tbsp. Cooking

ISANG ESPESYAL NA TANGHALIAN

Image
Dumating mula sa ibang bansa ang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Lita para sa babang luksa ng kanyang asawang si Kuya Robert na Ninong din namin sa kasal. Bago pa siya nakauwi ay napagusapan na namin sa FB na magkakaroon daw kami ng espesyal na tanghalian ako ako ang magluluto ng mga ulam.   Para daw yun sa babang luksa sa kayang asawa at pasasalamat na din sa mga biyayang patuloy niyang tinatanggap.  Ito ang ang pagkaing aking niluto:   Alimango o Crabs in two way, may kasamang kalabasa at sitaw sa gata at in sweet chili-garlic sauce.   Ang hipon ay in two way din.   Isang in Spritey Lemon Sauce at ang isa naman ay camaron rebosado.   Nagluto din ako ng Pancit Malabon, Calamares, at Baby back Ribs.  Nagluto din ako ng Pumpkin soup na ipinanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge.   May inihaw na isda din na dala naman ng aking bayaw na si Cielito.  Wala namang ibang bisita kundi kaming pamilya lang.   Syempre nandun ang aking biyenan na si Inay Elo. Nakakatuwa dahil

DINAMITA (Chili and Cheese Spring Roll)

Image
Noon ko pa gustong gumawa nito.   Kaso lang, hindi ako maka-tyempo ng magandang siling pang-sigang na gagamitin.   Maganda kasi yung medyo mahaba at diretso ang hugis.  Pero eto na nga at nagawa ko rin ito nitong nakaraang araw. Masarap itong appetizer o pulutan man.   Basta tandaan lang natin na matanggal yung buto ng sili at yung puting part na kinakapitan ng buto.   Yun kasi ang nagbibigay ng matinding anghang sa sili. Try nyo po...para talaga siyang dinamita na sasabog sa inyong bibig.   hehehehehe DINAMITA (Chili and Cheese Spring Roll) Mga Sangkap: Siling Pang-sigang Cheese (cut into sticks) Lumpia Wrapper Egg White Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang bawat piraso ng sili.   Hiwaan ng pahaba at alisin ang buto at ang puting bahagi na kinakapitan ng buto. 2.   Lagyan ang bawat piraso ng sili ng hiniwang keso.    3.   Balutin ng lumpia wrapper at lagyan ng egg white ang gilid para masara ang dulo. 4.   I-prito ito sa lubog sa mantika

CHOPSUEY con LECHON KAWALI

Image
Nitong isang araw nagluto ako ng mga 1.5 kilos siguro na liempo at ginawa ko itong lechon kawali.   Niluto ko na lang ito sa turbo broiler para hindi hazzle sa pagpi-prito.   5 lang kami sa bahay kaya naman may natira pa na siguro good for 3 person.   Alanganin na o di na kakasya ito sa 5 kaya ang ginawa ko inilahok ko na lang ito sa gulay o ginawa kong chopsuey. Okay naman ang kinalabasan at nag-enjoy ang mga bata sa kanilang ulam. CHOPSUEY con LECHON KAWALI Mga Sangkap: 500 grams Lechon Kawali (cut into cubes) 1 cup Pork Stock or 1 Pork Cubes dissolved in 1 cup water 3 tbsp. Oyster Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) Carrots Baguio beans Cauliflower Red Bell Pepper Chayote Celery Pechay Baguio 2 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. 2.   Sunod na ilagay ang mga gulay na matagal maluto kagaya ng Baguio Beans, ca

CRISPY ISAW

Image
Nitong nakaraang pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy at naisip kong magluto nitong Crispy Isaw. Masarap itong pampulutan o kahit appetizer man at kahit pang-ulam ay pwede din ito.   Masarap itong isawsaw sa suka na may sili at bawang.   Yun lang swertihan din ang pagbili ng sariwang isaw sa palengke.   May mga isaw kasi na medyo mapait ang lasa.   Pero kung sabagay, nawawala na din yung pait kung isasawsaw mo na ito sa suka at kung ito ay crispy na. So sa mga humihiling na mag-post ako ng mga dish na pang-pulutan, para sa inyo ang post kong ito. CRISPY ISAW Mga Sangkap: 1 kilo Isaw ng Baboy 1 tbsp. Rock Salt 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Ground Black Pepper Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa mantika.   Lagyan ng tubig at pakuluan sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ito. 2.   Hanguin sa pinaglagaan at palamigin.   Kung malamig na,